Monday, April 16, 2012
‘Di napapansin!
REY MARFIL
MAr 28, 2012
Maraming magagandang bagay ang nangyari sa unang dalawampu’t isang (21) buwan ng administrasyon ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino III na walang sinumang mag-aakalang mangyayari subalit hindi nabibigyang-pansin ng mga kritiko at iilang never-heard senatoriable na kakampi ni Mrs. Gloria Arroyo dahil masakit sa kanilang paningin, maliban kung sadyang mutain?
Matapos ang ilang dekada ng malamyang performance, nagpakita ng matatag na positibong senyales ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng liderato ni PNoy dahil na rin sa malinis na pamamahala.
Nasa tamang landas ang ekonomiya ng bansa, base na rin sa serye ng maganda at positibong international credit ratings upgrades at pagtaas ng stock market sa makasaysayan nitong estado sa nakalipas na ilang linggo.
Naging matagumpay din ang pamahalaan sa paghimok sa mga banyagang manufacturers at ibang mamumuhunan na maglagak ng kapital sa bansa, pagpapalawak sa sakop ng health insurance, pagputol sa pagsasayang ng pondo ng pamahalaan at pagpapalawak sa pagkakaloob ng insentibo para mapanatili ang milyun-milyong mahihirap na mga bata sa eskwelahan.
At upang matiyak na protektado ang interes ng publiko kontra sa posibleng hindi rasonableng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa serye ng pagtaas sa halaga ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, masusing binabantayan ng pamahalaan ang paggalaw ng presyo ng mga ito.
Isang good news dahil nangangahulugang tinitiyak ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi napagsasamantalahan ng ilang tiwaling mga negosyante ang interes ng publiko. Sa katunayan, nagsasagawa ang pamahalaan ng lingguhang pananaliksik sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Tiwala rin ang economic managers ng bansa na mananatili ang inflation rate sa target nitong tatlong porsyento para sa 2012 habang tinaya naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang average inflation ngayong taon mula 3% hanggang 5%.
Take note: araw-araw na nakakarating sa kaalaman ni PNoy ang pangkaraniwang hinaing ng ordinaryong mga tao. Ipinapakita nito ang personal na pakikisangkot ng Pangulo sa pagresolba ng epekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo dahil sa walang humpay na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa kabila ng kritisismo, ginagawa ni PNoy ang lahat ng makakaya nito para mabawasan ang pasanin ng publiko.
Kabilang sa social programs na ipinapatupad ng administrasyon ang pagtulong sa mga Filipino na mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng murang pabahay sa mga alagad ng batas, serbisyong pangkalusugan sa lahat at conditional cash transfer (CCT) program.
***
Napag-usapan ang pagtaas ng gasolina, maganda ang ginagawang pagpupursige ni PNoy sa paglulunsad ng electric-powered tricycles o e-Trikes bilang bahagi ng reporma upang bawasan ang paggamit ng bansa sa mga produktong petrolyo.
Hindi lamang naman mababawasan ang epekto ng tumataas na presyo ng krudo sa paggamit ng e-Trikes kundi makakatulong din na maresolba ang suliranin ng polusyon sa bansa. Makakatulong din ang paggamit ng e-Trikes para mapataas ang kita ng drivers at operators.
Sa hakbang na suportahan ang kampanya para sa paggamit ng alternatibong pinanggagalingan ng enerhiya, nakipag-alyansa ang Department of Energy (DOE) sa lokal na pamahalaan para bumuo ng programa upang matulungan ang mga lungsod at munisipalidad sa pagkakaroon ng e-Trikes.
Isang programa sa pautang ang inilunsad ng Asian Development Bank (ADB) para sa industriya na makakatulong sa pagpapakilala ng e-Trikes. Layunin ng programa na magkaroon ng 100,000 e-Trikes na mayroong lithium ion batteries sa iba’t ibang pangunahing lungsod at mga lalawigan sa bansa.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment