Monday, March 1, 2010

marso 1 2010 abante tonite

Senatoriable, mukhang mascot sa TV ad

(Rey Marfil)

Sa halip makahikayat ng botante ang nagsulputang TV ads, mas nakabawas pa sa popularidad ng isang never heard senatoria ble ang pagmumukhang mascot sa isang gag show dahil sa kakaibang sukat ng bewang nito.


Hindi maiwasang matawa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy tuwing mapag-uusapan at mapapanood sa telebisyon ang infomercial ng never heard senatoriable lalo pa’t kamukha nina Hetty, Ronald McDonald at Jollibee ang porma nito.

Ang rason, nakakatawa ang porma ng never heard senatoriable, partikular ang kakaibang estilo ng pananamit kung saan hindi makita ang bewang dahil umaabot hanggang dibdib, katulad ng mga kilalang mascot na humihinga sa leeg o kaya’y ginagawang mata ang dibdib.

Kung susuriin ang porma ng never heard senatoriable, ito’y nagsayang lamang sa pagsusuot ng branded t-shirt dahil kalahati sa logo ng damit ang natakpan ng sinturon sa sobrang taas ng bewang o waistline nito.

Sa unang tingin, animo’y counter part ng grupong “Low Waist Gang” ang arrive ng never heard senatoriable dahil kapag nagsuot ng Lacoste T-shirt, natatakpan ng sinturon ang buntot ng buwaya sa sobrang taas ng bewang nito.

Sa ganitong porma ng never heard senatoriable, madalas biruan sa campaign sorties ang senaryong sa balikat humuhugot ng pitaka ang kumag kapag nagbabayad ng restaurant bill o kaya’y nagbibigay ng tip dahil masyadong malayo kung sa patagilid sa kanan at kaliwa bubunot ng salapi.

Maliban dito, biruan din sa campaign sorties ng mga mediamen na nagko-cover sa political party kinaaaniban ng never heard solon ang alegasyong lagpas- dibdib kung magbukas ng zipper o magtanggal ng butones dahil aabot sa kili-kili ang bewang, as in high waist ito.

Bagama’t hindi kuwestyon ang kakayahan ng never heard senatoriable kung public service ang isyu, walang kapag-a-pag-asang manalo ngayong May 10 elections dahil pang-barangay level lamang ang “arrive” nito.

Higit sa lahat, walang nakakilala sa never heard senatoriable, maliban sa mga kasambahay at kapitbahay nito, as in pinatakbo lamang ang pulitiko bilang pampuno at makapuro ng senatorial slate ang partido.

Clue: Meron letrang ‘G at O’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido ang never heard senatoriable, as in Green ang favorite color. Kung saang partido tumatakbo, ‘wag ng alamin at pagkaabalahan ng panahon dahil sasakit ang inyong ulo lalo pa’t kulelat sa survey, kasama ang mga nuisance candidates. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/mar0110/hulaan_blues.htm

No comments: