Friday, March 5, 2010

marso 2 2010 abante tonite

Senatoriable, nag-angas sa anchorman;
tinanggihan ang pagpalitrato

(Rey Marfil)

Hindi pa man nanalong senador, kaagad lumutang ang pagkakaroon ng ‘attitude’ ng isang ambisyosong senatoriable matapos mag-angas sa harap ng ilang mediamen na nag-imbitang isalang sa press confe rence o forum.


Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano magsup lado ang ambisyosong senatoriable mula Luzon area matapos tablahin ang photo ops, as in pagpapalitrato ng isang mediaman na tumatakbo sa party-list group.


Inimbitahan ang ambisyosong senatoriable sa weekly forum ng National Press Club (NPC), kasama ang ilan pang kauring senatorial bets subalit namumukod tangi ang mokong sa hanay ng mga resources person na nag-suplado sa presscon.

Bagama’t maayos ang sagot ng ambisyosong senatoriable sa bawat tanong ng mga media panelist, sa pangunguna ng NPC officials, nakitaan ng kaangasan at kagaspangan ng pag-uugali ang kumag makaraang mag-request ng photo ops ang isa sa radio anchorperson.

Tumatakbo sa party-list group ang isang anchorperson kaya’t humirit ng photo ops, kalakip ang hangaring magtulungan sa kampanya ang bawat isa lalo pa’t parehong na ngangailangan ng boto ang mga ito.

Taliwas sa inaasahan ng anchorman, ito’y tinabla ng ambisyosong senatoriable, as in tinanggihan ang pagpapakuha ng litrato, sabay depensang hindi nagtataas ng kamay ng kahit sinong pulitiko o orga nisasyon, maliban sa kapartido nito.

Ang masakit sa lahat, ‘mala-radio station’ ni Pastor Quibuloy na ‘dinig sa buong mundo’ ang pagsusup lado ng ambisyosong senatoriable dahil maraming mediamen ang nakapalibot kaya’t namula ang pisngi ng achorman sa pagkapahiya rito.

Isa pang nakakalungkot na katotohanan, mag kababayan ang dalawa kaya’t abot-Northern Luzon ang pagka-bad trip ng anchorman sa ambisyosong senatoriable dahil hindi man lamang ikinunsidera ang pagiging magka-lugar ng bawat isa.

Maging iba pang NPC officials nairita sa ambisyosong senatoriable dahil harapang pinahiya ang isang kasamahan sa simpleng pagpapakuha ng litrato gayong libre ang exposure sa media forum kung kaya’t meron naglitanyang ipapaboykot at hindi ipaboboto sa mga kamag-anak ang mokong.

Clue: Malaki ang kasalanan ng ambisyosong senatoriable sa “madlang people’, sampu ng buong angkan nito. Ito’y meron letrang ‘B’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido as in Bastos dahil hindi nakipag-’peace be with you’ sa kasamahang senatoriables sa loob ng church at bitbit pa rin ang galit sa mga ito. Ang palayaw nito’y kasing-tunog ng isang kakanin kapag Pasko habang Letrang ‘G’ ang anchorman, as in Galing sa DWIZ radio.(mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/mar0310/hulaan_blues.htm

No comments: