Nakasulat sa tadhana! | |
Rey Marfil | |
Sa bagong TV ads, ‘namanata’ si Senador Manuel Villar Jr., ‘tatapusin ang kahirapan’, tinapatan ang pa ngako ni Senador Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na kanyang ‘tatapusin ang laban ng mga magulang’, maging ang sum pang ‘hindi magnanakaw, meron ding bersyon si Villar, animo’y tinamaan sa anti-corruption ads. Mantakin n’yo, idinepensa ni Villar ang sarili sa senar yong ‘magbabawi’ sa multi-bil yon pisong ginastos sa TV ads kapag nakarating ng Malacañang. Bagama’t walang direktang pag-a ming tinamaan sa TV ads ni Noynoy, malinaw ang kasagutan ni Villar -- ito’y dating negos yante at mas gugustuhing magnegos yo kung pagpayaman ang misyon.Ang sagot ng mga kurimaw: sana nga nagnegos yo na lang ito baka sakaling marami pang mabigyan ng bente pesos (P20.00), aba’y hindi man lamang inirespeto si President Manuel Quezon! Ni sa panaginip, ayokong isiping iisa ang kapalaran ng mga nagsilbing House Speaker, aba’y balikan ang mga kaganapan -- ito’y ‘nasusulat at nababasa’ -- hindi ba’t sangkaterba ang sala ping pinakawalan ni ex-House Speaker Ramon ‘Monching’ Mitra Jr. noong 1992 elections subalit tinalo pa rin ni General Tabako, as in da ting Pangulong Fidel Ramos? Ganito rin ang tadhana ni ex-House Speaker Jose ‘Joe’ de Venecia Jr., hindi ba’t umuwing nagpapahid ng te nga noong 1998 at pinakain ng alika bok ni Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada. Take note: Jeep lang ang campaign strategy ni Erapsky subalit milya-milya ang agwat sa ‘express train’ ng mister ni Manay Gina. At ngayong 2010 elections, abangan kung mauulit ang naitalang kamalasan ng dalawang (2) House Speaker lalo pa’t kapareho ang landas na tinatahak ni Villar -- ito’y nagsilbing House Speaker at nasangkot sa ilang eskandalo, katulad din nina Mitra at De Venecia. Maliban sa alegasyong land grabber ng mga Dumagat farmers, hindi ba’t ipinapasoli ng Committee of the Whole kay Villar ang P6.2 bilyong ginastos sa C-5 road project dahil gusto ni Manong Johnny Enrile, ‘happy tayo’. Kaya’t huwag ipagtaka ng mga kurimaw kung makipagpalit ng campaign slogan si Villar kay Manong Johnny dahil ‘sobrang happy’ ang karamihan sa media organization nga yong eleksyon, katulad din ni ex-DND Sec. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr., dapat kuning endorser si Robin Padilla at bilhin ang litanya sa isang commercial. Mantakin n’yo, kahit napako sa 4% ang ratings, aba’y ‘think positive pa rin at ayaw umayaw’ ito. Wala ring pinag-iba sa kaso ni De Venecia, hindi ba’t samu’t saring kabu lastugan ang naitala bilang Speaker, mapa-Aramco deal hanggang ‘cha-cha train’. At ngayo’y isa ang anak sa senatorial bets ni Erapsky -- si Jose ‘Joey’ de Venecia III. Talagang ‘weder, weder’. Higit sa lahat, simula nang mapalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga dayuhang mananakop at na ging ‘Republic of the Philip pines’, wala pang presidentiables na nagtataglay ng ‘Junior’ sa given name ang nanalong presidente, simula kay General Emilio Aguinaldo hanggang kay Mrs. Gloria Arroyo. Mabuti na lang, ‘the third’ si Noynoy dahil junior ang amang si Ninoy. Kahit itanong n’yo pa kay ex-Ambassador Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr. (1998), hindi ba’t kapareho ng kapalaran ni Fernando Poe Jr. noong 2004 elections? Anong nangyari kay Vice President Ma nuel ‘Noli’ De Castro Jr., ito’y umatras sa presidential derby gayong liyamado sa kaagahan ng survey. Kaya’t may pag-asa si Vetallion Acosta sa presidency, aba’y walang ‘junior’, hindi katulad ni Gibo! (mgakurimaw.blogspot.com) http://www.abante-tonite.com/issue/mar0210/opinions_spy.htm |
Friday, March 5, 2010
marso 1 2010 abante tonite
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment