Tuesday, August 18, 2009

august 18 2009 abante tonite

Iisa ang formula?
Rey Marfil

(mgakurimaw.blogspot.com)

Kahit ipatawag pang lahat ni Miriam Santiago ang mga lehitimong mo delo, sampu ng government officials na naglabas ng infomercial sa telebis yon, hindi maalis ang katotohanang si DILG Sec. Ronaldo Puno ang puntirya sa TV ads probe. Kundi nagkakamali ang Spy, halos isang taong nakatengga ang TV ads probe -- ito’y sa panahong wala pang infomercial si Puno subalit natuloy noong nakaraang Agosto 14 dahil nakahanap ng butas ang misis ni Presidential Advi ser Jun Santiago, maliban kung iniinda pa rin ni Aling Miriam ang chronic fatigue syndrome (CFS) kaya’t natagalan bago naka-recover at napagtanto lamang mula sa US trip ni Mrs. Gloria Arroyo ang naka binbing resolusyon?

Hindi kailangang ma ging UP graduate para maintindihan kung gaano kalalim ang nilikhang sugat ni Puno sa presidential ambition ni Aling Mi riam -- ito’y konektado sa pagka talo noong 1992 presi dential election laban kay Tabako, as in Fidel Ramos. Kalokohan kung walang motibo si Aling Miriam sa pagpapatawag ng TV ads probe at hindi man lamang sumagi sa isipan ang makaresbak kay Puno.

Ang tanong ng mga kurimaw: Kung hindi naglabas ng infomercial si Puno, natuloy kaya ang TV ads probe, lalo pa’t numero unong ‘highes t spender’ at promotor ng premature campaign si XP Manny Villar Jr., -- ang presidentiable na nais samahan ni Aling Mi riam sa 2010 election? Isa pang ipinagtataka ng mga kurimaw, bakit ‘nag-ingay’ si Aling Miriam sa magarbong hapunan ni Gloria sa Amerika gayung karay-karay siya sa lahat ng foreign trips, ma ging sa Washington at New York, maliban kung meron ibang misyon?

Ang nakakatawa pa, inu tusan ni Aling Miriam ang lahat ng cabinet officials na baklasin ang mukha sa infomercial gayong tatlo (3) lamang sa labing-dalawan g (12) opisyal ang humarap. Kung sariling TV ads probe iniisnab, sino si Aling Mi riam para sundin lalo pa’t napaka-spoiled brat ng mga cabinet officials kay Mrs.Arroyo?

Hindi lang iyan, mismong kasamahan sa Upper House, animo’y nagboykot sa TV ads probe. Mabuti na lang, meron pa ring kirot sa puso ni Loren Sinta ang pagkatalo kay Vice President Noli De Castro noong 2004 kung hindi, walang quorum at nauwi sa consultation ang imbestigasyon.

***

Napag-uusapan ang infomercial, hindi maintindihan ng mga kurimaw kung nang-iinis o iniinsulto ni Villar ang katalinuhan ng publiko, aba’y napaka agang inilalako ang sarili bilang Pa ngulo subalit hindi magawang harapin ang ethics probe ng Committee of the Whole, maliban kung aral kay Mrs. Arroyo, gamit ang EO 464?

Mantakin n’yo, hindi pa man nakakapag-file ng certificate of candidacy, kinopya ni Villar ang ‘diskarte’ ni Mrs. Arroyo -- ito’y merong tatlong (3) spokesman para sagutin ang C-5 road scandal -- sina Atty. Adel Tamano, at ex-Cong. Gilbert Remulla, plus isang lady lawyer.

Mabuti na lang, tumi gil sa ‘pagkahol’ ang katukayo ni Joselito -- si Alan Peter Cayetano at medyo tinamaan ng konting delicadeza si Senador Joker Arroyo kung hindi, naging lima (5) ang ka-double ni Villar sa C-5 road.

Ni sa panaginip, ayokong isiping ‘Gloria in the making’ si Villar kapag naupo sa MalacaƱang. Ikumpara ang Gloria road project sa San Rafael Bulacan na ibinunyag ng Philippine Center for Investigative Journa lism (PCIJ) at C-5 road extension na iniimbestigahan ng Upper House, hindi ba’t iisa ang mukha, aba’y ipinagawa ang kalasada, gamit ang pondo ng gobyerno at ibi nenta ang kanilang lupa sa mataas na halaga.

Ang sabi nga ni Chiz Escudero, ‘hindi isyu kung sino ang nagmana at kanino nagmana -- ito’y parehong mali’. Ang nakakatawa, hindi masagot ni ex-Cong. Gilbert Remulla sa press confe rence kung bakit tahimik ang kampo ni Villar sa ‘Gloria road project’ sa Bulacan, maliban kung takot bumalik sa kanilang mukha ang kasagutan dahil iisa ang formula?

3 comments:

mgakurimaw said...

comment,comment

Anonymous said...

May tama ka Ka Rey Marfil...pag si Money Bilyar ang naupo sa 2010,ang gastos niya sa spokespersons, pasasahurin ng bayan ang mga lokotoy na yan...na may salasalabat na pag iisip at pagsagot sa press interviews at may malabo pa sa ihi ni Lolo na kredibilidad ang kanyang mga tagakahol..

Lalayo ka pa sa pagastusan, eh ang infomercial niya nga lang milyones na ang inabot di ba si PGMA di ba tumoma sa New York gamit pera ng taga AMIN niyang mga congressmen (o ha maniwala ako). O di ba isang formula ang landas nila? Magastos sila pareho.Kapag ang TT (Tropang Trumpo ni MB) nakatsamba sa 2010, panibagong malas ang nakaabang sa sambayanang "utouto"...kaya dapat huwag na sila magpauto sa Tropang Trumpo ni Money Bilyar.

Saka pakitanong nga sa mga bugoy niyang tagakahol, huwag na kay Bilyar, kasi kakamutan ka lang ng ulo niyan, (pero di ka naman tataasan ng kilay niyan kasi di gagalaw muscles niya sa mukha ewan ko kung bakit, di ko pa na try mag pa botox eh)- kung ang sweldo ng Pres sa 2010, itataas sa 120T/month (base sa standardized law approved recently-kung tama ang numero ko ha), sa loob ng 6 na taon 8.64M lang ang sweldo ng Pangulo, si TT, 300M plus na gastos sa ads, paano niya babawiin ang pera nila na ginamit sa ads? PAANOOOOOOOO? Adbokasya kuno?ngarat nila...

salamat, your truly
INDAY GARUTAY

stesyveau said...

more best site look what i found read the article hop over to this web-site More Info