Ni sa panaginip, ayokong isiping nagkapalagayan ng loob sina Dick Gordon at Maritess Aytona sa ilang oras na pag-uusap bago nagpa-confine sa Philippine Heart Center (PHC), aba’y astang-abogado ni Aytona si Gordon sa press release na inilabas noong December 8. Ang bilis naman magpatawad ni Gordon gayong hindi pa naisasalang sa fertilizer probe ang itinuturong ‘runner’ ni Jocjoc, katulad ng expose ni Jose Barredo Jr., maliban kung naantig ang damdamin dahil birthday ni Virgin Mary ito? Mantakin n’yo, mismong si Gordon ang naglabas ng press release kung bakit hindi makakadalo sa fertilizer probe ang runner ni Jocjoc, maging ang pagsu-sorry sa Senate leadership! Ang tanong ng mga kurimaw: Kailan pa inarkilang ‘spokesman’ ni Aytona si Gordon, maliban kung meron ‘secret agreement’, kapalit ang pagharap sa imbestigasyon o kaya’y sadyang ‘row four’ sa pagtitimbang ng istorya ang mga inarkilang media staff. Anyway, si Ferdie Maglalang ngayon ang nagpakilalang media director sa press release ni Gordon. Kundi nagkakamali ang mga kurimaw, ito’y ‘mahal na mahal’ ng mga MalacaƱang Press Corps (MPC), katulad sa pagmamahal na ibinibigay ni Little Mike Defensor sa ‘Mahal na Pangulo’. Kahit itanong n’yo kina broadcaster Ely Saludar at Philippines Star columnist Marichu Villanueva! Hindi kailangan maging Ateneo graduate para maintindihan kung bakit nakansela ang December 8 hearing ng blue ribbon -- ito’y walang nakuhang testigo at nag-inarte si Aytona kung kaya’t kinasangkapan ang budget deliberation upang iwas-baterya sa media si Gordon. Bago naiskedyul ang December 8 hearing, matagal nang nakasalang sa floor ang budget deliberation at maraming kuwarto ang bakante na hindi kailangan pang istorbohin ang session hall. Kapag sinuri ang press release nag-apologize ang runner ni Jocjoc, kahit grade school pupil, mapapalunok ng isang basong laway at malunod sa napakawalang-kuwentang rason ni Gordon, maliban kung ito’y payo ng kanyang media director? *** Sa ngayon, abot-tainga ang ngiti ng 1,600 Senate workers sa P5,000.00 increase ng monthly allowance sa taong 2009 subalit lingid sa kaalamang ito’y barya lamang kung ikukumpara sa tinatamasa ng mga nakaupong direktor, animo’y napaka-spoiled brat sa nagdaang ilang Senate President ng mga opisyal, hindi lamang sa buwanang allowances kundi sa lahat ng gastusin, as in halos buwan-buwan naglalamyerda, gamit ang katagang ‘team building’ upang makahirit ng pondo. Kaya’t huwag ipagtaka ng mga janitor kung pati baybayin at dalampasigan sa likod ng GSIS building, magsulputan ang mga naglalakihang pader sa kati-team building ng mga direktor! Kundi nagkakamali ang Spy, pinakamahina ang P120 libong gastos kada team building ng mga direktor gayong puwede naman mag-usap sa mga bakanteng opisina at committee room o kaya’y umupo sa mahabang lamesa ng Senate Lounge para pag-usapan ang kanilang plano kahit meron pang sesyon. Mantakin n’yo, nagagawa pang dumayo ng Subic at Island Cove gayong tsismisan lang naman ang ending ng pulong. Katarantaduhan kundi nagsasama ng mga asawa, anak at iba pang kapamilya ang mga ito. At sa malamang pati, katulong binitbit kapag libre ang hotel accommodation. Take note: Meron pang welcome streamer, animo’y hindi nahihiyang gastusin ang salapi ng gobyerno. Sabagay, ‘mana-mana lang iyan’, alangang maiba kung nakikitang malakihan ang gastos sa biyahe ni Gloria, sampu ng kapamilya nito. Ang pinakamatinding revelation sa lahat, hindi lang barya kundi ‘benkong’ ang P5 libong increase sa monthly allowances ng Senate workers kumpara sa hinihinging increase ng mga direktor, aba’y kasing-level ng mga direktor sa GSIS, SSS at iba pang financial institution kung masisilip ang buwanang pay slip. Hindi natin babanggitin ang pangalan subalit meron sumasahod ng P110 libo kada buwan, hindi pa kasama ang basic salary at iba pang benefits o perks. Kaya’t hindi nakakapagtaka na maraming ‘nagpapakamatay’ para maitalagang direktor. Talagang Onli in da Senate kaya’t abangan ang karugtong!(www.mgakurimaw.blogspot.com). |
No comments:
Post a Comment