Monday, November 29, 2010

November 29, 2010

‘Sampung bulig’ pa rin ‘yan!
Rey Marfil

Napakasimple ang sagot sa tanong kung bakit dapat mapailalim sa Office of the President (OP) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) -- itinuwid lamang ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino ang ‘bali-balikong daan’ na minana sa nagdaang administrasyon, katulad ng ipinangako ng nakaraang eleksyon, as in legal ang pagkakalipat ng ahensya at alinsunod sa batas na lumikha nito.
Sa nagdaang taon, simula nang itatag ang PCSO noong 1954 -- ito’y nasa ilalim ng Office of the President (OP) at namumukod-tanging administrasyon lamang ni Mrs. Gloria Arroyo ang naglipat ng PCSO sa Department of Health (DOH) matapos makaladkad sa eskandalo, malinaw ang Jose Pidal expose ni Senator Ping Lacson noong 2003 kung saan sinasabing ginamit ang pondo noong 2001 elections subalit mariing pinabulaanan ng First Family ito.
Sa mga nagugulumihanan at napapakamot ng ulo sa kaiisip kung anong mandato ang pinanghahawakan ng PCSO -- dalawa (2) ang trabahong nakaatang sa balikat ng ahensya -- ang lumikom ng pondo at maglaan ng pondo para sa serbisyong panlipunan at kawanggawa. Ang paglaan ng pondo -- ito’y naaayon sa sampung (10) Republic Act (RA) at apat (4) pang executive order (EO) kaya’t tigilan ang pang-iintrigang konektado ito sa pag laki ng mapapanalunan sa lotto.
Kung kanino napupunta ang pondong nalikom ng PCSO -- ito’y paghahatian ng mga sumusunod: Philippine Sports Commission (PSC), Commission on Hig her Education (CHED), National Shelter Program (NSP), Shared Government Information System on Migration (SGISM) na nasa ilalim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang charitable institutions, mapa-pri bado o gobyerno.
***
Napag-usapan ang mga pang-iintriga kay PNoy, sa halip batikusin at pagdudahan ang ‘extra bonus’, bakit hindi ipagpasalamat ang P10 libong Productivity Enhancement Incentive na ipinagkaloob ni PNoy -- ito’y malaking tulong sa isang government worker ngayong Pasko lalo pa’t sangkaterba ang nakapilang inaanak sa pinto. Subukang maglakad sa kalye buong maghapon, ewan ko lang kung makakapulot ng kahit pambili ng watusi sa kanto?
Kung tutuusin, mas mataas ng P3 libo ang “extra bonus” na ibinigay ni PNoy kumpara sa nagdaang administrasyon, malinaw ang ebidensyang gumaganda ang ekonomiya sa nagdaang anim (6) na buwan at may pinatu nguhan ang pagtitipid ng Palasyo. Take note: hiwalay sa Christmas bonus at 13th month pay na regular tinatanggap ng state employees ang P10 libo kaya’t walang rason upang pagtaguan ang mga nagka-caroling at namamasko.
Sa kaalaman ng publiko, lahat ng government wor kers ang makikinabang sa P10 libong ‘extra bonus’, malinaw ang Administrative Order No. 3 na nilagdaan ni PNoy ng nakaraang Nobyembre 25 -- sakop ang exe cutive branch, government-owned and controlled corporations (GOCCs) at government financial institutions (GFIs), mapa-permanente, temporary, casual o contractual status, maliban sa bagong pasok ngayong Disyembre 1.
Sa nagtatanong kung saan kinuha ang ‘extra bonus’ -- nakapaloob sa 2010 budget savings ng national go vernment agencies ang productivity bonus, katumbas ang P7 libo kada empleyado. Kaya’t nakabuti ang pagtitipid ni PNoy, aba’y kung hindi pinaghigpitan ang sinturon sa lahat ng ahensya at departamento, nakapako sa P7 libo ang productivity bonus ng mga empleyado at malamang puro ‘ChocNut’ ang ibabalot. Pagbabaliktarin man ang sitwasyon at ikumpara si PNoy sa nagdaang administrasyon, mataas pa rin ang ‘sampung bulig’ kesa pitong libo. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, November 26, 2010

Nov 26, 2010

Good news naman!
Rey Marfil

Sa bisa ng Executive Order No. 13, nilusaw ni Pa ngulong Noynoy “PNoy” Aquino ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) at inilipat ang hurisdiksyon sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs (ODESLA) habang ibinalik sa Office of the President (OP) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nasa kontrol ng Department of Health (DOH) -- ito’y bahagi sa simulaing sugpuin ang katiwalian sa gobyerno na naging institusyon sa mahabang panahon.
Sa pagkakabuwag ng PAGC, nangahulugang nakatipid ng P4.075 milyon ang gobyerno lalo pa’t me ron sariling tauhan ang legal affairs office na nasa ilalim ng opisina ni Executive Secretary Jojo Ochoa. Ang Investigative and Adjudicatory Division ang ha hawak ngayon sa dating trabaho ng PAGC. Kaya’t magiging busy si Assistant Executive Secretary for Legal Affairs Ronaldo Geron bilang officer-in-charge ng ODESLA.
Hindi lamang PAGC ang pinabuwag ni PNoy, as in ‘zero budget’ sa 2011 dahil nauulit lamang ang trabaho -- kabilang ang Mindanao Development Council (MDC), Office of the North Luzon Quadrangle A rea (ONLQA), Office of External Affairs (OEA), Mi nerals Development Council (MDC), Presidential Anti-Smuggling Group (PASG). Luzon Urban Beltway Super Region (LUBSR), Bicol River Basin Watershed Management Project (BRBWMP), at Office of the Presidential Adviser on New Government Centers (OPANGC).
***
Isa pang magandang balita, ipinangako ng Singapore Telecommunications Ltd. (SingTel) at kasos yong Globe Telecom ang pagsuporta sa information and communication sector upang lalo pang umunlad ang business process outsourcing (BPO) industry ng Pilipinas -- ito’y tiniyak ni Chua Sock Koong, Group CEO, kay PNoy sa isang courtesy call sa Premier Guest House.
Kasama ni Mr. Chua na nag-courtesy call kay PNoy ng nakaraang Miyerkules sina Paul Sullivan, Chief Exe cutive ng Sing Tel Optus Mobile; Hui Weng Cheong, CEO International (Designate); Jeann Low, Group Financial Officer; Koh Kah Sek, Group Treasurer ng Singapore Telecommunications Ltd.; Jaime Augusto Zobel de Ayala, Chairman/CEO ng Ayala Corp. at Ayala Subsidiary, Globe Telecom Inc., at President/CEO Ernest Cu.
Ang pangako ni Chua kay PNoy -- ipagpapatuloy ng Sing Tel ang kanilang negosyo sa Pilipinas, patunay ang paggamit ng Long Term Evolution (LTE) broadband technology para lalo pang mapabilis at malakas ang kapasidad ng cellular phone. Take note: mahigit dalawang (2) bilyon katao sa Asya at Aprika ang nasasakop ng Sing Tel -- ito’y naglilingkod sa tatlumpu’t-anim (36) na milyong mobile customers sa dalawampu’t-limang (25) bansa. Maliban sa Globe, kasosyo ng Sing Tel ang Optus ng Australia; Advanced Infor Service (AIS) ng Thailand; Bhrti Airtel ng India at PT Telekomunikasi Selular (Telkomsel) ng Indonesia.
Kilalang lider ng BPO ang Pilipinas kaya’t namuhunan ng malaki ang Globe Telecommunications upang tugunan ang telecommunications system ng mga higanteng BPO sa iba-ibang economic zones, mapa-local o connectivity sa iba’t ibang panig ng mundo. Halos 90 porsiyento ng populasyon sa Pilipinas -- ito’y gumagamit ng mobile phones. At kung hindi nagkakamali ang mga kurimaw, namuhunan ng $90 mil yon ang Globe sa undersea cable systems (TGB-1A) at $60 milyon sa cable landing stations. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 24, 2010

november 24, 2010

‘Di nagpasindak sa Kuliglig Boys!
Rey Marfil

Seryoso si Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino na tuldukan ang insureksyon at hidwaan sa pagitan ng komunistang grupo, malinaw ang pagbuo ng government peace panel upang makamtan ang tunay na kapayapaan sa bansa at mahadlangan ang pamumundok.
Tatlong (3) persona lidad mula sa iba’t ibang sektor ang itinalaga at pinanumpa ni PNoy sa Ceremonial Hall nu’ng nakaraang Lunes bilang miyembro ng bagong go­vernment peace panel -- sina Atty. Ale xander Padilla; Atty. Pablito Sanidad at Ednar Dayanghirang.
Si Padilla ang tatayong chief negotiator -- ito’y gra duate ng University of the Philippines (UP), humawak ng iba’t ibang human rights case noong Martial Law regime, nagsilbing senior state prose cutor ng Department of Justice (DOJ) at huling naupong Undersecretary (Usec) ng Department of Health (DOH).
Habang si Sanidad, kilalang gender and labor rights lawyer at people’s rights advocate si Da yanghirang kaya’t itinutu ring ni Presidential Peace Adviser Teresita Quinto-Deles na magandang sen yales ang appointment ng tatlo (3) bilang panimula sa pagbubukas ng pani bagong usapang pangkapayapaan. Nawa’y mahanapan ng solusyon ang armed conflict sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupo. Higit sa lahat, magkakaroon ng political settlement sa loob ng dala wang (2) taon.
***
Napag-usapan ang peace talks, hindi kaila ngan pang humarap sa long-table si Manila Mayor Alfredo Lim upang resolbahin ang naglipanang ‘kuliglig’ sa iba’t ibang sulok ng Maynila, mapa-nati onal road o kaliit-liitang eskinita. Animo’y kabuteng nagsulputan kahit hindi rainy season. Kung pwede nga lang madaa nan ang estero -- sa mala mang sin alaksakan pa rin ng bisikleta ito. Ang nakakabuwisit sa lahat -- ang lakas pa ng loob mag-counter-flow sa main road at matapang pa ang dri ver kapag nakasagi ng kotse at tao, animo’y nagbaba yad ng car registration (CR) fee kada taon.
Kaya’t saludo ang mga kurimaw kay Mayor Lim -- ito’y hindi nagpasindak sa magiging resbak sa “Tropang Kulig lig” kahit pa mabawasan ng botante at supporters, aba’y epektibo Disyembre 1, wawalisin sa Maynila ang lahat ng motorized pedicabs para makabawas-aksidente at trapiko. Kundi ba naman saksakan ng engot ang mga ‘Kuliglig Boys’, gusto pa lang hindi pinagpapawisan sa pamamasada, dapat motorsiklo ang binili, hindi padyak.
Kahit pagbabaliktarin ang sitwasyon, maging globe map na ibinibenta sa lahat ng bookstore, pedicab pa rin ang suma-tutal ng bisikletang kinabitan ng motor --ito’y hindi maaa ring bigyan ng lisensya, katulad ng lehitimong motorsiklo. At napakalaking kalokohan kung palulusutin ng Land Transportation Office (LTO), maliban kung tinatanggap nang gate pass sa mga sabungan ang itik at pabo o kaya’y puwede nang ipangsabong ang itik sa manok? At sira lang ang tuktok ng pupusta sa itik at pabo!
Napaka-simpleng intindihin ang executive order ni Mayor Lim -- tumatakbo lamang ang mga kuliglig, alinsunod sa temporary permits na ipinagkaloob at walang ordinansang nagbibigay-karapatang mag-operate ang mga ito. Take note: kahit anong government transport regula ting agency, hindi papasok ang kategoryang kuliglig para maiparehistro. At lalong hindi maisasailalim sa gas emissions test, as in bagsak sa Clean Air Act o Republic Act No. 8749 ang mga naglipanang kuliglig sa ilalim ng LRT station. Kaya’t saludo ang mga kurimaw kay Mayor Lim sa labang ito. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, November 22, 2010

Standing ovation!

Standing ovation!
Rey Marfil

Sa grand alumni homecoming ng University of the Phi lippines (UP) Law ng nakaraang Biyernes ng gabi sa Shangri-La Hotel, Makati City, ‘matalim’ ang nilalaman ng talumpati ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino laban sa ilang mahis­trado ng Korte Suprema -- isang nakakatawag-pansing eksena ang standing ovation sa hanay ng mga abogado matapos ‘pitikin’ ang pangongopya ng resolusyon.
Hindi lang iyan, makailang-beses natigil sa pagsasalita si PNoy at dumadagundong ang palakpakan sa 2nd floor ng Makati Shangri-La Hotel, animo’y isang malaking palabas sa teatro. Take note: halos tumagal ng 30-minuto ang 9-pahinang speech ni PNoy -- ito’y double space, naka-bold letters at 16 Arial font, alinsunod sa hard copy na ibinigay ng Radio-Television MalacaƱang (RTVM) sa MalacaƱang Press Corps (MPC).
Pinangasiwaan ng UP College of Law Silver Jubilarian Class of 1985 ang 2010 UP Law Grand Alumni Homeco ming at nag-uumapaw ang function room sa dami ng mga kilalang pulitikong nagsidalo, mapa-congressman o senador, as in “all-star cast”. Isa sa pinakamalakas pumalakpak -- si Senador Frank Drilon, chairman ng Senate committee on finance, matapos inanunsyo ni PNoy ang P100 milyong fa­culty development fund sa UP Law -- ito’y upang lalo pang paigtingin ang pagbabantay sa mga tiwali at kurakot. Tandaan: naging instrumento ang UP Law Center kaya’t napigilan ang maanomalyang $500 milyon Northrail project noong 2005.
Hindi matatawaran ang UP College of Law -- apat (4) na alumni ang naging Pangulo ng Pilipinas, isang dosena (12) ang naupong Chief Justice ng Supreme Court (SC) at marami ang nalikhang de-kalibreng kongresista at senador, katulad nina Se nate President Juan Ponce Enrile, Senator’s Miriam Santiago, Francis Pangilinan, Joker Arroyo at Chiz Escudero. Ang ama ni PNoy -- si dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. -- ito’y produkto ng UP College of Law, hindi nga lang nakapagtapos.
***
Napag-usapan ang alumni homecoming, hindi lamang si PNoy ang nagtataka kung nasaan nagpuntahan ang mga abogado, katulad din sa naunang tanong ng Pangulo sa sarili nang dumalo sa reunion ng San Beda Law. Mismong si PNoy, napansin ang dumaraming pamilyang naghihintay ng hustisya, at inabuso subalit hindi masampahan ng kaukulang kaso o kaya’y nakabin bin ang kaso sa iba’t ibang korte at ilang dekadang natutulog.
Bagama’t dinaan sa biro ang paglalarawan sa iba’t ibang porma ng mga abogado, katulad ang ‘bihis-abogado’, ‘gupit-abogado’, ‘amoy-abogado’, ‘galaw-abogado’, ‘pormang-abogado’, nawa’y magbukas sa isipan ng mga abogado ang buod ng talumpati ni PNoy -- ang panawagang “maalala palagi kung paano maging abogado” at panindigan ang trabaho bilang tagapagtanggol ng katwiran at katotohanan, hindi sa anumang laki at liit ng sahod o kaya’y gara ng damit at sasakyan nito.
Sa kabuuan, matalas ang speech ni PNoy, animo’y niresbakan ang Supreme Court sa isyu ng pangongopya ng resolusyon -- ito’y harapang nakiisa sa laban ng UP College of Law, gamit ang litanyang ‘hindi dapat magsinungaling, hindi dapat mangopya at hindi dapat magnakaw o gumamit ng mga pagsusuring walang pahintulot o wastong pagkilala sa may-akda nito’. Ang resulta: binigyan ng standing ovation si PNoy at ilang minutong pinalakpakan.
Mas tumindi ang hiyawan nang maglitanya si PNoy -- “hindi rin dapat sinisindak o tinatakot ng mga nakatataas ang mga taong nais lamang na ipahayag nang malaya ang kanilang opinyon at ilantad ang katotohanan. Ang mga patakaran na nariyan na noon pang panahon ni Mahoma ay hindi dapat ginagamit para pagtakpan ang kasalanan ng mga naligaw sa baluktot na daan”. Maging pagsuporta sa live co verage ng Ampatuan trial -- binigyan si PNoy ng masigabong palakpakan ng mga ito. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, November 19, 2010

Nov 18, 2010

Maglalaba na ng lampin si PNoy?
Rey Marfil

Hindi kailangang magpa-survey upang makita kung gaano kalaki ang tiwala ng publiko kay Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino -- ito’y malinaw sa paglunsad ng public-private partnership (PPP) at hindi biro ang suportang nakuha ng gobyerno mula sa malalaking stakeholders o pribadong kumpanya sa unang sampung (10) proyektong inilunsad sa Marriott Hotel.
Kaya’t hindi masisisi si PNoy kung pagduda han ang travel advisories na inilabas ng ilang kakam ping bansa, animo’y sinasabotahe ang paglulunsad ng programa lalo pa’t bahagi ng socio-economic agenda ang public-private partnership (PPP) upang palakasin ang turismo sa Pilipinas at mapabuti ang kalagayan ng mamamayan -- ito’y ayuda sa edukasyon, kalusugan at pagsupil sa kahirapan.
Magiging sandata ng gobyerno ang public-private partnership upang makalikha ng maraming trabaho at oportunidad -- dito masusuri ang pagkakataon sa pamumuhunan, pagbalangkas ng mga patakaran, regulasyon at ilang usaping legal tu ngo sa paglinang ng sektor sa imprastraktura. Kaya’t magiging busy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation and Communications (DOTC) sa pagkalkal ng mga dokumento kapag sinimulang isubasta ang mga proyekto.
***
Napag-usapan ang pro yekto, isang araw bago inilunsad ang public-private partnership, may paunang ‘good news’ si PNoy -- ang expansion plant ng Procter & Gamble Philippines sa Cabuyao, Laguna -- ito’y hiwalay sa naunang $5 bil yong fresh investment mula Asia- Pacific Economic C ooperation (APEC) Lea ders summit sa Japan.
Hindi biro ang panibagong puhunang inila gak ng Procter & Gamble Philip pines -- ito’y nagkakahalaga ng P2.5 bilyon, as in $60 million at karagdagang trabaho ang suma-tu tal nito. Ibig sabihin, kung walang tiwala sa gobyerno ni PNoy ang mga fo­reign investor, kahit singkong duling o karton ng sabon, hindi ipagkakatiwala dito. Take note: nakapag-ambag ng P83 bil yon ang manufacturing sector sa 2nd quarter nga yong t aon at mas mataas ng 12% kumpara sa kaparehong yugto noong 2009.
Ang Procter & Gamble Philippines ang isa sa pinakamantandang kumpanya sa buong mundo -- ito’y nagsimula bilang Manila Refining Company noong 1908 at nauwi sa Philippine Manufactu ring Company noong 1913. Take note: 1/3 ng $15 bil yong kinita ng kumpanya sa buong daigdig, ito’y nagmumula sa Pilipinas, katumbas ang dalawang (2) bilyong tumatangkilik dito.
Sa 75th anniversary ng Procter & Gamble Philippines, mas lalong napabilib ang mga empleyado kay PNoy -- sadyang may karisma ang Pangulo, aba’y hagalpakan sa tawa ng magbirong gumanda ang kanyang kutis sa paggamit ng Safeguard -- ito’y kantiyaw aniya ng numero unong kritiko at nakakabatang kapatid nitong si Kris Aquino.
Mas lalo pang nagtawanan ang mga empleyado ng Procter & Gamble Phi lippines sa matalinghagang pagbibiro ni PNoy na nakikita nito sa sarili ang paggamit ng ‘Downy’ sa loob ng 5 hanggang 6 taon, animo’y naghahandang maglaba ng lampin dahil isang fabric conditioner ang produktong ito. Kaya’t huwag maiinip ang publiko kung kelan magpapakasal si PNoy, mas mahalaga ngayong panahon na merong idini-date ang Pangulo. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 17, 2010

November 17, 2010

Credit rating!
Rey Marfil


YOKOHAMA, Japan --- Habang abala si Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino sa mala-lagaristang pakikipagnegosasyon sa iba’t ibang Heads of States na kasapi sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit, bumulaga ang balitang inilabas ng Standard and Poor (S&P) Rating Services tungkol sa kanilang evaluation sa foreign currency credit rating ng Pilipinas.
Bago pa man ginawang punching bag ni Peoples Champ Manny Pacquiao ang mukha ni Mexican boxer Antonio Margarito, masaya si PNoy na dumalo sa APEC summit, maging ang mga kasamang miyembro ng gabinete dahil sa bagong gradong inani ng Pilipinas, lumaktaw ng dalawang (2) baitang ang pigurang inilabas.
Ang pagbuti ng foreign currency credit rating, ito’y kadalasang dumadaan sa pagkakasunud-sunod: mula sa “BB minus,” pumaindayog ang grado ng Pilipinas sa “BB with stable outlook” at hindi na pinadaan sa “BB positive” ng international finance rating agency. Sa pananaw ng ilang financial analyst, mababa ng dalawang (2) baitang ang “BB positive” mula sa sinasabing “investment grade” kung saan may kasiguruhan ang mga namumuhunan. Sa usapang tambay: hindi dumaan ng “kinder at prep” bagkus diretso ng Grade 1.
At kahit binanggit ang malawakang tax evasion at manipis na tax base bilang isa sa mga dahilan ng mababang rating na minana ni PNoy, malaking bagay ang integridad at tiwala sa bagong administrasyon ng local at internatio nal finance sectors.
Dahil sa determinasyong huwag biguin ang pag-asa ng mga mamumuhunan, mapa-banyaga man o local, mariin ang marching orders ng Pangulo sa Bureau of Internal Re venue at Department of Finance na tukuran ang mga bagong revenue-raising measures ng malawakang reporma at malalimang pagbabago sa mga ahensya. At dahil na rin sa mga naumpisahang “overhaul” sa istruktura, pananaw at sistema sa pamahalaan, partikular sa sektor ng pananalapi, umangat ang estado sa “balance of payments” ng bansa.
Nakaraang Oktubre, kumpiyansang inanunsyo ng Bangko Sentral (BSP) na maaaring tumabo sa mahigit $8 bil yon ang surplus sa balance of payments ngayong taon, ito’y mas mataas ng $4 bilyon sa inaasahang BOP surplus dahil sa paglago ng export, remittance ng mga kababayan natin sa ibayong-dagat at maging ang ‘di inaasahang pagpasok ng bultu-bultong puhunan.
***
Isang domino effect ang good news, mula sa malakihang paglago ng export sector kahit na mala-kamagong sa tibay ang piso kontra dolyar ng nakaraang Setyembre hanggang sa mga konkretong pasalubong ni PNoy mula US at Vietnam, kanya-kanyang impake ang mga foreign investors mula sa ibang bansa upang ilipat ang puhunan sa Pilipinas, animo’y isang karera na paunahan kung sino ang makakaungos sa merkado at negosyo.
***
Matapos kumalat ang balitang “BB positive” mula sa S&P ang P43.9 kontra dolyar ng nakaraang Biyernes ng umaga, pumalo sa 43.7 ang trading. Ganito din ang suma-tutal sa palitan ng local bonds, ayon sa ilang insider.
Ibig sabihin, ang mga hakbang sa reporma na inumpisahang ipatupad, simula sa unang araw ng panunungkulan o napapanahong polisiya sa pananalapi at pagpapatupad ng matinong paggugol ng pamahalaan, sampu ng mataas na tiwala ng taumbayan ang naging panangga sa “mala-o nion skin” na temperamento ng mga kapitalista at pabagu-bagong sentimyento ng mga mamumuhunan. Kaya’t kapit lang mga kababayan. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy nyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, November 15, 2010

"Tokyo drift!" 11/15/2010

Tokyo drift!
Rey Marfil


YOKOHAMA, Japan --- Bago ang laban ni Sarangani Cong. Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Mexican boxer Antonio Margarito sa Dallas, Texas, mas naunang nakapag-iwan ng tatlong (3) kumbinasyon si Pa ngulong Benigno “PNoy” Aquino sa Japan trip, malinaw ang gumagandang credit rating at multi-bilyon pisong infrastructure projects na napagkasunduan sa Tokyo, isang araw bago dumalo sa 18th APEC summit.
Higit sa lahat, nakaresbak si PNoy sa mga bansang nag labas ng travel advisory at sapol sa mukha ang Australia, United Kingdom (UK), France, Canada, New Zealand at United States. Mantakin n’yo, kung kailan ila-launch ang bagong slogan ng Pilipinas upang palakasin ang tourism industry, itinaon ang mapanirang statement. Kaya’t hindi masisisi si PNoy kung mag-isip na ‘tourism war’ ang rason ng terror alert lalo pa’t sariling kaalyado ang nagbubunganga sa kalye.
Sa kabuuan, hindi barya ang proyektong nasungkit ni PNoy sa Tokyo ng nakaraang Biyernes (Nov. 12) -- ito’y hindi bababa sa $3 bilyon, pinakamalaki ang po wer contract at target ni Energy Secretary Jose Almendras na makakapagsaing ang bawat Pilipino ng sakto sa oras at walang aberya -- ito’y kanyang reresolbahin sa loob ng dalawang (2) taon, as in wala ng power shortage sa Mindanao, Visayas at Luzon area.
Ngayong gabi, kasabay ang pagbabalik ni PNoy mula Japan, iaanunsiyo kung magkano ang proyektong ila lagak ng Marubeni Corporation sa expansion ng Sual at Pagbilao plant -- ‘di hamak mas malaki ang nauwing negosyo ni PNoy kumpara sa naunang biyahe sa Amerika at lumalabas pang ‘pasakalye’ ang paunang P21.4 bil yong ‘soft loan’ na ipinagkaloob ng Japan government habang magka-jamming sa ASEAN summit sa Vietnam ng nakaraang buwan.
Kaya’t napakalaking kapakinabangan sa isang bansang mahirap o developing countries, katulad ng Pilipinas ang state visit at pagdalo sa international forum o world summit ng isang Pangulo lalo pa’t dito lamang maila-lobby ng harapan ang mga kakailanganing proyekto.
***
Napag-usapan ang mala-Fast and Furious: Tokyo Drift event ni PNoy, kung hindi nagkakamali ang Spy, humigit-kumulang $130 milyon ang electronics products expansion ang kasunduang pinasok ng Toshiba sa economic zone -- ito’y kilalang electronics company at paboritong produkto ni Kuya Joel Locsin ang Toshiba brand pagdating sa laptop at computer system.
Ang Itochu Company, alinsunod sa dokumentong iprenisinta ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isang media coverage event sa Tokyo -- ito’y tinata yang $120 milyon, sakop ang development ng 11 libong ektaryang sugarcane plantation sa Isabela. Take note: makakalikha ng 18 libong trabaho sa loob ng dala wang (2) taon at labing-limang (15) libong magsasaka ang makikinabang sa bio-ethanol production.
Maliban sa multi-million dollar investment, isang napakalaking balita ang gumagandang credit rating na inilabas ng Standard and Poor (S&P), nangangahulugang mas marami pang investors o kapitalista ang magkakainteres at hindi magiging bilasa ang Pilipinas sa international market -- isang patunay kung gaano kaseryoso si PNoy na ituwid ang ‘sanga-sangang daan’ na nakagawian sa nadaang 9 years. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, November 12, 2010

Karismang PNoy at Rizal sa Japan! (11/12/2010)

Karismang PNoy at Rizal sa Japan!
Rey Marfil


Yokohama, Japan --- Naglalaro sa sampu hanggang labing-limang antas ng sentigrado (degrees Celsius) ang temperatura dito. Nakikita ang mala-usok na hininga, sinuman ang makasalubong. Bagama’t halos makakapilay sa mga nakakatanda ang ginaw, ito’y hindi alintana sa mga bisitang dadalo sa 18th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders Meeting dahil sa init ng pagsalubong ng mga Hapon sa mga delegado.
Halos dalawang oras ang lalakbayin mula Narita Airport sa Tokyo papuntang Yokohama, as in mala-Maynila ang topograpiya dahil isa itong port city kung saan minsan sa kasaysa yan, dito’y napadpad ang bayaning si Jose Rizal. Ibig sabihin, noon pa man, meron koneksyon ang dalawang bansa sa kabila ng hindi makakalimutang pananakop ng Japan sa Pilipinas.
Sa mga kuwento ng mga nakakatanda, nahulog ang loob ni Rizal sa isang Haponesang dilag -- si O Sei San. Hindi kaila sa mga naninirahan dito, sampu ng migranteng Pinoy ang love story ng dalawa dahil naging paksa ito sa isang mala­king produksyon sa teatro sa pangunguna ng ating embahada, kasama ang Manila-Yokohama Sister Cities Association noong dekada 90’s.
Iwanan natin ang love story ng Pambansang Bayani. Nandito ngayon sa Yokohama si Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino, kasama ang mga pinuno ng 21 bansang kasapi ng APEC upang pag-usapan ang pakikipag-ugnayan sa pangrehiyong ekonomiya at kung ano ang silbi sa mga bansa sa Asia Pacific bilang pagkukunan ng lakas sa pandaigdigang paglago matapos ang economic crisis sa nakalipas na dalawang taon.
Magiging usapin din sa mga dadaluhang pulong ni PNoy bukas (Sabado) ang hakbang na dapat tahakin ng mga bansang nasa Asia Pacific upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya na nagsasaalang-alang sa Human Security at Human Development.
Sa panghuling serye ng mga pulong ni PNoy sa loob ng tatlong araw na halos patented ang temang “Kayod-PNoy” tuwing lalabas ng bansa -- ang APEC Leaders Retreat Session. Kapag sinuri ang iskedyul, almusal, tanghalian at hapunan lamang ang pahinga ni PNoy dahil kaliwa’t kanan ang bilateral meeting, nangangahulugang magtitiyaga sa spokesman ang 33-media delegation kahit walang “no ambush policy”, maliban sa arrival kahapon at inihandang dinner pagkatapos ng APEC Summit.
Bagama’t maluwag ang iskedyul kung ikukumpara sa mga mauunang dalawang (2) araw -- sa “the day” ng APEC Summit magaganap ang mga pag-usisa sa mga ginawang hakbang at natamong adhikain ng 21-APEC member sa nakalipas na dalawang (2) taon.
At hindi rin maaaring palampasin ni PNoy ang pagkaka taong ito upang makausap ang mahigit isang libo nating mga kababayang naninirahan sa Yokohama. Makapal ang lahing kayumanggi rito. Marami sa kanila’y nakapag-asawa ng mga Hapones at dito naninirahan.
Ilan sa kanila ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng mga negosyo. Paminsan-minsan, makakasalubong ka ng mga marinong bigla na lang sisigaw ng “Kabayan!”
Kahalintulad sa mga nauna nang paglabas ng bansa ni PNoy, babandila sa biyaheng ito ang palangiting “charm offensive” ng binatang Pangulo. Malamang sa hindi, dito na lubos maisasakatuparan ang mga kasunduang napag-usapan sa Vietnam, sa pagitan ni Japanese Prime Minister Naoto Kan, kabilang ang roads upkeep assistance package na nagkakahala ga ng P21.4 bilyon.
Kapag nagkataon, panalo na naman ang publiko sa dagdag na bilang ng trabaho at pondong iinog sa ekonomiya ng bansa sa mga susunod na taon -- ito’y panukod sa paglago ng pang kalahatang export ng bansa na pumalo sa 46%, as in nagkakahalaga ng US$5.314 bilyon sa buwan ng Setyembre nga yong taon kung saan ang bansang Japan ang pumangalawa sa pangunahing export market ng Pilipinas.
Ang multi-bilyong pigurang pang-ekonomiya na natamo ng bansa sa gitna ng mga agam-agam na pagtamlay ng export industry, ito’y nangyari lamang sa loob ng 5-buwang panunungkulan ni PNoy dahil sa paglakas ng piso kontra dolyar -- isang patunay na mahusay gumiya at magtimon ang Pangulo na kaila sa karamihan, ito’y isang ekonomista.
Napag-usapan na rin lang ang love story ni Gat. Jose Rizal at “charm offensive” ni PNoy, dito kaya sa Yokohama lilitaw ang isang “O Sei San” ng binatang Pangulo? Laging tandaan: “B ata n’yo ko, at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 10, 2010

Walang tapik kay PNoy!

Walang tapik kay PNoy!
Rey Marfil


Hindi kailangang graduate ng Harvard University upang maintindihan ang ‘sabayang travel advisory’ na inilabas ng limang (5) bansa -- hindi kaya meron pang mas malalim na motibo para i-pressure ang gobyerno ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino at itulak ang pansariling interes ng pinapaborang dayuhang estado?
Nakaraang linggo, nagpalabas ng sabayang travel advisory ang Canada, Australia, New Zealand, Britain at Amerika habang humabol ang France kaya’t nauwi sa kalahating dosena. Ang ipinagtataka lamang ng mga kurimaw kung bakit hindi sumama ang Japan gayong kilalang kaalyado ng mga bansang nabanggit, maliban kung pinoprotektahan ang APEC Summit na magsisimula ngayong weekend at iniiwasang madamay sa terror alert?
Kahit pa rugby boys sa ilalim ng LRT-Carriedo Station, sampu ng ‘row four’ sa eskuwelahan, hindi gaanong paniniwalaan ang travel advisory laban sa Pilipinas lalo pa’t mismong si ex-US President Bill Clinton ang bisita, simula ngayong araw at naka-iskedyul pang magbi gay ng speech sa harap ng ilan nating kababayan na nagbayad ng P25,000. Take note: napaka-sensitibo ng mga Kano kapag terror attack ang pinag-uusapan kaya’t hindi makuha ng mga kurimaw ang ‘equation at suma-tutal’.
Hindi lang iyan, maging si US Ambassador Harry K. Thomas Jr., malinaw ang deklarasyong ligtas mag-ikot sa iba’t ibang panig ng Metro Manila, gamit ang katagang “I’m going this week, next week and the follo wing week outside of Manila and I will feel very safe” habang namumudmod ng lapis sa Aurora Quezon Elementary School sa Malate, Maynila.
***
Napag-usapan ang travel advisory, nakalulungkot isiping walang koordinasyon sa Philippine government ang pagpapalabas ng terror alert at hindi man lamang binulungan ang sinumang counterpart sa Department of Foreign Affairs (DFA). Kaya’t hindi rin masisisi ng limang (5) bansa si PNoy kung ‘magtampururot’ lalo pa’t magpa-Pasko at nalalaman ng mga dayuhang lider na tatamaan ang tourism industry at negosyo.
Ang reklamo ni Mang Gusting na kapitbahay ni Beldy, kung kaibigan ang turing sa Pilipinas ng limang (5) bansang naglabas ng travel advisory -- bakit hindi man lamang tinapik sa balikat at sinabihang ‘Hoy Tarpulano, meron kaming nasagap na tsismis, baka puwede mong a yusin bago namin ipagkalat sa kanto’, maliban kung ginagamit lamang ang pagkakaibigan sa pansariling interes?
Sa kabilang banda, nakabuti ang terror alert sa panig ng publiko dahil naglabasan ang impormasyong nakapasok sa Pilipinas ang sampung (10) foreign terrorists, alinsunod sa deklarasyon ni Professor Rommel Banlaoi ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research. Ang resulta: walang tulugan ang Armed For ces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagbabantay ng bawat entry at exit point.
Higit sa lahat, nabawasan ang bilang ng mga mahihilig maglakwatsa kahit office hours at walang laman ang wallet, aba’y pahinga sa ‘window shopping’ sa takot mabiktima ng bombing. At pansinin ang Metro Manila, nagkalat ang pulis at walang nakakatulog sa front desk dahil kapag nalusutan, siguradong maa-ala Frisco Nilo na maagang humirit ng retirement. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, November 8, 2010

spy on the job: Makatwiran si PNoy kay Pidol!

spy on the job: Makatwiran si PNoy kay Pidol!

Makatwiran si PNoy kay Pidol!

Makatwiran si PNoy kay Pidol!
Rey Marfil


Ngayong alas-2:00 ng hapon, igagawad ng MalacaƱang kay Rodolfo Vera Quizon, mas kilalang Dolphy ng Philippine cinema, ang pinakamataas na pagkilala at parangal bilang artista -- ang ‘Grand Collar Order of the Golden Heart Award’ -- ito’y gaganapin sa Rizal Hall at sasaksihan ng mga kapamilya ng tinaguriang “Hari ng Komedya”. Ang biruan ng mga tambay sa kanto: mag-yellow ribbon kaya si Mang Pidol?
Sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ramon Magsaysay Sr., noong 1954, pinagtibay at itinatag ang Order of the Golden Heart -- ito’y pagkilala sa naiambag ng isang Pilipino para maiangat at mapaunlad ang mo ralidad, sosyalidad at kondisyong pang-ekonomiya ng mga mahihirap.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko kung gaano kalaki ang pangalan ni Mang Pidol sa local cinema, hindi lamang sa larangan ng pagpapatawa sa puting telon, entablado, pelikula at telebisyon kundi bilang mabuting mamamayan subalit ipinagkait ang pagkilala at parangal sa nagdaang administrasyon.
Si Mang Pidol, kilalang supporter ni Pangulong Joseph “Erap” Estrada noong 1998 presidential election, maging ng namayapang si Fernando Poe Jr., (FPJ) noong 2004 kaya’t nakulayan ng pulitika ang kawalang intensyong pagkalooban ng parangal bilang National Artist ni Pa ngulong Gloria Macapagal-Arroyo, ngayo’y kinatawan ng 2nd district ng Pampanga sa Kongreso.
Kasabay ang pagtatapos ng termino ni Mrs. Arroyo, nabaon din sa limot ang pagtutulak kay Mang Pidol bilang National Artist, ‘di hamak mas pinahalagahan ng nagdaang administrasyon ang sangkaterbang ‘massacre movie’ at komiks ni Carlo J. Caparas na ngayo’y ipinag harap ng tax evasion case ni Bureau of Internal Revenue (BIR) chair Kim Henares.
***
Napag-usapan ang pagiging National Artist, mas lalo pang lumabo ang tsansang mabigyang-parangal si Mang Pidol nang matalo ang sinuportahang presidential candidate ng nakaraang May 10 elections -- si Senador Manuel “Manny” Villar Jr., at naging laman ng mga intriga ang pag-etsapuwera kay Erapsky, kapalit ang malaking halaga na mariing pinabulaanan ng Comedy King.
Sa panahon ng kampanya, halos minu-minutong mapapanood sa telebisyon ang mukha ni Mang Pidol, animo’y commercial product kung iendorso ang pagboto kay Villar bilang Pangulo, kasama si Willie Revillame. Kapag nagbukas ng radyo, mas madalas pang mapakiking gan ang boses ni Mang Pidol keysa komentaryo ng anchor o kaya’y kantang ipinapatugtog ng disc jockey (DJ) sa FM station.
Makalipas ang limang (5) buwan, muling napag-usapan ang pangalang “Mang Pidol” sa peryodiko, hindi para mag-endorso ng pulitiko at mag-promote ng bagong pelikula o TV show kundi kikilalanin bilang isang Mabuting Pilipino. At nakakatuwang pagmasdan ngayong alas-2:00 ng hapon na makatabi ni Mang Pidol sa isang ‘photo op’ ang nakatunggali ng sinuportahang presidentiable -- si Pangulong Benigno Simeon “PNoy” Aquino III.
Ang ipinagtataka ng mga kurimaw kung bakit wala ni isang ‘Palace occupant’ ang nakapag-isip magbigay ng parangal kay Mang Pidol sa nagdaang dekada at taon kung sadyang matuwid ang kanilang administras yon -- ito’y isang patunay na walang pulitika at kumikilala sa katwiran si PNoy, anuman ang kulay ng T-shirt na isi nuot ng nakaraang eleksyon. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, November 5, 2010

Naghigpit ng sinturon

Naghigpit ng sinturon
Rey Marfil


Dapat maging malinaw sa 94 milyong Filipino -- hindi pagkakautang ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang P2.2 bilyong public works fund na ‘nakopo’ ni
Congw. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang distrito -- ito’y inutang ng nagdaang administrasyon kaya’t maling puno ang tinatahulan ng ilang aso.
Bagama’t mahalaga ang proyekto sa mga taga-Pampanga, maging sa karatig-lalawigan at lungsod, isang malungkot na katotohanang si PNoy ang magbabayad sa pagkakautang ni Mrs. Arroyo -- isang malaking katanungan kung bakit mala-lahar ang bunganga ng mga kritiko ni PNoy, maliban kung ‘row four’ at hindi naiintindihan ang proyekto?
Sa kaalaman ng publiko, hindi pork barrel ang P2.2 bil yon -- ito’y foreign-assistance loan ni Mrs. Arroyo at bahagi ng Mt. Pinatubo hazard mitigation project. Aminin o hindi ng mga kritiko, nangangailangan ng rehabilitas yon ang apektadong lugar sa pagsabog ng Mt. Pinatubo -- ito ang malaking problema sa Central Luzon tuwing umuulan at bumabagyo.
Kung susuriin, maganda ang motibo ni Mrs. Arroyo subalit hindi maiwasang ‘bigyang kulay’ ang P2.2 bil yong loan lalo pa’t naibuhos sa 2nd district ang pondo at nasangkot sa kaliwa’t kanang eskandalo ang kanyang administrasyon. At hindi rin masisi ang mga kurimaw kung mag-isip na pinaghandaan ang pagtakbong Congresswoman noong nakaraang eleksyon.
Ngayong binatikos si PNoy sa P2.2 bilyong loan ni Mrs. Arroyo, bakit hindi manalamin ang mga kritiko o kaya’y lumingon sa paligid at itanong sa sarili kung tama bang atakehin ang bagong administrasyon kahit wala naman kinalaman sa pangungutang ng esmi ni Mike Arroyo.
Nakasandal si PNoy sa 2010 national budget, nanga ngahulugang administrasyon ni Mrs. Arroyo ang naglaan ng pondo at naglusot sa Kongreso. Kaya’t sablay ang pagdidikit sa pangalan ni PNoy upang palabasing ‘bini-beybi’ sa pork barrel si Mrs. Arroyo, maliban kung bahagi ng demolition job ang mga spin para pababain ang po pularity rating ng Pangulo at mailunsad ang masamang balakin ng mga ito?
***
Napag-usapan ang pondo, mas pinatindi ni PNoy ang “paghihigpit ng sinturon”, malinaw ang direktiba kay Executive Secretary Jojo Ochoa na bawasan ang intelligence fund ng Office of the President (OP) at magkaroon ng transparency and fiscal discipline -- ito’y mis yon ng Pangulo para matapyasan ang unprogrammed at unaudited fund.
Sa recollection ni Presidential Communication Ope rations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, mismong si ES Ochoa ang nagrekomendang tapyasan ang intelligence fund ni PNoy -- ito’y nangyari sa budget hearing ng Upper House kaya’t nabawasan ng 4.3% ang 2011 proposed budget, as in ibinaba sa P4.075 bilyon mula P4.259 bilyon ngayong taon.
Hindi lang iyan, kaparehong budget ang inaprubahan ng House committee on appropriations sa inihanda ng palasyo at 10 attached offices ang pinalusaw ni PNoy dahil nagkakaroon ng duplication sa trabaho, ka tulad ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) -- ito ang rason kung bakit nakatipid ang gobyerno at nabawasan ang intelligence fund ng Pangulo. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo” (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 3, 2010

Alas ang ngiti!

Alas ang ngiti!
Rey Marfil


Kung sa baseball game, naka-first base si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa 17th ASEAN Summit na ginaganap sa Vietnam at napakalaking bentahe ang pagiging ‘cool’ sa bawat meeting, mapa-bila teral o kaya’y simpleng huntahan sa labas ng confe rence room kung kaya’t pinagkaka-interesang kausa pin ng mga counterpart.
Lingid sa kaalaman ng publiko, halos ‘jingle’ lamang ang pahinga ng sinumang world leader kapag meron dinadaluhang summit -- ito’y bago sa panlasa ni PNoy su balit hindi man lamang nakitaan ng pagkagulat ang lahat ng nakasama sa Vietnam trip, sa pangunguna ng mga ahensyang naghanda sa bawat meeting ng Pangulo.
Tumatagal ng dalawang (2) oras ang bawat mee ting -- ito’y walang pinag-iba sa isang batang nasa grade school na nakaupo sa buong klase at nakikinig sa kanyang guro. Kung ‘row four’ ang isang Prime Minister o Pangulo, siguradong ‘mapu-food poison’ dahil mapapanisan ng laway sa buong maghapon lalo pa’t magkakasunod ang pagpupulong. Take note: tumatagal lamang ng lima (5) hanggang sampung (10) minuto ang recess o coffee break.
Sa 17th ASEAN Summit, mas marami ang old ti mer, as in tinubuan ng tahid sa kaa-attend ng bilateral mee ting dahil ilang taon nang nasa poder. Ibig sabihin, napakahirap sa sitwasyon ni PNoy ang bawat dinadaluhang meeting lalo pa’t ‘first timer’ at hindi kabisado ang mga makakatabi o makaka-deal. Ang bentahe lamang ni PNoy -- ito’y matalinong tao at matuwid mag-isip kaya’t walang kaba ang Philippine delegates.
***
Napag-usapan ang pagiging ‘first timer’, animo’y beterano sa world forum si PNoy -- ito’y nakipagsaba yan sa mga counterpart na tumanda sa kabibiyahe sa labas ng bansa. Take note: kahit katiting na sabit, hindi nakitaan ang Philippine President, malinaw ang kasabihang ‘ang taong naghahanda, hindi nadadapa’.
Isa sa naging bentahe ni PNoy sa 17th ASEAN Summit ang pagiging “Bachelor President”. Kahit beterano sa world forum ang ilang lider, hindi alintana kung ba gito ang kausap sa bawat meeting lalo pa’t magkaka-age bracket at hindi nagkakalayo ang hobbies, mapa-libro o favorite film -- isang rason kung bakit hindi nahirapan makipag-deal.
Hindi katulad ng ilang communist leader na feeling-tigasin, madaling makagaanan ng loob si PNoy -- ito’y approachable, sincere at ibinu-volunteer ang sarili. Ang resulta: palaging kahuntahan sa coffee break ang mga counterpart leader at madalas nakakapag-ambush interview ang foreign journalist kahit pa naka-kordon ang buong vicinity ng NCC Building (Vietnam) dahil kusang lumalapit ang Pangulo kapag merong sumisigaw ng “Mr. Aquino” kahit pasakay ng escalator.
Sa kabuuan, naging alas ni PNoy sa bawat mee ting ang pagiging “smiling face” kaya’t nakalagayan ng loob ang mga old timer sa ASEAN Summit -- ito’y makailang-beses napansin ng ilang foreign journa lists, maging ng inyong lingkod, natanong “kung naka-smile pa rin ang Pangulo kapag nagagalit”. Kaya’t malaking kapakinabangan ang mga ‘ngiti’ ni PNoy para maitulak ang interes ng Pilipinas sa ASEAN Summit. Nawa’y maintindihan ng mga taong kumukuwes tyon kung ba kit nakangiti si PNoy sa crime scene ng hostage-taking. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, November 1, 2010

Panalo si PNoy

Panalo si PNoy
Rey Marfil


Hanoi, Vietnam --- Sa lahat ng dumalo sa 17th ASEAN summit, pinakamasuwerte ang Pilipinas, aba’y ipinagkaloob ng Japan ang P21.4 bilyong infrastructure development fund gayong nagsisimula pa lamang si Pa ngulong Benigno ‘PNoy’ Aquino nagpapakilala sa mga counter-part nito. Take note: Tawag lang sa petsa kung kailan pauunlakan ang state visit invitation.
Walang pinag-iba sa pagbubukas ng klase tuwing H unyo ang ASEAN summit — isang taunang pagtitipon ng mga dayuhang lider sa Asya para lubusang magka­kilala at palakasin ang pagkakaibigan at relasyon ng bawat isa. Kaya’t nakakatuwang makita si PNoy, ka-jamming palabas ng conference room ang lider ng Thailand, Indonesia, Australia, New Zealand at Singapore na parehong nag-imbitang dumalaw dito.
Sa Philippine version — ‘barkadahan’ ang ASEAN summit kaya’t napaka-palad ng mga Pinoy dahil ‘ora mismo’ ipinarating ni Japanese Prime Minister Naoto Kan kay PNoy ang agarang pag-apruba sa P21.4 bilyong official development assistant (ODA) gayong ilang araw pa lamang naipadala ng Philippine government ang dokumento sa Japan, as in hindi pa nag-init ang papel sa lamesa.
Napakahalaga ang bilateral meeting — dito inila-lobby ang interes ng bawat isa. Sa bansang mahihirap at pinamugaran ng katiwalian sa nagdaang panahon, katulad ng Pilipinas, hindi lang pakiusap ang kailangang gawin upang pagkatiwalaan ng counter-part bagkus matinding pagro-rosaryo para mapagbigyan.
Walang pinag-iba sa isang tindahan ang sitwasyon ng Japan at Pilipinas — paano pauutangin kung mahaba ang listahan at hindi nababawasan? At paano din tutulungan ang isang taong naghihirap kung hindi naman tinutulungan ang sarili para i-angat ang buhay, alangang puro hingi lang?
Ibig sabihin, isang malaking bonus sa Pilipinas ang pagkaka-apruba ng Japanese government sa P21.4 bilyong infrastructure development fund dahil ‘getting to know each other’ lamang ang misyon ni PNoy sa 17th ASEAN summit. Ganito katindi ang kumpiyansa ng mga dayuhan kay PNoy at bilib sa ‘matuwid na landas’ ng bagong administrasyon.
***
Napag-usapan ang ASEAN summit, mismong si PNoy, hindi maitago ang kasiyahan sa harap ng media delegation, ilang minuto matapos ang bilateral meeting sa pagitan ng Japan. Kahit ipinasa kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Secretary Ricky Carandang ang pagsagot, panay ang sabad sa ambush interview kapag kulang ang detalye nito.
Hindi lang iyan, ipinangako ng Japanese government ang pagtulong sa mga Pinoy nurses, sa pamamagitan ng pagtuturo ng Japanese language bago pa man ipadala sa kanilang bansa — ito’y preparasyon sa kukuning na tional examinations kapag nakapasok sa Japan ang mga ito.
Ngayong nakabalik ng Pilipinas, hindi malayong akusahang namalimos sa ASEAN summit o kaya’y ibinenta ang boto lalo pa’t ipinangako ni PNoy ang suporta sa United Nations Security Council bid ng Japan sa 2016 hanggang 2017 gayong kapakinabangan sa nakakara ming Pilipino ang inisip ng Pangulo at hindi naman ibubulsa ang P21.4 bilyon, katulad ng nakaugalian sa nagdaang panahon. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)