Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, sad yang walang pag-asa pang magbago ang pagiging ‘KSP’ ng isang ambisyosang lady senatoriable, patunay ang ‘pag-epal’ sa bawat campaign sorties upang mapansin ng media.
Hindi nagtatapos ang kuwento sa pang-aagaw ng mikropono sa isang press conference ang naitalang pag-eksena ng ambisyosang lady senatoriable matapos muling magpakita ng pagiging “kulang sa pansin’, as in KSP sa event.
Nasaksihan ng TONITE Spy ang pag-agaw eksena ng ambis yosang lady senatoriable sa isang event kung saan walang kinalaman ang sarili sa pagtitipon bagkus nakasentro lamang ang isyu sa kanilang “manok” o pambato ng partido.
Sa halip magpa-low profile o manahimik sa isang tabi, gumawa ng sariling palabas ang ambis yosang lady senatoriable at ninakaw ang limelight na dapat nakasentro at ibinibigay sa kanilang standard bearer.
Kung nagawang agawin ang mikropono ng kasamahang senatoriable sa isang presscon, mas nakakasuka ang ginawa nito sa kanilang “manok” dahil sinapawan sa palabas dahil gustong mapansin ng publiko, sampu ng mediamen na nagko-cover sa event.
Matinding pananapaw ang ginawa ng ambisyosang lady senatoriable sa event dahil pa-center of attraction matapos iladlad ang naglalakihang tarpaulin o campaign materials habang papasok ang kanilang pambato, as in presidential bet.
Naglalakihang letra ng kanyang apelyido ang iniladlad ng ambisyosang lady senatoriable sa gallery ga yong nakasentro sa kanilang standard bearer ang dinaluhang pagtitipon.
Mas lalo pang iwinagayway ng mga inarkilang tauhan ng ambisyosang lady senatoriable ang malalaking tarpaulin na nakapinta ang kanyang pangalan nang maispatang umikot ang camera at nagkislapan ang flash ng mga photographer.
Lumikha rin ng ingay ang grupo ng ambisyosang lady solon sa loob ng ga llery kaya’t lalo pang napako sa kanilang kinalalagyan ang atensyon ng mga kurimaw sampu ng dumalo sa event at pansamantalang iniwanan ng tingin ang presidential bet.
Namumukod-tangi ang ambisyosang lady senatoriable sa hanay ng labindalawang kandidato sa pagka-senador sa ‘nanapaw’ o gumawa ng eksena dahil wala sa kanyang mga kasamahan ang nagpa-center of attraction sa naturang event.
Clue: Madaling makilala ang lady senatoriable, patunay ang mala-plastic queen na pag-uugali sa media at kopyang-kopya, pati porma ng isang primadonang lady solon na mahilig sa matandang karelasyon. Ito’y ex-girlfriend ng isang kongresista at kasalukuyang boypren ng isang taga-civil society. Kung bagong salta sa pulitika o nagmamartsa sa kalsada, ito’y merong letrang “O” sa apelyido, as in Over sa pagiging hot mama.(mgakurimaw.blogspot.com)
http://www.abante-tonite.com/issue/mar0810/hulaan_blues.htm
No comments:
Post a Comment