Monday, April 16, 2012
Malinaw ang datos!
REY MARFIL
mar 30,2012
Ipinapakita sa resulta ng pinakabagong survey na isinagawa ng Student Council Alliance of the Philippines (SCAP) na nagsasabing walang tiwala ang mayorya ng mga estudyante sa limang unibersidad sa napatalsik na si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona na matagumpay ang presentasyon ng kaso ng House prosecution panel.
Magsisilbing option ni Corona ngayon na tanggapin ang malinaw na conviction ng Senate Impeachment Court o magbitiw na lamang sa posisyon dahil sa paninindigan ng mayorya ng mga tao, kabilang ang mga estudyante na hindi na karapat-dapat mamuno sa Hudikatura ang opisyal.
Hindi rin tamang banatan ang resulta ng survey na inilabas ng Pulse Asia na nagsasabing 47% ng mga Filipino ang naniniwalang nagkasala si Corona sa mga alegasyon laban sa kanya, sa pagkondena sa mga naglalabasang survey na hindi paborable sa pinuno ng SC.
Dapat tandaan ng publiko na ginagarantiyahan ng karapatang magpahayag ang naglalabasang surveys at hindi rin nalalabag ang sub judice rule ang pinangungunahan ang korte dahil hindi naman bahagi ng paglilitis ang mga sumagot sa pananaliksik.
Kabilang sa mga lumahok sa survey ang mga mag-aaral sa Ateneo de Manila University, De La Salle University, Ateneo de Davao University, University of the East-Manila at Tarlac State University.
Narito ang mga sumusunod na eskuwelahan at porsyento na nagpahayag ng kawalan ng tiwala kay Corona: DLSU, 69.3%; UE, 77%; TSU, 75.4%; ADDU, 78.3% at ADMU, 41%.
Umabot sa 2010 na mga estudyante ang lumahok na kinabibilangan ng ADMU, 410; DLSU, 300; UE-Manila, 500; ADDU, 300; at TSU, 500. Isinagawa ang survey mula Marso 11 at Marso 25.
***
Napag-usapan ang survey at datos, makatwiran ang maigting na paninindigan ng administrasyong Aquino na paigtingin pa ang paglulunsad ng programa upang pagkalooban ang publiko ng tamang impormasyon upang maiwasan ang lumalalang problema sa nakamamatay na Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa bansa.
Mahalagang magkaroon ang publiko ng tamang edukasyon kaugnay sa iba’t ibang pamamaraan para maiwasan ang impeksyon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) na dahilan ng AIDS.
Nananatiling nakatutok ang Department of Health (DOH) sa implementasyon ng informative programs upang ituro sa mga tao ang mga bagay-bagay para bigyang proteksyon ang kanilang mga sarili sa sakit.
Pero sa totoo lamang, nakasalalay ang tagumpay ng programa laban sa AIDS-HIV sa desisyon at disiplina ng bawat indibidwal, hindi sa anumang polisiya o direktiba ng mga nakaupong opisyal sa DOH at MalacaƱang.
Naunang ibinunyag ng DOH ang 274 bagong kumpirmadong mga kaso ng HIV sa bansa noong nakalipas na buwan na pinakamalaki sa kasaysayan sa bansa -- ito’y isang pamukaw sa kaisipan ng mga pumapalag sa Reproductive Health (RH) Bill lalo pa’t wala namang maialok na solusyon.
Ang bagong tala ng DOH -- ito’y mataas ng 72% kumpara sa naitala sa parehong panahon noong 2011 kung saan nagkaroon lamang ng 159 bagong kaso ng HIV, nangangahulugang binabalewala ang mga “reminders” ng gobyerno. Paano pa kaya kung hindi lumusot ang Reproductive Health Bill sa Kongreso?
Iniulat rin ng DOH na 24 o siyam na porsyento (9%) ng 274 na mga kaso ay pawang OFWs, kabilang ang 22 lalaki at dalawang (2) babae na mayroong edad na 22 haggang 57 taong gulang -- ito’y nakakalungkot lalo pa’t hanapbuhay at makatulong sa pamilya ang pangunahing misyon kaya’t nag-abroad.
Lumitaw din sa ulat na nag-ugat ang 235 kaso sa hindi ligtas na pakikipagtalik kung saan nag-ugat ang 87% dito sa pagtatalik ng kapwa mga lalaki.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment