Wednesday, March 31, 2010

marso 30 2010 abante tonite

Guwapong senatoriable, sinisiraan ng lady senatoriable
(Rey Marfil)

Mas tumindi ang nararamdamang inggit sa katawan ng isang ambisyosang lady solon sa kapwa senatoriable matapos harapang i-bad mouth dahil patuloy na namamamayagpag sa survey ito.


Sa report na nakalap ng TONITE Spy, walang inatupag ang ambisyosang lady senatoriable kundi wakwakin at sirain ang kredibilidad ng guwapitong senatoriable, hindi lamang sa hanay ng mga leader bagkus sa mga local officials na nakakaharap nito.

Sa bawat campaign sorties ng ambisyosang lady senatoriable sa mga lalawigan, maging sa pakikipag-courtesy call sa mga local officials, walang ibang bukambibig kundi iangat ang sarili, ka lakip ang pagwakwak sa kredibilidad ng guwapitong senatoriable.

Harapang hinihingi ng ambisyosang lady senatoriable sa mga local leaders na ilaglag sa listahan ng mga susuportahan ngayong May 10 ang guwapitong senatoriable dahil walang gagawin sa Upper House ito.

Higit sa lahat, wala ring napapatunayan ang ambisoyosang lady senatoriable sa buhay dahil mas maraming oras ang ginugugol sa paglalakwatsa katulad ang pagsali sa mga sports competition o pangingibang-bansa.

Ang labis ikinadimaya ng guwapitong senatoriable, astang-super friends ang ambisyosang lady senatoriable kapag magkasama sa political gatherings ito subalit ‘sinasaksak ng patalikod’, sa mga local leaders.

Lingid sa kaalaman ng ambisyosang lady senatoriable, mismong local leaders ang nagsusumbong sa guwapitong senatoriable tungkol sa mga pangbabaterya.
Bagama’t humahawak ng sensitibong posisyon sa gobyerno ang ambisyosang lady senatoriable, ito’y malaking Christmas tree, as in dekorasyon lamang.

Clue: Puro pagpapa-cute ang alam ng lady senatoriable na puntiryang mag-Vice president sa 2016 kaya’t winawasiwas ang senatoriable na nangunguna sa survey. Maaksyon ang buhay pag-ibig, maging propesyon ng guwapitong senatoriable habang meron letrang “O” sa apelyido ang lady senatoriable, as in Over sa takbo, maging sa pakikipagbeso. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/mar3110/hulaan_blues.htm

Thursday, March 25, 2010

marso 25 2010 abante tonite

Look who’s talking?
Rey Marfil

Maraming nadismaya sa pag-endorso ni Peoples Champ Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa presidential bid ni Manny Villar Jr. Mantakin n’yo, sa dami ng tumatakbong pangulo, ba kit si Villar nga naman ang napili gayong inirereklamo ng land grabbing ng Du magat tribesmen at ipinapasoli ng Committee of the Whole ang P6.2 bil yon sa C-5 road project.


In fairness kay Pacman, karapatan ng bawat Pinoy ang mamili kung sino ang susuportahang kandidato, mapa-barangay captain o pangulo kaya’t mas makakabuting irespeto ito.

Ang tanong lamang ng mga kurimaw: kaya bang i-knock out ng “Pambansang Kamao” ang “Pambansang Kapatid” ni LP bet Noynoy Aquino III? Sa kaalaman ng publiko, inaanak ni TV host Kris Aquino-Yap ang bunsong anak ni Pacman kaya’t alam n’yo na kung ano ang mas matimbang ngayon.

Napag-usapan si Pacman, isang Pinoy worker sa Saudi Arabia na avid rea der ng Abante TONITE ang hindi maitago ang kalungkutan sa muling pagsabak ng boksingero sa pulitika, maging ang ginawang pag-endorso kay Villar. Narito ang email ni Ed Valencia:

Mr. Pacman,
Remind ko lang sa imo (iyo), To’ tunay kang ‘Peoples Champ’ dahil sa galing mo gid sa larong boksing. Admittedly, ninety nine percent, Idol ka ng mga Pilipino nationwide at tunay nga gid na ikaw talaga gid ang totoong may tatak na from rags to richest dahil sa pagkamal mo ng kuwalta sa larangan ng boksing.

Indi (Hindi) mo dapat ituring na idol si C-5 Villar (Manny), you know, dahil ipinanganak at lumaki siyang may stainless jeep ang tatay niya. Pumasok siya sa isang prestigious private school at sikat na Mapua Institute (MIT). Ganyan ba ang laki sa hirap, ha Wapakman?

Makinig ka naman sa maraming nag-advice sa imo (iyo) kasama na si Nanay Dionesia na huwag mo na lang pasukin ang pulitika. You know, magiging “Peoples Loser” ka lang at kapag tinuluyan mong inin dorso si Villar, dob le talo ka. As if “Knock out” ang desisyon ng hurado.

Si Arroyo na inindorso mo ay nanalo nga ngunit sa pamamagitan naman ng pandaraya kaya gid na ging history tuloy ang term na ‘lapse of judgment’ sa Hello Garci controversies.

Kung gusto mo talagang makatulong sa kababayan mo, eh dio magtayo ka na lang ng sarili mong foundation, ga-tayo (tumayo) ng eskuwelahan, ospital, pabrika, at iba pang pampublikong serbisyo. Ninety-nine percent (99%), hindi ka talaga kalimutan ng mga mga tao kahit maputi na ang bukol mo, este buhok mo.

Payong kapatid lang “Toto”, tumingin at pakinggan mo ang mga issue, hindi iyong ang pakikinggan mo lang eh, galing kay Manong Willie (Revillame), kay Lolo Dolphy (Quizon), Remulla Bro thers (Cong. Boying at ex-Cong. Gilbert) at iba pa. Villar will never, never and never win in this presidential race. Promise!

Mabuhay ka Idol Manny “Pacman” Pacquiao.

Sender: Ed Valencia ng Riyadh Saudi Arabia
EDV@zamilac.com
(mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, March 22, 2010

marso 22 2010 abante tonite

2 senatoriables, napagkakamalang miron
(Rey Marfil)

Kung merong pinaka-kawawa sa panahon ng kampanya, walang iba kundi ang mga tinaguriang “never-heard candidates”, katulad ng madalas maranasan ng dalawang senatoriables kung saan napagkakamalang miron at tambay sa kanto ang mga ito.


Dahil nakaugalian ng mayamang presidentiable ang “maghakot” ng mga supporters para palabasing kinukuyog at bagyo ang arrive sa mga botante, walang ibang nagbabayad sa kanyang kabalbalan kundi ang ilang never-heard senatoriables nito.

Isang malaking leksyon sa hanay ng mga tumatakbo sa national level ang sitwasyon ng dalawang senatoriables kung saan kinasangkapan lamang ang popularidad ng mga kapamilya sa pulitika, as in pinagbabayaran ang pagiging “manggagamit” dahil “nilalangaw” sa campaign sorties ang mga ito.

Sa kabuuan, hindi maiwasang maawa ng TONITE Spy sa dalawang senatoriables ng mayamang presidentiable, kasunod ang pagkakadiskubreng madalas tinatabla ng mga miron ang ipinamamahaging campaign materials o polyetos, sa pag-aakalang hindi naman kandidato ito.

Palaging napagkakamalang miron at ilan lamang sa hanay ng mga “hakot brigade” o binayarang dumalo sa mini-political rally ang dalawang senatoriables kaya’t mistulang basang-sisiw na sisinghap-singhap sa tabi ng entablado.

Kahit sa simpleng pakikipagkamay sa mga tao kapag na ngangampanya sa palengke, hindi rin pinapansin ang dalawang senatoriables dahil ngayon lamang nakita ang pagmumukha ng mga ito.

Ang pinakamasakit sa lahat, madalas pang mahawi ng mga security o bodyguard ng mayamang presidentiable maging ng mga tauhan ng vice presidentiable ang dalawang senatoriables.

Mismong “hawi boys” ng mayamang presidentiable, hindi mamukhaan ang sariling kandidato sa pagka-senador ng kanilang amo dahil hindi pamilyar ang hitsura ng mga ito kaya’t palaging biktima ng mga panunulak at brasuhan kapag dumarating ang kanilang standard bearer sa rally site.

Clue: Magkaiba ang 2 senatoriables dahil “female and male” ang gender ng bawat isa. Ang unang senatoriable ay may letrang “S”, as in Sinamantala ang apelyido ng amang makata, habang “M” ang ikalawang senatoriable, as in Mamanahin ang kamalasan sa pulitika ng isang kapamilyang nangarap maupo sa Malacañang. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/mar2210/hulaan_blues.htm

Monday, March 15, 2010

marso 15 2010 abante tonite

Senatoriable, dekorasyon sa presscon
(Rey Marfil)

Kung merong nang-agaw ng mikropono at nanginain ng kornik sa press conference, mas malupit ang isa sa kasamahang senatoriable dahil malaking dekorasyon ang nagiging papel nito.


Sa humigit-kumulang isang buwang kampanya, maagang umastang “Christmas décor” ang tabaing senatoriable, as in malapad na palamuti sa kampo ng presidentiable kaya’t inaasahang magbubutas din lamang ito ng bangko sa Upper House o kaya’y magbibilang ng bombilya sa kisame kapag nanalo.

Makailang-beses nasaksihan ng TONITE Spy kung paano umastang palamuti o dekorasyon ang tabaing senatoriable tuwing magpapatawag ng press conference ang ka-tropang presidentiable at vice presidentiable gayong maraming pwedeng sabihin o sakyang isyu.

Kaya’t lalong lumulubog ang popularity ra tings ng tabaing senatoria ble dahil hindi magawang magsalita sa presscon at madalas pang katakutan ng embedded media ang senaryong maospital dahil hindi malayong malason sa panis na laway dahil hindi man lamang magawang ibuka ang bibig sa dinadaluhang presscon.

Ang nakakatawa lamang, kabaliktaran sa pag-uugali ng amang pulitiko ang pagiging mahiyain sa mikropono ng tabaing senatoriable dahil halos bumabaha ng laway at nagkaka-flash flood kung magsalita ang kapamilya nito, as in walang tulugan kung magpa-presscon.

Bagama’t paboritong iangkas sa eroplano ng ka-tropang presidentiable at vice presidentiable, ma ging sa press conference na ipinapatawag ng mag-partner, nagiging malapad na backdraft sa likuran ang tabaing senatoriable.

Maging sa ambush interview, pagiging background din ang papel ng tabaing senatoriable dahil palaging nakapuwesto sa likuran ng presidentiable, animo’y masayang-masaya kapag nagmumukhang alalay ito.

Clue: Hindi kuwes tyon ang husay ng tabaing senatoriable subalit abusado ang bayaw kaya’t tablado ng mga reporter ang press releases nito. Kung kongresista o senador, ito’y merong letrang “N” sa apelyido, as in Namuhunan sa apelyido. (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, March 9, 2010

marso 9 2010 abante tonite

Umepekto ang rigodon!
Rey Marfil

Sa pinakahuling pre-election survey ng Pulse Asia, may petsang Pebrero 21 hanggang 25, nabawi ni Noynoy Aquino (36%) ang malaking kalamangan habang bumagsak si Manny Villar Jr. (29%) -- ito’y natapyasan ng 6% at napunta kay Erap Estrada (18%), maging si Gibo Teodoro (7%), isa pang nakinabang sa paghina ng mister ni Cynthia Villar dahil nadagdagan ng 2% kumpara sa 5% noong January survey.

Sabagay, kahit taong-grasa, hindi pa nakaranas maligo sa dagat ng basura at kahit mayaman, ito’y nakaranas mamatayan ng kapatid o kaya’y makatu­log sa silya lalo pa’t nalasing, sino aber ang maniniwala sa drama ni Villar? Ang masakit lamang na katotoha­nan, animo’y ‘na-maso’ si Bro. Eddie Villanueva dahil napako sa 2%, maging si Dick Gordon (1%), nag-aksaya lamang ng sangkate­rbang laway sa TV ads, aba’y hindi naging consistent sa 2% at nabawasan pa! Ne­vermind si Jamby Madrigal, ito’y wala pa namang TV ads na inilalabas.

Maging sa vice presidential race, halos runaway winner si Mar Roxas (43%) at kamuntikan pang nangalahati ang kalamangan sa kaibigang matalik ni Edong Anga­ra, aba’y nagkasya lamang sa 27% si Sinta, as in Loren Legarda.

Ibig sabihin, hindi maramdaman ng publiko ang ‘Alagang Loren’ sa campaign sorties, katulad ng mensahe sa TV ads. Kaya’t huwag ikagulat kung maungusan ni Jojo Binay si Sinta lalo pa’t unti-unting umaangat sa survey. Hindi bale si Bayani Fernando, ito’y walang pakialam sa survey dahil mas importante ang pag-videoke sa rally, katulad din ni Edu Manzano, aba’y balitang mas marami pang oras sa pagpapagawa ng bahay kaysa makipag-kamay sa tao.

Isa lang ang malinaw kung bakit nabawi ni Aquino ang kalamangan -- ito’y epek­to ng bagong ‘think tank’ sa campaign headquarters ng Liberal. Subukang mag-flashback, sa panahong si ex-DepEd Sec. Butch Abad ang nagtitimon sa Noy-Mar team up, ma­ging sa panahong nakikialam ang tropa ni ex-President Franklin Drilon, sampu ng civil society na nagmamarunong sa Liberal camp, pabagsak ang popularity ratings ni Aquino dahil hindi naipapaabot sa tao ang tunay na mensahe ng liderato nito.

Ibig sabihin, epektibo ang strategy ng grupo nina ex-senator Serge Osmeña at ex-presidential adviser Lito Banayo, sampu ng mga tauhan nina opposition senators Chiz Escudero at Ping Lacson na nag-takeover sa operasyon.
***
Napag-usapan ang 2010 elections, animo’y itinadhana ang numerong ‘53’ ni ex-se­nator Vicente ‘Tito’ Sotto III. Kung susuriing mabuti ang listahan o balota ng Comelec nasa dulo ang let­rang “S” subalit mas ikinatuwa ni Sotto ang kinalag­yan ng kanyang surname, ito’y favorite number, hindi dahil pang-Escalera ang da­ting kundi tatak ng kanyang lolo ang numero 53. Li­ngid sa kaalaman ng publiko, maliban sa mediamen na nakikinabang sa Republic Act (RA) No. 53 -- ito ang kauna-unahang batas ng lolo ni Tito Sotto --si dating senador Vicente Sotto noong 1st Congress kaya’t ‘Sotto Law’ ang Press Freedom Law.


Take note: malaki ang impluwensya ng dalawa pang Escalera brothers sa mga botante -- sina Joey de Leon at Vic Sotto, hindi pa kasama ang endorsement nina Boy Abunda at Kris Aquino!


http://www.abante-tonite.com/issue/mar0910/opinions_spy.htm






Monday, March 8, 2010

marso 8 2010 abante tonite

Lady senatoriable ‘nanapaw’ sa event
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, sad yang walang pag-asa pang magbago ang pagiging ‘KSP’ ng isang ambisyosang lady senatoriable, patunay ang ‘pag-epal’ sa bawat campaign sorties upang mapansin ng media.


Hindi nagtatapos ang kuwento sa pang-aagaw ng mikropono sa isang press conference ang naitalang pag-eksena ng ambisyosang lady senatoriable matapos muling magpakita ng pagiging “kulang sa pansin’, as in KSP sa event.

Nasaksihan ng TONITE Spy ang pag-agaw eksena ng ambis yosang lady senatoriable sa isang event kung saan walang kinalaman ang sarili sa pagtitipon bagkus nakasentro lamang ang isyu sa kanilang “manok” o pambato ng partido.

Sa halip magpa-low profile o manahimik sa isang tabi, gumawa ng sariling palabas ang ambis yosang lady senatoriable at ninakaw ang limelight na dapat nakasentro at ibinibigay sa kanilang standard bearer.

Kung nagawang agawin ang mikropono ng kasamahang senatoriable sa isang presscon, mas nakakasuka ang ginawa nito sa kanilang “manok” dahil sinapawan sa palabas dahil gustong mapansin ng publiko, sampu ng mediamen na nagko-cover sa event.

Matinding pananapaw ang ginawa ng ambisyosang lady senatoriable sa event dahil pa-center of attraction matapos iladlad ang naglalakihang tarpaulin o campaign materials habang papasok ang kanilang pambato, as in presidential bet.

Naglalakihang letra ng kanyang apelyido ang iniladlad ng ambisyosang lady senatoriable sa gallery ga yong nakasentro sa kanilang standard bearer ang dinaluhang pagtitipon.

Mas lalo pang iwinagayway ng mga inarkilang tauhan ng ambisyosang lady senatoriable ang malalaking tarpaulin na nakapinta ang kanyang pangalan nang maispatang umikot ang camera at nagkislapan ang flash ng mga photographer.

Lumikha rin ng ingay ang grupo ng ambisyosang lady solon sa loob ng ga llery kaya’t lalo pang napako sa kanilang kinalalagyan ang atensyon ng mga kurimaw sampu ng dumalo sa event at pansamantalang iniwanan ng tingin ang presidential bet.

Namumukod-tangi ang ambisyosang lady senatoriable sa hanay ng labindalawang kandidato sa pagka-senador sa ‘nanapaw’ o gumawa ng eksena dahil wala sa kanyang mga kasamahan ang nagpa-center of attraction sa naturang event.

Clue: Madaling makilala ang lady senatoriable, patunay ang mala-plastic queen na pag-uugali sa media at kopyang-kopya, pati porma ng isang primadonang lady solon na mahilig sa matandang karelasyon. Ito’y ex-girlfriend ng isang kongresista at kasalukuyang boypren ng isang taga-civil society. Kung bagong salta sa pulitika o nagmamartsa sa kalsada, ito’y merong letrang “O” sa apelyido, as in Over sa pagiging hot mama.(mgakurimaw.blogspot.com)



http://www.abante-tonite.com/issue/mar0810/hulaan_blues.htm

Saturday, March 6, 2010

marso 6 2010 abante tonite

Campaign manager, feeling kandidato
(Rey Marfil)

Kung merong kinaiinisan ang kampo ng isang presidential bet, walang iba kundi mismong campaign manager nito dahil umaastang kandidato gayong trabaho ang ipanalo ang mga kasamahan sa organisasyon at manok nito.

Mismong top official ng partido, sa pangunguna ng isa sa tumatakbo sa mataas na posisyon ang naglabas ng sama ng loob sa tumatayong campaign manager ng senatorial ticket.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano mairita ang mga senatoriables ng isang partido dahil palaging nakasiksik ang pangalan ng kanilang campaign mana ger sa mga tarpaulin o campaign materials.

Ang rason, mas malaki pa ang pangalan ng campaign manager sa mga tarpaulin o campaign material na ginagamit sa press conference bilang back draft kaysa mukha ng mga senatorial bets nito.

Kung tutuusin, hindi kailangan pang ipangalan dakan ng kumag ang pagiging campaign manager dahil hindi naman tumatakbo sa alinmang posisyon subalit kapag sinuri ang mga tarpaulin na ginagamit sa press conference, palaging nakasingit ang pangalan nito.

Mapagkakamalan pang isa sa senatoriables ang campaign manager dahil nauuna ang pangalan maging sa media kit na ipinapamudmod sa mga local media na nagko-cover sa press conference.

Ang malupit sa lahat, maging press releases o kalatas mula sa campaign headquarters, palaging nakabalandra ang pangalan ng campaign manager kung saan mas malaki pa ang pagkakasulat ng kanyang pangalan kumpara sa logo ng senatorial bets.

Maging sa press conference, mas marami pang sinasabi ang campaign manager kaysa mga inaalagaang senatoriables, as in sinasapawan sa mga isyu kaya’t walang sound bite na makuha ang mga mediamen mula sa mga kandidato nito.

Clue: Mahilig mang-iwan ng kaibigan ang campaign manager, patunay ang makailang-beses na pagbalim bing. Kung senador, kongresista o bagong pulitiko, ito’y meron letrang “N” sa apelyido, as in Nanigas na kornik. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/mar0610/hulaan_blues.htm

Friday, March 5, 2010

pebrero 27 2010 abante tonite

2 solon nag-holding hands sa presscon

(Rey Marfil)

Kapag nagkataon, mahahabol ng taga ang isang primadonang lady solon matapos sadyaing maki pag-holding hands sa kasamahang mambabatas para pabulaanang nagkakatampuhan ang mga ito.


Bagama’t walang relasyon ang dala wang solon, hindi maiwasang mairita ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos masaksihan ang ‘pagpapa-cute’ ng primadonang lady solon, animo’y “Kristine Hermosa” ang drama sa isang teleserye.

Naging usap-usapan sa iba’t ibang coffee shop at ilan pang media forum ang gulong nagaganap sa loob ng orga nisasyong kinabibila ngan ng primadonang lady solon dahil gumagawa ng sari ling ‘lakad’ ang mokong at walang pakialam sa mga kasamahan nito.

Sa lahat ng aktibidades, may sariling ‘media team’ na akay-akay ang primadonang lady solon upang palabasing pinagkakaguluhan at mas sikat kum para sa ilang kasamahan sa organisasyon.

Dahil maugong ang alegasyong nagkakagulo ang kanilang organi sasyon, muling nagpa-cute ang primadonang lady solon at nagdrama sa press conference, sa pamamagitan ng pakiki pag-holding hands sa kasamahang pulitiko.

Hindi maiwasang magtaasan ng kilay ang mga kurimaw dahil lalo pang napatunayan kung gaano ka-plastik ang primadonang lady solon matapos magpaka-showbiz, animo’y nasa programang The Buzz at nagpa-cute sa audience.

Katulad ng mga artistang gumagawa lamang ng gimik at nagkukunyaring ‘okey’ ang relationship para pag-usapan ang pinagbibidahang pelikula, mismong ang primadonang lady solon ang kumuha sa kamay ng kasamahang pulitiko para makipag-holding hands, animo’y magsyota.

Clue: Walang tatalo sa primadonang lady solon kung pagiging plastik ang kompetisyon dahil nakakasiguro ng gold. Kung senadora o congresswoman, ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matanda. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/feb2710/hulaan_blues.htm

marso 1 2010 abante tonite

Nakasulat sa tadhana!
Rey Marfil


Sa bagong TV ads, ‘namanata’ si Senador Manuel Villar Jr., ‘tatapusin ang kahirapan’, tinapatan ang pa ngako ni Senador Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na kanyang ‘tatapusin ang laban ng mga magulang’, maging ang sum pang ‘hindi magnanakaw, meron ding bersyon si Villar, animo’y tinamaan sa anti-corruption ads.
Mantakin n’yo, idinepensa ni Villar ang sarili sa senar yong ‘magbabawi’ sa multi-bil yon pisong ginastos sa TV ads kapag nakarating ng Malacañang. Bagama’t walang direktang pag-a ming tinamaan sa TV ads ni Noynoy, malinaw ang kasagutan ni Villar -- ito’y dating negos yante at mas gugustuhing magnegos yo kung pagpayaman ang misyon.Ang sagot ng mga kurimaw: sana nga nagnegos yo na lang ito baka sakaling marami pang mabigyan ng bente pesos (P20.00), aba’y hindi man lamang inirespeto si President Manuel Quezon!
Ni sa panaginip, ayokong isiping iisa ang kapalaran ng mga nagsilbing House Speaker, aba’y balikan ang mga kaganapan -- ito’y ‘nasusulat at nababasa’ -- hindi ba’t sangkaterba ang sala ping pinakawalan ni ex-House Speaker Ramon ‘Monching’ Mitra Jr. noong 1992 elections subalit tinalo pa rin ni General Tabako, as in da ting Pangulong Fidel Ramos?
Ganito rin ang tadhana ni ex-House Speaker Jose ‘Joe’ de Venecia Jr., hindi ba’t umuwing nagpapahid ng te nga noong 1998 at pinakain ng alika bok ni Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada. Take note: Jeep lang ang campaign strategy ni Erapsky subalit milya-milya ang agwat sa ‘express train’ ng mister ni Manay Gina.

At ngayong 2010 elections, abangan kung mauulit ang naitalang kamalasan ng dalawang (2) House Speaker lalo pa’t kapareho ang landas na tinatahak ni Villar -- ito’y nagsilbing House Speaker at nasangkot sa ilang eskandalo, katulad din nina Mitra at De Venecia. Maliban sa alegasyong land grabber ng mga Dumagat farmers, hindi ba’t ipinapasoli ng Committee of the Whole kay Villar ang P6.2 bilyong ginastos sa C-5 road project dahil gusto ni Manong Johnny Enrile, ‘happy tayo’.
Kaya’t huwag ipagtaka ng mga kurimaw kung makipagpalit ng campaign slogan si Villar kay Manong Johnny dahil ‘sobrang happy’ ang karamihan sa media organization nga yong eleksyon, katulad din ni ex-DND Sec. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr., dapat kuning endorser si Robin Padilla at bilhin ang litanya sa isang commercial. Mantakin n’yo, kahit napako sa 4% ang ratings, aba’y ‘think positive pa rin at ayaw umayaw’ ito.
***
Napag-usapan ang eskandalo ng tatlong (3) ex-House Speaker, hindi ba’t sumabit si Mitra sa pagpaimprenta ng campaign materials sa loob mismo ng Batasan kaya’t bumulusok ang popularity ra tings sa kaagahan ng kampan ya gayong namayagpag sa unang sigwada ng mga survey. Ang nakakatawa lang, tumatakbong senador ngayon sa ticket ni Villar ang isa sa anak ni Mitra -- si Ramon ‘Monmon’ Mitra III habang si Cong. Abraham ‘Baham’ Mitra, ito’y gubernatorial bet ni Noynoy sa Palawan.
Wala ring pinag-iba sa kaso ni De Venecia, hindi ba’t samu’t saring kabu lastugan ang naitala bilang Speaker, mapa-Aramco deal hanggang ‘cha-cha train’. At ngayo’y isa ang anak sa senatorial bets ni Erapsky -- si Jose ‘Joey’ de Venecia III. Talagang ‘weder, weder’.

Higit sa lahat, simula nang mapalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga dayuhang mananakop at na ging ‘Republic of the Philip pines’, wala pang presidentiables na nagtataglay ng ‘Junior’ sa given name ang nanalong presidente, simula kay General Emilio Aguinaldo hanggang kay Mrs. Gloria Arroyo.
Mabuti na lang, ‘the third’ si Noynoy dahil junior ang amang si Ninoy. Kahit itanong n’yo pa kay ex-Ambassador Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr. (1998), hindi ba’t kapareho ng kapalaran ni Fernando Poe Jr. noong 2004 elections? Anong nangyari kay Vice President Ma nuel ‘Noli’ De Castro Jr., ito’y umatras sa presidential derby gayong liyamado sa kaagahan ng survey.
Kaya’t may pag-asa si Vetallion Acosta sa presidency, aba’y walang ‘junior’, hindi katulad ni Gibo! (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/mar0210/opinions_spy.htm

marso 4 2010 abante tonite

Senatoriable, ‘nanginain’ lang sa presscon

Muling pinatunayan ng isang ‘malusog’ na senatoriable ang pagiging masiba sa pagkain matapos ‘manginain’ lamang sa press conference na ipi natawag ng kanilang orga nisasyon.

Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban matapos masaksihan ang katakawan sa pagkain ng malusog na senatoriable dahil walang patawad kahit sa presscon.

Habang abala ang mga kasamahan sa partido na ipaliwanag ang plataporma de gobyerno, mas busy ang bibig o bunganga ng matabang senatoriable sa ka-ngunguya ng pagkain, as in nilantakan ang pansit na nakalapag sa harapan nito.

Ang malupit sa lahat, hindi simpleng pag nguya ng pagkain ang ginawa ng matabang se natoriable kundi ngasab sa pagkain, animo’y gu tom na gutom at ngayon lamang nakakita ng pansit sa lamesa gayong kagagaling lamang sa isang kainan nito.

Hanggang matapos ang presscon, isang beses lamang nagsalita ang matabang senatoriable kung saan wala man lamang itinira sa plato, maging hibla ng mani at pasas sa platito, as in malinis na malinis, animo’y hinuga san ito.

Pintahan n’yo na: Madaling makilala ang matabang se natoriable dahil kasing laki ng daliri ang butas ng ilong. Kung senador, kongresista o bagong saltang pulitiko, itoy merong letrang ‘N’ sa kabuuan ng apelyido, as in nasalubsob sa basketball at naka-yellow t-shirt.

http://www.abante.com.ph/issue/mar0510/kartada5.htm

marso 3 2010 abante tonite

Moral ascendancy
Rey Marfil


Isang malaking hamon sa liderato ng Liberal Party (LP) ang ‘congressio nal bid’ ni ex-Quezon Gover nor Eddie Rodri guez (kapangalan lang ng isang actor/director), aba’y nasaan ang ‘moral ascendan cy’ na ipinagmamalaki ng kanyang kapartido kung nagawang paglaruan ang batas, patunay ang kasong kinasangkutan sa Amerika, ilang taon na ang nakakaraan.

Ang tanong ng mga kurimaw: ano pa kaya kung manalong congressman sa 3rd District ng Quezon si Rodriguez lalo pa’t convicted sa pamemeke ng dokumento, maliban kung nagbago at nagbalik-loob kay Lord? Bagama’t taga-Quezon ang magpapasya, dapat isipin ng mga botante ang kuwa lipikasyon at tunay na pagkatao ng mga kandidato, hindi iyong nadadala sa buladas.

Lingid sa kaalaman ng publiko, maituturing na isang ‘ex-convict’ si Rodriguez sa Amerika. Take note: hindi ‘nagsisinungaling ang ebidensya’, malinaw ang record kung saan napatunayang pineke ang pagkamatay ng kanyang biyenan at asawa para lamang makuha ang insurance claim -- ito’y naging laman ng ilang pahayagan, kahit subukan n’yo pang i-Google ang kanyang pangalan.

Ang nakakatawa, ipina ngangalandakan ng kanyang partido ang ‘moral ascendancy’ gayong taong 1984, nabisto ng Fraud Division ng California Department of Insurance na kasabwat ni Rodriguez ang asawang si Imelda, maging biyenan upang ideklarang ‘patay’ para lamang makakuha ng insurance claim sa halagang $150,000 (P700,000). Isa pang tanong: sino ang pipi gil sa mga tiwaling opis yal lalo pa’t pinaglalaruan lamang ng mga maimpluwensyang nilalang ang batas sa Pilipinas.

Kung hindi pa nabisto ang raket ni Rodriguez, posibleng umabot sa $850,000 ang makukubra sa apat (4) na insurance companies sa Amerika. Kahit napagdusahan ni Rodriguez ang krimen, partikular ang ‘insurance fraud’ (panloloko), grand theft (malakihang pagnanakaw) at three counts of attempted grand theft (tangkang malakihang pagnanakaw), malinaw pa ring lihis sa paniniwala ng tropa nina Sen.Noynoy Aquino at Sen. Mar Roxas ang gawi ng dating gobernador.

Ang nakakasuka, ang lakas pa ng loob bumira sa mga kalaban at malakas din ang loob manawagan ng pagbabago gayong nasangkot sa kalokohan at kasapakat pa ang asawa. Kahit saang dictionary suriin ang kahulugan, napakabigat na kasalanan ang panloloko at pandaraya.

***

Napag-usapan ang elek syon, nakakaalarma ang expose ng isang blogger -- si Patricio Mangubat (newphilrevolution.blogspot.com) tungkol kay Lt. Gene ral Delfin Bangit -- ito’y itinuturong ‘mastermind’ sa Hello Garci Part 2 ngayong May 10 elections at senyales ang paghirang bilang chief of staff (COS) ng Armed For ces of the Philippines (AFP), kapalit ni General Victor Ibrado.

Ni sa panaginip, ayokong isiping may katotohanan ang blog ni Mangubat, katulad ang senar yong isasabotahe ni Bangit ang resulta ng elek syon kapag nabigong makuha ng administrasyon ang isa sa top post ngayong eleksyon.

Ang babala ni Mangubat: isang malaking gulo ang sisindihan sa Mindanao at Metro Manila para mapuwersang i-take over ng mi litar ang gobyerno, nanga ngahulugang patuloy ang pagre-reyna ni Mrs. Gloria Arroyo.

Ang babala pa ni Mangubat, magbabanggaan ang tropa ng dalawang heneral lalo pa’t bad trip si Ibrado kay Mrs. Arroyo dahil walang balak i-extend ang termino para maisingit si Ba ngit bago bumaba sa puwesto ang Pangulo gayong pinalawig ang termino ni ex-AFP chief of staff Hermogenes Espe ron Jr., kahit wala sa lugar ang extension.

Ibig sabihin, maghaharing-uri sa bagong administrasyon ang PMA Class ‘78 na nag-ampon kay Mrs. Arroyo. Kalokohan kung papayag ang Class ‘76 at Class ‘77 sa ganitong senaryo, sa malamang, malaking demo ralisasyon sa AFP kapag nagkataon. (mgakurimaw.blog spot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/mar0410/opinions_spy.htm

marso 2 2010 abante tonite

Senatoriable, nag-angas sa anchorman;
tinanggihan ang pagpalitrato

(Rey Marfil)

Hindi pa man nanalong senador, kaagad lumutang ang pagkakaroon ng ‘attitude’ ng isang ambisyosong senatoriable matapos mag-angas sa harap ng ilang mediamen na nag-imbitang isalang sa press confe rence o forum.


Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano magsup lado ang ambisyosong senatoriable mula Luzon area matapos tablahin ang photo ops, as in pagpapalitrato ng isang mediaman na tumatakbo sa party-list group.


Inimbitahan ang ambisyosong senatoriable sa weekly forum ng National Press Club (NPC), kasama ang ilan pang kauring senatorial bets subalit namumukod tangi ang mokong sa hanay ng mga resources person na nag-suplado sa presscon.

Bagama’t maayos ang sagot ng ambisyosong senatoriable sa bawat tanong ng mga media panelist, sa pangunguna ng NPC officials, nakitaan ng kaangasan at kagaspangan ng pag-uugali ang kumag makaraang mag-request ng photo ops ang isa sa radio anchorperson.

Tumatakbo sa party-list group ang isang anchorperson kaya’t humirit ng photo ops, kalakip ang hangaring magtulungan sa kampanya ang bawat isa lalo pa’t parehong na ngangailangan ng boto ang mga ito.

Taliwas sa inaasahan ng anchorman, ito’y tinabla ng ambisyosong senatoriable, as in tinanggihan ang pagpapakuha ng litrato, sabay depensang hindi nagtataas ng kamay ng kahit sinong pulitiko o orga nisasyon, maliban sa kapartido nito.

Ang masakit sa lahat, ‘mala-radio station’ ni Pastor Quibuloy na ‘dinig sa buong mundo’ ang pagsusup lado ng ambisyosong senatoriable dahil maraming mediamen ang nakapalibot kaya’t namula ang pisngi ng achorman sa pagkapahiya rito.

Isa pang nakakalungkot na katotohanan, mag kababayan ang dalawa kaya’t abot-Northern Luzon ang pagka-bad trip ng anchorman sa ambisyosong senatoriable dahil hindi man lamang ikinunsidera ang pagiging magka-lugar ng bawat isa.

Maging iba pang NPC officials nairita sa ambisyosong senatoriable dahil harapang pinahiya ang isang kasamahan sa simpleng pagpapakuha ng litrato gayong libre ang exposure sa media forum kung kaya’t meron naglitanyang ipapaboykot at hindi ipaboboto sa mga kamag-anak ang mokong.

Clue: Malaki ang kasalanan ng ambisyosong senatoriable sa “madlang people’, sampu ng buong angkan nito. Ito’y meron letrang ‘B’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido as in Bastos dahil hindi nakipag-’peace be with you’ sa kasamahang senatoriables sa loob ng church at bitbit pa rin ang galit sa mga ito. Ang palayaw nito’y kasing-tunog ng isang kakanin kapag Pasko habang Letrang ‘G’ ang anchorman, as in Galing sa DWIZ radio.(mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/mar0310/hulaan_blues.htm

Monday, March 1, 2010

marso 1 2010 abante tonite

Senatoriable, mukhang mascot sa TV ad

(Rey Marfil)

Sa halip makahikayat ng botante ang nagsulputang TV ads, mas nakabawas pa sa popularidad ng isang never heard senatoria ble ang pagmumukhang mascot sa isang gag show dahil sa kakaibang sukat ng bewang nito.


Hindi maiwasang matawa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy tuwing mapag-uusapan at mapapanood sa telebisyon ang infomercial ng never heard senatoriable lalo pa’t kamukha nina Hetty, Ronald McDonald at Jollibee ang porma nito.

Ang rason, nakakatawa ang porma ng never heard senatoriable, partikular ang kakaibang estilo ng pananamit kung saan hindi makita ang bewang dahil umaabot hanggang dibdib, katulad ng mga kilalang mascot na humihinga sa leeg o kaya’y ginagawang mata ang dibdib.

Kung susuriin ang porma ng never heard senatoriable, ito’y nagsayang lamang sa pagsusuot ng branded t-shirt dahil kalahati sa logo ng damit ang natakpan ng sinturon sa sobrang taas ng bewang o waistline nito.

Sa unang tingin, animo’y counter part ng grupong “Low Waist Gang” ang arrive ng never heard senatoriable dahil kapag nagsuot ng Lacoste T-shirt, natatakpan ng sinturon ang buntot ng buwaya sa sobrang taas ng bewang nito.

Sa ganitong porma ng never heard senatoriable, madalas biruan sa campaign sorties ang senaryong sa balikat humuhugot ng pitaka ang kumag kapag nagbabayad ng restaurant bill o kaya’y nagbibigay ng tip dahil masyadong malayo kung sa patagilid sa kanan at kaliwa bubunot ng salapi.

Maliban dito, biruan din sa campaign sorties ng mga mediamen na nagko-cover sa political party kinaaaniban ng never heard solon ang alegasyong lagpas- dibdib kung magbukas ng zipper o magtanggal ng butones dahil aabot sa kili-kili ang bewang, as in high waist ito.

Bagama’t hindi kuwestyon ang kakayahan ng never heard senatoriable kung public service ang isyu, walang kapag-a-pag-asang manalo ngayong May 10 elections dahil pang-barangay level lamang ang “arrive” nito.

Higit sa lahat, walang nakakilala sa never heard senatoriable, maliban sa mga kasambahay at kapitbahay nito, as in pinatakbo lamang ang pulitiko bilang pampuno at makapuro ng senatorial slate ang partido.

Clue: Meron letrang ‘G at O’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido ang never heard senatoriable, as in Green ang favorite color. Kung saang partido tumatakbo, ‘wag ng alamin at pagkaabalahan ng panahon dahil sasakit ang inyong ulo lalo pa’t kulelat sa survey, kasama ang mga nuisance candidates. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/mar0110/hulaan_blues.htm