Lahat ng media spin, inimbento ng ilang presidentiables upang palabasing umaangat ang ratings subalit walang nakakapag-isip kung anong iniisip ng MalacaƱang ngayong malayo sa katotohanan ang popularidad ni ex-Defense Sec. Gibo Teodoro. Tandaan: Expertise ni DILG Sec. Ronnie Puno ang presidential election -- ito’y napatunayan noong 1992 kaya’t patuloy nag-aalburuto si Miriam Santiago kapag nakakakita ng puno habang binabagtas ang Epifanio delos Santos Avenue.
Higit sa lahat, hindi pa tumaya sa ‘talunang manok’ ang boss ni Asec Brian Raymund Yamsuan, simula kay General Tabako (1992) at Erapsky (1998), pinaka-latest si Mrs. Arroyo (2004). Ibig sabihin, puwedeng mag-aparisyon ‘ma-reincarnate’ sa katawan ng ibang Comelec official si Garci ngayong 2010 lalo pa’t moderno ang sistema ng eleksyon.
Ang ikinaalarma ng Spy, isang diumano’y confidential report na natanggap mula sa unknown sender tungkol sa isang high tech massive cheating, aba’y isang conversation sa pagitan ng isang Comelec official at kaibigang matalik (kumpadre) ang naulinigang pinag-uusapan ang dayaan ngayong 2010.
Ang report: Inutusan ni Palace official si Comelec official na pagplanuhan ang ‘nationwide high tech cheating’. Ang misyon: Tatapyasan ng 20% sa total votes ang sinumang presidentiable na makakakuha ng 75% boto kada presinto. Hindi lang iyan, pinakakaltasan din ng tig-10% sa total votes ang iba pang presidentiables na nakabuntot at dadagdagan ng 40% kada presinto ang pinapaborang ‘manok’ ni Palace official. Kung sino ang presidentiable, ito ang dapat bantayan sa Mayo.
Kabahagi rin ng ‘nationwide high tech cheating’ ang paggamit ng microchips programmed upang mabura ang nakuhang boto kada presinto ng mga kalabang presidentiable. Ibig sabihin; papasukan ng ibang microchips ang computer na gagamitin sa poll automation at awtomatikong magsasagawa ng ‘self-destruct’ kapag nailipat sa higher level ang nakopyang dokumento.
Hindi lamang maipaliwanag ng unknown sender kung paano mangyayari ang ‘self-destruction’ at kung paano lalabanan ng isang computer experts o hackers ang programmed. Anyway, mas mainam mapagbantay at 24-oras gising, katulad sa “Silent Night TV ads” ni Dick Gordon kaysa maisahan ang publiko.
***
Napag-usapan ang ‘high tech cheating’, ilan sa senyales na ibinigay ng unknown sender ang senaryong makikipag-usap sa isang malaking religious group ang isang Palace official para makuha ang suporta o endorsement, pabor sa sinusuportahang manok, kapalit ang multi-milyon pisong donasyon.Take note: Dolyares ang salaping pumapasok sa kampo ng isang presidentiable kaya’t maituturing na barya ang ipambibili ng suporta sa religious group.
Isa sa senaryong ipininta ng unknown sender: Kakasangkapanin ni presidentiable ang endorsement ng isang malaking religious group upang bigyan-katwiran ang high tech cheating, as in hindi magiging ‘desimolado’ ang special operations kung makukuha ang suporta ng organisasyon.
Nakapaloob sa ‘special operations’ ng grupo ang pagsagawa ng ‘bloated positive image’ ni presidentiable, sa pamamagitan ng pagmamanipula sa media campaign at ipu-project bilang ‘man to beat’ ito.
Totoo o hindi ang confidential report mula sa isang unknown sender, nawa’y maging ‘pamana’ ni Lolo Jose, as in Comelec chairman Jose Melo sa 90 milyong Pinoy ang isang malinis at mapayapang eleksyon kung saan ibinatay sa pulso ng bawat Filipino, hindi dahil naupo ang isang Pangulo sa bisa ng bulong ni Mrs. Arroyo o sinuman sa tropa ni ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano Jr.
http://www.abante-tonite.com/issue/jan2810/opinions_spy.htm
No comments:
Post a Comment