Wednesday, December 31, 2008

december 30 2008

SEARCH Abante-Tonite
OTHER NEWS
News Stories
Crime Stories


Solon, sakitin na bulakbol pa
(Rey Marfil)

Kung anong daldal at ingay sa panahong namama­yagpag sa kapangyarihan ang kanilang grupo, ngayo’y nagiging sakitin at madalas nagbubulakbol ang isang mestisuhing miyembro ng Kongreso.
Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano magbago ng imahe ang isang mestisuhing solon matapos ‘malasin’ ang kanilang grupo kung saan tuluyang nagmukhang timawa at walang kakampi sa bagong komposisyon.Bagama’t ‘weder-weder lang’, katulad ng madalas ipayo ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada, ‘all weather’ ang gustong mangyari ng mestisuhing solon at habang-buhay nasa kapangyarihan kaya’t lugmok ngayong nawalan ng gagatasan.
Bago natanggalan ng sungay ang mestisu­hing solon, ito’y palaging nakangiting aso kahit saang sulok ng Kongreso makasalubong, animo’y napaka-untouchable at hindi magigiba sa kinalalagyan ang mokong.
Taliwas sa inaasahan, minalas ang mestisu­hing solon at ngayo’y biglaang nagi­ging sakitin at hindi mahanap sa floor.Kahit impor­tanteng aktibidades, ito’y madalas tablahin ng mestisu­hing solon at paulit-ulit din inirarason ang pagkakasakit subalit mismong staff ng kumag ang nagpapakalat na madalas atakehin ng migraine ang kanyang amo dahil nawalan ng power ito.
Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng mestisuhing solon ang kamalasang inabot, partikular ang pagbabayad-utang sa kamay ng mga taong nauna nitong pinagtaksilan at hinudas kahit malaki ang naitulong dito.
Clue: Saksakan ng daldal ang mestisuhing solon, hindi lamang sa interbyu kundi sa mga sinasalihang diskusyon subalit ngayo’y ‘hit and run’ ang atake sa floor dahil hindi matanggap ang pagkatalo. Ito’y kawangis ni Matet na utol ni Lotlot. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, December 30, 2008

december 30 2008 (tuesday) abante tonite issue

SEARCH Abante-Tonite
EDITORIAL & OPINION
Edukasyon, kalusugan tinipid
Buhay Amerika!
Nasser talo
Nalinlang ako
Warlord sa Valley Golf

Buhay Amerika!
Rey Marfil

DALLAS Texas, USA - Bago niyo pangarapin ang manirahan sa Amerika, narito ang isang e-mail na magbibigay-liwanag kung anong klaseng buhay ang nararanasan ng ating amga kababayan dito. Lahat ng sinabi niya nakakatuwa subalit iyon ang katotohanan. Hindi natin babanggitin ang kanyang pangalan.
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas, kapag nasa Amerika ka, madami kang pera? Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mong gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kasi kapag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga Kano. Kapag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Ang akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na? Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa Amerika, maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa Amerika kundi mahahagisan ka ng barya sa kalsada kasi mapagkakalaman kang homeless o walang tirahan.Ang akala din nila masarap ang buhay dito sa Amerika?
Ang totoo, puro ka trabaho kasi kapag ‘di ka nagtatrabaho, wala kang pambayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na puwedeng tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila maghanapbuhay ng pambayad ng bills nila.Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions? Ang totoo, kailangan mong ngumiti kasi nagbabayad ka ng $70+ para makarating ka doon. Kailangan mo na naman ang 10 hours na suweldo mong pinambayad sa ticket. (Spy’s note: P48.00 ang palitan kada dolyar, paano pa kaya kung napako sa P55.00?)
Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dolyar na suweldo mo? Ang totoo, malaki kapag pinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa Amerika. Ibig sabihin, ang dolyar mong kinita, sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas, ito’y $1.00 sa Amerika, ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas P40.00, ito’y $ 6.50 sa Amerika at ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, ito’y $1,000+ sa Amerika!
Ang akala pa nila, buhay milyonaryo ka na kasi ang ganda ng bahay at kotse mo? Ang totoo, milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse ay 5 taon mong huhulugan. Ang bahay mo, ito’y 30 taon mong babayaran. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo! Madaming naghahangad na makarating sa Amerika.
alo na ang mga nurses at guro. Mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Kapag dumating ang suweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganoon din sa ibang bansa katulad ng Amerika. Hindi ibig sabihin dolyar na ang suweldo mo, yayaman ka na. Kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa kaya’t isang malaking sakripisyo ang pag-alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot na iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.Sender: Madam Helen
***
Ang tanong ng mga kurimaw: Gusto niyo pa bang pumunta ng Amerika kung ganito rin lang ang dadatnang problema? Ang kagandahan lamang, mas maraming trabaho at oportunidad sa Amerika, maliban kung meron kang pulitikong katropa sa Pilipinas. Anyway, isang mapayapang Bagong Taon at maaksyong 2009 sa iyong inyong lahat! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Sunday, December 28, 2008

december 28 2008 (sunday) abante tonite issue

December 28, 2008 - Sunday

SEARCH Abante-Tonite
OTHER NEWS
Other News


Solon, tulo-laway sa sexy dancers
(Rey Marfil)

Sadyang ipinanganak na manyakis at mahilig sa laman ang isang matandang miyembro ng Kongreso matapos magpakita ng kahiligan sa tsiks sa mismong Christmas party na ibinigay ng kanilang grupo sa mga empleyado nito.
Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano magtulo-laway ang isang matandang solon sa harap ng mga kawani ng Kongreso dahil sa naggaganda­hang sexy dancers mula sa kilalang noontime show sa telebisyon.
Naging kaugalian ng mga kawani ng Kongreso ang umarkila ng mga personalidad kapag Christmas party upang bigyang-buhay ang kanilang selebrasyon at maging masaya ang bawat empleyado.
Sa puntong ito, isang grupo ng mga sexy dan­cers ang inarkila ng mga empleyado ng Kongreso kung saan binigyan ng numbers para makapagbigay ligaya sa mga empleyado at pamilya ng mga ito, katulad ang paboritong step at sayaw sa nilalabasang noontime show sa telebisyon.
Dahil masayang- masaya ang mga empleyado, nagkasayawan sa Christmas party at lahat ng mga tumayong sponsor, ito’y hinila sa floor ng mga kawani para samahan ang sexy dancers, maliban sa matandang solon na tumanggi sa kabila ng paulit-ulit na pakiusap dito.
Habang nagkakasa­yawan sa floor, napako ang tingin ng mga empleyado sa matandang solon kung saan mas piniling manood sa mga sexy dancers at namimilog ang mga mata, as in nag-enjoy sa katititig sa mga naglalakihang dibdib ng mga bebot at takam na takam sa nag-uumbukang hinaharap ng mga ito.
Maliban dito, naispatan pang napapakagat-labi ang matandang solon habang tinitigan ang legs ng apat na naggagandahan at seksing bebot na miyembro ng dance group mula sa kilalang noontime show sa telebisyon, animo’y asong-ulol na tumutulo ang laway dahil nakakita ng babaing makaka-sex nito.
Maging ilang emple­yado ng Kongreso na dumalo sa Christmas party, sa pangunguna ng mga legislative officer na malisyoso ang kaisipan, hindi maiwasang magdududang ‘nagpapatigas’ ang matandang solon at mas gusto daluhungin ang mga naggagandahang bebot keysa isayaw ang mga ito.
Kung nagkataong tumagal ng ilang oras sa kanilang pagpi-perform ang mga magagandang bebot, posibleng bumaha ng laway sa kinauupuan ng matandang solon dahil natigil lamang ang pagpapantasya nang magpaalam ang grupo at tuluyan nang tinapos ang numbers nito.
Clue: Hindi bago ang pagtulo-laway ng matandang solon dahil kamuntikang nakasuhan ng sexual harassment matapos daluhungin ang isang mestisahing staff sa kuwarto nang isama sa Asian trip. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, December 26, 2008

december 26 2008 (friday) abante tonite issue

GF ng solon, bantay- sarado sa text
(Rey Marfil)

Walang binatbat ang pelikulang Romeo and Juliet sa pagiging in love ng isang miyembro ng Kongreso sa karelasyong local official, patunay ang pagiging bantay-sarado ng bebot kahit sa simpleng text messages.Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano ipakita ng binatang solon ang matinding pag-alaala sa karelasyong lady official ng isang lungsod sa Metro Manila dahil walang sinasayang na sandali para paramdam ang pagmamahal sa bebot. Kahit Christmas party ng kanilang grupo, hindi pa rin maiwaglit ng binatang solon ang karelasyong lady official at mistulang nilalangam ang mga palitan ng mensahe sa cellular phone via text messaging system (SMS).Habang kasagsagan ang pa-raffle at masayang nagkakantiyawan ang bawat isa, animo’y wala sa sibilisasyon ang binatang solon dahil hindi rin magkada-ugaga sa kati-text upang kamustahin at padalhan ng love notes ang bebot.Maliban dito, wala rin pakialam ang binatang solon kung anong nangyayari sa kapaligiran habang nagti-text, animo’y bingi sa ingay ng mga nagsisigawan matapos i-anunsiyo ng host ang malalaking premyo sa major prize at cash na ipapa-raffle sa grand prize.Naispatan ng isa sa mga kurimaw ang mensaheng ipinadala ng binatang solon at itinatanong sa karelasyong lady official kung nagawa nang kumain ng tanghalian ito, kalakip ang katagang ‘I love you’ kung saan katabi lamang ng mambabatas ang iba pang kasamahan sa partido nito.Higit sa lahat, ngayon lamang nakitang namumula ang mukha ng binatang solon kapag kinakamusta ang karelasyon lady official, as in nagba-blush kumpara sa mga naunang naging girlfriend nito.Clue: Hindi matatawaran ang kabaitan ng binatang solon subalit maraming pinaluhang tsiks kaya’t nanatiling bachelor. Ito’y meron letrang “N” sa nickname, as in Nasa kagustuhan ng ina ang pag-aasawa. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, December 24, 2008

november 29 2008 (saturday) abante tonite

Staff ginagawang aso ng solon
(Rey Marfil)

Bagama’t nagmula sa de-kalibreng unibersidad at nagpaka-dalubhasa sa ibang bansa bago nakapasok sa government office at napabilang sa hanay ng mga deputado, mistulang walang ‘breeding’ ang isang daldalerong solon.Ang rason, walang pinag-iba sa aso kung ituring ng daldalerong solon ang mga tauhan kung kaya’t hindi maiwasang mairita ang mga nakakarinig at nakakapansin sa kakaibang pagtawag ng mambabatas sa mga staff.Paulit-ulit nasaksihan ng TONITE Spy na walang karapatang mapabilang ang daldalerong solon sa hanay ng mga mambabatas na nagpapakilalang ‘honorable’ at nagpapa-address bilang “Your Honor” sa floor dahil walang ‘honor’ kung tumawag sa mga staff ito.Bagama’t likas sa daldalerong solon ang pagiging masipag sa trabaho kahit nali-late ng pasok, mas madalas kinaiinisan ng mga naglipanang kurimaw sa hallway at session hall ito dahil walang breeding ang mokong kapag nagtatawag ng tauhan lalo na kung meron itong ipag-uutos.Hindi tinatawag sa pangalan ng daldalerong solon ang mga tauhan, katulad ng pag-address sa palayaw ng staff, apelyido o kaya’y posisyon sa kanyang opisina bagkus inihalintulad sa askal, as in asong kalye.Kahit saang bahagi ng session hall at public hearing, hindi alintana ng daldalerong solon kung sino ang mga nakapaligid at makakarinig sa kakaibang estilo ng pag-uutos nito, partikular ang pagsutsot sa staff, animo’y asong pakalat-kalat sa kalye ang mga tauhan.Katulad ng isang asong kalye, mabilis ding lumalapit sa daldalerong solon ang sinusutsutang staff at kontodo-pakinig sa instruction ng kumag, kalakip ang pangambang magkamali at mapalo ng kanilang amo at hindi mapakain ng tanghalian.Bagama’t nababastos sa panunutsot ng daldalerong solon, walang choice ang mga staff kundi pagtiyagaan ang mambabatas dahil kailangang kumita at merong pamilyang binubuhay ang bawat isa.Clue: Kung anong sipag sa trabaho ng daldalerong solon kahit paulit-ulit nali-late sa session at public hearing, ganito rin ka-busy ang bunganga nito sa mga debate at media interview. Ito’y talsik-laway din sa lahat ng pagkakataon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

december 13 2008 (saturday) abante tonite issue

SEARCH Abante-Tonite
OTHER NEWS
CRIMES NEWS
HULAAN BLUES


Solon nang-molestiya sa foreign trip
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, wala nang pag-asa pang magbago ang isang solon dahil muling umiral ang pagiging manyak at hindi magawang baguhin ang nakagisnang pagkahilig sa laman.
Sa report na nakalap ng Tonite Spy, pasok sa kasong rape at habang-buhay na pagkabilanggo ang ginawa ng isang solon matapos pagtangkaang gahasain sa isang foreign trip ang tauhan nito.
Nang mag-recess ang Kongreso, dalawang babaeng staff ang isinama ng matandang solon sa biyahe at inirasong parte ng legislative works ang biyahe kaya’t napilitang sumama ang mga ito.
Lingid sa kaalaman ng isa sa dalawang babaeng tauhan, partikular ang tsinitang staff, ito’y matagal nang pinagnanasaang matikman at maikama ng matandang solon.
Lalo pang tumindi ang pagpapantasya ng matandang solon sa tsinitang staff dahil maudlot ang naunang pagtatangka nitong maikama sa panahong nagbakasyon sa isang resort.
Sa tindi nang pagnanasa ng matandang solon sa katawan ng tsinitang staff, ito’y gumawa ng paraan upang maisahan ang bebot at isang malaking ‘frame-up?’ lamang ang biyahe para tikman ito.
Hindi lang iyan, nadiskubre pang panakip-butas lamang o pang-cove­r ng matandang solon ang pagsama sa isa pang babaing staff upang hindi matunugan ng kinukursunadang staff ang maitim nitong balak.
Naganap ang lahat ng krimen, dakong alas-tres ng madaling-araw matapos ipatawag ng matandang solon ang bebot sa kanyang kuwarto para mag-brain storming subalit pakikipag- ‘carnal knowledge’ ang motibo ng kumag.
Taliwas sa inaasahan ng matandang solon at paniwala sa sarili nitong ‘easy to get’ ang staff, pumalag ang kinursuna­dang tauhan nang daluhungin sa kama at pagtangkaang gahasain o pagsamantalahan sa mismong kuwarto ng mambabatas, partikular sa hotel na tinutuluyan nito.
Kundi naging maagap ang tsinitang staff, kamuntikan nailugso ng matandang solon ang kanyang pagkababae dahil mistulang asong ulol na tulo-laway at hinihi­ngal pang pinagyayapos at pinaghahalikan ang tauhan, kalakip ang pa­ngakong ‘paliligayahin’, gamit ang katagang ‘I will not do anything that you wouldn’t like’.
Clue: Kung sino ang manyakis na matandang solon at iba pang kuwentong nakapaloob sa eskandalong ito, abangan sa Lunes ang karugtong.
(www.mgakurimaw.blogspot.com).

dec 15 2008 (saturday) abante tonite issue

Solon nagpa-raffle ng ‘mahiwagang kalan’,
(Rey Marfil)

Bagama’t nabubuhay sa moderno at makabagong henerasyon, bumalik sa ‘stone age’ ang isang mestisuhin at daldalerong miyembro ng Kongreso matapos magpa-raffle ng kalan sa Christmas party nito.Hindi maisawang pagtawanan ng mga kurimaw ang Christmas party na ibinigay ng mestisuhin at daldalerong solon sa media, kasunod ang pagkakadiskubreng isang ‘mahiwagang kalan’ ang ipina-raffle sa humigit-kumulang walumpung mediamen na nagko-cover sa ‘August chamber’ na pinagsisilbihan nito.Bagama’t wala sa halaga ng regalo o ipina-raffle ang diwa ng Pasko at selebrasyon sa kapanganakan ng Poong Lumikha, napailing ang TONITE Spy nang masaksihan nitong hindi pa rin nagbabago ng istilo at pag-uugali ang mestisuhin at daldalerong solon sa pagiging kuripot gayong multi-milyon ang kinita sa pangungumisyon.Sa mahabang panahon bilang pulitiko, iisa pa rin ang estilo ng mestisuhin at daldalerong solon, partikular ang pagiging saksakan ng kunat, animo’y goma ng 12-wheeler truck gayong multi-milyon piso ang kinita sa pork barrel at pangungumisyon ng magulang sa naimbestigahang eskandalo ng Kongreso.Ang matinding revelation sa lahat, hindi pang-minor prizes ang ‘mahiwagang kalan’ na ipina-raffle ng mestisuhin at daldalerong solon bagkus nakalistang ‘major prize’ kaya’t hindi maiwasang mapataas ng kilay ng mga kurimaw lalo pa’t ‘tiyaning-tiyani’ ang Christmas party, animo’y napilitan lamang maghanda para masabing ginugunita ang Kapaskuhan, kasama ang media.Kung mahiwagang kalan ang major prize, puro barya rin ang minor prizes na ipina-raffle ng mestisuhin at daldalerong solon kung saan meron pang isang item ang hindi natanggalan ng tag prize o presyo kung saan nagkakahalaga ng P156.Mas lalong natawa ng palihim ang mga kurimaw nang i-anunsiyo ang major prizes kung saan ipina-raffle bilang 3rd major prize ang mahiwagang kalan habang grand prize ang isang ordinaryong television set na malapit nang ma-phase out dahil nagsulputan ang naglalakihang LCD monitor.Clue: Maraming nakulimbat ang pamilya ng mestisuhin at daldalerong solon sa gobyerno at ngayo’y mala-dikya kung dumikit sa isang mayamang pulitiko dahil napapakinabangan ang bawat pag-depensa dito. Ito’y kawangis ng utol ni Lotlot. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

december 20 2008 abante t0nte

Lady solon, nagtayo ng tapsihan sa media center!
(Rey Marfil)

Kung baryang load ang ipina-raffle ng isang mestisuhin at daldalerong solon, mas malupit ang isang kasamahan sa Kongreso matapos mauwi sa ‘pares-pares’ ang giveaways na ipinamudmod sa mga mediamen nagko-cover dito.Ang rason, hindi basket of goodies na pinalamanan ng sangkaterbang lumang diyaryo at karton kundi langonisa ang pamaskong handog ng primadonang lady solon sa mga mediamen.Hindi maiwasang matawa ng mga naglipanang kurimaw sa hallway ng Kongreso, sa pangunguna ng Tonite Spy dahil nagmistulang ‘tapsihan’ ang buong Media Center, patunay ang pagkalat ng mga longanisa.Bagama’t wala sa halaga ng regalo ang diwa ng Pasko, maraming nagtaas ng kilay at napa-iling sa klasikong giveaways ng primadonang solon lalo pa’t napakalayo sa katotohanan ang pag-kuripot ngayong Pasko.Ang masakit sa lahat, partikular sa hanay ng mga lehitimong reporter nagta-trabaho at tumatambay sa Media Center, nangamoy-palengke ang working area at dumidikit sa kanilang damit ang amoy ng longanisa.Kundi nga lamang working place ng mga mediamen ang pinagdalhan ng sangkaterbang longanisa, ito’y posibleng napagkamalang tapsihan at posibleng meron pang nang-order ng libreng sabaw sa mga staff ng primadonang lady solon na nagbaba ng mga giveaways.Hindi rin maiwasang mauwi sa biruan ang longanisang giveaways ng primadonang lady solon, katulad ang kantiyawan ng ilang reporter kung nasaan ang order nitong sinangag at meron pang humirit ng extra rice.Clue: Saksakan ng plastic ang primadonang lady solon at ‘ready-made’ ang bawat ngiti kapag nakakakita ng camera. Ito’y meron letrang A sa apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

december 22 2008 abante tonite issue

Solon may karelasyong bold star
(Rey Marfil)

Kung anong niyerbyos kapag nasasabon ng kanyang misis at nahuhuli sa mga kabulastugan, hindi pa rin mapigilan ng isang solon ang pagiging tsikboy, katulad ng kanyang ama.Sa report na nakalap ng Tonite Spy, palihim ang pakikipag-relasyon ang solon sa isang nalaos na bold star dahil posibleng mag-ala Gabriela Silang ang kanyang misis kapag nabisto ang relasyon ng dalawa.Likas sa solon ang pagiging babaero, as in nasa dugo ang pagkahilig sa tsiks, katulad ng kanyang ama kung kaya’t hindi mapigilan ang paghahanap sa katauhan ng nalaos na bold star.Kilalang nanunugod ang misis ng solon kaya’t kuntodo-ingat ngayon ang mambabatas sa bawat aktibidades o iniimbentong lakad pagkatapos ng office hours sa Kongreso, katulad ang pakikipagkita sa nalaos na bold star.Nabuo ang relasyon ng solon at nalaos na bold star matapos magsama sa isang proyekto kung saan nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng mga kaibigan sa showbiz industry.Dahil palihim ang kanilang relasyon, hanggang text at tawag lamang sa cellular phone ang diskarte ng magkalaguyo kung saan ‘purely business’ ang nakalagay sa mga mensahe na lingid sa kaalaman ng kanyang misis ang pagtatagpo ng mga ito.Makailang-beses nang ‘na-George Bocobo’, as in nabisto sa pambabae ang solon at makailang-ulit din sinugod ni esmi ang mga napabalitang karelasyon kung kaya’t takot nang ma-eskandalo ang mokong.Sa ngayon, tuloy pa rin ang relasyon ng dalawa at tinatawagan lamang ng solon ang nalaos na bold star kapag kailangang magparaos kung saan lumalabas pang iginarahe ng mambabatas dahil wala ng pelikulang nilalabasan ang bebot at tuluyang nanahimik ang career subalit maayos ang buhay nito.Clue: Seloso ang solon at mahilig manita ng reporter. Ito’y naunang binansagang ‘Boy Xerox’, as in kinopya lamang sa mga dating mambabatas ang inisponsorang proposed measures habang miyembro ng isang sexy group ang nalaos na bold star. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

december 23 2008 abante tonite issue

Ang script ni Erapsky!
Rey Marfil

Kahit dropout sa Ateneo, maiintindihan ang mensahe ni Erap sa Christmas Party ng Senate media, walang pag-asang manalo si Loren Sinta bilang Pangulo kaya’t puntiryang kuning running mate ito. Ibig sabihin, ‘nakapako’ ang kaibigang matalik ni Edong Angara sa pagka-Vice President at manatiling No. 2 habambuhay, hindi lamang noong 2004 election kundi ngayong 2010. At kapag nagkataon, mauuwi sa ‘rematch’ ang bakbakan sa pagitan ni Uncle Noli kapag pinatos ang pagtakbong running mate ni Manny Villar. Ang tanong lamang ng mga kurimaw: Kaya bang tanggapin ng ex-wife ni murder suspect Tony Leviste ang katotohanang si Chiz Escudero ang magiging standard bearer ng Nationalist Peoples Coalition?Katulad ni Loren Sinta, mala-double insertion, as in ‘double time’ ang panliligaw ni Villar kay Vice President Noli De Castro Jr., bilang running mate sa 2010. Malinaw ang kawalan pag-asa ni Villar na makuha ang bendisyon ni Erap ngayong nasibak sa trono at walang ibang choice kundi makipag-alyansa sa alinmang organisasyon at mamirata ng kandidato. Sa ngayon, isa lang ang puwedeng bingwitin ni Villar - si Uncle Noli lalo pa’t mada­ling masilo kung pagbabatayan ang samahan sa Wednesday Group. Ang tanong lamang ng mga kurimaw: Papayag bang mag-Bise si Uncle Noli ngayong mas malakas sa survey kumpara sa lahat ng presidentiables?Sa umpisa, hindi pinangarap ni Erap mag-unite ang oposisyon at malaking katarantaduhan kung inisip ang pagkakaisa ng grupo gayong mismong ama ni Jinggoy ang nag-iikot at ipinangangalandakan ang pagtakbo sa 2010 election. Bago pa man pinalaya ni Mrs. Arroyo, sa bisa ng presidential pardon, naka-set ang utak ni Erap sa pagtakbo at gagamitin ang kawalang interes ng opposition presidentiables sa unification o ‘One Ticket scenario’ para mabigyang-katwiran ang pagbabalik sa trono. Kundi nagkakamali ang Spy, isa sa option, katulad ng kuwento sa ilang mediamen ni ex-Cong. Simeon Garcia, ngayo’y chief of staff ni Jinggoy, bago maglabas ng desisyon sa disqualification case ang Supreme Court (SC), aatras si Erap at ipapalit si Jinggoy, as in Estrada pa rin nga naman ang naka-pronta!
***
Napag-usapan ang survey, hindi lahat ng resulta, ito’y genuine. Hindi natin babangitin ang pangalan subalit isa sa mga presidentiable ang nagpaka-dalubhasa sa ‘pagdu-doktor’ ng survey result at meron pang nagka-cut and paste at binabago ang percentage para magmukhang ma­lakas sa botante at umaangat ang popularity. Ang malupit sa lahat, meron isang presidentiable ang lumalaban ng ‘patayan ng istorya’ sa halos lahat ng newspaper, mapa-tabloid o broadsheets. Ang resulta: Kahit lehitimo ang reklamo, hindi lumalabas at nauwi sa puro ‘kahol’ ang kalaban. Ang katotohanan lamang, magastos ang kanyang formula at pinapataas ang ‘credit rating’ ng mga kurimaw.Ibig sabihin, niloloko ang sarili para bigyang-katwiran ang multi-milyon pisong ginagastos sa pagpapaba­ngo ng image gayong kulelat sa internal survey ng ilang organisasyon at religious group. Hindi natin babangitin kung anong sektor subalit malinaw sa in-house survey - sina Estrada, De Castro at senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang ‘top 3 contender’ sa 2010. Napakalayo ni Villar sa No. 4, kasunod sina Loren Sinta (No. 5), Chiz Escudero (No. 6), at Mar Roxas (No.7). Take note: kakapi­ranggot ang kalamangan ni De Castro kay Lacson, katulad din ni Erap kay Uncle Noli. Kaya’t marami pang pagbabago sa rating habang papalapit ang 2010. Kaya’t hindi malayong tumakbong Presidente ng homeowners association sa tabi ng Marikina River si MMDA chairman Bayani Fernando ngayong nangamoy-pusali at estero ang kanyang image kahit nanalo sa Celebrity Duets. Malay n’yo, magsanib-puwersa si Spikes King, as in gawing running mate ni Ely Pamatong sa 2010. Sa malamang, si Amay Bisaya ang unang senatorial bet! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

dec 24 2008 abante tonite issue

Christmas party ng senador, nauwi sa rally
(Rey Marfil)
Bagama’t napakalayo ng 2010 national election, nauwi sa kick off rally ang Christmas party na inisponsoran ng isang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos magpakalat ng campaign materials ang kampo nito.Sa isang joint Christmas party, hindi maiwasang magtaasan ang kilay ng naglipanang kurimaw sa Kongreso, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos mamudmod ng sangkaterbang campaign materials ang kunyong Senador, animo’y nauwi sa rally ang kasiyahan.Bilang pag-gunita sa Kapaskuhan at pasasalamat, nagbigay ng Christmas party ang kunyong Senador sa hanay ng mga mediamen nagko-cover sa Upper House, kasama ang iba pang kapartido.Bagama’t ‘bonggacious’, as in magarbo ang Christmas party ng kunyong Senador dahil tumataginging ang mga cash prizes na ipina-raffle, hindi maiwasang pagdiskitahan ang nagkalat nitong campaign materials sa bawat lamesa.Mismong staff ng kunyong Senador ang namudmod ng campaign materials sa Christmas party, ilang minuto bago pumasok ang kanilang amo at kumain kung saan nakalagay sa isang plastic bag ang lahat ng mga materyales.Kundi nga lamang nagbigay ng isang basket ng goodies sa mga mediamen, mapagkakamalan pang giveaways ang isang paper bag naglalamanan ng mga campaign materials ng kunyong Senador, katulad ng sumbrero, key chain, ballpen at iba pang paraphernalia kung saan nakatatak ang kanyang pangalan.Maging ang paper bag na pinaglagyan ng campaign materials, naglalakihan ang pangalan ng kunyong senador at naka-balandara sa harapan ang malaking slogan na naunang ini-launch sa media bilang preparasyon sa 2010 national election.Hindi rin pinatawad ng kunyong Senador ang basket na pinaglagyan ng goodies dahil naglalakihan din ang pangalan at campaign slogan ng mokong, as in halos matakpan ang buong plastic cover at hindi makita ang mga de-latang laman nito.Clue: Anak mayaman ang kunyong senador at kinakasangkapan ang pakikipag-relasyon upang bumango ang imahe, pinakahuli ang pag-ugaling kalye subalit maraming nadismaya sa pagbabago ng image. Ito’y meron letrang “A” sa pangalan at apelyido, as in Ang layo sa survey (www.mgakurimae.blogspot.com)

Thursday, December 18, 2008

dec 18 2008 (thursday) abante tonite issue

Ang karapatan ni Sonny!
Rey Marfil


Hindi natin babangitin ang pangalan, hanggang nga­yon hindi maka-recover ang isang senador sa pagkakasibak ng kanilang grupo bilang majority bloc. Maging sa Christmas Party na inisponsoran, ramdam ng Senate media ang sama ng loob sa mga nagkudeta at mismong media relation officer (MRO) ang nagkukuwento sa pi­ling reporter kung bakit palaging absent at naging sakitin ang kanyang amo. Ang rason, hindi makalimutan ng senador ang pagkawala ng malalaking committee chairmanship kaya’t palaging inaatake ng migraine sa huling dala­wang linggo. Sa salitang mahirap, palaging sumasakit ang ulo at sobrang tipid ngayon sa gastusin ng opisina, aba’y wala nang mapaghuhugutan ang kumag. ‘Di ba birthday boy Atty. Dave Puyat?
Maliban sa unang senador, isa pang kasamahang mambabatas ang abot-Pampanga ang pagkapikon sa bagong majority bloc. Ang rason, hindi rin matanggap ang pagkakalipat ng kanyang kapangyarihan sa isang bagitong senador. Ang pakiramdam ng kunyong senador, ito’y pinakamahusay sa kanyang panahon at ayaw ikumpara ang sarili sa kasamahang pumalit sa kanyang puwesto. Ang malaking sampal sa kunyong senador, mas hinangaan ang bagitong senador dahil hindi nakitaan ng pagiging bagito kumpara sa unang salang ng kunyong senador sa dating puwesto -- ito’y ilang buwang nagkakalat sa floor at paulit-ulit binabaterya ng dating minority bloc noong 12th Congress, as in taon ang binilang bago natuto. Kahit itanong n’yo pa kay Dangerous Drug Board (DDB) Chairman Tito Sotto!
***
Nakakalungkot isipin, mismong nagpapakilalang ‘legal experts’ ang umangal sa teleconferencing upang makasali sa debate si opposition Senator Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV, maliban kung ‘di makalimutan ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ang pagpalag ng detinidong senador sa Baseline Bill, gamit ang sariling batas na nilikha nito o kaya’y kinakabahan si Senador Jo­ker Arroyo sa bagong gadget ng Upper House -- ang laptop compu­ters. Ang kailangan lang ng Senate Secretaria­t, sa pangunguna ni PAGE girl Ruby M naka-assign sa session hall, ito’y palaging magbaon ng ‘3M cleaning cloth’, aba’y hindi uubra ang bimpong ‘Good Morning’ bilang panlinis kapag si Dick Gordon ang ka-debate ni Sonny, siguradong mamumuti ang laptop computer, pati wide screen!
Mabuti pa nga si Senador Rodolfo Biazon kahit de-lastiko ang cellular phone at tumitimbang ng dala­wang kilo ang nakagisnang radio communications ng Philippine Marines (PM), aba’y walang takot sa teleconfe­rencing na ipinu-proposed ni Senator Ping Lacson. Tanging panala­ngin lamang ng mga kurimaw: Huwag lang uminit ang ulo ng boss ni Glenda Olid kapag tinuruan sa bagong gadget ng mga taga-Senate Management Information System (MIS), kundi magkakandabutas-butas sa sigarilyo ang sedang pantalon nito. At least matututo nang pumindot sa keyboard ni Tatang ngayon. At kapag nagkataon, maraming makaka-chat si Tatang at siguradong gagabihin ng uwi sa bahay kapag napasok ang website ng ‘Metacafe’ at Hot Pinay.
Sa seryosong usapan, hindi convicted si Trillanes kaya’t malinaw ang lahat ng karapatang dapat ipagkaloob ng Justice department, maging kasamahang senador sa ilalim ng Konstitusyon. At nakakadismayang ikumpara ang kaso ni Trillanes kay dating Zamboanga del Norte Cong. Romeo Jalosjos dahil ‘kamunduhan’, as in kahalayan ang sinabitan ni Lolo Romy, ito’y napakalayo sa pagpapamartir ni Trillanes upang baguhin ang napakaruming gobyerno ni Mrs. Arroyo. Higit sa lahat, 11 milyong Pinoy ang tinanggalan ng boses sa Upper House. Take note: may daya pa iyan, eh paano kung ‘Patas na Laban, Para sa Lahat’ ang naganap noong 2007 mid-term election? Sa malamang, naglupasay ang kaibigan ni Edong Angara -- si Loren Legarda kung habambuhay na nakadikit ang No. 2 sa kanyang pangalan, katulad sa pagkatalo kay Uncle Vice, hindi ba’t pangalawa lamang si Loren Sinta? (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, December 17, 2008

dec 17 2008 (wednesday) abante tonite issue

Solon, barya ang ipina-raffle
(Rey Marfil)

Kung anong dami ng kinita sa gobyerno, hindi lamang sa panahong kakampi ang mga occupant sa Malacañang, ito’y kabaliktaran sa pag-uugali ng isang mestisuhing at daldalerong solon dahil saksakan ng kunat kahit sa raffle.
Sa Christmas party inisponsoran ng mestisuhing solon, hindi maiwasang masuka ng Tonite Spy, sampu ng naglipanang kurimaw matapos madiskubreng kasing-kunat ng gulong ang mambabatas, patunay ang pagpa-raffle ng load at kamuntikan pang nauwi sa ‘pasa load’ ang party.
Ang matinding revelation sa lahat, hindi malaking halaga ng load ang ipina-raffle ng mestisuhin at daldalerong solon bagkus baryang-barya lamang kung ikukumpara sa multi-milyon pisong komisyon sa pork barrel at iba pang nakomisyon sa panahong kakampi ng Palasyo.
Maliban sa multi-milyon pisong pork barrel at iba pang perks natatanggap sa Kongreso, ito’y meron malaking alokasyon sa komiteng itinitimon kaya’t napa-iling ang mga mediamen nagpagod at umasa sa Christmas party dahil barya ang halaga ng load na ipinamumod ng mokong.
Hindi P500 load o kaya’y dalawang pre-paid card na nagkakahalaga ng tig-P300.00 ang ipina-raffle ng mestisuhin at daldalerong solon bagkus isang P300 load at lumalabas pang inisponsoran ng Smart Telecommunication at Globe Communication ang Christmas party nito.
Ang nakakadisamaya sa lahat, hindi basta makukuha ang P300 load napanalunan sa raffle, as in hindi ibinibigay ng mga staff ang premyo kapag walang photo ops ang pagtanggap ng regalo dahil kailangang ma-account ang mga pre-paid cards naipamudmod sa party.
Clue: Saksakan ng ingay ang mestisuhin at daldalerong solon subalit ngayo’y sour grapping sa pagkaka-disband ng kanilang grupo. Ito’y napagkamalang kawangis ni Matet at utol ni Lotlot. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, December 15, 2008

dec 15 2008 (monday) abante tonite issue

2-ex officials nagmukhang suman sa rally
(Rey Marfil)

Kung nagkataong nagsimula nang kumalembang ang kampana sa Simbang Gabi, posibleng napakyaw at naiuwi ang dalawang ex-officials na nagbabagong-bihis bilang oposisyon matapos sumawsaw sa interfaith rally nakaraang Disyembre 12.
Ang rason, nasaksihan ng mga naglipanang kurimaw sa kanto ng Paseo at Ayala, sa pangunguna ng TONITE Spy ang pagmukhang malaking suman ng dalawang ex-officials habang suut-suot ang yellow t-shirt na ipinamudmod sa anti-ChaCha rally bilang simbulo ng paglaban sa term extension ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Dahil kulay dilaw ang t-shirt, lalo pang nagmukhang malaking suman ang dalawang ex-officials na pilit isinuot ang damit para ipakita ang pagkontra sa Constituent Assembly (ConAss) ni Mrs. Arroyo, katulad din sa ginawa ng iba pang personalidad na dumalo sa interfaith rally.
Sa lahat ng mga personalidad, nasentro ang mga mata sa dalawang ex-officials dahil kakaiba ang arwa at nakakatawang panoorin sa kanilang kasuotan, animo’y Pajama’s twin, as in nagmukhang sina B1 at B1 habang naglalakad sa kalsada.
Hindi maiwasang pagtawanan ng mga kurimaw ang dalawang ex-officials, sa pangunguna ng dating senador at isang undersecretary (Usec) matapos magsuot ng anti-ChaCha t-shirt kung saan hapit na hapit sa kanilang katawan ang damit at nagpuputukan ang mga bilbil sa tagilian at namimilog ang mga tiyan nito.
Sa unang tingin, mapagkakamalan pang ‘walking suman’ ang dalawang ex-officials at naging kawangis ni Pong Pagong sa programang Batibot dahil itim na buhok lamang ang naiba sa kanilang kasuotan habang nagmamartsa at sumisigaw ng “No to ChaCha”.
Mas lalong nagmukhang malaking suman ang dalawang ex-officials nang magsimula ang palabas o programa sa interfaith rally kung saan pumuwesto sa harapan at makikitang halos hindi humihinga sa sobrang sikip ng t-shirt na kasuotan.
Clue: Parehong kakural ni Mrs. Arroyo ang dalawang ex-officials subalit naghanap ng bagong masisilungan makaraan ang Hello Garci scandal. Ang unang opisyal ay nagbabalak-bumalik sa Upper House habang ang ikalawang opisyal ay may letrang ‘C’ as in corrupt. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, December 11, 2008

dec 11 2008 (thursday) abante tonite issue

Onli in da Senate!
Rey Marfil


Ni sa panaginip, ayokong isiping nagkapalagayan ng loob sina Dick Gordon at Maritess Aytona sa ilang oras na pag-uusap bago nagpa-confine sa Philippine Heart Center (PHC), aba’y astang-abogado ni Aytona si Gordon sa press release na inilabas noong December 8. Ang bilis naman magpatawad ni Gordon gayong hindi pa naisasalang sa fertilizer probe ang itinuturong ‘runner’ ni Jocjoc, katulad ng expose ni Jose Barredo Jr., maliban kung naantig ang damdamin dahil birthday ni Virgin Mary ito? Mantakin n’yo, mismong si Gordon ang naglabas ng press release kung bakit hindi makakadalo sa fertili­zer probe ang runner ni Jocjoc, maging ang pagsu-sorry sa Senate leadership!
Ang tanong ng mga kurimaw: Kailan pa inarkilang ‘spokesman’ ni Aytona si Gordon, maliban kung me­ron ‘secret agreement’, kapalit ang pagharap sa imbestigasyon o kaya’y sadyang ‘row four’ sa pagtitimbang ng istorya ang mga inarkilang media staff. Anyway, si Ferdie Maglalang ngayon ang nagpakilalang media director sa press release ni Gordon. Kundi nagkakamali ang mga kurimaw, ito’y ‘mahal na mahal’ ng mga Malacañang Press Corps (MPC), katulad sa pagmamahal na ibinibi­gay ni Little Mike Defensor sa ‘Mahal na Pangulo’. Kahit itanong n’yo kina broadcaster Ely Saludar at Philippines Star columnist Marichu Villanueva!
Hindi kailangan maging Ateneo graduate para maintindihan kung bakit nakansela ang December 8 hearing ng blue ribbon -- ito’y walang nakuhang testigo at nag-inar­te si Aytona kung kaya’t kinasangkapan ang budget deliberation upang iwas-baterya sa media si Gordon. Bago naiskedyul ang December 8 hearing, matagal nang nakasalang sa floor ang budget deliberation at maraming kuwarto ang bakante na hindi kailangan pang istorbohin ang session hall. Kapag sinuri ang press release nag-apo­logize ang runner ni Jocjoc, kahit grade school pupil, mapapalunok ng isang basong laway at malunod sa napa­kawalang-kuwentang rason ni Gordon, maliban kung ito’y payo ng kanyang media director?
***
Sa ngayon, abot-tainga ang ngiti ng 1,600 Senate workers sa P5,000.00 increase ng monthly allowance sa taong 2009 subalit lingid sa kaalamang ito’y barya lamang kung ikukumpara sa tinatamasa ng mga nakaupong direktor, animo’y napaka-spoiled brat sa nagdaang ilang Se­nate President ng mga opisyal, hindi lamang sa buwanang allowances kundi sa lahat ng gastusin, as in halos buwan-buwan naglalamyerda, gamit ang katagang ‘team building’ upang makahirit ng pondo. Kaya’t huwag ipagtaka ng mga janitor kung pati baybayin at dalampasigan sa likod ng GSIS building, magsulputan ang mga naglalakihang pader sa kati-team building ng mga direktor!
Kundi nagkakamali ang Spy, pinakamahina ang P120 libong gastos kada team building ng mga direktor ga­yong puwede naman mag-usap sa mga bakanteng opisina at committee room o kaya’y umupo sa mahabang lamesa ng Senate Lounge para pag-usapan ang kanilang plano kahit meron pang sesyon. Mantakin n’yo, nagagawa pang dumayo ng Subic at Island Cove gayong tsismisan lang naman ang ending ng pulong. Katarantaduhan kundi nagsasama ng mga asawa, anak at iba pang kapamilya ang mga ito. At sa malamang pati, katulong binitbit kapag libre ang hotel accommodation. Take note: Meron pang welcome streamer, animo’y hindi nahihiyang gastusin ang salapi ng gobyerno. Sabagay, ‘mana-mana lang iyan’, alangang maiba kung nakikitang malakihan ang gastos sa biyahe ni Gloria, sampu ng kapamilya nito.
Ang pinakamatinding revelation sa lahat, hindi lang barya kundi ‘benkong’ ang P5 libong increase sa monthly allowances ng Senate workers kumpara sa hinihinging increase ng mga direktor, aba’y kasing-level ng mga direktor sa GSIS, SSS at iba pang financial institution kung masisilip ang buwanang pay slip. Hindi natin babanggitin ang pangalan subalit meron sumasahod ng P110 libo kada buwan, hindi pa kasama ang basic salary at iba pang benefits o perks. Kaya’t hindi nakakapagtaka na mara­ming ‘nagpapakamatay’ para maitalagang direktor. Talagang Onli in da Senate kaya’t abangan ang karugtong!(www.mgakurimaw.blogspot.com).

Wednesday, December 10, 2008

dec 10 2008 (wednesday) abante tonite issue

Lady solon nilektyuran sa hearing
(Rey Marfi)

Minsan lamang magpasiklab sa budget hea­ring dahil palaging abala sa mga extra curricular activities sa labas ng kanyang office, matindi pang lecture ang inabot ng isang pa-cute na lady solon sa kamay ng mga kasamahan nito.
Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano napahiya ang pa-cute na lady solon matapos lektyuran ng isa sa inirerespetong lider ng Kongreso dahil nagmagaling ang kumag sa harap ng mga resource person at government officials na dumalo sa budget hearing tungkol sa umiiral na batas sa pagbubuwis.
Kung nagkataon na­ging estudyante ng respetadong lider ng Kongreso sa law school ang pa-cute na lady solon, ito’y siguradong bagsak sa taxation.
Unang pinuntirya ng pa-cute na lady solon ang pagkuwestyon sa pondo ng ilang ahensyang nasa ilalim ng isang departamento na maaring pag-ugatan ng anomalya, kasabay ang pagmamarunong sa nilalaman ng batas.
Makailang-beses pang ipinagpilitan ng pa-cute na lady solon ang kanyang nalalaman sa batas at hindi naman kaagad makahuma ang ka-debate dahil kapwa-abogado ang dalawa, as in inakalang mas maraming alam ang bebot lalo pa’t mas bata at huling nagtapos ng abogasya.
Sa puntong ito, sumabad ang respetadong lider ng Kongreso at sinopla ang batas na kinasangkapan ng pa-cute na lady solon kung saan pa-simpleng binaterya, sa pamamagitan ng alegasyong wala sa hulog ang mga hirit nito.
Dahil scripted ang mga tanong ng pa-cute na lady solon, as in ibi­nabatay lamang sa mga subong questionnaire ng kanyang legal staff ang ipinupukol sa budget hearing, nagkada-utal ito para idepensa ang sarili.
Hindi nagawa pang makabawi ng pa-cute na lady solon matapos lekturan ng respetadong lider ng Kongreso tungkol sa nilalaman ng batas at pinagsabihang i-correct ang pagkakaintindi sa probisyong inihahalimbawa nito.
Walang maisagot ang pa-cute na lady solon sa respetadong lider ng Kongreso kung katagang ‘Ok’, kasabay ang pagkunyaring nagbabasa upang hindi magmukhang napahiya sa harap ng mga resource person.
Clue: Hindi matatawaran ang husay sa batas ng respetadong lider ng Kongreso at walang takot kahit sino ang makaharap, habang puro ribbon cutting at pakikipagbeso-beso ang pinagkaka-abalahan ng lady solon, as in binansagang “Lotlot” bilang nakakatandang kapatid ni Matet. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, December 9, 2008

dec 9 2008 (tuesday) abante tonite issue

Kotongerong tauhan nina Meyor!
Rey Marfil


Narito ang isang email na natanggap ng Spy at pangunahing inireklamo ang mga ‘Kotong Cops’ sa balwarte ni Parañaque City Mayor Jun Bernabe, aba’y walang pahi­nga dahil gabi at araw kung mangotong sa mga driver. Sa ma­lamang, mas tumindi pa ang pangungurakot ngayong magpa-Pasko, gamit ang sasakyang ibinigay ni Mayor.
Dear sir Rey (Spy on the Job),
Kotong cops appears every night and dawn along Parañaque Road not to guide and protect the people but to get their money. Evidence: Police mobile patrols with name Mayor Bernabe written into their mobiles. They stays in the dark area of road traffic lights only waiting for those traveler’s to get mistake. Then after that, bigla nilang habulin ang sasakyang nagkamali kahit konti lang at hindi kukunin ang lisensya kundi hihingan ng pera. Grabe sila. Ayaw nila tumanggap ng less than P100.00. Kailangan P100.00 and above. Minsan apat (4) sila nakasakay. Iyong boss nila sa harapan at mga bata n’ya sa likuran. Puwede n’yong hulihin sa akto kung gusto n’yo para maniwala po kayo.
Salamat po at maghihintay ako sa feedback n’yo. Pagpalain po kayo ng Diyos.
Sender: mjpenia@yahoo.com
***
Napag-usapan ang pangongotong, mukhang tumitindi ang paghihirap na dinaranas ngayon ng mga taga-San Mateo, Rizal, aba’y sangkaterba ang ‘tongpats’, as in patong-patong ang problema sa palpak na pangangasiwa ng trapiko hanggang sa ‘di maaasahang pagkolekta ng basura ng munisipyo. Ni sa panaginip, ayokong isiping inu­til ang mga nakaupong opisyal, katulad ni Tiyo Paeng, as in Mayor Rafael ‘Paeng’ Diaz lalo pa’t naghahangad ng re-election ito.
Sa reklamong natanggap, hindi gaanong ginagampa­nan ni Tiyo Paeng ang kanyang trabaho at pinagkikibit-balikat ang mga problema ng kanyang bayan, katulad ang sablay na pangangasiwa sa trapiko ng grupong OPSS o Office of Public Safety and Security - ito’y binubuo ng mga sibilyan na diumano’y tumulong sa pangangampanya ni Tiyo Paeng ng nakaraang eleksyon. Sa simpleng paliwanag, ito’y bayad-utang sa suporta kay Mayor!
Tila hindi nalalaman ni Tiyo Paeng na mismong grupong OPSS ang sumisira sa kanyang imahe, aba’y harap-harapan kung mangotong sa mga jeepney at truck dri­vers, katulad sa kanto ng Batasan at Banaba, maliban kung nagbubulag-bulagan at hindi magawang rendahan dahil takot itong mawalan ng suporta sa 2010 election. Mantakin n’yo, ipinagmamalaki diumano ng mga taga-OPSS ang pagiging untouchable sa munisipyo, as in ipinanga­ngalandakan hindi kayang buwagin ni Meyor dahil napa­kalaki ang utang ng loob ni Tiyo Paeng. Ganyan kaya­yabang ang mga ito!
Ang malungkot, sangkaterba ang pinapa-suweldong tauhan ni Tiyo Paeng sa OPSS subalit saksakan pa rin ng sikip ang kalsada at walang kaayusan ang daloy ng trapiko sa mga barangay ng Gitnangbayan at Ampid, as in walang silbi ang mga bata ni Tiyo Paeng. At meron pang reklamong gumagamit ng blinker at ‘wang-wang’ ang service vehicles ng OPSS, maging mga ambulansya ng San Mateo, ito’y ipinangsusundo ng mga lasing na empleyado ng munisipyo, maliban kung isang uri lamang ng paninira ang nakuhang sumbong?
Pati koleksyon ng basura sa San Mateo, ito’y inire­reklamo dahil minsan umaabot ng isang linggo ang mga basura bago na-pick up at napakalapit sa ilog ang itina­yong tambakan at transfer station, maging sa katayan ng binebentang karne sa palengke o slaughter house. Talagang pambihira ang management style ni Tiyo Paeng kumpara sa ibang alkalde ng Rizal province. Ang nakakapagtaka, animo’y bulag, pipi at bingi ang buong konseho gayong isa ang San Mateo sa mga bayang malapit sa Metro Manila. Sana’y kumilos at totoo ngang nagta-trabaho si Tiyo Paeng! (www.mgakurimaw.blog.spot.com)

Monday, December 8, 2008

dec 8 2008 (monday) abante tonite issue

Solon nang-molestiya sa foreign trip (Part 2)
(Rey Marfil)

Hindi simpleng pangmomolestiya ang ginawa ng isang matandang miyembro ng Kongreso sa tsinitang staff matapos isama sa foreign trip dahil kulang na lamang itali ang bebot upang mailugso ang puri nito.

Sa report na nakalap ng Tonite Spy, sinamantala ng matandang solon ang pagkakataon at kahinaan ng tsinitang staff dahil single mother ang tauhan, as in may anak sa unang nakarelasyon.

Maliban dito, hindi rin inalis ang senar­yong inakala ng matandang solon na ‘easy to get’ ang tsinitang staff dahil hindi kaagad nag-resign ang tauhan nang unang pagtangkaan itong ‘tikman’ sa isang resort sa Batangas.

Sa tindi ng kahalayang natikman sa kamay ng matandang solon, nadiskubre pang nagka-trauma ang tsinitang staff at halos isang linggong hindi pumasok ng opisina makaraang makauwi mula sa Asian trip.

Nang makabalik ng Pilipinas, kaagad isinumbong ng tsinitang staff sa mga magulang ang kahalayang ginawa ng matandang solon kung saan nanggagalaiti sa galit at kaagad nagpatawag ng abogado para ikunsulta ang pagsasampa ng kaso.

Hindi naman maaring ‘ismolin’ ng matandang solon ang kapasidad ng pamilya o magulang ng tsinitang staff dahil meron din ‘sinasabi sa buhay’, as in may kakayahang kumuha ng de-kalibreng abogado.

Tanging problemang nasilip ng mga abogadong kinausap ng pamilya, mahihirapan maidiin sa kasong rape o pangmo-molestiya ang matandang solon dahil nangyari ang kahalayaan sa labas ng Pilipinas.

Isa sa ikinakatakot ng mga abogado ng tsinitang staff ang pagkabasura ng kaso at labas sa hurisdiksyon ng Pilipinas lalo pa’t sa foreign land naganap ang tangkang panggagahasa sa tauhan nito.

Dahil sa pangambang maibasura ang kaso at mapapahiya lamang ang buong pamilya o maeskandalo ang tsinitang staff, minabu­ting mag-resign ng tauhan at maghanap ng ibang trabaho sa pagpasok ng taong 2009.

Sa ngayon, walang balak magsampa ng kaso ang tsinitang staff subalit patuloy na nanggagalaiti sa galit ang mga magulang at nagawang ilapit sa kilalang television personality ang kahalayan ng matandang solon kaya’t posible pang magbago ang isip nito.


Clue: Walang patawad sa mga babaeng staff ang matandang solon, as in ‘staff killer’ basta’t mestisahin kung saan paboritong diskarte ang pagsama sa foreign trip. Ito’y meron letrang ‘A’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido!

(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, December 4, 2008

dec 4 2008 (thursday) abante tonite issue

‘Di nagsisinungaling ang ebidensiya!
Rey Marfil


Kung susuriin lamang ni senadora Miriam Defensor-Santiago ang mga dokumentong hawak sa Euro general scandal, hindi lamang PNP generals ang nagbitbit ng asawa sa Russia, as in nakaligtaan ang katotohanang mismong executive director ng Philippine Center for Transnational Crime (PCTC) at pinuno ng Interpol-Manila ang nagbitbit ng esposa - si Undersecretary (Usec) Rolando Garcia, maging ang inarkilang consultant - si Nixon Dizon, ito’y guwardiyado sa buong biyahe ng kanyang asawa.
Sa final list ng Philippine Delegation sa 77th Interpol General Assembly, kasing-linaw ng Gin Kapitan at Ginebra San Miguel ang pag-angkas sa Russia trip nina Maria Lourdes Garcia at Emmarie Dolores Dizon, sakay ng British Airways flight 0878 at 4:10 p.m. ang arrival sa St. Petersburg, maging ang flight details pabalik ng Pi­lipinas noong October 9, sakay ng British Airways flight 0879 at 5:05 p.m. ang arrival. Ang tanong ng mga kurimaw sa intelligence unit: Sino ang kumargo sa gastusin ng kanilang mga asawa?
***
Napag-usapan ang ‘evidence ba?’ katulad ng litanya ni Gus Abelgas sa SOCO program na ‘hindi nagsisinu­ngaling ang ebidensiya’ - isang malaking katanungan ngayon kung anong ‘rendition’ ang gagawin ng kawangis ni Diomedes Maturan sa Euro scandal -si Bureau of Immigration and Deportation (BID) Commissioner Marcelino ‘Nonoy’ Libanan, aba’y isang ex-beauty queen mula Eastern Samar ang isinabit sa Russia trip, katulad ng naglabasang report sa media, as in kasama sa official delegation ng 77th Interpol General Assembly, simula October 7 hanggang October 10.
Kaya’t huwag ipagtaka ni Aling Miriam kung umangal si ex-General Eliseo dela Paz, sampu ng Euro ge­nerals, maging esposa ni PNP chief Jesus Versoza na si Cynthia, bakit nga naman puro heneral ang pinag-iinitan ng mga kongresista, senador at media gayong mismong si Liba­nan, ito’y nagbitbit ng confidential agent, eh puwede naman isama ang asawang si Teacher Elda Ellado sa Russia, maliban kung busy sa pagtuturo si Ma’am sa Taft National High School, Eastern Samar?
Ni sa panaginip, ayokong isiping ‘super-closed’ sa kanyang amo si Miss Keneth Gallano, dating Miss Eas­tern Samar at bank teller na ngayo’y naka-detail sa opisina ni Libanan bilang confidential agent, aba’y iisa ang flight details patungong Russia, kasama ang dalawa (2) pang tauhan ng BID - sina Atty. Floro Balato Jr., at Atty. Joysli Tabajonda via Lufthansa’s flight LX 1310 noong October 5 patungong St. Petersburg at Lufthansa’s flight LX 1311 noong Oktubre 12, pabalik ng Pilipinas.
Malinaw sa ga-dangkal na dokumentong isinumite ni Chief Supt. Raul Bacalzo, chairman ng fact-finding committee sa National Police Commission (Napolcom), meron isang Ms. Gallano ang kasama ng grupo ni Libanan patungong St. Petersburg, Russia - ito’y kabilang sa dalawampu’t dalawang (22) miyembro ng Philippine delegation subalit nakakapagtakang wala sa listahang hawak ni Aling Miriam, maliban kung ‘na-Magic touch’ at sinadyang binura para maka-iwas sa malaking eskandalo ang Immigration official.
Isa pang ipinagtataka ng mga kurimaw sa Immigration area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bakit lahat ng Euro generals at spouses- sina Anita Carta (misis ni General Emmanuel Carta), Rosa Alarcio (misis ni General Silverio Alarcio Jr.,) Fe Dela Paz (misis ni General Dela Paz), at Evita Caringal (misis ni General Jaime Caringal) at Cynthia Versoza (misis ni PNP chief Versoza), ito’y naka-book sa Hotel Park Inn sa Pribal­tiyska, St. Petersburg habang tumira sa Angleterre Hotel, sa North-West side ng St. Petersburg si Libanan. Kalokohan kung maki-share ng higaan sa kanilang amo ang da­lawang (2) abogadong isinama sa Russia!
Ngayong nabisto ang flight details ni Libanan sa 77th Interpol General Assembly, maraming ipapaliwanag ang look-alike ng tinaguriang ‘Perry Como of the Philippines’, hindi lamang sa taumbayan, maging sa kanyang misis. Sa malamang magkakasubukan ngayon kung makukuha sa ‘velvet voice’ ni Libanan ang kanyang asawa kapag ‘pinakanta’ kung anong nangyari sa Russia! (www.mgakurimar.blogspot.com).

Tuesday, December 2, 2008

dec 2 2008 (tuesday) abante tonite issue

Nasa majority ang papalit kay Gloria
Rey Marfil


Dalawang linggo makaraang mapatalsik si Senador Manny Villar Jr., animo’y hindi pa rin matanggap ng ‘core group’ ang pagkakasibak ng kanilang hari, patunay ang pagdedma sa budget deliberation, maliban kay Lolo Joke­r Arroyo na nag-sponsor sa ilang government agencies. Maging sa fertilizer probe lumalabas pang nagpa-check lamang ng attendance ang katukayo ni Joselito Caye­tano gayong saksakan ng daldal sa media interview at panay ang ‘overtake’ kahit merong nagtatanong sa panahong hawak ang blue ribbon. Pero sa nakaraang dalawang public hearing na ipinatawag ni Dick Gordon, nakaisang question lang si Pedro, sabay layas ito!
Mabuti pa nga si Lito Lapid, kahit hindi nagtanong, aba’y nagbabad sa session hall noong Huwebes ng gabi. Hindi lang malinaw sa pandinig ng mga kurimaw kung sinadyang magpagabi ni Leon Guerrero para makatipid sa gasolina dahil mas maraming gas allowance si Philippine Tourism Authority (PTA) Chairman Mark Lapid. Hindi lang iyan, wala ring isinusumiteng membership sa committee on ethics ang bagong minority bloc, maliban kung taktika ang pag-boycott para madiskaril ang imbes­tigasyon sa conflict of interest ng C-5 Road project laban kay Villar. Kaya’t hindi maintindihan ni Aling Matet kung bakit napaka-big deal ang kudeta gayong ‘weder, weder’ lang naman ang nangyayari sa pulitika?
Ang bulong pa ng katukayo ni Joselito sa piling mediamen nang magpakain si Villar -- ilang taga-majority bloc na disgruntled sa partehan ng kapangyarihan at ‘big winner’ ang magkaibigang Loren at Edong Angara, Dick Gordon at Bong Revilla kaya’t hindi magtatagal ang samahan ng bagong majority bloc. Hindi kailangang UP graduate para maintindihan ang pagpapalit ng Senate President at kahit anong arithmetic ang gawin ng katukayo ni Joselito, paano makaka-trese ang kanilang grupo gayong Wednesday Club lamang ang natira sa kanilang kampo. Kundi pa nagpaiwan si Nene Pimentel bilang minority leader, mas lalong nagmukhang ‘social club’ ang minorya ngayon.
***
Napag-usapan ang pang-iintriga ng katukayo ni Joselito, paano masasabing ‘disgruntled’ at nagkakagulo ang majority bloc gayong solido ang ipinakitang suporta kay Senate President Juan Ponce Enrile sa isang blowout party na ibinigay ng mag-asawang Armida at Leonar­do Siguion-Reyna sa kanilang Kuya Johnny. Take note: pitong senador ang present sa Forbes Park Makati City noong Nobyembre 27, Huwebes ng gabi -- sina Ping Lacson, Loren Legarda, Mar Roxas, Chiz Escudero, Gringo Honasan, Dick Gordon at Jinggoy Estrada. Anyway, hindi nakadalo si Donya Consuelo, alyas Jamby Madrigal dahil nasa abroad habang merong naunang natanguang meeting si Migz Zubiri.
Sadyang hindi inimbitahan ng mag-asawang Siguion-Reyna ang ilang kasamahan ni Lolo Johnny sa majority bloc kaya’t puro taga-oposisyon ang tinawagan, sa pangu­nguna ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada. Iba pang present, sina Manong Ernie Maceda, ex-presidential political adviser Lito Banayo, Makati Mayor Jejomar Binay, Makati Congw. Abigail Binay, Quezon City Congw. Annie Suzano, Bibeth Orteza, United Opposition (UNO) Spokesman Atty. Adel Tamano, Susan Tagle, Cherry Pie Villongco at Grace Poe-Lamanzares, anak ng namayapang si Fernando Poe Jr.
Pagkatapos ng maliit na party, nagyaya si Lolo Johnny na magpa-picture taking at hindi nakasama ang mag-amang Estrada sa ‘kodakan’ dahil naunang umalis. Sa u­nang photo op, katulad ng request ni Lolo Johnny, puro senador ang nakatabi sa hagdan. Nasa kaliwa at kanan ni Lolo Johnny ang unang dalawang presidentiables -- sina Lacson at Roxas. Sa ikawalang baitang, magkatabi ang dalawang presidentiables ng Nacionalist Peoples Coalition (NPC) -- sina Legarda at Escudero habang nasa ikatlong baitang ang dalawang Independent sina Honasan at Gordon. Pagkatapos ng picture taking, nagwika si Lolo Johnny: ‘Ang susunod na Presidente, isa sa mga kasama ko sa picture na ito’. Ibig sabihin, malabo si Erap kahit panay ang ikot sa mga probinsiya at hindi rin si Villar o kaya’y si Uncle Noli de Castro ang papalit kay Gloria? (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, December 1, 2008

dec 1 2008 (monday) abante tonite issue

Dahil bagsak sa survey, presidentiable nanibak ng staff
(Rey Marfil)

Sa harap ng kabiguang makaangat sa survey, isang presidentiable ang nanibak ng tauhan at direktang isinisi sa mga inarkilang staff ang paghina ng popularidad.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang isang staff ang sinibak ng presidentiable bagkus ay apat pa matapos lumabas sa presidential survey ang paghina ng kanyang popularidad at malapit nang maka-overtake ang isa sa posibleng karibal sa nominasyon.
Ang malungkot lamang sa lahat, magpa-Pasko na walang trabaho ang apat nitong staff at hindi makakakain ng maayus-ayos na noche buena ang buong pamil­ya dahil mawawalan ng hanapbuhay ang mga ito.
Isang araw makaraang lumabas ang huling resulta ng presidential survey, ipinatawag ng presidentiable ang mga tauhang naka-assign sa pagpapabango ng kanyang image, kabilang ang media relation officers (MRO) nito.
Nang magkaharap ang lahat, pinagsasabon ng presidentiable ang mga staff at pinagsabihang mag-resign upang malayang makahanap ng panibagong tauhan na maaring magpaangat sa kanyang popularidad.
Sa pinakahuling presidential survey, malapit nang maungusan ng isa sa kasamahan sa organisasyon ang presidentiable kaya’t kinakabahan itong maetsapuwera sa nominasyon at mapili ang presidentiable na karibal nito.
Para hindi lumabas na nilayasan ng mga staff, pinagsabihan ng maarteng presidentiable ang bawat isa na tahimik itong mag-resign at busalan ang kanilang bibig sa sinumang mediamen na makakausap.
Isa sa media staff na pinag-resign ng presidentialbe ang binigyan ng palugit hanggang Disyembre 15 at kinasangkapan ng kawawang tauhan ang pangingibang-bansa, katulad din sa naunang MRO na sinibak sa trabaho para mapagtakpan ang kanilang amo.
Sa nagdaang ilang taon, halos buwan-buwang nagpapalit ng media staff ang presidentiable kung saan ilan dito’y nasa poder ng ibang kongresista at senador o kaya’y nakahanap ng matinong trabaho sa pribadong kumpanya at nakakapasok sa palasyo dahil talented ang mga ito.
Mismong kamag-anakan ng presidentiable na ngayo’y nasa poder ng isang lider ng Kongreso ang ‘tinabla’ ang panghihikayat ditong bumalik sa kanyang opisina kahit malaki ang buwanang pasahod na inaalok.
Clue: Wala nang tatalo sa presidentiable kung pagi­ging plastic ang pag-uusapan at isa sa tinaguriang ‘political butterfly’. Ito’y meron letrang ‘A’ sa apelyido, as in Ang hilig sa matanda. (www.mgakurimaw.blogspot.com)