Kung merong nang-agaw ng mikropono at nanginain ng kornik sa press conference, mas malupit ang isa sa kasamahang senatoriable dahil malaking dekorasyon ang nagiging papel nito. Sa humigit-kumulang isang buwang kampanya, maagang umastang “Christmas décor” ang tabaing senatoriable, as in malapad na palamuti sa kampo ng presidentiable kaya’t inaasahang magbubutas din lamang ito ng bangko sa Upper House o kaya’y magbibilang ng bombilya sa kisame kapag nanalo.
Makailang-beses nasaksihan ng TONITE Spy kung paano umastang palamuti o dekorasyon ang tabaing senatoriable tuwing magpapatawag ng press conference ang ka-tropang presidentiable at vice presidentiable gayong maraming pwedeng sabihin o sakyang isyu.
Kaya’t lalong lumulubog ang popularity ra tings ng tabaing senatoria ble dahil hindi magawang magsalita sa presscon at madalas pang katakutan ng embedded media ang senaryong maospital dahil hindi malayong malason sa panis na laway dahil hindi man lamang magawang ibuka ang bibig sa dinadaluhang presscon.
Ang nakakatawa lamang, kabaliktaran sa pag-uugali ng amang pulitiko ang pagiging mahiyain sa mikropono ng tabaing senatoriable dahil halos bumabaha ng laway at nagkaka-flash flood kung magsalita ang kapamilya nito, as in walang tulugan kung magpa-presscon.
Bagama’t paboritong iangkas sa eroplano ng ka-tropang presidentiable at vice presidentiable, ma ging sa press conference na ipinapatawag ng mag-partner, nagiging malapad na backdraft sa likuran ang tabaing senatoriable.
Maging sa ambush interview, pagiging background din ang papel ng tabaing senatoriable dahil palaging nakapuwesto sa likuran ng presidentiable, animo’y masayang-masaya kapag nagmumukhang alalay ito.
Clue: Hindi kuwes tyon ang husay ng tabaing senatoriable subalit abusado ang bayaw kaya’t tablado ng mga reporter ang press releases nito. Kung kongresista o senador, ito’y merong letrang “N” sa apelyido, as in Namuhunan sa apelyido. (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment