Sa halip makakuha ng “pogi points”, kahihiyan ang inabot ng isang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos magregalo ng dispalinghadong appliances sa mga taong pinupuntiryang hingan ng suporta ngayong May 10 elections. Ang nakakatawa sa lahat, “double black-eye” ang inabot ng senador, as in dobleng kahihiyan ang natikman dahil pinalitan ang raffle items at nadiskubre pang dispalinghado ang biniling electric fan na ipinamudmod ng kanyang PR man.
Nakaraang Pasko, namakyaw ng mga appliances ang opisina ng senador, katulad ng mga air-conditioned unit, mini-component, DVD player, LCD TV at iba pang malalaking items bilang pa-raffle sa ilang media organizations at local offices.
Kabilang sa pinakyaw ng PR man ng senador ang sangkaterbang bentilador, kung saan ginawang “giveaways” sa lahat ng mga supporters at organisasyong humihingi ng pang-raffle.
Lingid sa kaalaman ng senador, hindi air-conditioned units ang ibinigay ng kanyang PR man bagkus pinalitan ng bentilador at nabisto lamang ang “switching” nang aksidenteng magtanong ang mambabatas sa isang kaibigan kung napanalunan ang raffle items nito.
Sa pagtitipid ng PR man ng senador, isa sa nanalo ng mga raffle item ang kamuntikan pang madisgrasya o naospital matapos tumalsik ang spare parts ng electric fan, hindi dahil maluwag ang pagkaka-install kundi sira at bagsak sa quality control (QC) ang pagkakagawa.
Clue: Saksakan ng “plastic” ang senador at walang lehitimong katabi, mapa-pulitika, maging sa tunay na buhay. Kung bebot o kelot, ito’y meron letrang “A at N” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon at Naka-jackpot sa pagtalon. (mgakurimaw.blogspot.com) http://www.abante-tonite.com/issue/jan2710/hulaan_blues.htm
|
No comments:
Post a Comment