Walang kasing-lupit ang ‘Ang Mahal na senador’, aba’y hindi pa nasusungkit ang isa sa inaambisyong posisyon sa gobyerno, ito’y saksakan ng abusado sa kapangyarihan. Hindi natin babanggitin ang pangalan subalit maraming Senate employees ang bad trip sa diskarte ng kumag.Mantakin n’yo, ‘gamit na gamit’ ang mga empleyado ng Upper House at nakakalungkot isiping sinasamantala ang kakapiranggot na kapangyarihan para paboran ang kanyang kandidatura.
Kada araw, naging routine ng mga driver at taga-maintenance department ang maghakot ng halaman mula Bureau of Plant Industry (BPI), as in naging ruta ang bumiyaheng San Andres, Maynila at kulang na lamang ay maglagay ng karatulang ‘Any point of Luzon’ o kaya’y “Perishable Goods, Do not Delay”.
Sa report na nakalap ng Spy, araw-araw ginagamit ng ‘Ang Mahal na senador’ ang mga service vehicle ng Upper House, as in pagod ang mga taga-Motorpool sa kadi-deliver, aba’y ginawang taga-hakot ng mga halaman ang mga driver at ilang Senate staff, kabilang ang mga naka-assign sa maintenance at janitorial services.
Ang malaking revelation sa lahat, pinapalabas pang personal na pag-aari ang mga halaman na ipinangreregalo sa mga kaibigan gayong sariling pondo ng gobyerno ang winawaldas. Ang masakit sa lahat, pati pribadong lakad, ginagamit ang mga red plate o government vehicles. At madalas, ginagabi o inuumaga ng uwi ang mga driver sa kadi-deliver, depende sa pagdadalhan ng mga halaman.
Ang nakakasuka pa, naka-charge sa secretariat funds ang overtime (OT) ng mga driver at napag-uutusang Senate staff. Pagkatapos ipinagmamalaking makabayan at makatwiran? Kung sino ang ‘Ang Mahal na senador’, ito’y isa sa political butterfly.
***
Sa programang ‘Square-Off’ ng ABS-CBN News Channel ng nakaraang December 16, kahit mainitan ang debate at diskusyon sa ilang isyu, walang personalan at maayos ang palitan ng punto. Kahit parehong tumatakbong alkalde, magkaibigan pa rin ang turingan nina Mayor Fred Lim at ex-PNP chief Sonny Razon -- ito ang dapat pamarisan ng mga presidentiables, sampu ng tumatakbong kandidato ngayong 2010 elections.
Sa mismong programa, kaibigan pa rin ang tawagan, isang pagpapakita kung gaano ka-maginoo kahit magkalaban sa pulitika, ewan lang kung kayang budburan ng ‘fabric with conditioner’ ni ex-DENR Sec. Jose ‘Lito’ Atienza Jr. ang kanyang bunganga kapag ka-debate ang dalawang (2) ex-law enforcers?
Kung meron natuwa sa debate, walang iba kundi ang mga katropa ni Professor Lito dela Cruz ng Middle Chamber Restaurant, sampu ng kapitbahay sa Sta. Cruz at Malate, Maynila, aba’y maayos ang pagkahimay ni Razon sa problema ng kabuhayan, kalusugan, edukasyon, pabahay, basura, kriminalidad at corruption. Hindi lang, sistematiko ang pagkakalatag ng detalye at konkretong solusyon sa problema.
Mantakin n’yo, napakaraming pag-aaring lupain ang gobyero sa Maynila subalit hindi magawang bigyan ng bahay ang mga taga-squatter, katulad ng ‘in-city relocation’ at ‘low-cost housing’. Ang nakakatuwa sa lahat, nagawa pang magbiruan nina Lim at Razon sa debate, aba’y mismong si Lim ang nag-imbitang magkape isang araw at pinangakuan ng sariling kopya ang katunggaling mayoralty bet tungkol sa mga pag-aaring lupain ng city government para magkaalaman kung sino ang nasa tamang rason.
Sa katanungan kung ano ang magiging prayoridad, iisa ang solusyon ng dalawang (2) ex-law enforcers, walang iba kundi karagdagang “police visibility” at pagbabalik ng “foot patrol”, mas detalyado nga lang ang rason ni Razon.
Ang trivia lamang, nagsilbing district director ng Manila Police District (MPD) si Razon sa panahong nakaupong alkalde si Lim. Hanggang ngayon, hindi nagbabago ang problema ng Maynila, nananatiling mataas ang kriminalidad at street crimes, nagkalat pa rin ang adik at rugby boys sa iba’t ibang lansangan.
Ibig sabihin, ngayong 2010, dalawang (2) tao lang ang puwedeng pagkatiwalaan at pagpilian, maliban kung hangad ng mga ManileƱo ang suminghot ng lantang bulaklak? ‘Ika nga ng mga kurimaw, kahit anong dilig ang gawin sa natuyong halaman, ito’y malabong mamulaklak, kahit gamitan pa ng fertilizer fund. (mgakurimaw.blogspot.com)
http://www.abante-tonite.com/issue/jan1410/opinions_spy.htm
No comments:
Post a Comment