Friday, January 29, 2010

january 29 2010 abante

Senador, may phobia sa sesyon

Kung kailan naging beterano sa floor, saka ‘nagkadaga’ sa dibdib ang isang miyembro ng Upper House tuwing papasok ng session hall.


Ang rason, nagka-phobia ang senador dahil sa sa­riling kalokohan nito, partikular ang pagtataksil sa mga katropang solon.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban tuwing makikitang late pumasok sa session hall ang senador, as in ipinapahabol na lamang ang pagpapa-check ng attendance dahil kinain ang lahat ng mga “pasumpa-sumpang pangako”.


Sa loob ng ilang buwan, halos madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw kung pumasok ng session hall ang senador dahil hiyang-hiya sa mga katabing solon.


Numero unong plastik ang senador kung kaya’t hindi sukat akalain ng mga katropang senador na tinamaan ng konting kahihiyan sa katawan ang solon.


Ngayong umiiwas sa mga dating katropa, na­ging routine ng senador ang magpa-late o kaya’y mag-absent upang hindi makatabi ng upuan ang mga ex-bestfriend.


Kapag hindi maiwasang makatabi ng upuan ang mga dating kaibigan, patay malisya ang senador at gumagawa ng paraan upang makahanap ng ibang kausap, as in naghahanap ng isyu para makaalis sa kanyang lamesa.


Pintahan n’yo na: Kung pagiging plastik ang pag-uusapan, pang-Olympic games ang senador. Kung bebot o kelot, itoy meron letrang ‘A’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in ang hilig sa matandang karelasyon.


http://www.abante.com.ph/issue/jan2910/kartada5.htm

Thursday, January 28, 2010

january 28 2010 abante tonite

Ang report
Rey Marfil


Lahat ng media spin, inim­bento ng ilang presidentiables upang palabasing umaangat ang ratings su­balit walang nakakapag-isip kung anong iniisip ng Malacañang ngayong malayo sa katotohanan ang po­pularidad ni ex-Defense Sec. Gibo Teodoro. Tandaan: Expertise ni DILG Sec. Ronnie Puno ang presidential election -- ito’y napatuna­yan noong 1992 kaya’t patuloy nag-aalburuto si Miriam Santiago kapag nakaka­kita ng puno habang binabagtas ang Epifanio delos Santos Avenue.

Higit sa lahat, hindi pa tumaya sa ‘talunang manok’ ang boss ni Asec Brian Raymund Yamsuan, simula kay General Tabako (1992) at Erapsky (1998), pinaka-latest si Mrs. Arroyo (2004). Ibig sabihin, puwedeng mag-aparisyon ‘ma-reincarnate’ sa katawan ng ibang Comelec official si Garci ngayong 2010 lalo pa’t moderno ang sistema ng eleksyon.

Ang ikinaalarma ng Spy, isang diumano’y confidential report na natanggap mula sa unknown sender tungkol sa isang high tech massive cheating, aba’y isang conversation sa pagitan ng isang Comelec official at kaibigang matalik (kumpadre) ang naulinigang pinag-uusapan ang dayaan ngayong 2010.

Ang report: Inutusan ni Palace official si Comelec official na pagplanuhan ang ‘nationwide high tech cheating’. Ang misyon: Tatapya­san ng 20% sa total votes ang sinumang presidentiable na makakakuha ng 75% boto kada presinto. Hindi lang iyan, pinakakaltasan din ng tig-10% sa total votes ang iba pang presidentiables na nakabuntot at dadagdagan ng 40% kada presinto ang pinapaborang ‘manok’ ni Palace official. Kung sino ang presidentiable, ito ang dapat bantayan sa Mayo.

Kabahagi rin ng ‘nationwide high tech cheating’ ang paggamit ng microchips prog­rammed upang mabura ang nakuhang boto kada presinto ng mga kalabang presidentiable. Ibig sabihin; papasukan ng ibang microchips ang computer na gagamitin sa poll automation at awtomatikong magsasagawa ng ‘self-des­truct’ kapag nailipat sa higher level ang nakopyang dokumento.

Hindi lamang maipaliwanag ng unknown sen­der kung paano mangyayari ang ‘self-destruction’ at kung paano lalabanan ng isang compu­ter experts o hackers ang prog­rammed. Anyway, mas mainam mapagbantay at 24-oras gising, katulad sa “Silent Night TV ads” ni Dick Gordon kaysa maisahan ang publiko.
***
Napag-usapan ang ‘high tech cheating’, ilan sa sen­yales na ibinigay ng unknown sender ang senar­yong makikipag-usap sa isang malaking religious group ang isang Palace official para makuha ang suporta o endorsement, pabor sa sinusuportahang manok, kapalit ang multi-mil­yon pisong donasyon.Take note: Dolyares ang sala­ping pumapasok sa kampo ng isang presidentiable kaya’t maituturing na barya ang ipambibili ng suporta sa religious group.

Isa sa senar­yong ipininta ng unknown sender: Kakasangkapanin ni presidentiable ang endorsement ng isang malaking religious group upang bigyan-katwiran ang high tech cheating, as in hindi magi­ging ‘desimolado’ ang special operations kung makukuha ang suporta ng organisasyon.

Nakapaloob sa ‘special operations’ ng grupo ang pagsagawa ng ‘bloated positive image’ ni presidentiable, sa pamamagitan ng pagmamanipula sa media campaign at ipu-project bilang ‘man to beat’ ito.

Totoo o hindi ang confidential report mula sa isang unknown sender, nawa’y maging ‘pamana’ ni Lolo Jose, as in Comelec chairman Jose Melo sa 90 milyong Pinoy ang isang malinis at mapayapang eleksyon kung saan ibinatay sa pulso ng bawat Filipino, hindi dahil naupo ang isang Pangulo sa bisa ng bulong ni Mrs. Arroyo o sinuman sa tropa ni ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano Jr.

http://www.abante-tonite.com/issue/jan2810/opinions_spy.htm


Wednesday, January 27, 2010

january 27 2010 abante tonite

Senador nagregalo ng dispalinghadong bentilador

(Rey Marfil)


Sa halip makakuha ng “pogi points”, kahihiyan ang inabot ng isang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos magregalo ng dispalinghadong applian­ces sa mga taong pinupuntiryang hingan ng suporta ngayong May 10 elections.


Ang nakakatawa sa lahat, “double black-eye” ang inabot ng senador, as in dobleng kahihiyan ang natikman dahil pinalitan ang raffle items at nadiskubre pang dispalinghado ang biniling electric fan na ipinamudmod ng kanyang PR man.

Nakaraang Pasko, namakyaw ng mga appliances ang opisina ng senador, katulad ng mga air-conditioned unit, mini-component, DVD player, LCD TV at iba pang malala­king items bilang pa-raffle sa ilang media organizations at local offices.

Kabilang sa pinakyaw ng PR man ng senador ang sangkaterbang bentilador, kung saan ginawang “giveaways” sa lahat ng mga supporters at organisasyong humihingi ng pang-raffle.

Lingid sa kaalaman ng senador, hindi air-conditioned units ang ibinigay ng kanyang PR man bagkus pinalitan ng bentilador at nabisto lamang ang “switching” nang aksidenteng magtanong ang mambabatas sa isang kaibigan kung napanalunan ang raffle items nito.

Sa pagtitipid ng PR man ng senador, isa sa nanalo ng mga raffle item ang kamuntikan pang madisgrasya o naospital matapos tumalsik ang spare parts ng electric fan, hindi dahil maluwag ang pagkaka-install kundi sira at bagsak sa quality control (QC) ang pagkakagawa.

Clue: Saksakan ng “plastic” ang senador at walang lehitimong katabi, mapa-pulitika, maging sa tunay na buhay. Kung bebot o kelot, ito’y meron letrang “A at N” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon at Naka-jackpot sa pagtalon. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/jan2710/hulaan_blues.htm


Tuesday, January 26, 2010

january 26 2010 abante tonite

Sablay ang spin!
Rey Marfil


Hindi kailangang ma­ging UP graduate upang maintindihang ‘guilty’ si Manny Villar Jr., sa C-5 road scandal -- ito’y malinaw sa rekomendasyon ng Committee of the Whole. Kahit pagbabaliktarin ang sitwasyon at ilihis ng Nacionalista Party (NP) sa political scenario, kasing-linaw ng ‘gin bulag’ ang katotohanang nalugi ang gobyerno sa proyekto at meron kailangang isoli ang boss ng katukayo ni Joselito Cayetano -- ito’y nagkakahalaga ng P6.22 bilyon, animo’y nangulimbat ang pambato nina Gilbert Remula at Atty. Adel Tamano.

Ang nakakatawa lamang, iisa ang kapalaran nina Villar at ex-senator Renato Cayetano, aba’y parehong naisalang sa et­hics probe. Kaya’t hindi nakakapagtaka kung halos magpakamatay sa kadidepensa ang katukayo ni Joselito dahil sumabit din sa code of conduct of ethical standards ang tatay nito.

Konting ‘flash back’ sa nakaraan, hindi nag-iisa si Villar sa naparusahan, patunay ang pagkasuspendi kay dating Se­nate Pre­sident Jose Avelino isi­nangkot sa kasong tax evasion. Sa halip sagutin ng maa­yos ang reklamo, hindi ba’t nagbitaw ng makasaysayang katagang “what are we in po­wer for?” noong 1949 kaya’t pinagbakasyon ng isang taon?

Mismong si Senate President Juan Ponce Enrile, ito’y nai­salang sa ethics probe noong 1988 dahil sa ‘unpaliamentary remarks’, mas malupit nga lang ang kaso ni Villar, aba’y P6.22 bilyon ang isyu at hindi rin barya ang P80 milyon BW Resources scam ng matandang Caye­tano. Take note: Laway lang ang puhunan ng ama nina Pia, Ren-Ren, Lino at Alan Peter. Higit sa lahat, staff ng matandang Cayetano ang misis ng katukayo ni Joselito (Cong. Lani Cayetano) sa panahong naim­bestigahan sa ethics ang father-in-law.

Alinsunod sa committee report: Nilabag ni Villar ang Section 9 ng Republic Act 6713 nagsasabing “a public official or employee shall avoid conflicts of interest at all times.” Ika ni Gus Abelgas ‘hindi nagsisinunga­ling ang ebidensya’.

Sa apat na buwang pagdinig ng Committee of the Whole, napatunayan ang lahat ng reklamo ni Donya Consuelo, alyas Jamby Madrigal, aba’y pangalan ni Villar ang ‘nasusulat at nababasa’ kung sino ang stockholder ng Adelfa Properties Inc., may-ari ng Golden Haven Memorial Park at Azalea Real Estate Corporation, ngayo’y Brittany Corporation; nagtulak sa Las Piñas-Parañaque Link Road Project at DPWH C-5 Road Extension Pro­ject na dumaan sa pag-aa­ring subdibisyon at sumingil ng mas mataas sa road right of way. Kung idide­talye ang iba pang ebidensya, baka mauwi sa magazine ang buong kolum.
***
Napag-usapan ang C-5 committee report, ito’y konektado sa naunsyaming kudeta noong nakaraang Enero 18. Ang nakakatawa lang, nagkamali ng diskarte ang tropa ni Villar at naisama sa ‘boycott drama’ si Senator Miriam Santiago na hindi marunong magsinungaling sa media. Ang eksaktong deklarasyon ni Miriam sa Kartada Escalera (dzXL radio) noong nakaraang Sabado:

“At para lang sana hindi matuloy na basahin ang report na iyan sa plenary session namin, nagsipag-boycott kami nu’ng Tuesday ba ‘yun? Na sabay-sabay kami mag-absent na pare-pareho kami may engagement o ako naman ay may sakit. Aminin ko na, na pinakiusapan kami na kung pwede ‘wag muna kami pumasok para maramdaman ni Sen. Enrile na ayaw ng aming grupo na parusahan ang aming kapwa na pare-parehong personalidad ay tumatakbo pagka-President”.

Iyon nga lang, iba ang spin ng katukayo ni Joselito, kailangan palitan si Enrile ng isang kasamahang meron pang natitirang 3-taon termino, gamit ang senaryong magkaka-failure of election.

Isa pang nakakatawang spin ng Nacionalista, ‘dumidikit’ daw kay Noynoy Aquino si Villar, alinsunod sa huling Social Weather Station (SWS) survey. Kapag sinuri ang numero, double digit pa rin ang kalamangan ni Noynoy kahit pa pagbali-baliktarin ang senaryo. Sa “special two-man survey”, nakapagtala ng 52% si Aquino habang 44% si Villar -- ito’y malabong mangyari dahil sampu (10) ang presidentiables.

Sa senaryong tinanggal ang pangalan ni Erapsky, si Aquino (49%) pa rin ang nanguna sa survey at pangalawa si Villar (38%), as in 11% ang abante. Kahit pa tinanggal si Gibo, hindi pa rin matinag si Aquino (45%) at pangalawa pa rin Villar (35%), malinaw ang 10% kalamangan ni Noynoy. Iyon nga lang, iba ang lumalabas sa kakam­ping tabloid. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/jan2610/opinions_spy.htm


Monday, January 25, 2010

january 25 2010 abante tonite

Senatoriable, napanisan ng laway sa presscon

(Rey Marfil)


Bagama’t sadya pang napakalayo ng bilangan at hindi pa nagsisimula ang tunay na kampanyahan para sa May 10, 2010 national elections, isang ambisyosong senatoriable ang ‘feeling’ miyembro na ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Tanging nakakatawang eksenang nasaksihan ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy, kamuntikang nadale ng food poisining ang ambisyosong senatoriable dahil sa pagkakalunok ng panis na laway nito.

Sa kabuuan, hindi maiwasang magtaas ng kilay ng mga kurimaw matapos maispatan ang pag-astang senador ng isang pulitikong nag-aambisyon makatabi ng upuan ang mga kauri nina Mulaway at Boy Kornik ng Upper House.

Ilang araw ang nakakaraan, gumawa ng pakulo sa isang kapamilyang pulitiko ng ambisyosong senatoria­ble at ipinagtaas ng kilay ng mga kurimaw ang pagsawsaw ng mokong, partikular sa press conference.

Hindi kasali sa press conference ang ambisyosong senatoriable subalit nagawang bumuntot sa isang kapamilyang pulitiko, kalakip ang hangaring makunan ng sound bite o maisama sa kukunan ng interbyu ng mga mamamahayag.

Tanging nakakatawang eksena, walang pumansin sa senatoriable kahit anong posing ang gawin sa tabi ng kapamilyang pulitiko, as in nagsayang lamang ng effort at pagod subalit dinedma ito.

Sa pagkahaba-haba ng press conference, hindi man lamang napansin at pinansin ng mga mediamen ang ambisyosong senatoriable kaya’t umuwing luhaan, as in napanis ang laway at halos nagka-ugat ang paa sa katatayo.

Kahit isang reporter, walang nagtangkang magtanong sa senatoriable dahil meron ipinapatupad na secret boycott, as in deklaradong persona non grata ang pulitiko matapos masangkot sa pag-aangas sa parking lot ang bayaw nito.

Clue: Sa ngayon, napakalayo sa katotohanan ang ratings ng ambisyosong senatoriable at kinakapital lamang ang isang kapamilya para manalo. Kung kongresista o gabinete, ito’y meron letrang “B’ sa kabuuan ng pa­ngalan at apelyido, as in Batang Itinulak ng Magulang sa Politika (BIMPO)(mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/jan2510/hulaan_blues.htm


Friday, January 22, 2010

january 22 2010 abante

Senador nilangaw sa presscon

Bagama’t hindi ‘bilasa’ ang isyung inilalako sa media, dinapuan pa rin ng sangkaterbang bangaw ang press conference na ipinatawag ng isang ambisyosong miyembro ng Upper House.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban matapos masaksihan ang nakakatawang press conference ng isang senador kung saan walang mediamen ang gustong magtanong dito.


Kahit napaka-hot issue ang nilalaman ng press conference ng senador at napapanahon ang lahat ng bibitawang pahayag sa publiko, kahit isang Senate reporter ay walang kumagat sa pakulo ng solon.


Dahil walang gustong magtanong, napilitan ang senador na basagin ang katahimikan sa Media Center at nagtanong kung sino ang magtatanong subalit wala pa ring pumansin.


Nang mapansing ‘busy’ ang mga reporter at dinidedma ang kanyang presensiya, nagsariling-sikap ang senador at inumpisahan ang pagsasalita sa press conference kahit walang nagtanong.


Pintahan n’yo na: Madaling makilala ang senador dahil napakamatapobre at tumatakbo sa mataas na posisyon. Ito’y pasok sa dalawang gender at nagtataglay ng dual citizenship, as in Half-Filipino at Half Filipina.

http://www.abante.com.ph/issue/jan2210/kartada5.htm


Thursday, January 21, 2010

january 21 2010 abante tonite

Pansarili lang iniisip!
Rey Marfil


Kung sino pang naka­kariwasa sa buhay, ito ang napapaboran -- ga­nito ang estado ng mga rank and file employees ng Commission on Appointments (CA), aba’y mas inuna ni CA Secretary Arthur Tiu ang repre­sentation allo­wance and transportation allowance (RATA) ng mga direktor gayong mas kaila­ngan ng mga ordinar­yong emple­yado ang rice subsidy allo­wance.

Ang nakakalungkot sa lahat, hindi lang na-delayed ang pag­re-release ng food subsidy kundi kinaltasan ng P500 -- ito’y malinaw sa direktiba ni Budget director Fe Sevilla, gamit ang rasong ‘it is not mandate benefit’ gayong sa loob ng 10 taon ay nakalista sa payroll.

Kundi nagkakamali ang Spy, tanging manda­ted benefits ng mga se­nior staff, as in director level ang P7,833.33 extra ordinary and miscellaneous expenses (EME) at P12,600.00 representation allowance and trans­portation allowance (RATA), nangangahulugang P20,433.33 ang itinakda ng batas -- ito’y napakalayo sa P2,500 rice subsidy allowance ng rank and file employees.

Ang nakakalungkot sa lahat, nagawa pang kaltasan ng P500 ang food subsidy ng mga ordinaryong empleyado at inirasong P1,500 lamang ang mandated be­nefit. Take note: kung hindi pa nagsalita si Senate President Juan Ponce Enrile sa flag raising ceremony ng nakaraang Lunes, hindi maibabalik ang P500 na ipinakaltas sa food subsidy. Kahit itanong n’yo pa sa mga miyembro ng Commission on Appointment Secretariat Emplo­yees Asso­ciation (CASEA).

Ang malaking kabulastugang nadiskubre ng mga kurimaw, umabot sa P38,650 non-mandate benefits ang tinatanggap ng humigit-kumulang 50 direktor, kinapapalooban ng P24,650 reimbursable addi­tional transportation allowance at karagdagang P14 reimbursable additional extra and miscellaneous allowance.

Subukan n’yong i-check sa Cash Division, ito’y nai-release ng nakaraang January 18 samantalang ibinitin ang kakapiranggot na food allowance ng mga rank and file employees. Kapag binalikan ang records, napakalayo ang tinamasang benepisyo ng mga senior staff ng nakaraang Disyembre at pagkatapos magmantika ang mga bibig sa malaking nauwing be­nefits, inuna pa rin ang kanilang sarili sa non-manda­ted benefits. Talagang Onli in da Pilipins at siguradong ‘di palalagpasin ni Manong Johnny!
***
Napag-usapan si Manong Johnny, walang kasing-tapang ang boss ni “Mrs. Senator Yvonne Caunan”, aba’y harapang kinasahan ang naunsya­ming kudeta na ipinapanakot ng grupo ni Manny Villar kapag pinakialaman ang 12 senador na nakapirma sa naunang resolusyong nag-absuwelto sa C-5 road scandal.

Lingid sa kaalaman ng publiko, kamuntikang napatalsik si Enrile bago pa man mag-Christmas break, pinakahuling pagtatangka ng grupo ni Villar noong nakaraang January 18, kasabay ang pagbabalik-ses­yon ng Congress. Ang proble­ma, walang ‘pumikit’ sa core group ni Manong Johnny -- sina Mar Ro­xas, Pong Biazon, Noynoy Aquino, Ping Lacson, Chiz Escudero at Jamby Madrigal, maliban sa “Mahal na Senador”, as in Loren Legarda na ngayo’y ka-jamming ni Villar sa Nacio­nalista.

Simple lang ang plano ng grupo ni Villar upang maharang ang committee report na nag-uutos na isoli ang P6.22 bilyon sa C-5 road scandal, iupo ang ‘kaibigang matalik’ ni Loren Sinta -- si Edong Angara. Dahil ‘number games’ ang Senate Presidency, kailangang maka-13 ang grupo ni Villar -- dito nagkalihis-lihis ang taktika at formula, aba’y pumalag si Migz Zubiri at Dick Gordon kaya’t hindi nakabuo ng numero ang kampo ni Villar.

Hindi lang iyan, ayaw sumama nina Jinggoy Estrada at Gringo Honasan kahit pa naunang pumirma sa resolusyong nag-absuwelto kay Villar, maging si Mr. Noted, as in Francis Pangilinan, ito’y nanindigan sa Li­beral kaya’t banderang-kapos ang kudeta at nakakuha ng 12 pirma si Manong Johnny laban kay Villar. Iyan ang kuwento sa likod ng kudeta at dapat mag-i­ngat si Manong Johnny kay Angara, aba’y napasukan ng ‘Trojan horse’ ang majority bloc! (mgakurimaw.blospot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/jan2110/opinions_spy.htm


Wednesday, January 20, 2010

january 20 2010 abante tonite

Senatoriable, persona non-grata sa media

Rey Marfil

Sa halip maiangat ang popularidad at makapasok sa ‘Magic 12’ ng mga nagsusulputang survey, mas lalo pang lumabo ang kandidatura ng isang pulitiko dahil mismong mediamen na magko-cover sa political party na kinaaaniban ng ambis yosong sena toriable ang numero unong bad trip sa bayaw nito.

Ang rason, merong idineklarang ‘secret boycott’ ang Senate repor ters laban sa ambisyosong senatoriable, as in ipinapairal ang persona non-grata dahil sa ipinakitang kaangasan at kagaspangan ng pag-uugali ng kanyang brother-in-law.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, walang makuhang kakampi sa hanay ng Senate reporters ang ambisyosong senatoriable matapos mag-angas sa parking lot ang ba yaw ng mokong, partikular ang ginawang pakikipagtalo sa isang lady reporter.

Simula nang maganap ang insidente sa parking lot ng Upper House, hindi man lamang nagawang humingi ng ‘sorry’ ang bayaw ng ambisyosong senatoriable sa lady reporter na inangasan at tinarayan nito.

Halos ilang buwan na ang nakakaraan nang mangyari ang pakiki pag-away sa parking lot ng bayaw ng ambisyosong senatoriable sa lady reporter kung saan nang-agaw ng paradahan ang kumag subalit wala kahit isang pagpapakumbabang ipinakita ito.

Ang malupit sa lahat, nagawa pang magsinungaling ng brother-in-law ng ambisyosong se natoriable dahil iniba ang kuwento at ipinagkalat sa iba’t ibang dibisyon o tanggapan sa Upper House na mayabang ang lady reporter.

Dahil sa pangyayaring ito, naging consensus sa hanay ng Senate reporters ang pagboykot sa ambis yosong senatoriable dahil hindi pa man nakakarating ng Upper House ang pulitiko, maagang ipinakita ng bayaw ang pagiging arogante at kawalan ng res peto sa mga bebot.

Clue: Pumapasok sa isang opisina sa Upper House ang bayaw ng ambis yosong senatoria ble, malinaw ang nepotis mo dahil kamag-anak ng pulitiko ang amo nito. Kung gabinete o kongresista, ito’y meron letrang “B”, as in Batang Iti nulak ng Magulang sa Politi ka (BIMPO). (mgakurimaw.blogspot.com) .


http://www.abante-tonite.com/issue/jan2010/hulaan_blues.htm

Tuesday, January 19, 2010

january 19 2010 abante tonite

‘Wrong calculation’


Sa kainitan ng Maguin danao massacre hearing, nakaagaw ng headline ang double murder case na isinampa ng Department of Justice (DOJ) kay opposition Senator Ping Lacson. Ang press releases ni Agnes Devanadera sa media, walang bahid-pulitika gayong ang katotohanan, ito’y tumatakbong kongresista (Quezon). Mantakin n’yo, napaka-busy ni Lola Agnes sa Ampatuan case, naisingit pa ang Dacer-Corbito double murder case, maliban kung nabulungan ng Malacañang?

Kung katarungan ang misyon ni Lola Agnes, nakakapagtakang nabura si ‘Bigote’ gayong headlines ang pagiging mastermind, alinsunod sa naunang testimonya ni Cesar Mancao at Glenn Dumlao. Kung karakter ang pag-uusapan, kaeskuwela ni Jose Pidal, as in First Gentleman Mike Arroyo si Lola Agnes at makailang-beses sumemplang ang nominasyon sa Judicial Bar Council (JBC) bilang Sup reme Court (SC) Justice kaya’t napi litang ipalit kay Sir Raul Gonzalez?

Mismong si Senator Chiz Escudero, inilarawang ‘hearsay testimonies’ ang pinagbatayan ng DOJ at ‘cover-up’ sa Ampatuan case ang resbak ni Senator Benigno “Noynoy” Aquino III pero hindi man lamang natinag si Lola Agnes.

Kundi nagkakamali ang Spy, bago mag-Pasko itataon ang pagsampa ng kaso kay Lacson (December 21, 2009) subalit napaka-busy ni Lola Agnes sa Ampatuan case kaya’t naudlot ang plano. Ang ikalawang pagtatangka, noong nakaraaang Disyembre 28, 2009, as in ihahabol bago mag-Bagong Taon dahil Lunes inira-raffle ang mga kaso subalit mainit pa rin ang Maguindanao massacre.At naganap ang dapat maganap, natuloy ang pagsasampa ng kaso kay Lacson ng nakaraang Enero 4, 2010.

Ang maling kalkulasyon ni Lola Agnes, tila mahina ang ‘pandinig’ ni Manila Regional Trial Court Judge Myra Fernandez, aba’y walang warrant of arrest na inilabas noong nakaraang weekend. Kung ibang huwes ang binagsakan ng kaso ni Lacson, ito’y naghihimas na ng rehas at ‘Bahala si Kulafu’ magdetermina ng probable cause.

Mantakin n’yo, malinaw ang interview ni Ted Failon kay Mancao sa Amerika -- ito’y sinusuhulan para magsinungaling at mismong si Senator Mar Roxas ang tumestigong kasama si Lacson sa Amerika noong Setyembre 2000 subalit pinaniwalaan pa rin ni Lola Agnes ang senaryong ipinag-utos ni Lacson ang paglikida kina Bubby Dacer at Emmanuel Corbito sa kaparehong petsa at narinig diumano ni Mancao. Teka lang, hindi naman si ex-senator Ramon Revilla Sr., si Lacson upang ‘magdalawa’ ang katawan, ka tulad ng mga pinagbida hang pelikula?

***

Napag-usapan ang maling kalkulasyon, ganito rin ang isyu sa diumano’y panunugod ni Kris Aquino-Yap sa bahay ng pamilya Austria sa Valle Verde. Kung sinuman ang ‘mastermind’ sa pagpakalat ng text message, maging ang pagdikit sa usapin ng pulitika -- ito ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ng ‘operator’.

Kahit sinong presidentiables, hindi makikinabang sa isyu bagkus lalo pang pinapasikat si Noynoy. Take note: Wala nang mas malala pang eskandalong kinasangkutan si Kris sa pagkakahawa ng tulo kay Joey Marquez subalit tinanggap at minahal pa rin ng publiko. Nasaan ngayon si Mayor Tsong, hindi ba’t nalaos ang political career? Ang rason: Hindi sinungaling si Kris kahit pa nagiging taklesa sa sobrang prangka nito.

Ngayong idinamay si Noynoy sa isyu, mas lalong magdadaldal si Kris sa telebisyon at walang choice ang Channel 2 kundi ilabas ang panig ng mga Aquino tungkol sa nangyaring eskandalo lalo pa’t pinagpipiyestahan sa peryodiko at hindi puwedeng kasangkapanin ng Dos ang ethical issue upang pigilan ang utol ni Noynoy.

Habang nagsasalita si Kris sa television, hindi makikinabang ang mga kalabang presidentiables at mas lalong nabigyan ng libreng publisidad si Noynoy. Take note: Meron pang bagong teleserye si Kris, ito’y pihadong kaaawaan ng publiko sa ‘Kung Tayo’y Magkakalayo’.

Higit sa lahat, mas lalong aabangan si Kris sa The Buzz at Showbiz News Ngayon (SNN), eh wala namang TV program sina Dick Gordon at Gibo Teodoro, kaya nga mala-teleserye ang advertisement ni Manny Villar para makaahon? Sino ngayon ang talunan sa labang ito?

(mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/jan1910/opinions_spy.htm

Monday, January 18, 2010

january 18 2010 abante tonite

Senador, terror at nang-aalila ng staff

(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, wala nang pag-asa pang mabago ang masamang pag-uugali ng isang miyembro ng Upper House, patunay ang pang-aalila ng tauhan o pagiging ‘terorista’ sa mga staff.

Ang tingin ng senador sa lahat ng mga tauhan, ito’y utusan na puwedeng alilain, anuman ang gustong ipagawa kahit labas sa trabaho at hindi rin alintana ang damdamin ng mga staff kahit nakakasakit ang mga binibitawang salita.

Sa mahabang panahon, paulit-ulit nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ituring na alipin ng senador ang mga staff, katulad ang walang katapusang panininghal ng tauhan para lamang isalba ang sarili kapag sabit ang diskarte.

Kahit mismong sarili ang dapat sisihin sa mga kapalpakan, ito’y isinisisi ng senador sa kanyang staff at harapan pang pinapagalitan sa harap ng mga bisita at kasamahang mambabatas, animo’y si Pontio Pilato na naghuhugas ng kamay dahil ipinapako si Hesuristo.

Hindi lang iyan, saksakan ng terror sa mga tauhan ang senador kung saan harapan din pinapahiya ang media relation officer (MRO) sa mga mediamen para lamang ilusot ang sarili sa nagawang kapalpakan.

Nang minsang hiyain ng senador ang kanyang staff, na-bad trip ang mga reporter dahil nakita kung paano tratuhing ‘aliping sagigilid’ ng mambabatas ang isang tauhan, animo’y minana ang pag-uugali ng mga Kastila na nanakop sa Pilipinas.

Mas lalo pang naawa ang mga reporters nang makitang napaluha ang pinagalitang staff at nakakalungkot isiping hindi magawang makapalag sa amo dahil merong pamilyang pinapakain ito.

Kahit masasakit ang mga katagang lumalabas sa bunganga ng senador, walang magawa ang mga staff kundi magtiis at pagtiyagaan ang mambabatas dahil napakahirap maghanap ng trabaho.

Clue: Hindi lang ordinaryong ‘plastic’ ang senador kundi ubod ng ‘plastic’, as in plastic sa lahat ng mga plastic. Kung kelot o bebot ang senador, ito’y meron letrang “A at N” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig pumatol sa matanda at Napaka-obsessed makarating sa PNB building. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/jan1810/hulaan_blues.htm

Friday, January 15, 2010

january 15 2010 abante tonite

Lady solon, pawisin

Bagama’t naturingang mambabatas at deputado, hindi maitago ng isang lady solon ang pagiging ‘dug­yutin’, patunay ang kawalan ng interes na mag-ayos ng sarili para magmukhang ‘fresh’ sa mga miron.


Napalitan ng pagkadiri ang paghanga ni Mang Teban sa isang lady solon nang makailang-beses naispatang pinagpapawisan ng kili-kili, hindi lamang sa iba’t ibang events bagkus sa mga political gatherings, ngunit hindi man lamang magawang punasan.


In fairness, hindi naman mabaho ang amoy nito. Ang nakakahiya lang, nagmumukha itong dug­yutin dahil kitang-kita sa kasoutan ang namamasang kili-kili, animo’y mapa ng buong mundo ang naka­pinta sa damit nito.


Pintahan n’yo na: Mas sanay sa ribbon cutting ang lady solon na ito keysa mag-sponsor ng bill at mas marami ring oras sa paglalaro.

http://www.abante.com.ph/issue/jan1510/kartada5.htm


Thursday, January 14, 2010

january 14 2010 abante tonite

Debateng maginoo
Rey Marfil


Walang kasing-lupit ang ‘Ang Mahal na senador’, aba’y hindi pa nasusungkit ang isa sa inaambisyong posisyon sa gobyerno, ito’y saksakan ng abusado sa kapangyarihan. Hindi natin babanggitin ang pangalan su­balit maraming Senate employees ang bad trip sa diskarte ng kumag.Mantakin n’yo, ‘gamit na gamit’ ang mga empleyado ng Upper House at nakakalungkot isi­ping sinasamantala ang kakapiranggot na kapangya­rihan para paboran ang kanyang kandidatura.

Kada araw, naging routine ng mga driver at taga-maintenance department ang maghakot ng hala­man mula Bureau of Plant Industry (BPI), as in naging ruta ang bumiyaheng San Andres, Maynila at kulang na lamang ay maglagay ng karatulang ‘Any point of Luzon’ o kaya’y “Perishable Goods, Do not Delay”.

Sa report na nakalap ng Spy, araw-araw ginagamit ng ‘Ang Mahal na senador’ ang mga service vehicle ng Upper House, as in pagod ang mga taga-Motorpool sa kadi-deli­ver, aba’y ginawang taga-hakot ng mga halaman ang mga dri­ver at ilang Senate staff, kabilang ang mga naka-assign sa maintenance at janitorial services.

Ang malaking revelation sa lahat, pinapalabas pang personal na pag-aari ang mga halaman na ipinangreregalo sa mga kaibi­gan gayong sa­riling pondo ng gobyerno ang wina­waldas. Ang masakit sa lahat, pati pribadong lakad, ginagamit ang mga red plate o government vehicles. At madalas, ginagabi o inuumaga ng uwi ang mga driver sa kadi-deliver, depende sa pagdadalhan ng mga halaman.

Ang nakakasuka pa, naka-charge sa secretariat funds ang overtime (OT) ng mga driver at napag-uutusang Senate staff. Pagkatapos ipinagmamala­king makabayan at makatwiran? Kung sino ang ‘Ang Mahal na senador’, ito’y isa sa political butterfly.
***
Sa programang ‘Square-Off’ ng ABS-CBN News Channel ng nakaraang December 16, kahit mainitan ang debate at diskusyon sa ilang isyu, walang personalan at maayos ang palitan ng punto. Kahit parehong tumatakbong alkalde, magkaibigan pa rin ang turingan nina Mayor Fred Lim at ex-PNP chief Sonny Razon -- ito ang dapat pamarisan ng mga presidentiables, sampu ng tumatakbong kandidato ngayong 2010 elections.

Sa mismong programa, kaibigan pa rin ang tawagan, isang pagpapakita kung gaano ka-maginoo kahit magkalaban sa pulitika, ewan lang kung ka­yang budburan ng ‘fabric with conditioner’ ni ex-DENR Sec. Jose ‘Lito’ Atienza Jr. ang kanyang bunganga kapag ka-debate ang dalawang (2) ex-law enforcers?

Kung meron natuwa sa debate, walang iba kundi ang mga katropa ni Professor Lito dela Cruz ng Middle Chamber Restaurant, sampu ng kapitbahay sa Sta. Cruz at Malate, Maynila, aba’y maayos ang pagkahimay ni Razon sa problema ng kabuhayan, kalusugan, edukasyon, pabahay, basura, kriminalidad at corruption. Hindi lang, sistematiko ang pagkakalatag ng detalye at konkretong solusyon sa problema.

Mantakin n’yo, napakaraming pag-aaring lupain ang gobyero sa Maynila subalit hindi magawang bigyan ng bahay ang mga taga-squatter, katulad ng ‘in-city relocation’ at ‘low-cost hou­sing’. Ang nakakatuwa sa lahat, nagawa pang magbiruan nina Lim at Razon sa debate, aba’y mismong si Lim ang nag-imbitang magkape isang araw at pinangakuan ng sariling kopya ang katunggaling mayo­ralty bet tungkol sa mga pag-aaring lupain ng city government para magkaalaman kung sino ang nasa tamang rason.

Sa katanungan kung ano ang magiging prayoridad, iisa ang solusyon ng dalawang (2) ex-law enforcers, walang iba kundi karagdagang “police visibility” at pagbabalik ng “foot patrol”, mas detalyado nga lang ang rason ni Razon.

Ang trivia lamang, nagsilbing district director ng Manila Police District (MPD) si Razon sa panahong nakaupong alkalde si Lim. Hanggang ngayon, hindi nagbabago ang problema ng Maynila, nananatiling mataas ang kriminalidad at street crimes, nagkalat pa rin ang adik at rugby boys sa iba’t ibang lansangan.

Ibig sabihin, ngayong 2010, dalawang (2) tao lang ang puwedeng pagkatiwalaan at pagpilian, maliban kung hangad ng mga Manileño ang su­minghot ng lantang bulaklak? ‘Ika nga ng mga kurimaw, kahit anong dilig ang gawin sa natuyong halaman, ito’y malabong mamulaklak, kahit gamitan pa ng fertilizer fund. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/jan1410/opinions_spy.htm


Wednesday, January 13, 2010

january 13 2010 abante tonite

Presidential adviser ipinaplaster ang mukha

(Rey Marfil)


Sa hangaring magmukhang bata at maging de-kalidad ang awra sa hanay ng mga natitipuhang kelot, isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ‘nagpatahi’ ng mga pinaglumaan ng tagyawat para takpan ang baku-bakong mukha.


Ang nakakatawang nadiskubre lamang ng TONITE Spy, kung kailan tumanda ang kampon ni Mrs. Arroyo, sa katauhan ni Presidential Adviser, dito pa lamang napag-isipang iparetoke ang kanyang mukha.

Sa mahabang panahon, dinededma lamang ni Pre­sidential Adviser ang mala-Department of Works and Highways (DPWH) nitong mukha kung saan baku-bako at sandamakmak ang butas dahil sa tagyawat, as in pinaglumaan ng pimples ang hitsura.

Higit sa lahat, nagtataglay ng ‘dual citizenship’ si Presidential Adviser, as in half-Fi­lipino at half-Filipina na nangangahulugang kailangan nitong ‘magpaganda’ at resolbahin ang baku-bakong mukha para makabingwit ng mga machong papa at hindi puro ‘pera-pera’ ang formula sa paghahanap ng panadaliang kaligayahan.

Sa payo ng mga kaibigan dahil ‘walang class’ kapag humaharap sa media at nagmumukhang ‘mama monchang’, katulad ng mga baklang beautician na nalipasan ng panahon sa parlor shop, napilitan si Presidential Adviser na magparetoke ng mukha, animo’y pinatahi sa sastre ang baku-bakong hitsura.

Ang nakakatawang eksena lamang, nagawang humarap ni Presidential Adviser sa interbyu ng isang giant television network kahit hindi pa naghihilom ang mga sugat o pinagtahian kung kaya’t ikinagulat ng mga host ang naglalabasang sinulid sa kanyang mukha.

Dahil tinahi ang baku-bakong mukha lalo pa’t napakalalim ng butas na nilikha ng tagyawat, nagmukhang sapatos na tinalian ng sintas ang mukha ni Presidential Adviser dahil nagsulputan ang mga sinulid sa balat.

Clue: Hindi kuwestyon ang husay ni Presidential Adviser kung kaya’t isa sa sinasandalan ni Mrs. Arroyo sa usaping pang-ekonomiya. Kung local official o tagalikha ng batas, ito’y pasok sa lahat ng kategorya at kapangalan ng isang Se­nate witness. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/jan1310/hulaan_blues.htm


Tuesday, January 12, 2010

january 12 2010 abante tonite

Tumilaok si San Pedro!
Rey Marfil


Hindi lang Metro Manila ang ‘makulay’ ngayong 2010 election, suriin ang banggaan sa Bulacan, aba’y naglalaban ang magkapatid, mag-ama, magkarelasyon at magkaibigan. At bago nagtapos ang taong 2009, pinakakontrobersyal ang San Jose Del Monte City, Bulacan, aba’y nagmatigas si Vice Mayor Reynaldo San Pedro at aya­w ipahiram ang susi ng City Hall kay Mayor Angelito Sarmiento gayong malinaw ang Comelec ru­ling.

Take note: Hindi naman pag-aari ni San Pedro ang kahit isang poste ng City Hall at lalong hindi nakapangalan ang mga pundasyon. Ni sa panaginip, ayokong isi­ping ‘nasarapan’ si San Pedro kaya’t pumalag ito, maliban kung naimplu­wensyahan ng alak kaya’t iba ang pagkakaintindi sa katagang ‘order’ ni DILG Secretary Ronnie Puno, ‘di ba Asec Bryan Yamsuan?

Lingid sa kaalaman ng publiko, sampu ng mga taga-San Jose Del Monte, hindi lang magkaibigan ang turingan nina Sarmiento at San Pedro kundi ‘sanggang-dikit’, patunay ang pagiging magka-tandem noong 2007 election. Hindi lang ‘yan, usap-usapan din sa City Hall ang pagiging ‘Good Samari­tan’ ni Sarmiento, aba’y ipi­nagpiyansa si San Pedro nang makulong sa panahong hikahos ang vice mayor.

Ang malungkot lang, nagbago ang lahat ng pansa­mantalang maupong alkalde si San Ped­ro at hawakan ang ‘susi’ ng City Hall, kapalit ng namayapang si Dr. Eduardo Roquero habang dinidinig ng Comelec ang protesta ni Sarmiento. Dahil magkaibigan at magka-tandem noong 2007, nagpalabas pa ng mani­fest of support si Sarmiento kay San Pedro bilang mayor, kasama ang mga konsehal nito.

Ang nakakagulat lamang, makalipas ang ilang araw pag-upo bilang Acting Mayor, nagkainteres si San Pedro, animo’y nagustuhan ang ‘tumilaok’ sa City Hall, aba’y ayaw lisanin ang puwesto kahit pinapaupo ng Comelec si Sarmiento bilang lehitimong alkalde dahil napatunayang nandaya si Roquero.

Ang mala­king pagkakamali ni San Pedro, hindi ‘bopols’ ang mga taga-San Jose Del Monte kung ‘paawa effect’ ang motibo o gustong makuha ang atensyon ng botante kaya’t pinalagan ang pagbaba sa trono, maliban kung meron itinatagong baho kaya’t takot umalis ng City Hall lalo pa’t usap-usapan kung nasaan napunta ang P2.5 mil­yon sa loob ng ilang araw na pag-upo nito, ‘di ba Counci­lor Noli Boy?
***
Napag-usapan ang Bulacan, isang mayoralty candidate din ang sobrang ‘tulis’ dahil kung sinu-sino ang ‘naasembolan’, animo’y tandang kung dumiskarte sa mga kababaihan. Kahit sinong matipuhan, hindi pinali­ligtas kaya’t hindi nakaka­gulat kung bakit obsession ang mag-alkalde dahil maraming bubuhayin at kailangang susustentuhan.

Mantakin n’yo, apat ang babaing ‘ibinabahay’ ni Mayoralty bet, animo’y kada kanto, ito’y meron inuuwian, aba’y walang binatbat si Brader, as in Jojo Ismael ng Philippine Broadcas­ting System (PBS)-Radyo ng Bayan.

Mantakin n’yo, mismong asawa ng kanyang pinsang overseas worker, ito’y ‘tinalo’ at hanggang ngayon, kinakasama ni Ma­yoralty bet ang bebot at binigyan pa ng trabaho sa sariling opisina. Hindi lang iyan, maging anak ng isang natalong Kapitana o barangay chairman sa kanilang lugar, ito’y nabiktima at naasembolan. Ang pinakama­lupit sa lahat, meron rape case (statutory) na kinasasangkutan si Mayoralty bet at isang menor de edad na katulong ang biktima.

Kundi nagkakamali ang Spy, dinampot ng National Bureau of Investigation (NBI) si Mayoralty bet kaya’t malaking tanong kung anong nangyari sa kaso. Hindi lang iyan, nahulihan din ng unlicensed firearms ang isa sa bodyguard at konektado sa rebeldeng grupo. Kaya’t hindi nakakagulat kung malagay sa hot spot ng Comelec. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/jan1210/opinions_spy.htm


Monday, January 11, 2010

january 11 2010 abante tonite

Presidentiable nagmarakulyo sa media coverage

(Rey Marfil)

Sa kagustuhang makakuha ng libreng publisidad at maiangat ang popularidad, nauwi sa matinding pagmarakulyo ang ‘palabas’ ng isang presidentiable matapos tablahin ng media ang hinihinging live coverage nito.

Ang masakit sa lahat, naietsapuwera sa line-up ng mga balita ang ‘palabas’ ng presidentiable, as in hindi pinatulan ng mga news editor kaya’t walang lumabas sa dalawang giant television network na pinapuntirya nitong makakuha ng libreng publisidad.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ma-bad trip ang presidentiable, maging ang paninita ng reporter matapos madiskub reng walang ‘kumagat’ at pumatol sa kanyang ‘pa labas’ kahit government television station.

Para makahabol sa survey, gumawa ng gimik ang ambisyosong presidentiable, sa pamamagitan ng pag-iingay tungkol sa isang balitang nakaagaw ng headlines noong nakaraang Pasko kung saan nabigyan pa ng live coverage ang unang ‘palabas’ nito.

Dahil live coverage ang unang bahagi ng ‘palabas’, ginanahan ang presidentiable na magpakawala ng sangkaterbang laway sa media event at naka-jackpot dahil nakakuha ng libreng publisidad kaya’t nagkaroon ng ‘sequel’ o party 2 ito.

Ang nakakatawa lamang, naumay ang media sa mala-sirang plakang diskarte ng ambisyosong presidentiable kaya’t nag-flop ang ikalawang palabas dahil puro pagbubuhat ng bangko ang ginawa ng kumag.

Sa tindi ng pagka-bad trip ng ambisyosong presidentiable, ito’y nagmarakulyo sa mga reporter at nagawa pang ‘manita’ kung bakit hindi pinatulan ang kanyang ‘palabas’ at ipinagdiinang ‘newsworthy’ ito.

Lingid sa kaalaman ng ambisyosong presidentiable, mas bad trip ang media sa kanya dahil mag-isang nagsasalita at ayaw pagbigyan ang mga bisita, as in sinosolo ang ‘palabas’ kaya’t walang napupuntahan at walang resulta.

Clue: Hindi kuwestyon ang husay ng ambisyosong presidentiable, maging ang kakayahang mamuno su balit nakakairita ang pag-astang Super henyo at Mr. Savior. Kung gabinete o senador, ito’y saksakan ng daldal at miyembro ng Mulaway Team. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/jan1110/hulaan_blues.htm

Thursday, January 7, 2010

january 7 2010 abante tonite

Parang ‘Ro-Ro’!
Rey Marfil


Kung pagbabatayan ang pre-election survey ng Manila Broadcasting Company (MBC), walang pinag-iba sa ‘Ro-Ro system’ ang presidential bid ni Dick Gordon (1.3%), animo’y ka­sing-lalim sa pinaglubugan ng MV Baleno-9 ang nakuhang grado kapag ikinumpa­ra ang popularity rating kay Noynoy Aquino (45.7%).

Ibig sabihin, kahit ilang timba pang laway ang ibuhos sa campaign trail, kakapusin ng hininga si Gordon bago makaahon sa May 10, 2010 lalo pa’t pang-comics lamang si Flash Gordon at ibang karakter (Transformer) ang nagta-transform. Kahit TV ads ni Gordon, napagod sa katatayo, iyon pa kayang lumangoy papunta ng pampang habang hila-hila si Ba­yani Fernando na isinusuka ng mga vendor?

Take note: maraming presidentiables ang kailangang tanggalan ng salbabida ni Gordon para makapag-survive sa laot, alangang puro kampay lang ang gawin nina Manny Villar (24.6%) at Gibo Teodoro (5.7%) para maagaw ang life jacket ni Noynoy?

Maging ang running mate ni Gordon -- si Baya­ni Fernando (3%), kapareho ang kapalaran sa pre-election survey ng radio station ni Mareng Imelda, as in Milky Rigonan (dzRH radio), animo’y pink fen­ces na pinintahan ng green ni MMDA chairman Oscar Inocentes ang popula­rity rating nito.

Mantakin n’yo, naungusan pa ni Edu Manzano (3.1%) ng 0.1% ang mister ni Mayor Maria Lourdes Fernando ga­yong mali pa ang pagkaka-spell ng remittances sa TV ads ng LBC. Ang good news lang, tinalo ni Fernando sina Perfecto Yasay (0.4%), Jay Sonza (0.3%) at Dominador Chipeco (0.2%) sa vice presidential race.

Ang duda ng mga kurimaw, posibleng nakatulong ang ‘lampshade hat’ ng mga traffic enfor­cers ng MMDA, aba’y nabura ang pangalan ni Fernando sa pagiging consistent sa 2%, katulad ni Dick!

Sa kaso ni Dona Consuelo, alyas Jamby Madrigal (0.8%), ito’y dapat pang magsaya kahit walang nakuhang mana sa namayapang Tita dahil nakapag-advance ng campaign funds, aba’y konting hagis pa ng mga pulseras, malapit nang makakuha ng 1% sa presi­dential survey si Madrigal.

At least tinalo sina JC delos Reyes (0.2%), Oliver Lozano (0.1%), at Nicanor Perlas (0.1%), maliban kung gustong mapabilang ni Jamby sa hanay nina Ely Pamatong at Mark Jimenez na parehong bokya, as in itlog ang nakuhang grado sa MBC-DZRH survey?

Paalala lang kay Madrigal, huwag maghanap ng official receipt (OR) kung paano nauwi sa 0.8% ang marka, aba’y baka lalong mabawasan. Kaya’t asa­hang magpapabaha ng Spanish bread ang Pan De Pidro sa tambayan ng Senat­e reporters sa Public Relation Information Bureau (PRIB), aba’y siguradong maglulundag sa tuwa si Peter Sing!
***
Napag-usapan ang sena­torial survey, maganda ang showing ng mga ex-senators -- sina Tito Sotto, Ralph Recto, Frank Drilon at Serge Osmeña, maging House contingent, katulad ni TG Guingona. Ang malinaw lang, mala-best actor category ang en­ding sa senatorial race, as in nagkakahugis ang agawan sa trophy nina Jinggoy Estrada at Bong Revilla bilang No. 1

Ang nakaka-bad trip lang, kung hindi BIMPO (batang itinulak ng magulang sa pulitika), kinakapital ng ilang senatoriables ang apelyido ng mga kapamilya para makatabi ng upuan sina ‘Boy Kornik’ at ‘Matet’ ng Upper House, katulad nina Sonia Roco, Ruffy Biazon, at Monmon Mitra.

Higit sa lahat, madaling makalimot ng publiko, aba’y pumapasok sa Magic 12 si Bongbong Marcos, animo’y hindi hinahabol ng gobyerno ang ill-gotten wealth ng pamilya.

Nakakalungkot isipin, hindi man lamang inisip ng mga respondents ang sinapit ng mga pamilyang inabuso at biktima ng Martial Law sa kamay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sabagay, hindi nako-convert sa boto ang survey, katulad noong 1995 elections, hindi ba’t namayagpag sa bilangan ang anak ng diktador subalit laga­pak sa final tally? (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/jan0710/opinions_spy.htm


Wednesday, January 6, 2010

january 6 2010 abante tonite

Lady solon napikon sa pagiging OPM
(Rey Marfil)

Sa halip ituwid ang pagkakamali at magsilbing ‘wake up call’ ang natikmang kritisismo, matinding pagkapikon ang ibinalik ng isang non-performing lady solon matapos mabunyag ang pagpapabaya sa trabaho, partikular ang mga ipinangako sa panahong nangangampanya ito.


Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano na-bad trip ang ‘non-performing lady solon’ matapos kuwestyunin at batikusin ng mga kritiko ang pagiging “OPM”, as in Oh Promise Me, partikular ang kabiguang tuparin ang mga ipinagmamalaking advocacy at plata­porma sa publiko.

Sa panahon ng kampan­ya, kaliwa’t kanan ang pa­ngako ng non-perfor­ming lady solon sa publiko at walang katapusan ang pagsigaw ng ‘change’ para iboto ito, kalakip ang hangaring masungkit ang inaambis­yong posisyon.

Nang manalo, naiba ang kuwento at naiba rin ang kahulugan ng katagang ‘change’ dahil hindi pagbabago at reporma ang results, bagkus nauwi sa ‘barya’ ang mga proyekto, partikular ang ipinaglalabang advocacy at platform nito.

Katulad sa mga pag-aari ng gobyerno na tinaguriang NPA, as in non-performing assets, na­ging laman ng kritisismo ang diskarte ng non-performing lady solon bilang mi­yembro ng Kongreso, pinakahuli ang pag-account ng isang grupo sa performance ng mokong.

Umabot sa kaalaman ng media ang pagkuwest­yon sa performance ng non-performing lady solon, kabilang ang alegasyong walang nagawa at natutulog lamang sa pansitan ito, as in kinalimutan ang mga ipinangakong pagtutulak sa kanyang advocacy sa nagdaang eleksyon.

Sa tindi ng pagkapikon matapos marinig sa himpapawid ang reklamo at pagkuwestyon sa kanyang performance, direktang sinulatan ng non-performing lady solon ang isa sa mala­king himpilan ng radyo.

Sa halip ipaghingi ng paumanhin ang kabiguang mai-deliver ang mga ipinangako sa nagdaang eleksyon, nagawa pang kuwestyunin ng lady solon ang motibo ng mga nakaupong anchorperson, kabilang ang reklamong nagpapagamit ang mga ito.

Upang malusutan ang pagiging “OPM”, as in Oh Promise Me, kinasangkapan ng non-performing lady solon ang Palasyo ng Malacañang, katulad ang alegasyong hindi binibigyan ng pork barrel kaya’t hindi mapondohan ang kanyang advocacy.

Clue: Walang inatupag ang lady solon kundi manguna sa ribbon-cutting at magpa-cute sa session hall. Kung senadora o congress­woman, ito’y meron letrang “R” sa given name, as in Re-eleksyunista nga­yong 2010. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/jan0610/hulaan_blues.htm


Tuesday, January 5, 2010

january 5 2010 abante tonite

‘Reenacted President’
Rey Marfil


Hindi nakakagulat kung reenacted budget ang unang buwan sa taong 2010, ito’y nakahiligan ni Mrs. Gloria Arroyo, si­mula nang maupo sa palasyo, maliban kung puntiryang gawing campaign fund ngayong 2010 elections ang maitatalang sa­vings ng ilang departamento? Sa ilalim ng re­enacted budget, malaya ang misis ni Jose Pidal na i-realign ang pondo, partikular ang napondohang proyekto sa ilalim ng 2009 budget.

Ang masakit sa panig ng mga senador, ito’y ilang linggong nagpuyat at gumi­sing ng maaga para maka-attend sa budget deli­beration subalit wala ring silbi ang ginawang pagsusunog ng kilay dahil nasunod pa rin ang kagustuhan ng palasyo at hindi pi­nirmahan ang General Appropriations Act (GAA) of 2010 bago naghiwalay ang taon.

Mantakin n’yo, hindi man lamang ikinunsidera at inisip ni Mrs. Arroyo ang edad ni Senate Presi­dent Juan Ponce Enrile, ito’y halos ‘tulog-manok’ noong Disyembre para lamang gampa­nan ang nakaatang na trabaho. Hindi nga maintindihan ng Se­nate reporters kung na­tutulog pa si Manong Johnny, aba’y inaabutan na ng tilaok ng mga manok sa kalsada pagkaga­ling sa budget deliberation, pagkatapos papasok pa ng maaga para buksan ang session hall.

Hindi bale si majority leader Migz Zubiri, ito’y puwede pang lumaban ng puyatan kahit magdamagan sa floor. Kahit itanong n’yo pa sa tatlong (3) marinong sina Henry Austral, Enrique Bello at Emyr Macato ng MT Euro Swan, aba’y palaging naka-online at avid readers ng Tonite kahit naglalayag sa North Atlantic Ocean at English Channel.

Sa kabuuan, mabibi­lang sa daliri ang nagpu­yat at nagtrabaho para ipasa ang 2010 budget bago mag-Christmas break ang Kongreso - ito’y sina Enrile, Zubiri, Edong Angara (finance committee chair), Ping Lacson, Noynoy Aqui­no, Mar Roxas, Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, Loren Legarda at Nene Pimentel.

Take note: sumakit ang ulo ni Edong kay Noynoy, aba’y ultimo singkong duling hinimay kaya’t panay hirit ng time out ang kaibigang matalik ni Loren Sinta dahil walang maisagot ang mga department heads. Iyong ibang senador, aba’y ‘nag-apa­risyon’ lang kaya’t kinabahan ang ilang kasamahan dahil inakalang merong pinaplanong insertion at merong pumasok para lamang banatan ang kalaban sa pulitika.
***
Napag-usapan ang 2010 budget, maliban kina Manong Johnny at Se­nator Migz, nag-aksaya lamang ng laway ang tatlong (3) kasamahang senador upang himayin ang P1.54 trilyong 2010 budget - sina Ping Lacson, Mar Roxas at Noynoy Aquino, aba’y ibinalik ng mga kaporal ni Mrs. Arroyo sa Lower House ang lahat ng tinapyas at realignment nang isalang sa bicameral conference committee.

Pagkatapos tanggapin ni Edong Angara (finance chair) ang suhestyon ni Lacson na ili­pat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P1 bil­yong alokasyon ng Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), naiba ang kuwento sa bicam at ‘nagka-tongpats’ pa ang pork barrel ng mga mam­babatas, as in mula P200 milyon, nauwi sa P400 mil­yon ang pinagpartehan.

Sa kabilang banda, walang dapat ikagulat ang publiko kung obsession ni Mrs. Arroyo ang reenac­ted budget kada taon aba’y walang pinag-iba sa kanyang presidency ang ‘moro-moro’ sa budget deli­beration. Ang nakakasuka, meron pang pasumpa-sumpa si Mrs. Arroyo sa harap ng bantayog ni Jose Rizal noong 2003 na hindi tatakbong Pangulo pero naiba rin ang kuwento noong 2004.

Ang malungkot, humirit pa ng 1 mil­yong boto ang mommy ni ‘Lion King’ kay Virgilio Garcillano at kinasangkapan ang mga hene­ral upang paboran ang presidential bid nito, hindi pa kasama diyan ang government funds na na-divert. Kundi pa limitado sa isang termino ang presidency, sa ma­lamang reenacted Presi­dent si Mrs. Arroyo nga­yong 2010 lalo pa’t walang intensyong bumaba sa trono. Mantakin n’yo, nagkaugat na ang mga paa sa Malacañang, tumakbo pang congresswoman ng Pampanga. Talagang ‘Onli in da Pilipins’. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/jan0510/opinions_spy.htm




Monday, January 4, 2010

january 4 2010 abante tonite

Mestisuhing solon, nagpuputak!

(Rey Marfil)

Sa tindi ng obsession na mabigyan ng pagkakitaan ang mga kapamil­yang jobless sa pulitika, partikular ang kanyang kapatid at sariling asawa, nagmumukhang ‘binabaeng tinale’ ang isang miyembro ng Kongreso na ‘nagpuputak’ para lamang wasakin ang imahe ng mga kalaban ng kanilang angkan ngayong 2010 national election.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ‘nagpuputak na parang nangitlog na manok’ ang mestisuhing solon matapos resbakan ang mga kalaban sa pulitika ng kanilang pamilya, gamit ang kapangyarihan bilang miyembro ng Kongreso kung saan pinag-initan ang bawat departamentong nakakasakop dito.

Bagama’t panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan ang diwa ng Pasko, walang ‘passes’ na ipinagkaloob ang mestisuhing solon sa kalabang pulitiko bagkus kinasangkapan pa ang kapangyarihan upang gantihan ang mga ito.

Hindi maiwasang masuka ng mga kurimaw sa ipinakitang pag-uugali ng mestisu­hing solon dahil kabaliktaran sa pagsasalita ng mga Aral ng Diyos ang ipinakitang kagaspangan at kasamaan ng pag-uugali, katulad ang pagwasak sa pagkatao ng mga kalaban nito.


Mas lalo pang napagdudahan ang kasarian ng mestisuhing solon dahil wala sa ayos ang pagpuputak sa isyu at hindi rin bagay magdadaldal sa floor dahil nagmumukhang ‘looser’ at binabae ito, katulad sa mga pagdududa ng karamihan sa mga kaibigan ng mokong.

Nang isalang ang departamentong nakakasakop sa posisyong inuukupahan ng kalaban sa pulitika, big­laang nag-aparisyon sa session hall ang mestisu­hing solon.

Pinag-initan ng mestisuhing solon ang mga nakaupong opisyal ng departamento at pinag-uupakan kung bakit hindi magawang kastiguhin ang kalabang pulitiko, as in nauwi sa ‘parochial question’ ang hirit ng mokong, halata ang hanga­ring ipahiya at wasakin ang imahe ng makakatunggali ng kanyang mga kapamilya ngayong 2010 election.

Sa nangyaring budget deliberation, kung anu-anong paninira ang isiniwalat ng mestisuhing solon laban sa pulitikong makakabangga ng kanyang mga kapamilya at harapan pang nilektyu­ran ang mga pinuno ng ahensya, malinaw ang pagiging ‘out of order’ ng kumag.

Clue: Kinalaban ng misis ng mestisuhing solon ang incumbent official na kanyang pinag-initan sa budget deliberation at tumatakbo rin ang isa pang kapatid sa kaparehong lugar. Kung senador o kongresista ang mestisu­hing solon, ito’y merong letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang kawangis ng child star na nagbida sa pelikulang ‘Halimaw sa Banga’. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/jan0410/hulaan_blues.htm


Friday, January 1, 2010

january 1 2010 abante tonite

Raid sa ‘Kingdom’
Rey Marfil


Hindi nakakapagtaka kung bakit tumakbong congresswoman ng Pampanga si Mrs. Arroyo, aba’y mismong mga apo, iisa ang ‘Christmas wish’ sa nakaraang Pasko habang iniinterbyu sa Baguio City, sakay ng coaster -- ang manatili sa kapangyarihan habang buhay ang kanilang lola.

Sa murang kaisipan, hindi naiintindihan ng mga bata na hindi simpleng Christmas wish ang kahili­ngang magreyna ang kanilang lola habang buhay, as in for life sa Malacañang. At lalong hindi nalalamang sadsad ang trust rating ng kanilang lola at isinusuka ng sambayanan.

Kung hindi nga lamang limi­tado sa isang termino ang presidency, sa malamang sumawsaw si Mrs. Arroyo sa presidential derby, katulad ni ex-Presi­dent Joseph “Erap” Estrada, as in Erapsky, aba’y hindi makuntentong nakapuwesto ang mga anak at ayaw pang ipaubaya sa mga bata ang Malacañang.

Hindi lang klaro kung anak ni Camarines Cong. Dato Arroyo ang unang nag-wish na manatili sa kapangyarihan si Mrs. Arroyo. Ang ikalawang bata, ito’y pasigaw na nagbigay ng Christmas wish na ‘forever’ ma­ging Presidente si Lola Gloria -- iyong pinakamaliit sa tatlong sakay ng coaster.

Sa kabuuan, nakakatuwa ang “Christmas wish” ng mga apo ni Mrs. Arroyo, ito’y sumisimbulo kung bakit ipi­nagdiriwang ng bawat pa­milya sa buong mundo ang Pasko at malinaw na pagmamahal ang iniukol ng Pangulo, maliban kung tinu­ruan ang mga apo para inisin ang publiko? Ika nga ng mga kurimaw ‘kung anong ginagawa ng matanda, ito’y nagiging tama sa paningin ng mga bata’.
***
Napag-usapan ang Malacañang, isang mala­king religious group ang gustong buwagin ng isang pulitiko sa kanilang probinsiya, gamit ang isyung nagtataglay ng private armies. Lingid sa kaala­man ng publiko, pulitika ang pa­ngunahing rason kung bakit nanggagalaiti sa galit at pinag-iinitan ni Mr. Politician ang religious leader -- ito’y sumusuporta sa ibang kandidato at mortal enemy sa pulitika ni Mr. Politician ang natanguan ngayong 2010 election.

Mantakin n’yo, walang kamalay-malay si religious leader, kamuntikang napasok ang kanyang ‘kingdom of heaven’ dahil lamang sa pinagtahi-tahing kuwento ni Mr. Politician at pinapalabas na nagmamatine ng private armies kahit simpleng ‘prayer warriors’ o followers ng sekta ang nagbabantay sa kanilang kaharian.

Kundi nagkakamali ang Spy, umabot hanggang lamesa ni Department of Interio­r and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno ang ‘special request’ ni Mr. Politician na ipa-raid ang ‘kingdom’ ni religious leader.

Take note: magkaibigan sina Puno at Mr. Politician, as in mahaba-haba ang pinagsama­han kaya’t ‘dinaga sa dibdib’ si religious leader lalo pa’t mortal enemy din ng ilang taga-Malacañang ang sinusuportahang kandidato sa kanilang lugar. Kahit itanong n’yo pa kay Assistant Secretary (Asec.) Raymund Brian Yamsuan?

Napigilan lamang ang raid sa ‘kingdom’ ni religious leader dahil naki­alam ang Malacañang -- ito ang malaking pagkakamali ni Mr. Politician, aba’y kila­lang malapit kay Mrs. Arroyo si religious leader kaya’t direktang pinagsabihang huwag pakikialaman ang kaharian ng kanyang kaibigan.

Kung hindi na­ging maagap si religious leader, napasok ng mga ahente ng militar at pulisya ang kanyang kaharian dahil lamang gustong makaganti ni Mr. Politician. Kaya’t huwag ipagtaka kung umuwing luhaan si Mr. Politician sa 2010 election dahil ‘pade­r’ sa kanilang probinsiya si religious leade­r at malawak ang impluwensiya hanggang sa ibang bansa.

Kung sino si Mr. Politician, ito’y meron eskandalong sinabitan habang si religious leader, isa sa tatlong ‘minamanuhan’ ng mga pulitiko kapag eleksyon lalo pa’t nakakausap si Lord. Anuman ang motibo sa naunsyaming raid, isa pa ring ‘Masayang New Year mga Dude’ ang bati ng inyong lingkod!

http://www.abante-tonite.com/issue/dec3109/opinions_spy.htm