Monday, March 22, 2010

marso 22 2010 abante tonite

2 senatoriables, napagkakamalang miron
(Rey Marfil)

Kung merong pinaka-kawawa sa panahon ng kampanya, walang iba kundi ang mga tinaguriang “never-heard candidates”, katulad ng madalas maranasan ng dalawang senatoriables kung saan napagkakamalang miron at tambay sa kanto ang mga ito.


Dahil nakaugalian ng mayamang presidentiable ang “maghakot” ng mga supporters para palabasing kinukuyog at bagyo ang arrive sa mga botante, walang ibang nagbabayad sa kanyang kabalbalan kundi ang ilang never-heard senatoriables nito.

Isang malaking leksyon sa hanay ng mga tumatakbo sa national level ang sitwasyon ng dalawang senatoriables kung saan kinasangkapan lamang ang popularidad ng mga kapamilya sa pulitika, as in pinagbabayaran ang pagiging “manggagamit” dahil “nilalangaw” sa campaign sorties ang mga ito.

Sa kabuuan, hindi maiwasang maawa ng TONITE Spy sa dalawang senatoriables ng mayamang presidentiable, kasunod ang pagkakadiskubreng madalas tinatabla ng mga miron ang ipinamamahaging campaign materials o polyetos, sa pag-aakalang hindi naman kandidato ito.

Palaging napagkakamalang miron at ilan lamang sa hanay ng mga “hakot brigade” o binayarang dumalo sa mini-political rally ang dalawang senatoriables kaya’t mistulang basang-sisiw na sisinghap-singhap sa tabi ng entablado.

Kahit sa simpleng pakikipagkamay sa mga tao kapag na ngangampanya sa palengke, hindi rin pinapansin ang dalawang senatoriables dahil ngayon lamang nakita ang pagmumukha ng mga ito.

Ang pinakamasakit sa lahat, madalas pang mahawi ng mga security o bodyguard ng mayamang presidentiable maging ng mga tauhan ng vice presidentiable ang dalawang senatoriables.

Mismong “hawi boys” ng mayamang presidentiable, hindi mamukhaan ang sariling kandidato sa pagka-senador ng kanilang amo dahil hindi pamilyar ang hitsura ng mga ito kaya’t palaging biktima ng mga panunulak at brasuhan kapag dumarating ang kanilang standard bearer sa rally site.

Clue: Magkaiba ang 2 senatoriables dahil “female and male” ang gender ng bawat isa. Ang unang senatoriable ay may letrang “S”, as in Sinamantala ang apelyido ng amang makata, habang “M” ang ikalawang senatoriable, as in Mamanahin ang kamalasan sa pulitika ng isang kapamilyang nangarap maupo sa MalacaƱang. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/mar2210/hulaan_blues.htm

No comments: