Wednesday, September 29, 2010

Well done ang pagkakaluto!

Well done ang pagkakaluto!
Rey Marfil


San Jose, California USA --- Kahit anong gawing pang-iintriga ng mga pulitikong nasanay sa maluhong buhay ng nakaraang administrasyon, mas epektibo ang pagkain ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ng bur ger at hotdog keysa nagmamantikang steak sa Le Cirque Resto, malinaw ang $2.8 bilyong investment na ‘pasalubong’ sa mga Pinoy, hindi pa kabilang ang libu-libong trabaho.
Hindi barya ang numerong nakolekta ni PNoy sa 7-day trip sa Estados Unidos, pinakamalaki ang $1 bilyong ‘renewable energy’ na naisara ni Department of Energy (DOE) Sec. Rene Almendras. Take note: nabawasan ng timbang si Sec. Almendras, hindi dahil puro burger at hotdog ang kinain ng Philippine delegation kundi sa walang kapagurang pagtatrabaho, animo’y ordinaryong staff sa bawat activities ni PNoy.
Sa US trip ni PNoy na ginastusan lamang ng P25 mil yon kumpara sa P80 milyon ni Mrs. Gloria Arroyo ng nakaraang taon, hindi nasayang ang bawat sentimong ginastos ng gobyerno, aba’y nagtrabaho ng maayos ang buong delegasyon at napakinabangan ang talent ng mga gabineteng isinama sa eroplano. Kahit nakakapagod ang biyahe lalo pa’t kapos sa staff ito, walang naitalang kapalpakan ang delegasyon at hindi naman kasalanan ng Philippine go vernment kung nabaliktad ang flag sa US- ASEAN meeting.
Bagama’t masamang pakinggan ang pagbubuhat ng bangko, hindi kalabisan kung ibalato ng publiko ang pagkakataong papurihan ang buong delegasyon ni PNoy -- ito’y nagtrabaho ng halos 24-oras, simula Day 1 sa New York hanggang umalis ng San Francisco California noong Linggo at mag-arrival speech sa Ninoy Aquino International Airport.
***
Napag-usapan ang US trip, hindi kasya ang buong kolum upang idetalye ang pagtrabaho ni PNoy, as in isang himala ang malaking investment na nakuha lalo pa’t pa tuloy na nangunguluntoy ang ekonomiya ng Estados U nidos -- ito ang pinakamalaking hamon (recession) sa liderato ni US President Barack Obama na gustong humirit ng ikalawang termino.
Mismong si PNoy, pilit iniiwasang sagutin ang katanungan kung ilang trabaho ang maiuuwi sa Pilipinas lalo pa’t nakakaranas pa rin ng recession ang Amerika, isang halimbawa ang State of California na ngayo’y malaking problema ni Governor Arnold Schwarzenegger. ‘Ika nga ni PNoy, mahirap ng mausog kaya’t hihintayin nitong mapisa at maging sisiw ang investment na ipinangako ng mga dayuhang investor.
Kung media mileage o pogi points lamang ang puntirya ni PNoy, katulad ng nakaugalian sa mahabang panahon upang i-justify o bigyang-katwiran ang magarbong biyahe ng Pangulo, napakadaling ianunsiyo ni PNoy kung gaano kadami ang trabahong iuuwi sa Pilipinas subalit nagpakaingat ito. Saksi ang inyong lingkod kung gaano kadami ang mga kumpanyang nakalista sa summary report su balit pinigilang ianunsiyo sa media delegation.
Sa mga nagtatanong ng eksaktong numero kung gaano kadami ang trabahong naiuwi at kung anong multi-national company ang mag-invest, mas mainam na panghawakan ang deklarasyon ni PNoy sa one-on-one interview ng GMA-7 sa San Francisco -- ito’y masayang uuwi ng Pilipinas dahil lagpas sa 10 libong trabaho ang pasalubong, hindi kabilang ang $434 milyong anti-poverty aid ng Kano. Kumbaga sa burger steak, hindi ‘medium rare’ ang pagkakaluto kundi ‘well done’ ang resulta ng US trip ni PNoy at hindi binigla sa apoy, katulad sa mga biyahe ng nagdaang administrasyon. Kaya’t laging tandaan: ‘Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.’ (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, September 27, 2010

September 27, 2010 Monday

Masustansyang burger at hotdog!
Rey Marfil


San Francisco, USA --- Sa halagang P25 milyon, nakapag-uwi ng 18 libong trabaho si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino III at paunang ‘bonus’ ang $434 milyong grant ng Millennium Challenge Corporation (MCC) -- ito’y libreng financial assistance ng Amerikano, as in hindi kaila ngan pang kumain sa maluhong Le Cirque Resto o matulog sa magarbong hotel sa Waldorf Astoria para makapag-uwi ng malalaking ‘hamburger at hotdog’. Hindi biro ang ginawang paglalako ni PNoy sa imahe ng Pilipinas at mismong mediamen na nagko-cover sa US trip, ito’y hindi magkandaugaga kung paano pagkakasyahin ang kanilang oras para makunan ang bawat dadaluhang event ng Pangulo, simula Setyembre 21.
At bago sumapit ang ‘big day’ sa 65th United Nations (UN) General Assembly (September 24) kung saan pinalakpakan ng mga Pinoy, bagsak ang balikat ng mga reporter sa dami ng trabaho at dagdag-problema ang magkaibang time zone lalo pa’t advance ng 12-hours ang Pilipinas sa paglabas ng diyaryo. Sa 7-day trip ni PNoy, ilang media ang bumigay sa huling araw ng coverage, ilan dito’y napilitang umaasa sa in-house crew at meron nagkasakit dahil magkakadikit-dikit ang activities ni PNoy at wala nang mapagsisingitan pang oras upang makunan ang ilang bilateral meeting sa United Nations (UN) General Assembly.
Anyway, nakadagdag pang sakit sa ulo ng mga reporter ang sobrang traffic sa New York. Ang magandang balita lamang, alinsunod sa kuwenta ni Pareng Ely Saludar (dzXL radio anchor), tinatayang 18 libong trabaho ang naisara ni PNoy sa loob lamang ng isang araw (September 23). Mantakin n’yo, sinimulan ni PNoy ang pangungumbinse ng mga kapitalista sa CitiGroup Center, pinakamalaki ang washing facility, leather wear manufacturing facility at garments expansion ng Coach and Luen Thai Holdings Ltd. -- ito’y magbibigay ng 7 libong job opportunities. Ang GE Health and Century Properties nakausap ni PNoy na kilalang brand manufacturer ng transformational medical technologies (General Electric Company), ito’y magtatayo ng world-class medical IT faci lity sa Pilipinas at magpapalakas sa medical tourism industry. Take note: 4 libong construction workers ang kakailanganin sa P3 bilyong proyekto. Ang may-ari ng Headstrong Inc., nakipag-courtesy call kay PNoy, ito’y nangangailangan ng 1 libong specialized software engineers at specialist, maging ang senior vice president ng SPi Global, ibinalita kay PNoy ang karagdagang 1 libong empleyado sa business process outsourcing (BPO), pinakamarami ang Sutherland Global Services, aba’y 5 libong Pinoy ang bibigyan ng trabaho sa Iloilo, Cavite, Tarlac Marikina at Camarines Sur.
***
Napag-usapan ang traffic, ‘di hamak isusumpa ng mga taga-Metro Manila ang traffic situation sa New York dahil walang galawan ang sasakyan kapag dumaan ang sangka terbang secret service na hindi naman ‘secret’ dahil panay ang sigaw sa kalye.
Take note: hindi uubra ang ‘no wang-wang policy’ ni PNoy dahil kaliwa’t kanan ang serena at blinker. Ang biruan ng ilang media, walang ibang matutuwa sa New York kundi si Joel Locsin dahil puro lakad ang gagawin sa kalye. Bagama’t ordinaryong tanawin ang traffic sa New York at nakasanayan ang maglakad sa kalye, mas lumalala ang sitwasyon dahil sa UN General Assembly, aba’y kailangang tumabi sa kalye o kaya’y huminto kapag dumaan ang convoy ng visiting head of state. At walang ibang maririnig sa kalye si Maro chief Paolo Espiritu kundi ang boses ng secret service na sinasaway ang mga tao. Ang pagkakaiba nga lang sa Pilipinas, hindi pagpapawisan ang kili-kili ng mga New Yorker dahil malamig ang kanilang weather kahit summer. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Sunday, September 26, 2010

September 24, 2010 Friday

Mukha nina Waldrof at Barjer!
Rey Marfil


New York City, USA --- Maayos ang ekonomiya ng bansa ngayon, “mala-kalabaw”, as in “Bullish” ang merkado sa wika ng mga stock analysts sa Philippine Stock Exchange (PSE). At meron pang nagsasabing “All time high!”
Sa tuwa ng mga ito, inim bitahan pa ang Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino at ipinaalingawngaw ang batingaw sa PSE noong nakaraang linggo. Ang mala king kaibahan nito sa nakalipas na 9 na taon -- angat sa tiwala ng taumbayan si PNoy.
Noon, sadsad at malalim pa sa gutter ang tiwala ng bayan sa nakaupo. Ngayon 80% pa rin ang pigura para kay PNoy. Maliban dito, halos lahat ng mga polisiya’t programang inihain ng Pa ngulo sa mga Filipino ay suportado ng buung-buo -- ito ang mga nakasaad sa resulta ng survey na kinumisyon ng isang peryodiko.
Pero ‘di pa inilalabas, pinag-aaralan pa raw ng bossing nila. Pinag-aaralan ba o ‘di na ilalabas? Noong Miyerkules na lamang, pumalo sa pinakamataas na antas ang piso, aba’y P43.88 na lang ang katapat na piso sa bawat dolyar ngayon. Pinakamataas na halaga ng piso sa loob ng dalawang taon.
Malungkot man itong ba lita para sa mga kababayan nating umaasa sa mga kamag-anak na nasa abroad, ito’y sen yales naman na bumubuti ang ekonomiya. Indikasyon din ito sa tiwalang iniaatang ng local business community at foreign investors, as in upbeat at optimistic ngayon ang pagtingin sa galaw ng piso at sa ekonomiya.
***
Mas tataas pa ang mga nasabi nating mga pigura kapag nakabalik na ang tropa ni PNoy mula sa “Byaheng Tuwid” dito sa Amerika. Tingnan n’yo na lamang ang lakad ng “Tropang PNoy” dito sa Big Apple, aba’y mala-kurbata na ang mga dila ng mga kasamahan naming reporters sa pag-cover, as in hindi lang “lagareng hapon” kundi mala-chainsaw ang ginawa ng Pangulo kahapon para “ibenta” ang Pilipinas, sa pamamagitan ng pagha hanap ng investors.
Umaga pa lang, sunud-sunod na miting sa mga BPO call centers tulad ng IBM, Sutherland, Automa tic Data Processing at Coach and Luen Thai ang ginawa ni PNoy. Ito ang mga kasunduang magdadala ng libu-libong trabaho sa mga propes­yunal at kababayan nating ‘di makahanap ng trabaho.
At kahapon, naganap na rin ang pirmahan ng GRP-Millenium Challenge Corporation Compact na magpapasok ng higit sa dalawan daang milyong dolyares sa ekonomiya ng Pilipinas.
Taas-noo at buong yabang din na sinalubong ng Filipino Community mula sa Tri-State (New York, Connecticut at New Jersey) si PNoy. Ang reception para sa Tropang PNoy ay ginawa ng ating mga kababayan sa Mason Hall ng Baruch Community College dito sa NY.
Bukas (Biyernes) ang “highlights” o “main event” sa Byaheng Tuwid ni PNoy dito sa NY -- ito’y makiki pagkita sa Koreanong Pa ngulo ng United Nations (Ban Ki Moon) sa North Lawn Building ng UN Headquarters, kasunod ang meeting sa Heads of States o katsokaran sa puwesto mula sa iba’t ibang dako ng mundo.
Magsasalita si PNoy sa harap ng UN General Assembly na kinabibilangan ng lahat ng Heads of State ng mga kasaping bansa. Dito ilalahad ni PNoy ang mga nasimulan nang pagbabago o pag-overhaul sa pamama lakad ng pamahalaan at mga ginhawang idudulot nito, ‘di lang sa mga kababayan natin pati na rin sa mga dayuhang mamumuhunan.
Ang Waldorf Astoria na nagkakahalaga ng US$ 2,500 ang kuwarto at paboritong hilikan ng dating nakaupo sa palasyo, ito’y mapapasyalan din sa wakas ni PNoy at masisilayan kung gaano “ka-expensive” ang tinirahan ng pinalitan sa puwesto. Mala mang sa hindi, kapag nasa Astoria na si PNoy, mapapai ling ang Pangulo sa pagkadismaya sa luho ng nakalipas na administrasyon kahit baon sa hirap ang marami nating mga kababayan.
Gaganapin sa Astoria ang 2nd ASEAN-US Leaders Meeting, ganap ala-una ng hapon at mangyayari na ang pakikipagkita ni US President Barack Obama kay PNoy.
Sa kabuuan, ang pagkain ng hotdog sa kanto ni PNoy at burger sa In-N-Out, ma­ging pagtira sa US$ 750 per night sa Sofitel Hotel (hindi US$7,500) animo’y nagbabalik-alala ang “barjer” ni ex-Comelec chairman Benjamin Abalos at maluhong pagtira sa Waldorf ng da ting Pangulo na naispatan sa Penninsula -- ito’y dalawang simbolo ng malungkot na nakaraan ng bansang isinadsad sa lusak ng mga taong sa simula’y lubos na pinagkatiwalaan. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, September 22, 2010

September 22, 2010

Trabahong kalabaw sa New York
Rey Marfil


New York City -- Sa pamosong Waldorf Astoria Hotel sa New York, ito’y lagpas sa US$2,500 ang isang gabing pagtulog ngayong peak season lalo pa’t dagsa sa 65th UN Ge neral Assembly. Subukan ninyong i-estimate kung magkano ang isang presidential suite na paboritong hilikan ng dating occupant ng palasyo kung hindi kayo maawa sa sarili n’yo. Sa tinutuluyan ngayon ng delegasyon ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino, ito’y nasa US$7,500 ang pinakamurang kuwarto, hindi pa kasama ang tax dito.

Pag-isipan n’yo kung magkano ang diperensya nito kung ang mga maluluhong Presidential Suites na ang pag-uusapan? Ang biyaheng ito’y isang pagpapatunay sa polisiya ni PNoy kung gastos lang naman sa gobyerno ang pag-uusapan. Bente-singko (P25 milyon) kontra otsenta milyones. (P80 mil yon) kada US trip? Kung hindi ka ba naman malula n’yan.

***

Naulinigan namin dito sa Big Apple (NY, USA) ang tungkol sa ‘di pagtalaga ni PNoy ng caretaker habang nasa UN Summit? Pinalutang na naman ang isyu sa tiwala ng Pangulo sa gabinete nito, animo’y ginagawang “grade four sa row four” ang taumbayan.

Kung walang tiwala ang Pangulo sa kanyang mga taong-bahay sa gobyerno, aalis ba naman ito?

Sa teknolohiya ng sibilisasyon ngayon, paliit na ng paliit ang mundo. Iisa-isahin ko pa ba ang mga paraan -- gaya ng text, tawag, internet, cellphone, fax, skype, email, chat, livestreaming, video-conferencing at Tweeter upang ma laman ng Pangulo ang mga pangyayari sa bansa, as in “to the dot at real time”? Kaya ng magbukas ang telebisyon ngayon at maglipat ng istasyon kahit nasa kabilang bakod pa kayo. Kaya’t konting hilamos muna’t iunat ang katawan, baka napakahimbing n’yo namang matulog at napapag-iwanan na ng panahon!

***

Balitang Tuwid na Biyahe muna tayo. Kasama ang a pat na miyembro ng gabinete, tumulak na patungong Amerika ang Team PNoy bitbit ang misyong kumbinsihin ang mala laking negosyo na mag-invest sa Pilipinas at muling pasiglahin ang pamumuhunan sa sektor ng industriya sa pamamagitan lamang ng trademark na “Matuwid na Pamumuno para tahakin ang Daang Matuwid”.

Sa Teterboro Airport sa New York, sinalubong si Pangulong Noy ng mga opisyal ng embahada natin sa pangunguna ng aking kababayang si Ambassador Willy C. Gaa at ni Ambassador Libran Cabactulan kasama ang pamunuan ng ating konsulado sa NY. Sunud-sunod na pulong at pagbisita ang inihaing itinerary para sa Pangulo.

Bukas ng umaga, Miyerkules dito sa Big Apple, nakatakdang tanggapin ni PNoy sa isang courtesy call si Dr. Henry Kissinger, ang pamosong “diplomats’ Diplomat” o tiniti ngalang idolo ng mga diplomat sa buong mundo. Nakaumang din ang pakikipagpulong ng president ng World Bank na si Mr. Robert Zoellick sa Pangulo at dadaluhan ang isang event na ikinasa ng RP-US Business Council sa pangunguna ni Jaime Zobel de Ayala kasama ang mga negosyanteng delegado.

Nag-organisa rin para kay PNoy ang Citibank ng isang economic conference na dadaluhan ng mga kilalang persona lidad sa buong mundo. Hiwalay pa ito sa isa pang reception na sasagutin ng JP Morgan. Pinakamalaki ang posibleng pakikipagkita ni Bill Gates ng Microsoft kay PNoy.

Sa haba ng listahang hawak-hawak ng inyong Spy, ‘di tayo magtataka kung ilan sa mga kasamahan nating media ang bibigay ang katawan. Wala pa namang Red Bull dito.

Bago tayo lumipad papunta rito, sabi ni PNoy sa inyong Spy: sa biyaheng ito, walang mambabatas, walang isang milyong hapunan sa Le Cirque Restaurant, walang check-in sa Waldorf Astoria Hotel, walang kabulastugan, walang pagpapanggap sa karangyaan, walang luho, walang kasinungalingan sa tunay na pangangailangan ng bayan -- ‘ika nga nila, TRABAHO lamang. Kaya’t laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, September 20, 2010

September 20, 2010 Monday

Tuwid na biyahe!
Rey Marfil


New York City --- Hindi lamang pondo ang tinapya san ng triple bagkus ‘double triple’ ang pagbura sa lista han ng delegasyon ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino III sa Estados Unidos, malinaw ang pagtupad sa pangakong babaguhin ang nakaugaliang sistema sa nakaraang administrasyon na naging institusyon ang walang kapararakang pagbiyahe at magarbong hapunan sa resto. Kaya’t isang matuwid na biyahe at paglipad ang ginawa ni PNoy.
Ngayong araw, lilipad si PNoy patungong San Francisco, Los Angeles, USA via Philippine Airlines (PAL Flight PR 105), kasama ang 50-men delegation bago tutulak ng New York City via chartered flight. Ganap na alas-siyete bukas ng umaga, darating sa New York City ang ‘Team PNoy’ upang dumalo sa 65th United Nations (UN) Gene ral assembly, kasama ang apat na gabinete -- DFA Sec. Alberto Romulo, DOF Sec. Cesar Purisima, DTI Sec. Gre gory Domingo at DOE Sec. Rene Almendras.
Nauna ng isang araw sa New York ang media delegations mula sa iba’t ibang organizations, kinabibilangan ng ilang miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC) -- Elena Luna (NBN 4); Roices Sibal (TV5); Sandra Aguinaldo (GMA7); Norman Bordadora (Inquirer); Maria Aurea Calica (Philippine Star); Leo Sarne (Radyo ng Bayan); at Leo Palo (dzME). At naghabol si Raymund Tineza ng Bombo Radyo!
Bagama’t maliit ang delegasyon, mas malaking balita ang iuuwi ni PNoy sa mga Pinoy kaya’t beteranong reporter ang ipinadala ni Boss Eric Canoy, aba’y napa-co­ver si Ely Saludar (vice-president for marketing ng dzXL radio) at nauna pa sa San Francisco. Ang tanong lamang ni Marlo Dalisay: hindi kaya inakala ni Marlon Purificacion (Journal) na ‘New York, Cubao’ ang biyahe ni PNoy kaya’t napabili ng ticket at sumama ito?
Maliban sa MPC members, ilang US-based reporter ang magko-cover sa biyahe ni PNoy -- sina Jing Reyes (ABS-CBN); Fred Gabot (Publisher, Filipino USA Today); Claire True (Reporter, Filipino USA Today); Lazaro Medina (Manila Times), at Kiko Calado (MBC-dzRH). Ibig sabihin, malaki ang inaasahan sa US trip ni PNoy, mapa-media o ordinaryong Pinoy. Kaya’t ngayon pa lamang, siguradong matutuwa kapag nabalitaang libu-libong trabaho ang kapalit nito.
At siyempre, hindi nagpahuli si Danny Fajardo (Publisher, Panay News) na mataas ang kumpiyansa sa Aquino government, maging ang Bulletin, ipinadala si Elena Aben dahil na-late ang US visa ni Genallyn Kabiling. Kung hindi nga lamang nagkasakit ang anak ni ex-MPC president Sammy Julian (Panay News), sa malamang ka-jamming si Roy Mabasa (Bulletin) ngayon na ginawang Quiapo lamang ang San Francisco.
Sa kabuuan, hindi biro ang malaking gastusin sa US trip ni PNoy kaya’t nakakagulat ang malaking media de legation lalo pa’t sariling gastos ng bawat network o publishing company ang hotel accommodation, pasahe sa eroplano hanggang sa pambayad ng terminal fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) o tip kapag nag-dine in at pagsakay sa yellow taxi -- nangangahulugan lamang na malaki ang tiwala ng mga Pinoy kay PNoy.
***
Napag-usapan ang gastos, hindi nagsisinungaling ang ebidensyang inilatag ni Executive Secretary Paquito ‘Jojo’ Ochoa (PNO), halos triple ang natapyas sa kabuuang gastusin ni PNoy kumpara sa US trip ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo, maging sa delegasyon tuwing lalarga, palabas ng Pilipinas ito.
Dati-rati’y 100 hanggang 150-katao ang delegasyon ni Mrs. Arroyo, sa pangunguna ng mga “palakpak boys” sa Kongreso, ngayo’y pawang ‘working staff and officials’ ang isinama ni PNoy at nilimitahan sa 50-men dele gation. Higit sa lahat, malaking katipiran ang P25 milyon kum para sa P76 milyon ni Mrs. Arroyo, sa kaparehong event at magkaiba ng taon. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, September 17, 2010

SEPTEMBER 17/2010


Nagbalik si PNoy!
Rey Marfil


Cebu City --- Eksaktong 77-days, nagbalik si Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III sa lalawigang nagbigay ng isa sa pinakamalaking boto noong nakaraang eleksyon at muling nagkulay dilaw ang Cebu Coliseum, animo’y nagbalik-alala ang mga eksena noong nakaraang eleksyon, aba’y pasiklaban sa pakulo ang mga volunteers group, mapa-streamers o banderitas.
Sa kauna-unahang pagkakataon, muling nagkasama sina PNoy at ex-senator Manuel Roxas II sa entablado, hindi para sa pangangampanya kundi para pasalamatan ang humigit-kumulang limang libong supporters na nagtipun-tipon sa Cebu Coliseum -- ito’y pinangunahan ng People Power Volunteer to Reform Cebu; The Yellow Movement of Cebu; Yellow Army Movement, Doctors for Noynoy, Tuloy Pinoy; Accountant’s for Noynoy at iba pang volunteers group.
In fairness sa mister ni Korina Sanchez, ito’y napilitan lamang umakyat sa entablado para tabihan si PNoy dahil sa pang-uudyok o pamimilit ni DSWD Secretary Dinky Soliman. Ang nakakatuwa, ‘mabenta’ pa rin ang mga joke at hirit ni PNoy kahit makailang-beses nang narinig ng embedded reporters sa tatlong buwang campaign period.
Ang pagsasalita ng local dialect ang pinakamabisa pa ring pang-aliw ni PNoy sa mga miron. Kahit pa tagaktak sa pawis at siksikan sa dami ng tao sa loob ng coliseum, animo’y isang musikang nakakahalina ang papuri sa mga Cebuano kahit pa bali-baliko ang pagkakabigkas.
Mismong sa speech ni PNoy, ipinagmalaki ang botong nakuha sa lalawigan -- ito’y lagpas sa 50% at kinantiyawan ang mga kalaban na ‘nagparterhan’ lamang sa ‘tira-tira’ kaya’t halos magka-sprain ang kamay ng mga Cebuano sa kapapalakpak.
***
Napag-usapan ang Cebu trip, naging produktibo ang pagbisita ni PNoy, kasama ang 10 cabinet officials -- sina DTI Sec. Gregory Domingo, DOF Sec. Cesar Purisima, NEDA Sec. Cayetano Paderanga, DA Sec. Proceso Alcala, DOT Sec. Aldaba Lim, DOE Sec. Rene Almendras, DPWH Sec. Rogelio Singson, DOTC Sec. Ping De Jesus at DSWD Sec. Dinky Soliman.
Isang regional business leaders meeting sa Mariott Hotel ang dinaluhan ng mga gabinete ni PNoy at walang bahid ng hostage tragedy ang gumagandang ekonomiya, ito’y malinaw sa economic plans, alinsunod sa ginawang pakikipagdayalogo sa humigit-kumulang 120 local business leaders at economic managers.
At pinakamabenta ang speech ni Sec. Almendras, aba’y nag-unahan ang mediamen, mapa-Cebu based o Malacañang Press Corps (MPC) dahil napaka-candid sa bawat detalyeng ibinubuga at hindi nakikipag-bolahan sa tunay na sitwasyon ng energy industry sa bansa kaya’t si Delon Porcalla ng Philippine Star, napadami ng isinulat.
Take note: Buong maghapong busy si PNoy at ginabi sa pakikipag-meeting sa iba’t ibang lider, mapa-pulitika, negosyo at simbahan, maging sa Cebu-based media, hindi maitago ang kasiyahang nasolo sa lamesa ang Pangulo at naitanong ang mga isyung pangprobinsya. Anyway, naka-two question naman si Willard Cheng (ABS-CBN-Manila) bago natapos ang huntahan. Laging tandaan: ‘Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.’(mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, September 15, 2010

September 15, 2010 Wednesday

Pinipilayan si PNoy!
Rey Marfil


Hindi kailangang maging pari o obispo para maintindihan ang bagong expose sa ‘jueteng payola’, ito’y nasa kamay ni retired Archbishop Oscar Cruz kung paano patutunayan ang lahat ng pagbibintang at akusasyon lalo pa’t simula nang mauso ang ‘bolahan’ sa panahon ng mga ‘prayle’, wala pang jueteng lord na nasampolan.
Sa nagdaang panahon, walang inatupag ang Kongreso kundi imbestigahan ang jueteng payola subalit walang resulta at inaamag ngayon ang sangkaterbang sworn statement at transcript of records sa archives. Ang rason: walang suporta sa publiko ang anti-jueteng campaign ng pamahalaan dahil likas sa Pinoy ang umasa sa suwerte na kahit buhay nito’y isusugal, makaahon lamang sa kahirapan.
Aminin o hindi ni Bishop Cruz, nasira ang buhay ng mga tumestigo sa jueteng scandal lalo pa’t nauuwi sa tsismis ang lahat ng kuwento sa pagtanggap ng payola ng mga taong-gobyerno. Ang malungkot sa lahat, pagkatapos ‘kumanta’, walang hanapbuhay ang mga testigo at pinakamasakit ang nangyari kay Boy Mayor, hindi ba’t pinalamig lamang ang isyu bago nilikida ito?
Maganda ang ipinaglalaban ni Bishop Cruz -- ito’y banal at makatwiran subalit hindi maitatago ang senar yong ‘nagagamit’ ng ilang masasamang elemento o kalabang grupo para itulak ang pansariling interes at wasakin ang imahe ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino lalo pa’t humupa ang tensyon sa hostage tragedy. Take note: anumang araw ngayo’y magsisimula ang imbestigasyon ng Truth Commission, hindi kaya ‘napalusutan’ sa intelligence report ang butihing arsobispo?
***
Napag-usapan ang intelligence report, naging banner story ng ilang pahayagan ang senaryong isang grupo ang nagmamaniobra sa usapin ng jueteng payola at walang ibang puntirya kundi ang mga ‘tapat’ na tauhan ni PNoy. Ang misyon: ‘pilayin’ si PNoy upang maipuwesto ang sariling galamay at tuluyang makontrol ang Palasyo, partikular ang mga makapangyarihang departamento.
Ni sa panaginip, ayokong paniwalaan ang naglabasang media reports na isang maimpluwensyang grupo ang nagmamanipula sa usapin ng jueteng payola -- ito’y isang malaking pagkakamali dahil siguradong may kalalagyan ang nagpakulo nito. Take note: ‘hindi lamang ngayon ipi nanganak’ si PNoy kaya’t mag-isip ang sinumang promotor bago pa sumabog sa mukha ang script.
Bagama’t hindi kukunsintihin ang tauhang mapapa tunayang sangkot, malinaw ang binitawang pahayag ni PNoy -- posibleng biktima lamang ng ‘namedropping’ ang ilang opisyal at hindi rin ibinabasura ang teoryang bahagi ng panggugulo ng mga kalaban sa pulitika ang jueteng payola lalo pa’t malapit nang magwakas ang paghahari ng mga ito.
“Meron din namang possibility siguro na may mga taong nagne-namedrop. That might be also part of the bigger plan ‘no, na gagawan kami ng isyu with regards to jueteng. But, at the same time, lahat ng mga kasamahan ng ating mga kalaban ay talagang alam na tapos na ‘yung maliligayang araw nila doon at baka naman pwede ring pang-delay ‘yun,” -- ito ang eksaktong sinabi ni PNoy, ewan lang kung hindi pa ‘ma-gets’ ng grupong gustong kontrolin ang Palasyo at takot mawala sa puwesto na sinangkalan ang ilang tao at isang organisasyon upang pa labasing ‘all-out ang support’ dito. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blog spot.com)

Monday, September 13, 2010

September 13, 2010

Nasa tamang landas tayo!
Rey Marfil


Bagamat ‘dinugo’ ang turismo sa nangyaring hostage drama, ito’y pansamantala lamang at hindi nagsisinu ngaling ang ebidensiya -- pumalo sa $1 bilyon ang peso bond offer sa Philippine Stock Exchange (PSE), nanga ngahulugang nakapagbenta ng P44 bilyon ang Pilipinas at gumaganda ang ekonomiya.
Sadyang pinagpala si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino III, kahit samu’t saring pagbatikos ang inabot sa hanay ng mga nagmamarunong at umaastang ‘experts’ sa hostage taking, hindi nagbago ang pagtitiwala ng mga negosyante. Kaya’t mas lalo pang lumakas ang kumpiyansa ni PNoy na mabubura ang nilikhang bangungot ni Sr. Insp. Rolando Mendoza sa Quirino Grandstand.
Para sa kaalaman ng publiko, tinanggap ang Philippine peso bilang katiyakan sa pambayad-utang, hindi katulad dati na dolyar at euro ang kinikilala sa international market. Iyon lang, hindi pa rin kuntento si PNoy sa naitalang rekord dahil mas marami pang hamong kahaharapin at kailangang imantine ang paglakas ng peso bond sa stock market.
Sa ikinikilos ng ekonomiya, ito’y senyales na nasa tamang direksyon si PNoy, sampu ng economic team, alinsunod sa ipinangakong pagbabago at matuwid na daan. Kaya’t hayaang namnamin ni PNoy ang magandang bali tang tinanggap mula kay Finance Sec. Cesar Purisima lalo pa’t hindi tumitigil sa pag-atake ang mga ‘fore hire mouthpiece’ ng mga kalaban.
Kahit sinong lumagay sa katayuan ni PNoy, ito’y magpi-feeling nasa ‘Cloud 9’ sa pag-rebound ng peso bond, aba’y tatlong linggong inuupakan sa hostage drama ga yong mishandling ng MPD-SWAT ang ugat kung bakit nagngingitngit si Hong Kong administrator Donald Tsang. Take note: Hindi trabaho ng Presidente ang mag-ala Ke vin Spacey sa pelikula (The Negotiator).
***
Napag-usapan ang peso bond, hindi maitago ni PNoy ang kasiyahan sa dalawang ambush interview (Sangley Point, Cavite at Fort Magsaysay, Nueva Ecija) noong nakaraang Biyernes, aba’y mismong Pangulo ang nagbigay ng prediksyong gaganda ang ekonomiya pagsapit ng 3rd quarter ngayong taon o bago mag-Pasko.
Kung susuriin ang pagpalo ng peso bond -- ito ang ‘record-high’ na naitala ng RP stock market at talagang mapapa-Wow Philippines si ex-senator Dick Gordon dahil mistulang walang epekto ang hostage-crisis. Paano pa kaya kung hindi ‘nag-joyride’ si Mendoza sa tourist bus, sa malamang mas mataas ang kinita ng RP government.
Hindi lang iyan, nakapagtala ng all-time high ang local share prices -- isang positibong indikasyon na patuloy ang tiwala ng mga investors sa Pilipinas, as in umakyat sa 2.6%, katumbas ang 3,902.56 sa main index ng Philippine Stock Exchange -- ito’y mas mataas sa 3,800 forecast ngayong taon. Kung nahirapan kayong umintindi, subukang isangguni kay Gil Cabacungan ng Philippine Daily Inquirer ang inyong concern sa stock market.
Mismong Department of Finance (DOF), inilara wang ‘landslide vote of confidence’ mula sa mga investors at financial markets ang pagpalo ng peso bonds -- ito’y kauna-unahang pangyayaring kumita ng ganito kalaki ang isang bagong administrasyon. Mantakin n’yo, halos 3-buwan pa lamang si PNoy, nakahanap ng P44 bilyong pambayad-utang, gamit ang peso dominated glo bal bonds. Ibig sabihin, kinikilala ang Philippine peso sa overseas bonds at mababawasan ang pagpalabas ng US dollar bonds. La ging tandaan: Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, September 10, 2010

September 10, 2010 Friday

May nasampolan na!
Rey Marfil


Magkakaalaman kung sino sa hanay ng mga government officials ang ‘tumatahak sa matuwid na landas’ ngayong sinuspendi ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang lahat ng allowances, bonuses at incentives ng mga nakaupong board of directors/trustees ng government owned and controlled corporations (GOCCs) at government financial institutions (GFIs) -- ito’y naging ‘gatasan’, as in malaking ‘holy cow’ sa nagdaang panahon kaya’t ayaw pa rin mag-resign ng mga mokong.
Sa bisa ng Executive Order No. 7, ipinatigil ni PNoy ang multi-milyong perks ng mga board of directors sa lahat ng GOCCs at GFIs. Kaya’t hindi kailangan pang mag-diet ng mga kumag at umikot ng 10 beses sa oval, aba’y awtomatikong mangangayayat sa loob ng apat na buwan (September-December) dahil asahang ‘patubig-tubig’ na lamang, as in NAWASA water ang order kapag pumasok ng restaurant ngayong suspendido ang multi-milyong allowance.
Sa mga appointees ni PNoy, imposibleng may umangal sa EO 7 lalo pa’t malinaw ang polisiya ng Malacañang bago pa man pumasok sa pamahalaan, maliban sa mga makakapal ang pagmumukha na hanggang ngayo’y hindi maga wang mag-resign sa iba’t ibang GOCCs at GFIs kahit isinusuka ng ahensya, ito’y siguradong nanghihinayang sa multi-milyon pisong allowance. Mantakin n’yo, ‘di na nakuntento sa pa-kotse at pabahay, may grocery package pa gayong 3 mil yong bata ang walang makain kada araw.
Sa mga taong sumusukat sa liderato ni PNoy at nag-aakusang nasa campaign mode pa rin ang Pangulo, isang mala king sampal ang EO 7 -- ito’y hindi ginawa at naiisip ng mga ‘ex-Palace occupants’ sa mahabang panahon bagkus naging instrumento para palakihin pa ang allowances ng mga board of directors, mapa-GSIS hanggang non-performing agencies (NPA) dahil lamang sa utang na loob at hangaring mapanatili sa kapangyarihan.
Sa loob ng 70-araw, nagkakaroon ng katuparan ang ‘daang matuwid’ na ipinangako ni PNoy, simula sa ‘no wang-wang policy’ hanggang pagsibak sa midnight appointees, Truth Commission at midnight deals, dangan lamang hindi makapag-move on ang mga kritiko sa hostage tragedy na nilikha ni Sr. Insp. Rolando Mendoza sa Quirino, sampu ng pulitikong allergic sa pagbabago dahil walang kikitain sa loob ng anim na taon.
***
Napag-usapan ang bonuses, matutuwa si Cagayan de Oro Cong. Rufus Rodriguez sa direktiba ni PNoy, aba’y mabilis ang pag-aksyon ng palasyo at posibleng hindi kailanganin pa ang House Bill No. 2867 na naglalayong lusawin ang lahat ng ‘underperforming’ GOCCs at GFIs.
May kabuuang 36 state firms ang pinapabuwag ni Rodriguez -- Banaue Hotel and Youth Hostel, Batangas Land Co. Inc., BCDA Management and Holdings Inc., Cottage Industry Technology Center, DBP Data Center Inc., DBP Management Corp., DBP Maritime Leasing Corp., Freeport Service Corp., GY Real Estate Inc. and Human Settlements Deve lopment Corp.; Industrial Guarantee and Loan Fund, Kamayan Realty Corp., LBP Insurance Brokerage Inc., LBP Leasing Corp., Luzon Integrated Services Inc., Manila Gas Corp., at Marawi Resort Hotel Inc.
Ewan lang kung narinig n’yo ang mga ahensyang ito: Masaganang Sakahan Inc., National Agribusiness Corp., National Precision Cutting Tools Inc.; National Slipways Corp., National Stevedoring and Lighterage Corp., National Trucking and Forwar ding Corp., Natural Resources Development Corp., NDC Infrastructure Corp., Northern Foods Corp., Partido Deve lopment Administration, Philippine Aerospace Development Corp., Philippine Center for Economic Development, Philippine Convention and Visitors Corp.; Philippine Institute for Development Studies, Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care, Pinagkaisa Realty Corp., Tacoma Bay Shipping Co. Inc., Trade; Investment Development Corporation of the Philippines, at ZNAC Rubber Estate Corp.
Take note: P57 milyon ang ‘itinatapon’ ng gobyerno sa 36 GOCCs at GFIs kada taon, alinsunod sa report ng Commission on Audit (COA) kaya’t may katwiran si Rufus na ipabuwag ang mga ito lalo pa’t nagtitipid si PNoy at lumolobo ang utang ng gobyerno. Laging tandaan: ‘Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo’. (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, September 8, 2010

ABANTE TONITE Sept 8, 2010

Pagmasdan ang ginawa mo!
Rey Marfil


Kahit pagbabaligtarin ang pagtatanong sa mga resource persons at mauwi pa sa ‘long distance’ ang marathon hearing na ginagawa ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC), malawakang katiwalian pa rin ang ugat sa hostage tragedy -- ito ang itinutuwid ngayon ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino at dangan lamang ay hindi nakapaghintay si Sr. Insp. Rolando Mendoza.
Balikan ang testimonya ni PO3 Edwin Simacon, isa sa Manila Police District-Special Weapons and Tactics (MPD-SWAT) member -- ito’y bumalik sa mukha ng mga pulitikong nagmamalinis at nagpi-feeling Mother Teresa. Hindi ba’t idinaing ng MPD-SWAT ang kawalan ng gamit, as in panahon pa ng Vietnam War ang equipment kaya’t naging katawa-tawa?
“Kulang po kami sa equipment. Sa akin lang po, kung may explosive device na nagamit sana sa pag-break ng salamin, baka po mas may nangyari.” Ibig sabihin, kahit Grade 1 pupil at rugby boys sa ilalim ng LRT station, maiintindihan ang gustong puntuhan ni Simacon sa IIRC, maliban kung nabingi ang mga ‘ex-Housemates’ sa Malacañang?
Ang tanong ng mga kurimaw sa Batasan Complex, nasaan ang ipinagmamalaking modernization program ng Philippine National Police (PNP), sampu ng mga buma­batikos kay PNoy sa hostage taking? Kung walang itinatago ang nagdaang administrasyon, bakit hindi ngayon magmagaling at ipaliwanag sa publiko kung saan dinala ang multi-bilyong inilaan sa PNP?
Kung hindi pa rin naiintindihan ng mga pulitikong nagkukunyaring ‘santo’ sa nakaraang 9 years, ewan lang kung hindi pa makosensya sa exact quote ni Simacon sa IIRC, “Siguro po, mas maganda kung assault rifles po ang na­gamit. ‘Yung ginagamit po namin ay panahon pa ng Vietnam War.” Mantakin n’yo, nakakapag-Ingles nang lahat ng Vietnamese at hindi na mabenta ang Miss Saigon sa theater, sapul nang abandonahin ng US forces, aba’y kauna-unahang modelo pa rin ng armalite ang gamit ng PNP.
Kundi pa makuntento sa testimonya ni Simacon, suriin ang statement ni PO2 Francis Ungco, isa pang MPD-SWAT team member: “Iyung sinusuot po naming vest, hindi na po kami sure kung bullet-proof pa ‘yun. Dapat po hindi nababasa ‘yun (vests). Fiber lang po kasi siya. May expiration date din po kasi ang bullet-proof vests.” Ibig sabihin, kahit araw-araw pang magpraktis kung maso at taling-kalabaw pa rin ang gamit ng pulis, asahang mauulit ang hostage tragedy.
***
Napag-usapan ang hostage tragedy, napakadaling intindihin kung bakit nag-amok si Sr. Insp. Rolando Mendoza, ito’y nag-ugat sa corruption at nagwakas sa corruption. Sa pangingikil, nadiskaril ang police career ni Mendoza at nagtapos ang buhay ng 8 Hong Kong residents dahil sa dispalinghadong PNP equipment at kawalan ng training program.
Kung naipatupad ang PNP modernization sa nakaraang 9-taon at naisaayos ang justice system, hindi makikiangkas sa ‘excursion’ ng mga Chinese nationals si Mendoza at lalong hindi maisasama sa ‘funny police picture’ ang mga eksena sa Quirino Grandstand kapag nag-search sa Google website.
Bagama’t hindi panahon ng sisihan, subalit walang karapatang magmalinis ang mga nagkukunyaring santo at santa sa GSIS compound at Batasan lalo pa’t makikita sa kanilang anino ang katotohanang bumabaluktot ang mga sungay sa sobrang haba, as in hindi man lamang nakitaan ng konting kapaguran sa pagnanakaw. Laging tandaan: ‘Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.’ (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, September 6, 2010

Setyembre 06 2010 Abante Tonite

‘Di lang nakikita!
Rey Marfil


Hindi kailangang college graduate para maintindihang ‘dating daan’ pa rin ang gustong tahakin ng ilang pulitiko at personalidad, malinaw ang matinding pagkagutom lalo pa’t ‘nawalan ng magandang kabuhayan’ sa nakaraang 65-days -- nangangahulugang mas dumami ngayon ang kritiko at kalaban ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III keysa nakaraang kampanya.


Eksaktong 66-days ng panunungkulan ni PNoy at nakakalungkot isiping hindi nakikita at naririnig ang pagsusumikap nitong ‘ituwid ang lihis na landas’ na naging institusyon sa nagdaang panahon, maliban kung mada­ming muta at tutule?

Mantakin n’yo, kahit nagawang mag-­sorry sa Hong Kong at inako ang responsibilidad sa hostage tragedy, hindi pa rin makapag-move on at pilit wina­wasak ang imahe ng gobyerno.


Subukang i-flashback ang unang buwan ni PNoy sa Malacañang, tila nakalimutan ng mga kritiko ang tatlong Executive Order (EO) na nagsilbing ‘detergent powder’ upang ikula ang mga maling panuntunan ng dating occu­pant sa presidential residence -- ang paglikha ng Truth Commission (EO 1); pagpawalang-bisa sa lahat ng midnight appointment (EO 2) at pag-revoke sa Executive Order No. 883 (EO 2) -- ito’y natakpan lamang sa paghurumentado ni ex-Capt. Rodolfo Mendoza sa Luneta.


Para maging patas sa lahat ng government emplo­yees, isang memorandum circular ang nilagdaan ni PNoy noong nakaraang July para ideklarang bakante ang lahat ng puwes­tong inuukupahan ng mga co-terminus officials (MC 01 at MC 02).

Take note: sandamakmak ang undersecre­taries (Usecs), assistant secretaries (Assecs) at consultant noong nakaraang administrasyon kaya’t lagpasan sa ‘salary cap’ ito.


Hindi lang iyan, ilang memorandum order (MO) din ang ibinaba ni PNoy upang ituwid ang paggastos at pag­hawak sa pondo (MO 01) -- ang paglilipat ng president’s social fund at special funds sa kontrol ng Presidential Ma­nagement Staff (PMS), pinaka-latest ang inventory ng mga ari-arian sa lahat ng government owned and controlled corporations at financial institutions (MO 02), kalakip ang hangaring maiangat ang kita ng gobyerno.
***

Napag-usapan ang mga direktiba ni PNoy, anumang araw ngayong linggo, isang Executive Order (EO) ang magtatakda sa suweldo ng mga government owned and controlled corporation (GOCC’s) -- ito ang malaking rason kung bakit dumadami ang kalaban ni PNoy, aba’y maraming nawalan ng kabuhayan, gamit ang katagang ‘board of director’ sa iba’t ibang ahensya.


Kalokohan kung itatanggi ng mga ‘ex-housemates’ sa presidential residence na hindi naging ‘malaking gatasan’ ang ‘board seats’ sa iba’t ibang GOCC’s, mapa-pulitiko, kaibigan at kapamilya, maging ka-tropa sa media.

At ngayong itinutuwid ni PNoy ang sanga-sangang daan, asahang mas titindi pa ang banat ng mga kalaban lalo pa’t magtatatlong buwan nang luhaan.


Bagama’t isang malaking kapalpakan ang paghawakng hostage taking sa Luneta, ito’y kagagawan ng pulisya.

At kahit mas marami ang kabutihang ginawa si PNoy sa loob ng dalawang buwan, umaastang bulag at bingi ang mga kurimaw, as in pansariling interes ang iniisip sa bawat pagbuka ng bunganga sa harap ng mikropono at camera dahil mas mahalaga sa mga itong maibalik ang ‘monthly benefits’ na nawala.

Laging tandaan: Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Setyembre 03 2010 Abante Tonite

Mas malupit si Dengue
Rey Marfil


Keysa makadagdag sa tensyon at problema lalo pa’t nakabantay ang China, mas makakabuting itikom ng mga nagmamagaling sa hostage crisis ang kanilang bunga­nga at ipaubaya sa Department of Justice (DOJ) ang pag-imbestiga, aba’y meron mas malaking krisis na kinakaharap ang bansa -- ang pananalasa ni Dengue sa buong kapuluan.


Bagama’t walang paglagyan ang kalungkutan sa sinapit ng 8-Hong Kong residents sa Quirino Grandstand, hindi maitatago ang datos -- simula Enero hanggang Agosto, umabot sa 62,503 ang ‘na-dengue’ at 463-katao ang nasawi at hindi maaaring ipagsawalang-bahala ng publiko.

Sa problemang ito, kailangan ang expertise ng mga ‘madadang kritiko’ ni PNoy sa public education and information drive campaign ng DOH keysa sayangin ang laway sa pag-astang ‘Mr. Know All’.


Sa ngayon, ang pinakamabisang paraan pa rin para makaiwas sa dengue -- ang pagsunod sa “4-S strategy” ng DOH hangga’t hindi nakakaimbento ng vaccine at hindi pa dumadami ang mga ‘gay mosquito’ -- ang paghanap at pagpuksa (search and destroy); pag-iingat, maagang pagpakonsulta sa doktor at iwasan ang walang habas na fogging o pagbobomba ng gamot laban sa lamok.


Hindi biro ang pag-atake ng ‘killer mosquito’ sa bansa, ito’y malinaw sa briefing ni Department of Health (DOH) Secretary Enrique Ona sa Malacañang, as in pitong region ang tinamaan -- Western Visayas, CALBARZON, Central Mindano, Eastern Visayas, National Capital Region (NCR), Southern Mindanao at Northern Mindanao.


Mismong si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang nag-utos kay Sec. Ona na pag-ibayuhin ang pagtugon sa lahat ng pasyenteng tinamaan ng dengue -- ito’y naglagay ng express lanes sa lahat ng government hospital, katulong ang Philhealth at nakaalerto ang lahat ng regional at provincial centers, anumang oras kailanganin ang dugo.


Bagama’t ‘manageable’ si Dengue at hindi pa ikinukunsiderang outbreak, bakit hindi ubusin ng mga nagmamagaling na mga kritiko ni PNoy ang kanilang oras sa paglinis ng estero at bakuran o kaya’y magsiakyatan sa bubong ng bahay para hanapin ang pinamumugaran ng mga lamok, hindi iyong inaasa ang lahat sa kasambahay.


Kung talagang mahuhusay at napakasipag sa trabaho ng mga nagkukunyaring ‘Angel at Santo’ kahit lagpasan ng Central Luzon at Bicol region sa haba ang mga sungay sa ulo, aba’y tulungan ang mga staff ni Sec. Ona na maghanap ng halamang ‘Tawa-Tawa’ keysa mag-isip ng demolition job at black propaganda laban kay PNoy.
***


Napag-usapan ang hostage tragedy, hindi man nakadalo ang dalawang Chinese sa 2010 Ramon Magsaysay Award noong nakaraang Martes sa Cultural Center of the Philippines (CCP), isa sa Chinese awardees ang nakatabi ni PNoy sa stage, maging ang ipinadalang substitute o proxy.

Take note, abot-China ang ngiti kaya’t ayaw maniwala ng mga kurimaw sa senaryong galit ang mga Intsik.


Makikita sa naglalakihang TV screen ang hindi mailarawang ngiti ni Huo Daishan ng tawagin sa stage at mas lalong nawala ang dalawang mata nang batiin at kamayan ni PNoy pagkatapos iabot ang ‘trophy’.

Ganito rin ang eksena sa pagtanggap ng award sa tumayong proxy nina Fan Yue at Fu Qiping, maliban kung nagbaon ng ‘plastic’? Ang iba pang Ramon Magsaysay awardees -- sina Christopher Bernido at Ma. Victoria Carpio-Bernido (Pi­lipinas); A. H. M. Noman Khan (Bangladesh) at Tadatosyhi Akiba (Japan).

Laging tandan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo” (mgakurimaw.blogspot.com)

Setyembre 01 2010 Abante Tonite

Tantanan si Ms. Raj
Rey Marfil


Sa gitna ng hostage drama, isang pangalang Maria Venus Bayonito Raj ang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas at nakabawas sa tensyong nilikha ni dating Sr. Inspector Rolando Mendoza sa Quirino Grandstand.

Ang nakakalungkot, hindi makuntento ang ilan nating kababayan sa sagot ni Ms. Raj, animo’y pagkatatalino sa patimplak at kuwadrado naman ang pagmumukha.

Alas-tres kahapon, nag-courtesy call (Music room) si Ms. Raj kay Pangulong Benigno Simeon ‘PNoy’ Aquino III upang personal na ibalita ang pagkapanalo ng 4th runner-up sa Miss Universe beauty pageant na ginanap sa Las Vegas.

Hindi man naka-grand prize, walang ibang pinaka-winner sa lahat ng contestant kundi si Ms. Raj.


Subukang i-flashback ang kaganapan sa Binibining Pilipinas -- ito’y nakoronahan noong Marso 6, 2010 sa Araneta Coliseum at kinilala bilang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe, subalit kaagad binawi ng organizer.

Hindi ba’t naging political issue ang pagkaka-dethroned? Kahit itanong niyo pa kay Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na tumayo at nagtanggol sa kababayan nitong si Venus.


Mapa-vital statistics hanggang curriculum vitae, may ibubuga si Ms. Raj sa lahat ng katunggali, malinaw ang ‘35-22-35’ ang measurement, at 5 feet 9 inches (1.75cm) height.

Take note: Gra­duate ng Bachelor of Communication Arts (AB), major in Journalism at isang cum laude. Ibig sabihin, hindi ‘iskul bukol’ si Ms. Raj sa Bicol University -- ito’y nakapagtapos dahil sa scholarship kaya’t napaka-unfair ang panlalait sa ‘major, major answer’.


Maraming kauri si Ms. Raj sa buong mundo, ito’y nagmula sa isang pamilyang mahirap at lumaking walang ama, su­balit hindi naging balakid ang kahirapan upang magtagumpay sa buhay.

Lumaki at nagkaisip si Ms. Raj sa bahay-kubo -- gawa sa kawayan at anahaw ang dingding at bubong, walang elektrisidad at nakatirik sa gitna ng pilapil sa Bato, Camarines Sur, as in ‘hindi naramdaman’ ang ipinagmamala­king serbisyo ng nakaraang administrasyon dahil ninakaw lamang ito.
***


Napag-uusapan si Ms. Raj, hindi lang butas ng karayom ang dinanaan upang makakuha ng passport, US visa at makarating sa venue -- ito’y na-dethroned, isang linggo makaraang koronahan bilang Binibining Pilipinas-Universe, alinsunod sa desisyon ng Binibining Pilipinas Charities, Inc.

Ang isyu: Hindi magkakatugma ang ilang impormasyon sa birth certificate at personal account nito.


Sinibak si Ms. Raj ng organizer at pinalitan ng 2nd runner up -- si Helen Nicollete Henson dahil 17-anyos ang 1st runner up -- si Diane Elaine Necio, as in sabit sa age requirement.

Dito pa lamang, malinaw ang malaking kabulastugan sa panuntunan ng organizer. Kung sablay ang dokumento ni Ms. Raj, bakit lumusot sa screening committee at bakit hindi na-anticipate ang age requirement sa Miss Universe kapag nagkaproblema ang title holder sa pageant?


Kung hindi pa inulan ng petisyon, signature campaigns, Facebook fan pages, blogs, forums at petition letters, hindi mare-reinstate si Venus noong April 10, 2010.

Pagkatapos ibalik ang korona, panibagong dagok sa buhay ni Ms. Raj ang pagkuha ng pasaporte at kamuntikan pang hindi nakapagbiyahe sa US.

Sa gitna ng kompetisyon sa Miss Universe, nasawi sa aksidente ang kanyang best friend -- si Bb. Pilipinas-International 2009 Melody Gersbach sa Bula, Camarines.


Sa mga nangyari sa buhay ni Ms. Raj, pinaka-winner ang Pili­pinas sa Las Vegas -- ito’y nakapasok sa Top 5, kahit bangu­ngot ang nilikha ni Mendoza sa turismo ng bansa.

Kaya’t mas makakabuting tantanan ng ilang personalidad ang pagkuwestyon sa sagot ni Ms. Raj kung ‘puro kanto’ rin ang mukha at kahit pa-contest ng mga bading, hindi makasagot ng tama.

Laging tandaan: ‘Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo’. (mga kurimaw.blogspot.com)

Agosto 30 2010 Abante Tonite

Natakpan si ‘truth’
Rey Marfil


Bagama’t nakakalungkot ang sinapit ng 8 Hong Kong residents sa Quirino Grandstand, ito’y nagsilbing wake-up call sa lahat, mapa-taong gobyerno, pulisya at kauring media.

Aminin o hindi, merong partisipasyon ang media kung bakit nauwi sa madugong wakas ang hostage drama kahit pa ipagdiinang bahagi ng press freedom at demokrasya.


Hindi ngayon ang panahon ng sisihan, bagkus, pagkakaisa ng bawat Pilipino para mapahupa ang pag-aalburoto ng mga constituents ni Donald Tsang dahil walang ibang pinakakawawa kapag lumawak ang gulo kundi ang mga domestic helper, hindi ang mga pulitikong nagmamagaling sa harap ng camera.


Malinaw ang initial report, hindi natugunan ng pulisya ang karampatang aksyon upang isalba ang buhay ng mga hostage victim, subalit ngayong inuulan ng batikos at kilos-protesta ang Pilipinas, kailangan ang tulong ng bawat isa at hindi kakayaning mag-isa ni Pangulong Benigno Simeon ‘PNoy’ Aquino III ang pagpapahupa sa galit ng mga Chinamen.


Kung gustong makatulong ng mga kritiko, sampu ng nalihis ng landas noong nakaraang eleksyon, bakit hindi pansamantalang itikom ang kanilang bunganga at huwag nang gatungan pa ang galit ng mga taga-Hong Kong.

Subukang magbasa ng peryodiko, mismong kababayang Pinoy ang naglalagay ng kahoy, as in ‘nagpapakulo’, mapa-local o nakabase sa Hong Kong, aba’y sila pa ang nangunguna sa pagbatikos.


Pakinggan ang komentaryo ng mga kilalang supporter ng isang talunang presidentiable, tunog-kampanya pa rin ang mga banat kay PNoy, animo’y hindi nagsawang ‘kumita’ ng nakaraang eleksyon gayong malaki ang kanilang pananagutan kung bakit nauwi sa madugong trahedya ang ‘pagwawala’ ni ex-Sr. Insp. Rodolfo Mendoza sa Grandstand.
***

Napag-uusapan ang hostage drama, ayokong isiping nagtatatalon ngayon sa tuwa ang mga kaporal ni Mrs. Gloria Arroyo dahil natakpan ang nilikhang Truth Commission na mag-iimbestiga sa lahat ng katiwaliang kinasangkutan ng nagdaang administrasyon, maliban kung sadyang ‘smiling face’ lamang si Len Bautista-Horn tuwing magpa-on cam ito?


Bago naganap ang hostage taking sa Luneta, pinaka-hottest issue ang Truth Commission, midnight appointees at midnight deals, subalit ngayo’y natakpan at tila nakalimutan ng publiko ang mga eskandalong pinaiimbestigahan ni PNoy -- ang mga kontratang naging headlines sa mga peryodiko sa nakaraang siyam na taon.


Hindi maiwasang pagdudahan ng mga kurimaw ang senaryong ‘sinasakyan’ ng mga kampon ni Mrs. Arroyo ang ‘hostage taking issue’ o kaya’y merong ‘paggalaw’ ang mga ito, aba’y subukang lumingon, hindi ba’t puro bataan ang nagmamarunong at marami pa rin ang naiwang galamay sa iba’t ibang departmento?


At bago ipanawagan ang resignation, nasubukan bang manalamin at itinanong sa sarili ng mga kampon ni Mrs. Arroyo kung nagawang hilingin sa kanilang amo ang lumayas sa Palasyo sa panahong ‘pila-balde’ ang reklamo, simula kay ‘Million Dollar Man’ (IMPSA deal), Hello Garci, fertilizer scam, Venable deal, ZTE-NBN deal, at Northrail?


Laging tandaan: “Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Agosto 27 2010 Abante Tonite

Manalamin muna!
Rey Marfil


Hindi man lamang tinamaan ng konting hiya sa katawan ang ilang kaporal ng nagdaang administrasyon, aba’y nangunguna pang kumutya sa kahinaan ng Philippine National Police (PNP) sa nangyaring hostage drama gayong unang dapat sisihin kung bakit nauwi sa komed­ya ang pag-assault kay ex-Senior Insp. Rolando Mendoza at kung bakit nanganganib ang buhay ng mga Pinoy workers sa Hong Kong.


Sa halip na manahimik at itikom ang kanilang bu­nganga kung bakit mala-pelikulang ‘Police Academy: Philippine version’ ang eksena sa Quirino Grandstand, mismong galamay ni Mrs. Gloria Arroyo ang nagpamukha sa buong mundo kung paano pinabayaan ang kapulisan, gayong sila mismo ang ‘mastermind’ o may gawa nito at nagsakripisyo ang bagong administrasyon na nasa 56 days pa lamang ngayon.


Pinagtatawanan ang Pilipinas sa buong mundo dahil palpak ang paghawak sa hostage drama at inuupakan ng mga galamay ni Mrs. Arroyo si Pangulong Benigno Simeon ‘PNoy’ Aquino III dahil mahina at palpak ang PNP, tila nakalimutang manalamin ng mga kumag at itanong sa sarili ang katagang “Kayo po ba ‘yan Ma’am”, hindi ba’t 9-taong ‘nagreyna’ si Mrs. Arroyo, aba’y nasaan ang PNP modernization program?


Bago ibinuka ng mga kampon ni Mrs. Arroyo ang kanilang bunganga, sana’y inisip kung saan ginamit ang multibilyong intelligence fund upang palakasin ang police force at saan napunta ang P21 milyong pondo ng Pagcor, hindi ba’t ipinambili sa McDonald’s at kinasangkapan ang kapulisan upang ma-divert ang pinagkagastusan?


Kung hindi pinagnanakaw ang pondo, mapa-fertili­zer scandal hanggang midnight deals noong nakaraang halalan at hindi ipinansuhol sa mga heneral, katulad ng akusasyon sa kanilang Ma’am, hindi sana pipitsuging lubid ang ipinanghila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa pintuan ng tourist bus.


Sa dami ng pondong tumagas, sampu ng mga eskandalong naimbestigahan sa Batasan at GSIS Compound, makakabili ng saku-sakong palakol o maso ang MPD at hindi sana nahirapang gibain ang bintana ng bus.

Sa malamang, pati Quirino Grandstand kayang bilhin ng kapulisan. Higit sa lahat, naka-bullet proof vest at naka-night vision goggles, as in sophisticated equipment ang Special Action Force (SAF) ng sumabak.
***


Napag-uusapan ang hostage taker, isang malaking pa­laisipan sa kapulisan kung sino ang iba pang kausap sa cellular phone, maliban sa negosyador bago pinagbabaril ang mga hostage at naganap ang madugong assault -- ito’y iniimbestigahan, lalo pa’t nagbago ang ‘mood’ ni Mendoza bago pa man nagwala sa national television ang kanyang kuya.


Ang ikinagulat ng Malacañang Press Corps (MPC) sa Press Working Area (PWA) habang naka-monitor sa television -- pagkatapos humupa ang tensyon sa Luneta, aba’y kauna-una­hang umakyat sa bus ang chief photographer ni Mrs. Arroyo -- si Gerry Carual, maliban kung namalik-mata lamang ang mga mediamen o kaya’y hindi nag-iisa ang pagmumukha nito.


In fairness kay Carual, ito’y rescue volunteer kaya’t hindi kuwestyon ang pagtulong sa mga hostage victim, subalit hindi rin lingid sa kaalaman ng mga nakakilala dito kung gaano ka-close kay Mrs. Arroyo, hindi ba’t binig­yan pa ng sariling ‘emperyo’ sa Palasyo kahit merong sariling dibisyon ang OPS-Photogs?


At ngayong iniimbestigahan ang huling kausap ni Mendoza sa telepono, ni sa paninigip, ayokong isiping may koneksyon ang bawat pangyayari sa loob ng bus.

Anyway, taga-Batangas si Mendoza at nagkataong kababayan din si ex-Executive Secretary Leandro Mendoza kaya’t tinatanong ng mga kurimaw kung magkamag-anak ang da­lawa.

Laging tandaan: Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo. (mgakurimaw.blogspot.com)