Wednesday, August 12, 2009

august 12 2009 abante tonite

Presidentiable kinuryente ng media handler
(Rey Marfil)

Sa kagustuhang magpa-pogi sa media, bolta-boltaheng ‘kuryente’ ang natikman ng isang kunyong presidentiable matapos masubuan ng maling impormasyon ng kanyang media handler.


Dahil amoy-eleksyon, nauuso ngayon ang ‘pagsakay’ sa isyu ng mga pulitikong tatakbo sa 2010 presidential derby, katu lad sa mga headlines o banner story sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento at reaksyon upang mailagay ang kanilang pangalan sa peryodiko.

Bagama’t ordinar yong tanawin ang pagsakay ng mga pulitiko sa mga isyu, nasaksihan ng TONITE Spy ang pinakamalaking kabalbalang ginawa ng kunyong presidentiable matapos maglabas ng press statement at pakialaman ang isang ‘historical events’.

Ang masakit sa panig ng pamilyang sinagasaan ng kunyong presidentiable, napakaraming pabor na hiningi ang kumag sa kanyang opisina para paba nguhin ang kanyang imahe sa publiko subalit nagawa pang saktan ang kanilang damdamin at pahirapan ang kalooban ng mga ito.

Nauna rito, nagkumahog maglabas ng press statement ang kunyong presi­dentiable at pi nanghimasukan ang isang ‘historical events’ kung saan agad ipinamudmod sa mga reporter.

Taliwas sa inaasahan ng kunyong presidentiable, may isang pamilyang nasagasaan sa press statement na inilabas nito, malinaw ang katangahan o pagiging ‘bopols’ ng media handler na ‘nag-ponente’ sa kalatas ng mokong, as in hindi man lamang pinag-aralan at sinilip ang family background ng bawat isa.

Dahil sa ginawang kabalbalan ng media handler ng presidentiable, lumabas ang pagiging ingrato at kawalan ng utang na loob sa pamilyang nasagsaan sa press statement na inilabas nito.

Makalipas ang ilang minuto, nahimasmasan ang kunyong presidentiable at kaagad pinabawi ang press statement inilabas at kasing-bilis din ng kidlat, nagsa-Pontio Pilato matapos ituro ang kanyang media handler bilang mastermind.

Clue: Dating kampon ni Mrs. Arroyo ang media handler ng ambisyosong presidentiable at makailang-beses nakuryente sa panahong nagmamayagpag sa Palasyo. Ito’y meron letrang “C” as in Corrupt kaya’t natsugi habang meron letrang “A” ang kunyong presidentiable.