Tuesday, December 9, 2008

dec 9 2008 (tuesday) abante tonite issue

Kotongerong tauhan nina Meyor!
Rey Marfil


Narito ang isang email na natanggap ng Spy at pangunahing inireklamo ang mga ‘Kotong Cops’ sa balwarte ni ParaƱaque City Mayor Jun Bernabe, aba’y walang pahi­nga dahil gabi at araw kung mangotong sa mga driver. Sa ma­lamang, mas tumindi pa ang pangungurakot ngayong magpa-Pasko, gamit ang sasakyang ibinigay ni Mayor.
Dear sir Rey (Spy on the Job),
Kotong cops appears every night and dawn along ParaƱaque Road not to guide and protect the people but to get their money. Evidence: Police mobile patrols with name Mayor Bernabe written into their mobiles. They stays in the dark area of road traffic lights only waiting for those traveler’s to get mistake. Then after that, bigla nilang habulin ang sasakyang nagkamali kahit konti lang at hindi kukunin ang lisensya kundi hihingan ng pera. Grabe sila. Ayaw nila tumanggap ng less than P100.00. Kailangan P100.00 and above. Minsan apat (4) sila nakasakay. Iyong boss nila sa harapan at mga bata n’ya sa likuran. Puwede n’yong hulihin sa akto kung gusto n’yo para maniwala po kayo.
Salamat po at maghihintay ako sa feedback n’yo. Pagpalain po kayo ng Diyos.
Sender: mjpenia@yahoo.com
***
Napag-usapan ang pangongotong, mukhang tumitindi ang paghihirap na dinaranas ngayon ng mga taga-San Mateo, Rizal, aba’y sangkaterba ang ‘tongpats’, as in patong-patong ang problema sa palpak na pangangasiwa ng trapiko hanggang sa ‘di maaasahang pagkolekta ng basura ng munisipyo. Ni sa panaginip, ayokong isiping inu­til ang mga nakaupong opisyal, katulad ni Tiyo Paeng, as in Mayor Rafael ‘Paeng’ Diaz lalo pa’t naghahangad ng re-election ito.
Sa reklamong natanggap, hindi gaanong ginagampa­nan ni Tiyo Paeng ang kanyang trabaho at pinagkikibit-balikat ang mga problema ng kanyang bayan, katulad ang sablay na pangangasiwa sa trapiko ng grupong OPSS o Office of Public Safety and Security - ito’y binubuo ng mga sibilyan na diumano’y tumulong sa pangangampanya ni Tiyo Paeng ng nakaraang eleksyon. Sa simpleng paliwanag, ito’y bayad-utang sa suporta kay Mayor!
Tila hindi nalalaman ni Tiyo Paeng na mismong grupong OPSS ang sumisira sa kanyang imahe, aba’y harap-harapan kung mangotong sa mga jeepney at truck dri­vers, katulad sa kanto ng Batasan at Banaba, maliban kung nagbubulag-bulagan at hindi magawang rendahan dahil takot itong mawalan ng suporta sa 2010 election. Mantakin n’yo, ipinagmamalaki diumano ng mga taga-OPSS ang pagiging untouchable sa munisipyo, as in ipinanga­ngalandakan hindi kayang buwagin ni Meyor dahil napa­kalaki ang utang ng loob ni Tiyo Paeng. Ganyan kaya­yabang ang mga ito!
Ang malungkot, sangkaterba ang pinapa-suweldong tauhan ni Tiyo Paeng sa OPSS subalit saksakan pa rin ng sikip ang kalsada at walang kaayusan ang daloy ng trapiko sa mga barangay ng Gitnangbayan at Ampid, as in walang silbi ang mga bata ni Tiyo Paeng. At meron pang reklamong gumagamit ng blinker at ‘wang-wang’ ang service vehicles ng OPSS, maging mga ambulansya ng San Mateo, ito’y ipinangsusundo ng mga lasing na empleyado ng munisipyo, maliban kung isang uri lamang ng paninira ang nakuhang sumbong?
Pati koleksyon ng basura sa San Mateo, ito’y inire­reklamo dahil minsan umaabot ng isang linggo ang mga basura bago na-pick up at napakalapit sa ilog ang itina­yong tambakan at transfer station, maging sa katayan ng binebentang karne sa palengke o slaughter house. Talagang pambihira ang management style ni Tiyo Paeng kumpara sa ibang alkalde ng Rizal province. Ang nakakapagtaka, animo’y bulag, pipi at bingi ang buong konseho gayong isa ang San Mateo sa mga bayang malapit sa Metro Manila. Sana’y kumilos at totoo ngang nagta-trabaho si Tiyo Paeng! (www.mgakurimaw.blog.spot.com)

No comments: