Kung anong dami ng kinita sa gobyerno, hindi lamang sa panahong kakampi ang mga occupant sa MalacaƱang, ito’y kabaliktaran sa pag-uugali ng isang mestisuhing at daldalerong solon dahil saksakan ng kunat kahit sa raffle. Sa Christmas party inisponsoran ng mestisuhing solon, hindi maiwasang masuka ng Tonite Spy, sampu ng naglipanang kurimaw matapos madiskubreng kasing-kunat ng gulong ang mambabatas, patunay ang pagpa-raffle ng load at kamuntikan pang nauwi sa ‘pasa load’ ang party. Ang matinding revelation sa lahat, hindi malaking halaga ng load ang ipina-raffle ng mestisuhin at daldalerong solon bagkus baryang-barya lamang kung ikukumpara sa multi-milyon pisong komisyon sa pork barrel at iba pang nakomisyon sa panahong kakampi ng Palasyo. Maliban sa multi-milyon pisong pork barrel at iba pang perks natatanggap sa Kongreso, ito’y meron malaking alokasyon sa komiteng itinitimon kaya’t napa-iling ang mga mediamen nagpagod at umasa sa Christmas party dahil barya ang halaga ng load na ipinamumod ng mokong. Hindi P500 load o kaya’y dalawang pre-paid card na nagkakahalaga ng tig-P300.00 ang ipina-raffle ng mestisuhin at daldalerong solon bagkus isang P300 load at lumalabas pang inisponsoran ng Smart Telecommunication at Globe Communication ang Christmas party nito. Ang nakakadisamaya sa lahat, hindi basta makukuha ang P300 load napanalunan sa raffle, as in hindi ibinibigay ng mga staff ang premyo kapag walang photo ops ang pagtanggap ng regalo dahil kailangang ma-account ang mga pre-paid cards naipamudmod sa party. Clue: Saksakan ng ingay ang mestisuhin at daldalerong solon subalit ngayo’y sour grapping sa pagkaka-disband ng kanilang grupo. Ito’y napagkamalang kawangis ni Matet at utol ni Lotlot. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment