Bagama’t napipikon kapag nauungkat ang panggagamit sa isang kapamilya para masungkit ang inaambisyong posisyon sa pamahalan, hindi pa rin nagbabago ng diskarte ang kunyong mambabatas, patunay ang pag-exploit sa kanyang ‘anak-anakan’ sa pulitika.
Muling nasaksihan ng TONITE Spy kung paano kinakasangkapan ng kunyong solon ang kanyang ‘anak-anakan’ para maiangat ang imahe sa pulitika at makakuha ng magandang suporta sa mga kabataan ngayong 2010 national election.
Dahil ‘role model’ ang projection ng ‘anak-anakan’ sa mga kabataan, sinasamantala ngayon ng kunyong solon ang lahat ng pagkakataon upang maidikit ang kanyang pangalan sa malinis na imahe ng bata.
Bilang patunay, isinasama ng kunyong solon sa kanyang mga gimik sa pulitika ang ‘anak-anakan’, as in harap-harapang ginagamit ng kumag ang bata at nakakalungkot isiping walang magawa ang ina nito, animo’y nagbubulag-bulagan sa panggagamit ng kanyang mister.
Nag-aambisyon ng mas mataas na posisyon ang kunyong solon ngayong 2010 national election at kailangan ang serbisyo ng ‘anak-anakan’ upang makuha ang suporta ng mga kabataan.
Katulad ng diskarte sa nagdaang eleksyon, pinaiikot ng kunyong solon ang ‘anak-anakan’ sa mga probinsiya para mairehistro ang kanyang pangalan sa mga botante bilang preparasyon sa pagtakbo nga yong 2010 national election.
Ang bagong ‘formula’ ng kunyong solon, ito’y nag-isponsor ng mga ‘gimik’ sa kabataan, kasama ang kanyang ‘anak-anakan’ para makuha ang suporta ng mga young voters.
Hindi naman ipinagtataka ng mga kurimaw kung bakit nagmamaang-maangan ang ina ng bata sa bagong gimik ng kunyong solon dahil nangangarap din ng kapangyarihan at popularidad sa pulitika ang kanilang angkan.
Sa nagdaang dalawang eleksyon, kinasangkapan ng kunyong solon ang kasikatan ng isang kapamilya para manalo subalit napipikon kapag nauurirat ang ‘panggagamit’ nito.
Bago nasungkit ng kunyong solon ang kasaluku yang posisyon sa gobyerno, ito’y talunan at kumain ng alikabok sa isang mahinang labang sinalihan su balit nagbago ang lahat matapos maging ‘kapamilya’ ang isang sikat na personalidad.
Clue: Makailang-beses napabalitang nakipaghiwalay sa kunyong solon si misis subalit tinitiis ang hirap ng kalooban lalo pa’t dalawang beses nang nadadapa ito.
Kung senador o kongresista ang kunyong solon, ito’y meron letrang “K” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Boy Kornik. (mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
hula,hula
Post a Comment