Tuesday, June 30, 2009

june 30 2009 abante tonite

Si Duque at ‘Animalya’!
Author


Nakaraang linggo, laman ng pahayagan ang reklamo ng isang grupo ng mga tricycle driver laban kay ParaƱaque Councilor Carlito ‘Doods Animal’ Antipuesto - ito’y may kinalaman sa ‘trike lending scheme’. Sa affidavit ng mga trike dri­vers, kapag nagkakahalaga ng P120 libo ang trike, sinisingil ng P250.00 kada araw ng Animal Antipuesto Trike for Life Foundation. Ibig sabihin, mahigit P91 libo sa isang taon ang hulog at pumapatak na P270 libo ang kabubuang halaga ng motorsiklo.

Kapag pumalya ng pitong araw ang trike, ito’y hahatakin o i-impound. At bago mailabas ang motorsiklo, kailangang magba­yad ng P5 libong multa kung hindi, ito’y ipagagamit sa ibang tao. Pagkatubos, magkakaroon re-contract, as in ‘back to zero’ ang pobreng trike driver sa hulog. Kaya maraming driver ang nagbabayad ng mahigit sa limang taon o higit pa!

Hindi lang iyan, meron pang ‘micro-lending’ si Konsehal, aba’y nagpapautang ng P10 hanggang P15 libo subalit pumapalo sa 35% ang interes sa loob ng dalawang buwan o 60-days. Ang malupit pang nadiskubre ng mga trike driver, walang approval ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lahat ng pinagagawa ni Konsehal at wala rin business permit.

Bilang local official ng isa sa tinitingalang ba­yan sa Metro Manila, dapat magsilbing ehemplo si Konsehal, aba’y paano kukuha ng business permit ang mga negosyante kung mismong lumilikha ng ordinansa ang lumalabag, maliban kung pinanindigan ang pa­ngalang animal? Ito ang rason kung bakit naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang mga trike driver. Kapag nagkataon, makukulong sa kasong syndicated estafa at tax evasion si Konsehal dahil sa ‘animalya’!

***

Habang dumadami ang tinamaan ng A(H1N1) virus, nababawasan ang ‘pogi points’ ni DOH Sec. Francisco Duque, aba’y lumalabas ang pagiging inutil. Tandaan: Mataas lamang sa lagnat at trangkaso ang A(H1N1) virus, ito’y madaling gamutin basta’t mag-self quarantine ang pasyente.

Ang hindi malunasan ni Duque - ang mga ‘kiti-kiti’ gayong mas maraming buhay ang nadale sa dengue. Kung problema sa DOH, hindi maresolba ni Duque, paano pa kung makarating sa Upper House, hindi kaya puro daldal lamang ang gawin at idaan sa press conference? Ibig sabihin, hindi “Ok DoH ko” ang nag-isip ng estratehiya para makilala si Duque ng publiko bilang preparasyon sa 2010 national election, as in isang kahangalan kung papurihan ito!

Kung hindi pa binaterya ni Senador Joker Arroyo ang walang katapusang press conference ni Duque, hindi magbabago ng ‘formula’ ang DOH. Mantakin n’yo, gusto pa yatang makipag-kompetisyon ni Duque sa Amerika, hindi naman Olympic Games ang pinaglalaba­nan, maliban kung obsession ng gabinete makopo ang headlines?

Ang dapat pagkatandaan ng publiko, minsan nang sumabit sa eskandalo si Duque noong 2004 national election - ito ang promotor sa pagda-divert ng OWWA fund bilang pang-areglo sa mga botante kahit pondo ng mga overseas Filipino workers ito.

Pagkatapos ng eleksyon, nasaan ang health card na ipi­namudmod ni Duque sa mga mahihirap na botante, hindi ba’t isang beses lang nagamit? Take note: Si Duque ang chairman ng Philhealth nang maganap ang pagda-divert sa OWWA fund at katarantaduhan kundi ‘premyo’ ni Mrs. Arroyo ang pagkakaupo sa DOH? Kung ‘nailihis’ ni Duque ang OWWA fund kahit hindi sakop ng kanyang opisina, hindi kaya maulit ang C-5 road scandal ni Senador Villar kapag nakarating ng ito ng Senado?

(mga.kurimaw.blogspot.com)

Monday, June 29, 2009

june 29 2009 abante tonite

Senador, takot mag-tuck in
(Rey Marfil)

Kahit ipinanganak na meron gintong kutsada at plato, walang kiyeme sa brand ng kasoutan ang isang miyembro ng Upper House subalit napaka-allergic kapag pinag-uusapan ang mag-tuck in ng pantalon o labas ang sinturera nito.

Sa impormasyong nakalap ng Tonite Spy, kahit kailan hindi pa nasubukan ng kunyong senador mag-tuck in ng damit o nakalabas ang sinturon at nakaipit sa kaniyang pantalon ang pang-itaas nito.

Ang rason, takot ang kunyong senador makita ng publiko ang naglalakihang bilbil sa itaas ng kanyang pantalon kung kaya’t allergic mag-tuck in ng damit kahit pa branded o mamahalin ang kasuotang sinturon, maging ang pantalon.

Isa sa ikinakahiya ng kunyong senador ang nagla­lakihang bilbil lalo pa’t kasing lapad ng bangka ang kanyang katawan at baywang na labis ikinakadismaya ng mokong kapag sinusubukang mag-tuck in ito.

Sa tanang buhay ng kunyong senador, simula ng pumasok sa pulitika, ito’y hindi pa nakitaang naka-tuck in ng damit, as in palaging naka-tuck out o inilaladlad ang pang-itaas at tinatakpan ang bewang.

Hindi naman masisisi ng mga kurimaw kung maarte sa porma ang kunyong senador, katulad ang kawalang interes mag-tuck in ng damit lalo pa’t wala rin silbi ang sinturon, as in bumaba sa beywan ang ‘abs’ nito.

Kapag nag-tuck in ang kunyong senador, hindi rin makikita ang sinturon dahil tinatakpan ng kanyang bilbil ang kabuuan ng katawan, animo’y nagkaroon ng dalawang beywang ito.

Ang pinakamalupit nadiskubre ng mga kurimaw, abot-dibdib kapag pinag-tuck in ng damit dahil napa­kataas ng beywang ng kunyong senador at halos idaan sa balikat ang pagkuha ng pitaka kapag magbabayad sa restaurant ang mokong o kaya’t kukuha ng suklay at panyo sa bulsa nito.


Clue: Nag-aambisyong makarating sa palasyo ng kunyong senador at napakahirap ma-interbyu ngayong nagbabalak sumalang sa presidential election. Ito’y meron letrang “A”.

(mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, June 26, 2009

june 26 2009 abante

Lamay, na-divert sa campaign sorties

At dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensya, lalo pang nabisto ang pagiging desperadong maluklok sa mataas na posisyon ng isang pulitiko matapos samantalahin ang lamay upang mangampanya ito.


Sa halip matuwa si Mang Teban dahil isa ang kandidato sa pinakamaagang dumalaw sa burol ng isang namayapang mediaman, ito’y napalitan ng pagka-bad trip matapos itong makitang nangangampaya.


Ang rason, nauwi sa campaign sorties ang burol, as in na-divert ang tunay na diwa ng pagbisita dahil isa-isang nilapitan ng pulitiko ang mga bisitang nakikidalamhati sa pagpanaw ng mediaman upang makipagkamay ito.


Napakaraming tao sa burol at halos tayuan sa loob ng punerarya kung saan pawang mga kasamahan sa industriya ang nakikipaglamay sa pamilya ng namayapang mediaman, sa pangunguna ng mga beteranong mamamahayag.


Sa pintuan pa lamang ng punerarya, kaagad kinamayan ng kandidato ang lahat ng mga nakasalubong sa hallway o lobby, partikular sa entrance gate kahit sa ibang patay dumadalaw ang mga ito.


Nang makapasok sa mismong pinagburulan ng namayapang mediamen, isa-isa ring kinamayan ng presidentiable ang lahat ng mga nakikipaglamay at kahit siksikan sa loob ng kuwarto, nagawa pa nitong puntahan para mabati.


Makalipas ang 30-minuto, nagpaalam ang pulitiko sa pamilya ng namayapa at kaagad tumayo, hindi para lumabas ng kuwarto kundi muling kamayan ang lahat ng mga bisita o nakikipaglamay, katulad din sa naunang ginawa nang pumasok ito.


Pintahan n’yo na: Matindi ang pangangailangan sa media mileage ng kandidatong ito lalo pa’t nababawasan ang popularity rating bunga ng kinasasangkutang eskandalo.(mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, June 25, 2009

june 25 2009 abante tonite

Kabulastugan sa Lower House!
Rey Marfil


Talagang ‘pera-pera’ ang labanan sa 2010, malinaw ang kuwenta ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson, gumastos ng P321 milyon sa TV commercial ang isang kasamahan sa Upper House. Take note: Setyembre 2008 nagsimula ang special operation at hindi kasama ang ‘monthly allowance’ ng ilang media personalities, maging radio plug sa mga radio station at ipinambibili ng headlines sa ilang peryodiko.

Kahit maliliit na tabloid lamang ang ‘nama-Manny Pacquiao’ ng presidentiable, ma­laki pa rin ang gastos sa pagbili ng banner story. Ang nakakatawa lang, mang-aagaw ng press release ang presidentiable, aba’y logo lamang ang pinalitan at hindi man lamang nire-rewrite bago ipamudmod ang statement ng ka-tropa sa organisasyon!

Hindi lang iyan, gumagastos ng kahalating milyon sa commercial kada linggo sa isang radio station ang pre­sidentiable. Ibig sabihin, P2 milyon sa isang buwan kada himpilan kaya’t malaking katanungan kung paano babawiin ang salaping pinakakawalan, maliban kung ibinabalik lamang ang mga naibulsa?

Hindi nagbigay ng pa­ngalan si Lacson kung sinong senador o presidentiable ang gumastos ng P321 milyon sa television commercial subalit lima ang natitira sa listahan -- sina Manuel Villar Jr., Manuel Roxas II, Loren Legarda, Francis ‘Chiz’ Escudero III at Richard ‘Dick’ Gordon.

Ang malinaw lang, alinsunod sa survey inilabas ng isang independent firm -- sina Villar, Roxas at Legarda ang topnotcher, hindi pa kasali si Chiz!
***
“Let’s Keep Our House Clean” -- ang tema ng isang patimpalak sa Lower House, alinsunod sa memorandum inilabas sa lahat ng mga departamento upang linisin ang kanilang kapaligiran.

Ang direktiba’y nanggaling diumano sa dalawang “Reyna” ng Lower House at inuutusan ang mga empleyado na sumunod sa mga “step by step guidelines (on how to clean) the workplace.
Sino nga ba ang ayaw makitang malinis ang kanyang kapaligiran para sa kapakananan ng lahat?

Lingid sa kaalaman ni House Speaker Prospero Nograles Jr., pinagtatawa­nan ang memorandum, aba’y pang-grade school ang guidelines, animo’y batang paslit ang tinuturuan kung paano gawin ang isang bagay.

Halimbawa: 1) Do not place anything under your desk. 2) Dispose unnecessary items in your desk drawers. 3) Arrange items in your desk drawers neatly for easy retrieval. 4) Do not pile up documents on your desk top. 5) Wipe your desk top every morning. 6) Do not leave unnecessary things on your desk top when you go home.

Kung ganito gumawa ng memorandum sa Lower House, huwag ipagtaka kung bakit iba ang pagkakaintindi sa voting separately ng mga Congressman!

Hindi lang iyan, isang departamento sa Lower House na meron pinakamaraming empleyado ang napilitang pagpalitin ang kanilang cabinet para lamang makasunod sa memorandum.

Mantakin n’yo, inilipat ang mga cabinet na naka-dikit sa mga dingding kaya’t lalong nasira at nababasa tuwing umuulan. Ang ipinagtataka ng mga kurimaw kung bakit nagkaroon ng re-modeling sa Batasan, as in ginastusan ng multi-milyong piso gayong hindi magawang ipakumpuni ang tumutulo at sirang opisina ng House employees!

Kung gusto ni Nograles, maging maganda at mali­nis ang kapaligiran ng Batasan Complex, dapat papasyalan kay House Media director Gil Bugaoisan ang bawat opisina para makita kung ano ang dapat kumpunihin at palitan.

Sa halip magwaldas ng pera sa paglalakwatsa ang mga kongresista tuwing may biyahe ang misis ni Jose Pidal, bakit hindi gastusin sa pagpapaganda ng Batasan?

Kaya’t hindi nakakagulat kung tinamaan ng A(H1N1) virus ang Lower House, aba’y ‘cosmetic formula’ ang paglilinis sa kapaligiran at puro biyahe ang inaatupag kaya’t nahahawaan ng A(H1N1), eh puwede naman pumirmis sa kanilang lalawigan.

Ang biruan nga­yon, carrier ng dalawang virus ang mga Congressman - ito’y H1N1 at HR 1109. At makatwiran siguro na tulu­yang isara ang Batasan para hindi magamit sa Con-Ass! (mga.kurimaw.blogspot.com)

Wednesday, June 24, 2009

june 24 2009 abante tonite

Presidentiable namudmod ng sirang wall clock
(Rey Marfil)

Sa halip makakuha ng ‘pogi points’ ang pamumudmod ng orasan bilang preparasyon sa 2010 national election, mas lalo pang nabaon sa kahihiyan ang imahe ng isang presidentiable at pinagtatawanan ang pagpapa-cute sa mga botante nito.

Kung meron tinaguriang ‘the late senator’, ganito rin ang relo ipinadmudmod ng isang presidentiable bilang giveaways sa mga bumibisita sa kanyang opisina, kasunod ang pagkakadiskubreng atrasado at dispalinghado ang wall clock ipinagawa ng isang campaign contributor nito.

Sa report nakalap ng Tonite Spy, hindi lamang nagkabuhol-buhol kundi nagkasabit-sabit ang schedule ng mga constituents nabigyan ng wall clock ng presidentiable dahil atrasado ng isang oras, as in late ang long hand at short hand ng orasan.

Kapag sinuri ang wall clock ipinadmudmod ng presidentiable nakaraang Pasko, maging sa lahat ng mga bumibisita sa opisina ng mokong, mistulang nabaliktad ang daylight saving time (DST) ipinatupad ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Nagsisilbing give-away o token ng presidentiable ang wall clock sa sinumang constituent na bumibisita at dumadalaw sa kanyang opisina kaya’t nagkalat sa malalayong probinsiya ang atrasadong relo nito.

Maituturing pang ‘home wrecker’ ang presidentiable dahil maraming nabigyan ng wall clock ang kamuntikang hiniwalayan ng kanilang mister lalo pa’t atrasado ng isang oras ang pagsasaing ng kanilang misis.

Ang nakakatawa sa lahat, kahit ilang palit ng double A battery at ikot sa long hand at short hand, hindi pa rin tumatama ang orasan ng presidentiable kaya’t hindi maiwasang pagduduhang tinipid ng campaign contributor ang mokong lalo pa’t makina ang may sira.


Clue: Mala-desperate housewives ang ‘pagwater-water ng presidentiable’ sa puwesto ni Mrs. Arroyo, maging ng karelasyon nito. Ito’y meron letrang ‘A’ sa apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon. Kung bebot o kelot, itanong kay birthday girl Cel Bueno ng dwIZ radio.

(mga.kurimaw.blogspot,com)

Tuesday, June 23, 2009

june 23 2009 abante tonite

‘Wag kalimutan ang atraso ni Duque!
Rey Marfil


Sa dami ng presidentiables, pinakamasuwerte si Chiz Escudero dahil walang “ka-effort-effort” subalit namamayagpag sa presidential survey, hindi katulad nina Manny Villar at Mar Roxas, halos mag-programa sa radyo at telebisyon sa dami ng political advertisement kada minuto, hindi pa rin ‘pang-Motolite’ ang pagpalo ng popularity rating, aba’y hindi ‘convincing’ ang result.

Mantakin n’yo, mas marami pa yatang oras ang commercial nina Villar at Roxas sa kabuuan ng programa keysa ibinabalita at komentaryo ng news anchor.

Kundi nagkakamali ang Spy, gumastos ng P200 mil­yon hanggang P500 milyon sina Villar at Roxas sa political advertisement samantalang ‘papitik-pitik’ lang si Chiz sa isang tabi subalit pasok sa Top 3.

Take note: Hindi pa nagdi-declare kung tatakbong Presidente sa 2010. Paano pa kung mag-40 sa October 10 si Chiz, hindi kaya sumadsad sa maputik na itikan at ma-gutter sa C-5 road ang popularity rating ni Manny o kaya’y mabalaho ang ‘Kori-Mar wedding’ bago ang November deadline ng Comelec?

At ng nakaraang linggo, umariba ang black propaganda laban kay Chiz, pinaka-latest ang ‘Chiz-Loren sticker’. Ibig sabihin, maagang ‘dinadaga sa dibdib’ ang ilang presidentiables kaya’t sinimulang wasakin ang imahe ni Chiz.

Kung meron labis nasaktan, walang iba kundi si Loren Sinta, aba’y ‘ikinahon’ sa Bise ang kaibigang matalik ni senador Edong Angara. Paano ang mga ‘mumun­ting pangarap’ ng magkaibigan kung si Chiz ang ilalarga?

At sa malamang, uminit ang ulo ni Ma’am Loren habang uma-attend ng climate change meeting sa Switzerland, siguradong meron staff nag-text kay Sinta!
***
Napag-usapan ang 2010, ni sa panaginip, ayokong isiping konektado sa senatorial ambition ni Health Sec. Francisco Duque ang pag­lawak ng swine flu. Mantakin n’yo, mapa-presidentiable o senatoriable, gumagastos ng milyones sa political advertisement upang i-angat ang awareness ng publiko samantalang libre si Duque, aba’y araw-araw laman ng telebisyon, radyo at peryodiko dahil napaka-init ang swine flu.

Kung pakikinggan si Duque, Pilipinas ang favorite ng A(H1N1) virus at pandemic ang arrive sa international community subalit kung susuriin ang pangyayari, wala naman namamatay sa virus, ma­liban kung ini-exagge­rate upang gumanda ang survey ratings?

Bago tumama ang A(H1N1) virus, isa si Duque sa napabalitang magsi-senador, malinaw ang infomercial sa radyo at telebisyon. Take note: ‘namakyaw’ ng advertisement si Duque at kahit simpleng pagbati ng ‘Happy Birthday’ kay Mrs. Arroyo, ito’y dinaan sa full page advertisement.

Ngayong pumutok ang swine flu, kulang na lang magpatawag ng press conference kada minuto ito. At meron pang nakaka-intrigang commercial ng alcohol product dahil tunog campaign slogan ni Duque ang spill. Hindi lang malinaw kung ‘Ok Dokie’ o ‘Ok Duque’ ang linya dahil boses lang ito.

Kaya’t hindi masisisi ang mga kurimaw kung pagduduhang ginagamit ni Duque ang A(H1N1) scare upang paba­nguhin ang imahe.

At ayoko rin isiping pinalalala ni Duque ang simpleng lagnat at trangkaso para meron sound bite kapag nagpapatawag ng press conference.

Tandaan: Si Duque ang rason kung bakit na-divert ang multi-bilyong OWWA fund noong 2004 election, gamit ang Philhealth- ito para pondohan ang health card na ipinamudmod sa mga botante mula sa kontribusyon ng mga OFWs.

Hindi lang iyan, si Duque rin ang pangalawa sa pinakamayamang gabinete, maliban kung tsismis lang ang pagkakaroon ng Porsche at Ferrari. Paglilinaw lang, hindi Ferrari na ipinamimigay sa gasoline station ang pag-aari ni Duque!

Monday, June 22, 2009

june 222 2009 abante tonite

Presidentiable nanita at nagselos!
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, sadyang nakadikit sa kulay at dugo ng isang presidentiable ang pagiging mainggitin at butangera matapos pagselosan ang dalawang kauring presidentiables.

Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano sitahin ng presidentiable ang ka-tropa matapos mabalitaang ini-etsapuwera ang kanyang pangalan sa ikinukunsiderang susuportahan sa 2010 national election.

Bagama’t walang responsibilidad ang ka-tropa sa presidentiable lalo pa’t hindi naman magkapartido at wala rin relasyon o hindi mag-boypren ang dalawa, mistulang pagmamay-ari ng kumag ang bawat desisyon ng kaibigan nito.

Ang nakakasuka sa lahat, harap-harapang sinita ng presidentiable ang ka-tropa nang mabalitaang nabura ang kanyang pangalan sa ikinukunsiderang susuportahang kandidato sa 2010 national election.

Bago sinita ang ka-tropa, lumabas sa peryodiko ang planong pagsuporta ng una sa dalawang presidentiables at inakala ng kauring presidentiable na lehitimong interbyu sa nabangit ang news report.

Dahil nakaugalian ng kauring presidentiable ang manita kahit hindi kaibigan ang mga nakakausap, as in madalas ‘feeling-close’ sa kaututang-dila, muling umiral ang pagka-butangera ng kumag.

Sa harap ng mga kasamahang presidentiable, nagawang sitahin ng kauring presidentiable ang ka-tropa at pinagselosan ang pagkaka-etsapuwera sa listahan ng mga ikinukunsiderang susuportahan gayong madalas magkasama sa meeting ang mga ito.

Ang nakakatawa, wala man lamang preno ang bunganga ng kauring presidentiable, as in walang pakialam kahit sino pa ang makadinig sa kanyang litanya dahil napalingon ang lahat at hindi maiwasang magtaasan ang kilay ng mga kurimaw.

Bilang depensa ng ka-tropa, inirason nitong wala pang desisyon at hindi na-interbyu, katulad sa nilalaman ng balita sa isang malaking peryodiko kung kaya’t walang dapat ipagselos ang kauring presidentiable, anuman ang pagkakaintindi nito.

Clue: Nangyari ang pag-emote ng presidentiable sa isang malaking rally at isa sa pinagselosan nito’y kapartido habang umatras sa laban ang ka-tropa. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, June 19, 2009

june 19 2009 abante

Presidentiable, tumakas sa swine flu quarantine

Kapag kumalat ang A(H1N1) virus sa isang lalawigan sa Luzon, walang ibang dapat sisihin ang publiko kundi ang isang presidentiable na nagbakasyon-grande sa abroad habang naka-recess ang Dalawang Kapulu­ngan ng Kongreso.


Ang rason, naghakot ng mga local officials sa isang lungsod sa Visayas region ang presidentiable bilang preparasyon sa pagtakbo ngayong 2010 national election at hindi man lamang ito nag-self quarantine.


Matinding pagka-bad trip ang naramdaman ni Mang Teban sa presidentiable matapos madiskubreng dumiretso sa isang pagtitipon ng mga barangay officials ang pulitiko at hindi nagawang mag-quarantine kahit isang araw gayong isang linggong nagbakasyon-grande sa abroad.


Pagkalapag ng eroplano sa Pilipinas lalo pa’t merong direct flight sa lalawigan, diretso sa inisponsorang pagtitipon ng mga baranggay officials upang makipag-bolahan at makipag-kamayan sa mga supporters nito.


Kinargo ng presiden­tiable ang lahat ng gastu­sin ng mga local officials, simula pamasahe patu­ngong Visayas region, pagkain hanggang hotel accommodation sa loob ng tatlong (3) araw.


Pintahan n’yo na: Ma­da­ming salapi ang presidentiable at may kina­sasangkutang kontro­bersiya.

Thursday, June 18, 2009

june 18 2009 abante tonite

Sino ang tunay na ‘lalaki’ sa oposisyon
Rey Marfil


Napakaraming umaastang oposisyon at nagbo-boses oposisyon subalit ‘berde’ ang dugo kapag ipina-blood test sa laboratoryo, as in hunyango. Ang tanong ng mga kurimaw: Sino nga ba ang tunay na ‘lalaki’ sa oposisyon? Para malinaw ang lahat, isa-isahin natin.

No. 1. Jejomar Binay (PDP-Laban) - Maganda ang track record ni ‘Jobama’ bilang alkalde, aba’y puro libre sa Makati at on the house (OTH), simula pagkakasakit hanggang libing. Ang problema, Sa ‘Makati Iyon’, hindi pa nasusubukan bilang national leader.

Take note: Makailang-beses inanunsiyo ni Jobama ang kahandaang ‘magbigay’ kay Erap. Hindi kailangan maging residente ng Makati para maintindihang nagpapataas lamang ng rating at pagka-senador ang ending!

No. 2. Loren Legarda (NPC). Tanging pagka-senador ang credentials ni Loren Sinta - ito’y hindi humawak ng alinmang posisyon sa local level, kahit pagka-baranggay captain at hindi rin naupong gabinete bagkus diretso sa session hall ang biyahe mula pagka-brodkaster.

Paano maipapasilip ni Loren Sinta ang kakayahang mamuno kung hanggang ngayon, animo’y isa pa ring news reader ng ABS-CBN o nagbabasa ng balita sa telebisyon at nagmi-memorize ng script, maliban kung handang magpaturo sa kanyang bespren, as in makipag-brain storming kay Edong Angara kapag coffee break?

No. 3. Chiz Escudero (NPC). Tinaguriang bibig ng oposisyon sa Lower House subalit may balik ang deklarasyong, “Para manalo sa mga nakaraang eleksyon at sa mga susunod pang eleksyon kailangan niya ang tulong ng mga nagmamalasakit dahil pinanganak na hindi mayaman”.

Ibig sabihin, magkaka-flashback ang pagiging ‘anak-anakan’ ni Danding Cojuangco ng San Miguel na sanggang-dikit ni Mrs. Arroyo, maging kay Lucio Tan. Kung ganito ang kalakaran, paano magiging taga-oposisyon si Chiz?

No. 4. Manny Villar (NP). Kahit ilan pang Santino ang magdasal, malaking dagok ang C5 Road extension controversy sa mister ni Ma’am Cynthia. Kahit pa gumastos ng limpak-limpak at bilhin ang lahat ng air time sa radyo, telebisyon o kaya’y pahina ng mga peryodiko, isama natin ang mga nagsusulat sa dahon ng saging, kasing-labo ng tubig sa itikan ang senaryong “May Bukas Pa”.

Tama man o mali ang isyu, mas malalim pa sa gutter ang nilikhang sugat ng ‘singit at taga scandal’. Hindi lang iyan, laging pagduduhan ng mahihirap ang pagiging isang malaking negosyante ni Villar kapag naupo sa MalacaƱang, katulad ang pangambang lumawak ang mga lupain at malihis ang mga kalye, mapa-Luzon, Visayas at Mindanao!

No. 5. Mar Roxas (LP). Napaka-trying hard ang pagpapaka-showbiz. Sa Upper House, mas nangingibabaw ang imbestigasyon keysa solusyon, katulad ng Legacy scam, aba’y labing-apat na beses nagpa-hearing pero walang committee report at wala pa rin nasasampolan ito.

Sabagay, live coverage ang ANC-21, sayang nga naman ang exposure lalo pa’t 5% lang ang itinaas ni Roxas sa Pulse Asia survey gayong multi-milyon ang binayad sa commercial. At kahit adik ang tanungin, hindi masisi kung isiping ‘palabas’ o scripted ang kanilang relasyon ni Korina Sanchez.

Madaling sabihing, “Inggit lang kayo” pero noong 2004 nang tumakbong senador si Roxas, hindi ba’t binalak din magpakasal nito? Mabuti lang, natuloy ang pamamanhikan ng nakaraang linggo. Paano kung bagsak ang rating bago sumapit ang November deadline ng Comelec, hindi kaya maudlot ang Kori-Mar wedding?

No. 6. Erap Estrada (PMP). Tatakbo o hindi, nananakot o nang-iinis, paano magpapakilalang dugong-oposisyon kung tinanggap ang pardon na ipinagkaloob ni Mrs. Arroyo. Malinaw ang statement ni Erapsky, “Pinatawad ko na ang mga Arroyo at ang pamahalaang ito”.

Kung hindi kinikilala ni Estrada ang liderato ni Mrs. Arroyo bakit tinanggap ang absolute pardon? Sabagay, mahirap makulong ng anim na taon at binabaril sa Luneta ang nagpapaka-hero. Kahit taga-gapas ng damo sa Tanay Rizal, maniniwalang meron ‘secret deal’ ang magkabilang kampo. Hindi naman puwedeng puro lang paluwal ang palasyo? Kaya’t sino ngayon ang tunay na ‘lalaki’ sa oposisyon? (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, June 17, 2009

june 17 2009 abante tonite

Presidentiable scripted ang interbyu (Last Part)
(Rey Marfil)

Hindi nag-iisa si Presidentiable I sa hanay ng mga nag-aambisyon maging kapalit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ‘scripted’ ang lahat ng media interview, mapa-radyo o telebisyon.

Kung guided question at scripted ang bawat tanong ng mga kakamping reporter, broadcaster at komentarista, ganito rin ang estilo ni Presidentiable P, patunay ang pag-iinarteng sumalang sa radio interview kapag hindi ka-tropa ang kausap.

Sa report na nakalap ng Tonite Spy, naging ugali ng kampo ni Presidentiable P, katulad din ni Presidentiable I ang magbigay ng paunang impormasyon sa reporter kung anong isyu ang dapat itanong sa kanilang amo.

Nagsisilbing handler ngayon ni Presidentiable P si ex-Undersecretary at promotor sa ‘guided questionnaire’ o scripted na tanong sa kanyang amo kapag isinasalang sa radio interview o kaya’y dinadaluhang media forum.

Ang gustong mangyari ni ex-Undersecretary, i-sentro lamang sa mga nagawa ng kanyang amo (Presidentiable P) ang isyu, animo’y naka-batak ng marijuana dahil napa-praning kapag nasingitan ng ibang tanong ang script ipinadala nito.

Bago ang interview, tinatawagan ni ex-Undersecretary ang sinumang anchorperson para i-briefing kung anong topic lamang ang puwedeng itanong sa kanyang amo.

At kapag nabaling sa ibang isyu ang tanong ng anchorperson, ito’y kaagad pagsasabihang ‘out of order’ at kapag ipinilit ang gusto, mabilis din pinapakansela ang interview o kaya’y tinatakot na tatanggalan ng commercial ang programa nito.

Clue: Mistulang ‘Boy tulo’ sa commercial ang bagong gimik ni Presidentiable 1 at meron letrang I sa palayaw, habang nakapaka-trying hard sa commercial si Presidentiabel P, samantalang meron letrang “C” si ex-Usec, as in Corrupt kaya’t nasibak!(mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, June 16, 2009

june 16 2009 abante tonite

Ang presidentiable at mag-kuya!
Rey Marfil


Wala munang banggitan ng pangalan, nakakatawang isiping nauuso ang ‘mag-Kuya’ sa pulitika, aba’y meron dalawang mambabatas, sa katauhan ng isang senador at presidentiable, iisa ang naging girlfriend at parehong bad trip ang kanilang magulang sa bebot, as in hindi type ang pag-uugali.

Mabuti lang, sineryoso ng presidentiable kundi maraming asin ang ipapa-reserba ng bebot para iburo ang sarili sa pagka-dalaga. At iyong presidentiable, una naman naka-relasyon ang isang lady solon subalit ngayo’y deny to death ang presidentiable kapag napag-uusapan ang dating girlfriend.


Hindi lang iyan, pinag-selosan naman ng karelasyon ng presidentiable ang isa pang lady solon, aba’y napabalitang ‘nagkatipuhan’ ang dalawa, as in naging magkarelasyon sa maikling panahon kaya’t mamatay-matay sa inggit ang isa naman matandang senador na matagal nang kinukursunada ang lady solon. Ang matandang senador, ito’y naging karelasyon naman isa pang lady solon.

Anyway, dalawa pang senador ang naging ‘mag-Kuya’ sa isang showbiz personality at kapag napagkukuwentuhan ang bebot, ‘naka-tsamba lang’ ang sagot ng ‘pinaka-bunso’ dahil kilalang tsikboy subalit naisahan ng kaibigan - ito ang unang naka-relasyon ng showbiz personality.

Ang nakakatawa, marami silang ‘mag-Kuya’ sa bebot, pati literal na bunsong kapatid ng unang nakarelasyon ng showbiz personality, ito’y nakisawsaw din! Iyon ang tunay na mag-Kuya, nagbibigayan kahit magkaaway sa tunay na buhay!
***
Habang nalalapit ang November deadline ng Comelec, lalong lumalaki ang gastusin ng isang presidentiable, aba’y namamakyaw ng supporters. Hindi lamang senatoriable ang binibili at inaalok ng pondo, pati baranggay captain, ito’y meron buwanang payola na tinatanggap sa opisina ng presidentiable.

Mantakin n’yo, P10 libo bawat baranggay captain ang monthly allowance na inaalok ng presidentiable bilang preparasyon sa 2010 national election. Hindi lahat, pumatol sa bagong ‘modus-operandi’ ng presidentiable, subalit sa isang mahirap na lugar at kabilang sa poorest provinces, napakalaking bagay kay Kapitan ang P10 libo kada buwan lalo pa’t wala naman alkalde, gobernador, Congressman, senador, Vice President at Presidente ang nagbibigay ng ganitong halaga kapag nakaupo sa puwesto.

Maliban sa ‘grassroots level’, halos lahat ng air time sa broadcast, mapa-radyo at telebisyon, ito’y binili ng presidentiable. Ang nakakatawa lamang, pati local cable network sa mga probinsiya, ito’y pinasok, as in pinakyaw ang mga bakanteng air time para pabanguhin ang kanyang imahe at pagtakpan ang dapat takpan.

Kung meron dapat sisihin ang kampo ng ibang presidentiable kung bakit tumaas ang rate card ng radyo at telebisyon, walang iba kundi ang kumag, aba’y name your price ang formula sa probinsiya, animo’y nagka-double insertion sa presyo ng air time.

Sabagay, ngayon lamang kumikita ang mga may-ari ng local television at radio station dahil kapag walang eleksyon, kahit nawawalang kambing ni Ka Igno, ito’y inaanunsiyo. Take note: live coverage pa ang paghahanap niyan!

Ang pinakamalupit sa lahat, ipinagmamayabang ng presidentiable ang kahandaang gumastos ng P7 bilyon ngayong 2010 election. Hindi milyon ang pinag-uusapang gagastusin ng presidentiable, ito’y nagsisimula sa kapital B, as in Buwa.

Kaya’t ‘all the way’ ang ‘pamimili’ ng kakampi at sino bang makatanggi kung pinaka-da best offer ng presidentiable ang pagkargo sa gastusin ng sinumang senatoriables sasama sa kanyang ticket?

Sabagay, kahit magkaliku-liko at lumihis ang daraanan ng presidentiable o kaya’y ma-gutter at sumadsad sa itikan, siguradong uuwing pasipol-sipol ang makakasamang senatoriables sa biyahe.

Mantakin n’yo, Talo na, Kumita pa! Kung sino ang presidentiable, sayaw muna kayo ng itik-itik bago ang clue!(mgakurimaw.blogspot.)

Monday, June 15, 2009

june 15 2009 abante tonite

2 presidentiable scripted and interbyu (Part 1)
(Rey Marfil)

Bagama’t walang lahing-artista at napaka-imposibleng magbida sa mga nauusong telenovela lalo pa’t walang arrive ang porma, saksakan ng ‘arte’ ang dalawang presidentiable kapag isinasalang sa radio interview, patunay ang pagkakaroon ng sariling script sa bawat isyung itinatanong ng anchor.

Sa dalawang pulitikong nasaksihan ng Tonite Spy, pinakamaarte si Presidentiable I, patunay ang pagtangging magpa-interbyu sa kahit sinong reporter kapag walang kinalaman sa kanyang image building ang mga tanong.

Hindi maiwasang masuka ng mga naglipanang kurimaw sa labas ng headquarters ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) ang kasinungalingan at pambobola ni Presidentiable I sa publiko, patunay ang ‘scripted’ na tanong sa lahat ng radio interview.

Bago isalang sa radio interview, nagpapadala raw ng script ang kampo ni Presidentiable I, kalakip ang kahilingan sa anchor na huwag magkakamaling ilihis ang tanong dahil kapag naiba ang isyu, ito’y nanganganib mawalan ng commercial sa kanyang radio program o i-aatras ang advertisement.

Kapag pinakinggan ang radio interview ni Presidential I, simula sa dulong kanan hanggang dulong kaliwa sa mga talapihitan ng mga radyo, iisa ang tanong sa pulitiko, partikular ang mga pagpapanggap sa buhay at itinatago ang kanyang baho sa pagbabayad ng air time, as in ginagamit ang media sa kasinungalingan nito.

Ang nakakasuka lamang, nagagawa pang mag-transcribe ng opisina ni Presidentiable I at ipinamumudmod sa mga reporter gayong kapag binasa ang transcript mula sa tatlo hanggang limang radio station naka-interview dito, iisa ang laman, as in xerox copy ang tanong at sagot ng kumag, maliban sa comma at period.

Hindi lang iyan, puro pambobola lamang ang laman ng interview o transcript ni Presidentiable I dahil walang matinong kasagutan at binabalikan lamang ng kumag ang mga karanasan sa buhay, simula ng ipanganak hanggang yumaman kung saan walang ibang layunin kundi bilugin ang ulo ng mga botante at takpan ang mga kabulastugang kinasasangkutan.

Clue: Kung sino si Presidentiable I, maging ang ikalawang presidentiable, abangan ang karugtong sa Miyerkules. Ang malinaw, parehong mayaman ang dalawa at magkaiba lamang ng sitwasyon. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, June 12, 2009

june 12 2009 abante

Palace boy, kalaguyo bistado!

Dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensiya, bistado ang pagtatampisaw sa kasalanan ng isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, partikular ang pakikipagrelasyon sa kanyang secretary.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban dahil mala-George Bocobo si Palace boy, patunay ang pagkakabuking ng kanyang misis sa itinatagong relasyon sa pagitan ng kanyang secretary, simula ng maupo ito sa puwesto.


Bago nabisto ang kabulastugan ni Palace boy, tuwang-tuwa ang misis ng opisyal tuwing kasama sa lahat ng biyahe ang secretary dahil alagang-alaga ang kanyang mister subalit laking gulat nang madiskubreng ‘inaswang’ at ‘bumigay’ ang bebot.


Sa napakamurang edad, kinuhang secretary ni Palace boy ang bebot na halos kasing-edad ng kanyang mga apo subalit na-in love ang opisyal.


Dahil maraming nasisiraan ng ulo kapag in love ang isang tao, kada taon nabibigyan ng promosyon ang bebot, alinsunod sa rekomendasyon ni Palace boy hanggang marating ng karelasyon ang mataas na posisyon.


Bagama’t tumaas ng posisyon, namumukod tanging secretary ni Palace boy ang meron access sa kuwarto ng opisyal at madalas pang magkulong ang magkarelasyon.


Kartada 9 ang katawan ng bebot, mestisahin at katamtaman ang taas kung kaya’t na-in love si Palace boy subalit may katapusan ang lahat, matapos mabisto ng kanyang misis at inaway ang kanyang mister, hanggang napilitan ang opisyal na ipatapon sa ibang lugar.


Inilipat ni Palace boy ang karelasyong bebot sa probinsiya, subalit hindi pa rin tumitigil ang dalawa sa kanilang pagtatampisaw sa kasalanan, patunay ang madalas na pagkikita sa ibang lalawigan at pag-abroad.


Pintahan n’yo na: Nag-aambisyon sa national office si Palace boy. Ito’y nagpapakilalang ‘Kuya’ habang meron letrang “S” ang bebot, as in Suwabe sa kama.

Thursday, June 11, 2009

june 11 2009 abante tonite


Papuri kay Sir Raul ko!
Rey Marfil


Hindi maibaba ang kilay ng mga natatawa sa vice presidential bid ni DILG Sec. Ronnie Puno, kabilang ang pagdududang konektado sa Constituent Assembly (Con-Ass) resolution ang ‘pag-iingay’ upang ilihis ang kaisipan ng publiko sa Charter Change (ChaCha). At kung meron pinaka-bad trip sa lahat, walang iba kundi ang mister ni Mang Jun - si Senadora Miriam Santiago, aba’y hindi makalimutan ang pagkatalo kay Tabako.

Sa paniwalang si Puno ang ‘utak’ ng kamalasan noong 1992 election, inis-talo pa rin hanggang ngayon ang lady solon. At dahil mas sikat at maingay si Aling Miriam kumpara kay Puno, nakatatak sa isipan ng publiko na hindi dapat pinagkakatiwalaan ito.

In fairness kay Puno, ito’y walang ‘tatak-Hudas’, katulad ng ibang government officials, as in hindi kailanman nabansagang traidor sa kanyang amo. Kahit nagbaliktaran ang lahat ng cabinet members noong EDSA Dos, nanatili si Puno sa tabi ni Erap. At ngayong si Mrs. Arroyo ang bagong amo, walang negatibong masabi ang pamilya Estrada at wala rin maipintas ang Arroyo family, maging ka-tropa sa gabinete.

At kung walang tiwala si Mrs. Arroyo sa pagkatao ni Puno, sa malamang naghihimas pa rin ng bakal si Erap sa Muntinlupa nang ma-convict sa plunder case noong 2007, malinaw ang ‘personal intervention’ upang patawarin at bigyang absolute pardon si Erap. ‘Di ba birthday girls Lourdes De Vera at Atty. Myra Roa?
***
Napag-usapan ang 2010, malinaw sa survey ng The Center ang mahinang tambalan Villar-De Castro, ito’y nakapagtala lamang ng 27% habang 14% ang ‘De Castro-Villar tandem’, maliban kung dumikit sa isipan ng publiko ang C-5 road scandal, paano pa kaya sa susunod na survey lalo pa’t naisiwalat sa Committee of the Whole ang ‘18 kasalanan’ ni Villar kaya’t ipina-ethics.

Ang nakakagulat, malakas ang ‘Mar-Ping’ tandem (33%), kasunod ang ‘Erap-Loren’ (31%). Ang nakalimutan itanong ng The Center sa 1,200 respondents, paano kung ‘Chiz-Ping’ sa 2010, hindi kaya maglupasay si Loren Sinta? Sabagay, gasgas ng drama ang pagka-Crying Lady sa impeachment trial ni Erap.

Take note: Hindi maganda ang relasyon nina Danding Cojuangco at Edong Angara, kalokohan kung tatalikuran ni Loren Sinta ang taong sinandalan sa panahong kailangan ang suporta. Kung walang Angara, walang maga-guide sa political career ni Loren Sinta nang tumakbong vice president ni Da King!
***
Kung maraming natuwa, meron din nanghinayang kay DOJ Sec Raul Gonzalez, aba’y “one of a kind” ang gabinete. Kahit one liner, siguradong headline ang katagang lumalabas sa bunganga nito. At sa malamang, ipinag-pray ng mag-inang Cory at Kris Aquino, Susan Roces at iba pang kababaihang ininsulto sa mga interbyu.

Sa pagkasibak ni Gonzalez, lumutang ang espekulasyon konektado sa “Mancao script” kaya’t pinalitan ni Agnes Devenadera - kilalang malapit kina Atty. Mike at Mrs. Arroyo. Ibig sabihin, walang kinalaman sa Mancao story ang pagkasibak ni Gonzalez bagkus sa ‘Failon tragedy’. Anyway, welcome back, Kuya Ted!

Hindi natin babangitin ang pangalan subalit usap-usapan sa mga coffee shops, isang ‘malaking tao’ sa MalacaƱang ang na-bad trip kay Gonzalez sa handling ng kaso laban kay Ted Failon. Bilang komentarista, isa ang ‘malaking tao’ sa nauupakan ni Ted Failon sa dzMM radio at madalas laman ng kritisismo o pagbatikos kaya’t gustong makaganti at pursigidong ipakulong ang broadcaster kahit malinaw ang kuwentong nagbaril sa sarili ang misis nito.

Sa impormasyong nakarating sa Spy, ipinapadiin sa ‘parricide case’ si Ted Failon subalit pumalag si Gonzalez dahil walang ebidensiya laban dito. Kung may katotohanan ang report, aba’y kahanga-hanga pa rin si Sir Raul ko! (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, June 10, 2009

june 10 2009 abante tonite

Anak sa labas, inabandona ng presidentiable (Part 2)
(Rey Marfil)

Katulad ng katanungan kung paano nabuo ang anak sa labas ng presidentiable, isang singer ang nakarelasyong bebot at natipuhan ng pulitiko nang minsan mag-perform sa dinaluhang pagtitipon ito.


Sa report na nakalap ng Tonite Spy, hindi lamang magaling kumanta ang bebot kaya’t nakursunadahan at na-asembolan ng presidentiable kundi maganda ang pangangatawan at mukha, as in kumpleto rekados.

Meron asawa ang presidentiable, patunay ang pagkakaroon ng dalawang anak at lantad sa kaalaman ng karelasyong singer ang sitwasyon kung kaya’t nanahimik ang bebot hanggang mabuntis at ipanganak ang sanggol.

Ang pinakamasakit sa lahat, halos sabay nagbuntis ang lehitimong asawa at karelasyong bebot ng presidentiable kung kaya’t magkasing-edad ngayon ang lehitimong anak at inabandonang sanggol.

Hindi lang iyan, mistula pang ‘identical twin’ ang anak sa legal wife at karelasyong bebot ng presidentiable dahil iisa ang kasarian ng dalawang sangol na kanyang inaasam bilang pinaka-bunso nito.

Bagama’t hindi ginagamit ng anak sa labas o love child sa singer ang apelyido ng presidentiable, mala-’Kambal sa Uma’ kapag itinabi sa kanyang ama ito, as in kawangis ng pulitiko at nakakatawang isiping kasing-edad din ng lehitimong bunsong anak nito.

Kapag binalikan ang nakaraan, lumalabas pang sabay ipinagbuntis ng legal wife at karelasyon bebot ang kanilang mga anak, as in nagloko ang presidentiable sa panahong naglilihi ang lehitimong asawa dahil buwan lamang ang pagitan ng ipanganak.

Matapang ang legal wife ng presidentiable at siguradong susumpain ang pulitiko ng mga anak kapag nadiskubreng meron pang ibang bunso o kapatid sa labas ang kanilang ama lalo pa’t napaka-Mr. Clean ang image sa pamilya nito.

Clue: Kung ilan taon at saan nakatira ang anak sa labas ng presidentiable at kung ano ang buhay ng bata ngayon, abangan ang clue sa Sabado. (mgakuwimaw.blogspot.com)

Tuesday, June 9, 2009

june 9 2009 abante tonite

Noli-Ping, Mar-Ping o Chiz-Ping?
Rey Marfil


Kung lahat ng presidentiables ay nagsasaya sa pag-atras ni Senator Ping Lacson, kalokohan kung makakangiti si Senador Manuel Villar Jr., ngayong ‘out of race’ ang chairman ng ethics committee, aba’y mawawalan ng saysay ang depensang pinagtutulungan ng mga presidentiable.

Ika nga ng mga kurimaw, siguradong ‘magkaka-buwa’ ang mga handler, sampu ng mga inarkilang spokesman ni Manny dahil hindi magagamit ng katukayo ni Joselito Caye­tano na palusot ang isyung pulitika ang ethics probe sa C-5 Road. Ang malinaw, kahit nabura si Lacson bilang presidentiable, kalokohan kung haharap ang amo ni Cayetano sa Committee of the Whole, kahit itanong n’yo pa sa mga mag-iitik sa Taguig at Pateros?

Sayang ang isang Ping Lacson upang pamunuan ang bansang lugmok sa katiwalian at kahihiyan. Mara­ming nagulat at nalungkot su­balit kahanga-hanga ang pagpapakatotoo at pagsakripisyo, aba’y napakahirap maghingi ng donasyon, ito’y siguradong babayaran kapag naupo sa palasyo. At hindi naman nagtatapos ang laban ni Lacson sa pag-atras bilang presidentiable dahil naglipana pa rin ang mga corrupt sa iba’t ibang go­vernment agencies.

Anyway, kahit multi-bilyon ang campaign fund ni Villar, subukan n’yong pa-atrasin, ewan lang kung sumagi sa isipan ang C-5 road scandal para mahiya sa mga botante? Ni sa panaginip, ayokong isiping may pinagmahan si Villar kay Mrs. Arroyo, aba’y balikan ang lahat ng eskandalo, hindi ba’t ‘dedmatic’ lamang ni Mrs. Arroyo at ‘for sale’ rin ng formula ng palasyo sa Kongreso, katulad ng mga banner story sa kakamping tabloid ngayong mainit ang ethics probe?
***
Ngayong nabawasan ang mga presidentiable, ‘pinaka-mabenta’ at ‘apple of the eye’ ng mga tatakbo sa 2010 election, walang iba kundi si Lacson. Take note: Humigit-kumulang apat milyon ang naitalagang boto ni Lacson noong 2004 gayong dalawang ‘heavyweights’ ang nakabangga sa entablado - sina Mrs. Arroyo at Fernando Poe Jr.

Kalokohan kung walang ibinawas ang mga ‘Garci Generals’ sa Mindanao votes ni Lacson, eh napakalinaw sa original CD hawak ni ex-Press Sec. Ignacio Bunye ang isang mil­yong hinihinging dagdag ng misis ni Jose Pidal!

Sa simpleng explanation, napakalaking ‘bentahe’ sa sinumang presidentiable ang kamay ni Lacson, patunay ang malaking suporta noong 2007 mid-term election, ito’y pangatlo sa senatorial race, kasunod ni senador Chiz Escudero. Ibig sabihin. ‘dagdag-pogi points’ si Lacson sa sinumang presidentiables dahil walang bahid ng corruption ang imahe nito.

At dahil hindi nagsisinunga­ling ang ebidensya, balikan ang 2004 presidential election, aba’y lumalabas pang mas maraming followers si Lacson kina Bro. Eddie Villanueva at Bro. Mike Velarde. Mantakin n’yo, tig-da­lawang congressional seat sa party-list system ang nasungkit ng El Shaddai at Jesus Is Lord (JIL) - ito’y katumbas lamang ng 500 libong boto. At marami pa rin ang utak-kalye, aba’y kahit nangangak ang Bayan Muna, ito’y nakasungkit ng tatlong silya!

Kung Spy ang tatanu­ngin, tatlong presidentiables lamang puwedeng suporta­han ni Lacson- sina Mar Roxas, Chiz Escudero at Vice President Noli De Castro. Kahit masiraan ng ulo ang lahat ng mga mag-iitik, kasing-labo ng putikan ang senaryong sasama si Lacson kay Villar.

Hindi natin babangitin ang pangalan, dala­wang kampo sa apat na pre­sidentiables na nabangit ang interesadong makausap ang kampo ni Lacson. Isa rito’y tumawag, ilang minuto makaraang i-anunsiyo ni Lacson sa ABS-CBN ang pag-atras sa presidential derby habang ang ikalawang presi­dentiable, ito’y nagpadala ng emisaryo para mag-usap ang magkabilang kampo.

Sabagay, magandang tambalan ang ‘Noli-Ping’, masarap din pa­kinggan ang ‘Mar-Ping’ at siguradong click sa kabataan at kababaihan ang ‘Chiz-Ping’. Sa tingin n’yo, alin ang mas masarap pa­kinggan at basahin sa mga streamers at tarpaulin nga­yong 2010? (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, June 8, 2009

june 8 2009 abante tonite

Anak sa labas inabandona ng presidentiable! Part 1
(Rey Marfil)

Inaaasahang ikakabit sa pulitika ng isang presi­dentiable ang pagkakaroon ng anak sa labas, kasunod ang pagkakadiskubreng inabandona sa mahabang panahon ang bata gayong nagpapakasarap sa buhay ang ama.


Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, posibleng gumuho ang mundo kapag nalaman ng misis ng presidentiable ang kataksilan ng kanyang mister, patunay ang pagkakaroon ng supling sa ibang kandungan o bebot.

Simula pagkabata, hindi pinaniniwalaan ng mga kaibigan at kapitbahay ang pagtuturo ng bata tuwing binabanggit ang pangalan ng presidentiable bilang lehitimong ama at itinuturing na isang biro lamang ang lahat.

Dahil madalas depensa ng isang single mothe­r ang magturo ng artista para meron maisagot sa bata kapag nagtatanong kung sino ang kanyang ama, hindi pinaniwalaan ang bata subalit habang luma­laki, iisa ang hugis ng mukha at kawangis ng presidentiable.

Ang masakit, napaba­yaan ang anak sa labas ng presidentiable, as in kahit isang singkong duling hindi nakakatikim ng sustento mula sa kanyang ama ang bata at nananatiling panagi­nip ang hanga­ring makasama o makausap nang personal ito.

Simula pagkabata hanggang mag-asawa ang anak sa labas, ito’y hindi kinilala ng presidentiable dahil natatakot sa kanyang misis, as in tanging ina at lola ng bata ang nakakaalam ng mga sikreto tungkol sa namuong relas­yon sa pagitan ng presidentiable.

Ang nakakatawa lamang, kasing-edad ng isa sa lehitimong anak ng presidentiable ang anak sa labas, malinaw ang katotohanang napalusutan ang kanyang misis sa panahong ipinagbubuntis ito.

Clue: Kung sino ang presidentiable at paano nakilala ng presidentiable ang naasembolang bebot. Abangan ang karugtong sa Miyerkules. (mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, June 6, 2009

june 6 2009 abante tonite

Presidentiable namamakyaw ng senatorial bets
(Rey Marfil)

Sa hangaring makabuo ng line-up sa 2010 national election, lantaranang namimili ng senatorial candidates ang isang mapagkunyaring presidentiable dahil walang gustong pumasok sa ticket nito.

Katulad ng nakaugalian, idinadaan sa ‘pera-pera’ ng mapagkunyaring presidentiable ang pagbuo ng senatorial line-up, patunay ang pamamakyaw ng mga kandidato, simula sa local level hanggang senatorial bets.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, maraming nagdadalawang isip sumali sa partido ng mapagkunyaring presidentiable dahil pababa ang rating at posibleng madamay sa masamang impresyon lalo pa’t nasasangkot sa isang eskandalo ito.

May pinagmanahan sa mga naglipanang kurakot sa palasyo ng MalacaƱang ang mapagkuyanring presidentiable dahil namimili ng mga supporters at naging polisiya sa buhay ang katagang PLAK, as in pera lang ang katapat ng bawat kausap nito.

Dahil hirap makabuo ng senatorial line-up, walang ibang choice ang mapagkunyaring presidentiable kundi mamakyaw ng senatorial bets, as in isa-isang kinakausap ang mga posibleng kandidatong senador sa 2010, kapalit ang pangakong sasagutin ang lahat ng gastusin sa kampanya ng mga ito.

Hindi naman ikinagulat ng mga kurimaw ang pamamakyaw ng senatorial bets ng mapagkunyaring presidentiable dahil ‘pera-pera’ ang polisiya sa buhay ng mokong, as in paniwala nito’y matatapalan ng pera ang sinumang kausap, katulad ng taktika ngayong nasasangkot sa katiwalian.

Kahit saliwa sa paniniwala ng mga senatorial bets ang plataporma ng presidentiable, pikit-matang ‘nagpapabili’ ang mga kandidato dahil napakagastos ang sumalang sa eleksyon at tanging nabanggit ang may kakayahang gumastos.

Pinakamahinang ‘presyuhan’ o offer ng mapagkunyaring presidentiable sa bawat tatakbong senador na papasok sa kanyang organisasyon, ang libreng commercials at multi-milyon pisong gastusin, simula poster hanggang pang-areglo sa mga lider.

Clue: Maliban sa pamamakyaw ng kandidato, namimili rin ng survey ang mapagkunyaring presidentiable para pumabor sa kanyang kampo ang resulta. Kung incumbent o ex-government official, ito’y ipagtanong kina Matet at Lotlot ng Senado. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, June 5, 2009

june 5 2009 abante

Presidentiable, allergic sa ex-gf


Bagama’t minahal sa panahong magkasama sa trabaho, ngayo’y matinding pagka-allergic ang nararamdaman ng isang nagpapakabakyang presidentiable kapag napag-uusapan ang nakarelasyong bebot.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban tuwing inuurirat ang nagpapaka-bakyang presidentiable sa kanyang nakaraan, katulad ang pagbabalik-tanaw sa nakarelasyong bebot at ngayo’y isa na rin ka-tropa bilang deputado.


Sa lahat ng mga naka-relasyon, namumukod tangi ang bebot sa mga kinaiinisan ng presidentiable, animo’y pinagsisihan kung bakit niligawan ito.
Nang minsan mapasabak sa kuwentuhan ang presidentiable na ito at nabaling ang usapan sa mga nakarelasyon, mistulang ice cream na natutunaw ang opisyal, hindi dahil kinikilig kapag naipa-flashback sa isipan ang mga matatamis na karanasan kundi sa matinding kahihiyan.


Bilang depensa kapag napag-uusapan ang ex-gf, namumula ang mukha ng presidentiable at mabilis ding nagpapaalam, as in nagwu-walk out sa kuwentuhan, kasabay ng depensang magagalit o magseselos ang bagong karelasyon nito.


Pintahan n’yo na: Katanggap-tangap ang pandidiri ng presidentiable sa ex-girlfriend dahil mukhang lalaki ang bebot at matapobre.(mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, June 4, 2009

june 4 2009 abante tonite

Si Bong na walang malay!
Rey Marfil


Hindi nakakagulat ang posisyon ng Philippine Me­dical Association (PMA) sa sex video scandal, malinaw ang pagiging ‘social club’ at tanging Professional Regulatory Commission (PRC) ang may kapangyarihang ‘pumutol sa kaligayahan’ ni Hayden Kho na mag-practice bilang doktor. Ang nakakadismaya lamang, animo’y ‘na-bakla’ sa sex video ni Hayden ang liderato ng PMA, aba’y hindi magawang sipain ito sa organisasyon gayung malinaw ang kawalan ng good manners and right conduct (GMRC), maliban kung nag-enjoy sa panonood ang mga ka-tropang doktor sa kababuyan ni Kho? At ngayon, ginagawa pang ‘hero’ ng grupo ni Reli German si Hayden!


Hindi kailangang UST graduate para maintindihan ang sex video scandal ni Hayden, ito’y ‘nang-abuso at binaboy’ ang mga babaeng karelasyon. Ika nga ni Senador Bong Revilla, walang gulo kung hindi kinunan ni Hayden ang ‘pagkikipag-do’ at wala ring kakalat sa merkado. Ang lesson: Humingi ng permiso sa pag-video para walang kaso at hindi umabot ng Senado.

Ibig sabihin, malinaw ang motibo ng boypren ni Vicki Belo, ito’y sabit sa wiretapping dahil sikretong kinunan ang pakiki­pag-sex. Ni sa paniginip, ayo­kong isiping obsession ni Hayden ang magbida sa mga ‘double picture’ na ipinapalabas sa kanto ng Recto at Quiapo, aba’y astang-George Estregan Sr., sa porno video!

Ang malaking katanu­ngan ng mga kurimaw, bakit ipinagpipilitan sa Senate probe ni Jamby ang drug issue gayong wala pang kasagutan kung sino sa tropa ni Hayden ang nagpakalat ng sex video. Mantakin niyo, pagkatapos ng public hearing, kaliwa’t kanan ang interbyu ni Jamby at ipina­ngalandakan pang ipapatawag si Vicki Belo, Eric Johnston Chua at Herbert ‘Bistek’ Rosario subalit hanggang nga­yon, walang iskedyul.

Take note: Si Chua ang may-ari ng Gigahertz Compu­ter Systems, kaya’t malinaw ang expertise sa pag-download ng sex video subalit wala pa rin aksyon si Donya Consuelo!
***
Napag-uusapan ang Senate probe, nagkasanga-sanga ang namuong tensyon sa sex video scandal, pinaka-latest ang bangayan nina Senador Bong Revilla at Manila Cong. Bienvenido Abante Jr., sa porn bill. Ang akusasyon ni Mang Bienvenido, ‘inuupuan’ ni Revilla ang House-approve Bill No. 3305 kaya’t lusot si Hayden sa cyber pornography. Ang resbak ni Revilla: “Mag-research muna bago pumuna. You’re barking on the wrong tree”.

At pinasisibak ni Revilla kay Mang Bienvenido ang staff na naglagay sa kahihiyan, ewan lang kung sinunod ng kongresista?
Anyway, may karapatang magalit si Revilla, aba’y wala sa hulog ang paninisi ni Mang Bienvenido sa cybersex video at lumalabas pang ignorante ang kongresista. Kundi nagkakamali ang Spy, Hulyo 2007, unang inihain ni Revilla ang Anti-Pornography Bill.


Kung meron dapat ba­teryahin at pag-initan si Mang Bienvenido, hindi si Revilla kundi ang mister ni Megastar Sharon Cuneta, as in Francis Pangilinan ang dating chairman ng Senate committee on justice and human rights. Sa kaalaman ng publiko, nai-transmit ang House Bill 3305 at sumailalim sa first reading noong Pebrero 12, 2008 subalit nai-refer o nai­lipat sa Committee on Justice and Human Rights -- ito’y ‘NASUSULAT at MABABASA’ sa Senate record!(mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, June 3, 2009

june 3 2009 abante tonite

Presidentiable nagdabog sa privilege speech
(Rey Marfil)

Sa hangaring magpa-pogi sa media bilang preparasyon sa pagtakbo ngayong 2010 national election, kahihiyan ang inabot ng isang miyembro ng Kongreso matapos bateryahin ng sariling kasamahan at ipamukha ang ginagawang media mileage nito.

Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano napikon ang isang presidentiable matapos harangin ng kasamahang mambabatas ang planong pagpapa-pogi sa publiko, patunay ang pagdadabog at pagmarakulyo sa loob ng session hall sa mismong harapan ng mga tauhan nito.

Unang nagpatala sa secretariat ang ambisyosong presidentiable mag-sponsor ng privilege speech at laman ng kanyang talumpati ang pag-astang pro-poor o maka-masa kahit ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig ito.

Taliwas sa inaasahan ng ambisyosong presidentiable, nasilip ng isang kasamahang mambabatas ang planong pagpapa-pogi sa privilege speech kaya’t binaterya ang majority bloc.

Dahil maraming priority bills ang nakabinbin, walang choice ang
Ambisyosong presidentiable kundi isantabi ang pagpapa-pogi sa publiko at ikinansela ang privilege speech para pagbigyan ang reklamo ng kasamahang solon.

Bagama’t pinagbigyan ang kasamahang solon, matinding pagkapikon ang ipinakita ng presidentiable sa harap ng mga tauhan matapos magdabog at magmarakulyo dahil hindi napabigyan ito.

Hindi naman ikinagulat ng mga kurimaw ang pagdadabog at pagmamarakulyo ng ambisyosong presidentiable dahil likas sa mambabatas ang pagiging spoiled brat at nagmula sa de-kalibreng pamilya, as in nakasanayang nakukuha ang lahat ng magustuhan nito.

Clue: Kinasangkapan ng ambisyosong presidentiable ang isyung pang-pamilya para umangat ang pangalan sa survey. Ito’y maraming letrang “A” sa pangalan at apelyido. Kung kongresista o senador, itanong kay birthday boy Gil ‘Kojikabuto’ Cabancungan Jr.! (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, June 2, 2009

june 2 2009 abante tonite

Nagpaka-totoo lang si Puno!
Rey Marfil


Sa nangyaring sex vi­deo probe sa Upper House, unang na-bad trip ang Se­nate reporters, aba’y feeling-very important person (VIP) si Donya Consuelo, alyas Jamby. Mantakin n’yo, pasado alas-3:00 ng hapon nagsimula ang public hearing gayong ala-1:30 ang original schedule, as in isa’t kalahating oras na-delay gayong kumpleto ang resource persons na pinatawag ng komite.

Ibig sabihin, wala sa bisita ang pagka-atrasado ng public hearing kundi sa mismong chair kaya’t maraming nagtaa­san ng kilay kung bakit nagpapa-importante ang ‘ex-bestfriend’ ni Peter Sing at kung anong gimik ang pumasok sa kukote ng mga nagmamagaling sa kampo ni Donya Consuelo.

In fairness kay Donya Consuelo, ito’y biktima rin ng mga sipsip at nagmamarunong sa kanyang kampo. Hindi natin babangitin ang pangalan kung sinong abogadong pulpol ang nagbibigay ng mga sablay na payo sa lady solon subalit kapansin-pansing iisang tao lamang ang pinakikinggan ni Donya Consuelo kaya’t hindi nagtatanggal ng earphone.

Balikan ang sex vi­deo probe, hindi ba’t ‘protector’ ni Dr. Hayden Kho ang tingin ng publiko kay Dona Consuelo? Kahit sinong kurimaw ang tanungin ni Gary, iisa lang ang opinyon sa kanyang boss - ito’y kakampi ni Atty. Lorna Kapunan, aba’y nakipag-deal sa isang executive session at nagawa pang nakipag-meeting bago inumpisahan ang hearing kaya’t hindi masisisi ang publiko kung mag-isip ng negatibo. Mabuti lang, pumalag sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla kundi nakinig sa dingding ang publiko!
***
Sa pagsanib-puwersa ng Lakas-CMD at Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi) party, dalawa lang ang puwedeng pagpilian ng MalacaƱang - ito’y gawing PALAKA o Partido Lakas-Kampi, katulad ng kantiyaw ni Ka Tun­ying Taberna o kaya’y BAKLA, as in Bagong Kampi at Lakas, alinsunod sa pangalang ibinigay ng mga kurimaw.

Ang tanong: Sino ang irerekomendang spokesman ni majority floor leader Migz Zubiri ngayong nag-resign ang lahat upang bigyan-daan ang mer­ger, maliban kung makipag-koalisyon ang grupong LADLAD ni Danton Remoto?

Napag-usapan ang mer­ger, maraming nagtaas ng kilay sa deklarasyon ni DILG Sec. Ronnie Puno bilang vice presidentiable. Sa ngayon, walong pangalan ang nagpapatawag bilang presidentiables subalit sa ending, karamiha’y magsi-senador kapag gahibla ang ratings.

Hindi ba’t isang uri ng panloloko at pinagbobola lamang ng mga nagkukunyaring presidentiables ang publiko? Lahat ng pulitiko gustong tumakbong presidente gayong napakalinaw sa sinumang nakakaintindi sa pulitika ang senaryong nagpapapa-taas lamang ng presyo ang bawat presidentiables. Hindi katulad ni Puno, ito’y nagpakatotoo sa sarili at hindi inambisyon ang posisyong pahihirapan ang sarili na manalo!

Kung kapasidad bilang Vice President ang isyu, napakahabang panahon nag­lingkod sa gobyerno si Puno, ‘di hamak napakalayo kay Mr. Noted, as in Senador Francis Pangilinan na isa sa nag-aambisyon maging running mate, alinman kina Senador Manuel Villar Jr., at Senador Manuel Roxas II.

Take note: tatlong presidente ang naipanalo ni Puno - sina Pa­ngulong Fidel Ramos (1992), Joseph Estrada (1998) at. Arroyo (2004). Higit sa lahat, 1974 pa nasa DILG si Puno kaya’t alam ang pasikot-sikot sa local government units (LGU’s). (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, June 1, 2009

june 1 2009 abante tonite

3 presidentiables niraraket ng mag-asawang PR
(Rey Marfil)

Pagkatapos ng 2010 national election, walang ibang pinakamasuwerte kundi ang mag-asawang nagmamay-ari ng isang PR group, kasunod ang pagkakadiskubreng tatlong presidentiables ang ‘tsinutsubibo’ para pagkakitaan ang mga ito.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, hindi isa o dalawa kundi tatlong presidentiables ang hawak ngayon ng mag-asawang nagmamay-ari ng PR firm at nakakatawang pinagsasabong sa media ang mga kliyente.

Lehitimong tumutulong kay Presidentiable L ang PR firm, sa katauhan ni mister subalit nawawalan ng pag-asa ang mag-asawa kaya’t naghanap ng ibang masisilungan lalo pa’t dumarami ang ‘heavyweights’ sa 2010 election at papaunti ang tulo ng gripo sa kampo ng nabanggit.

Nang makakita ng pagkakataon, pumasok kay Presidential M1 ang mag-asawa dahil bumabaha ang pera sa kampo.
Para hindi disimulado ang galaw ng mag-asawa, isa sa tumatayong timon sa ‘special operation’ ni Presidentiable M1 ang babae kung saan hiwalay ang operasyon sa ginagawang pagkilos ng mga lehitimong PR group na naunang inarkila ng nabanggit.

Ang pinakamalupit sa lahat, tinuhog na rin ng mag-asawang nagmamay-ari ng PR group ang isa pang posibleng makalaban ng dalawang kliyente sa 2010 election, sa katauhan ni Presidentiable M2 kung saan kapareho ang trabaho kay Presidential M1 na hiwalay na nagsasagawa ng special operation.

Sa simpleng explanation, daig ng masipag ang maagap kung pagbabatayan ang raket ng mag-asawang nagmamay-ari ng PR group dahil kahit sinong manalo sa 2010 election, ito’y nakakasiguro ng trabaho.

Ang masakit lamang kina Presidentiable L at Presidentiable M2, lingid sa kanilang kaalaman na sariling PR group na inarkila ang nagpapasabong sa publiko lalo pa’t numero unong kalaban at kinamumuhian si Presidentiable M1.

Clue: Saksakan ng plastic si Presidentiable L habang parehong mayaman sina Presidentiable M1 at Presidentiable M2 kung saan nagkaiba lamang ng pinagkunan ng pera. Kung sino ang mag-asawa, ito’y meron letrang “C” at “W” sa kabuuang pangalan. (mgakurimaw.blogspot.com)