SEARCH Abante-Tonite
OTHER NEWS
CRIMES NEWS
HULAAN BLUES
Solon nang-molestiya sa foreign trip
(Rey Marfil)
Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, wala nang pag-asa pang magbago ang isang solon dahil muling umiral ang pagiging manyak at hindi magawang baguhin ang nakagisnang pagkahilig sa laman.
Sa report na nakalap ng Tonite Spy, pasok sa kasong rape at habang-buhay na pagkabilanggo ang ginawa ng isang solon matapos pagtangkaang gahasain sa isang foreign trip ang tauhan nito.
Nang mag-recess ang Kongreso, dalawang babaeng staff ang isinama ng matandang solon sa biyahe at inirasong parte ng legislative works ang biyahe kaya’t napilitang sumama ang mga ito.
Lingid sa kaalaman ng isa sa dalawang babaeng tauhan, partikular ang tsinitang staff, ito’y matagal nang pinagnanasaang matikman at maikama ng matandang solon.
Lalo pang tumindi ang pagpapantasya ng matandang solon sa tsinitang staff dahil maudlot ang naunang pagtatangka nitong maikama sa panahong nagbakasyon sa isang resort.
Sa tindi nang pagnanasa ng matandang solon sa katawan ng tsinitang staff, ito’y gumawa ng paraan upang maisahan ang bebot at isang malaking ‘frame-up?’ lamang ang biyahe para tikman ito.
Hindi lang iyan, nadiskubre pang panakip-butas lamang o pang-cover ng matandang solon ang pagsama sa isa pang babaing staff upang hindi matunugan ng kinukursunadang staff ang maitim nitong balak.
Naganap ang lahat ng krimen, dakong alas-tres ng madaling-araw matapos ipatawag ng matandang solon ang bebot sa kanyang kuwarto para mag-brain storming subalit pakikipag- ‘carnal knowledge’ ang motibo ng kumag.
Taliwas sa inaasahan ng matandang solon at paniwala sa sarili nitong ‘easy to get’ ang staff, pumalag ang kinursunadang tauhan nang daluhungin sa kama at pagtangkaang gahasain o pagsamantalahan sa mismong kuwarto ng mambabatas, partikular sa hotel na tinutuluyan nito.
Kundi naging maagap ang tsinitang staff, kamuntikan nailugso ng matandang solon ang kanyang pagkababae dahil mistulang asong ulol na tulo-laway at hinihingal pang pinagyayapos at pinaghahalikan ang tauhan, kalakip ang pangakong ‘paliligayahin’, gamit ang katagang ‘I will not do anything that you wouldn’t like’.
Clue: Kung sino ang manyakis na matandang solon at iba pang kuwentong nakapaloob sa eskandalong ito, abangan sa Lunes ang karugtong.
(www.mgakurimaw.blogspot.com).
Wednesday, December 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment