Saturday, March 6, 2010

marso 6 2010 abante tonite

Campaign manager, feeling kandidato
(Rey Marfil)

Kung merong kinaiinisan ang kampo ng isang presidential bet, walang iba kundi mismong campaign manager nito dahil umaastang kandidato gayong trabaho ang ipanalo ang mga kasamahan sa organisasyon at manok nito.

Mismong top official ng partido, sa pangunguna ng isa sa tumatakbo sa mataas na posisyon ang naglabas ng sama ng loob sa tumatayong campaign manager ng senatorial ticket.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano mairita ang mga senatoriables ng isang partido dahil palaging nakasiksik ang pangalan ng kanilang campaign mana ger sa mga tarpaulin o campaign materials.

Ang rason, mas malaki pa ang pangalan ng campaign manager sa mga tarpaulin o campaign material na ginagamit sa press conference bilang back draft kaysa mukha ng mga senatorial bets nito.

Kung tutuusin, hindi kailangan pang ipangalan dakan ng kumag ang pagiging campaign manager dahil hindi naman tumatakbo sa alinmang posisyon subalit kapag sinuri ang mga tarpaulin na ginagamit sa press conference, palaging nakasingit ang pangalan nito.

Mapagkakamalan pang isa sa senatoriables ang campaign manager dahil nauuna ang pangalan maging sa media kit na ipinapamudmod sa mga local media na nagko-cover sa press conference.

Ang malupit sa lahat, maging press releases o kalatas mula sa campaign headquarters, palaging nakabalandra ang pangalan ng campaign manager kung saan mas malaki pa ang pagkakasulat ng kanyang pangalan kumpara sa logo ng senatorial bets.

Maging sa press conference, mas marami pang sinasabi ang campaign manager kaysa mga inaalagaang senatoriables, as in sinasapawan sa mga isyu kaya’t walang sound bite na makuha ang mga mediamen mula sa mga kandidato nito.

Clue: Mahilig mang-iwan ng kaibigan ang campaign manager, patunay ang makailang-beses na pagbalim bing. Kung senador, kongresista o bagong pulitiko, ito’y meron letrang “N” sa apelyido, as in Nanigas na kornik. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/mar0610/hulaan_blues.htm

No comments: