Habang nalalapit ang 40th birthday ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero III ngayong Oktubre 10, lumalabo rin ang tsansa ni Sinta, as in Senadora Loren Legarda na maging standard bearer ng Nationa list Peoples Coalition (NPC). Ayokong isipin na itinakda ng tadhana ang pagtakbong Presi dente ni Chiz sa 2010, aba’y nasusulat sa number 10 ang Oktubre at 40 days din bago sumapit ang deadline ng Comelec, simula sa Oktubre 10 hanggang November 30.
Take note: Room 2010 din ang inukupahang headquarters ni Chiz sa President Tower sa Timog, Quezon City. Sabagay, merong Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) na ‘maaakyatan’ si Sinta, anumang oras kapag naputol ang sanga. Siguradong ‘to the rescue’ ang boss ni Atty. Demaree Raval lalo pa’t ‘matalik na magkaibi gan’, as in handang ipaubaya ni Kuya Edong Angara ang kanyang balikat para gawing iyakan ni Sinta?
Kaya’t hindi nakakapagtakang nagsasagawa ng ‘hakot-brigade’ ang kampo ni Sinta sa NPC, aba’y kung sinu-sino ang ipinapasok sa partido, kalakip ang hangaring madagdagan ang kanyang delegasyon kapag nagkaroon ng party convention. Ang problema ni Sinta, ito’y ‘saling-pusa’ sa NPC at ka sing-labo sa sabaw ng pusit kung pipiliing standard bearer ni Boss Danding Cojuangco, lalo pa’t 90% ng party members ang solid kay Chiz.
Habang maaga, mas maka kabuting tanggapin ni Sinta ang tawaging ‘running mate’ o bise ni Chiz kesa magkaroon ng ‘take two’ sa pagiging ‘Crying Lady’, katulad ng nangyari sa Erap impeachment, maliban kung ‘mag-ober da bakod’ sa PMP dahil posible nga namang ipalit ni Erap kapag ipina-diskuwalipika ito ng Comelec? Kundi nagkakamali ang Spy, naunang tumalon sa kampo ni Erap ang media handler ni Sinta si Mr. W, maliban kung preparasyon ito sa paglipat ng kanyang Mam?
***
Kung anong sikip ng pre sidential derby, walang sisikip pa sa lahat na nag-aambisyong tumakbong senador ngayong 2010. Take note: 12-seats lamang ang paglalabanan at 7-senador ang reelectionist -- sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Pia Cayetano, Miriam Santiago, Lito Lapid, Jamby Madrigal at Senate President Johnny Enrile.
Ibig sabihin: Nagkalat ang karatulang ‘no vacancy’ dahil 5-seats lamang ang bakante, ma liban kung tumuloy si Donya Consuelo sa pagka-Presidente at mag-Governor ng Pampanga si Leon Guerrero. Hi git sa lahat, napaka-busy ni Aling Miriam sa foreign trip ni Mrs. Arroyo kaya’t napa kalabong tuparin ang pangakong magpapahinga sa pulitika dahil hanggang ngayon hindi magawang tumalon sa eroplano at barilin ang sarili, katulad ng kanyang sumpa.
Sa ngayon, kasado ang Nacionalista Party (NP) ni Manny Villar, Liberal Party (LP) ni Mar Roxas, Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni Erap, at NPC ni Escudero plus BAKLA, as in Bagong Kampi at Lakas. Alangan tumakbong mag-isa at hindi man lamang maglalagay ng se natorial line-up sina MMDA chairman Bayani Fernando, Eddie Gil, Elly Pamatong at Madrigal?
Sa ka tegorya ng ‘ba yaning isinusuka ng mga sidewalk vendor’, ito’y hindi papayag mabura ang ‘MMDA Party’ sa pre sidential derby lalo pa’t pa ngunguna sa sa riling presidential survey ang nakatatak sa isipan. Kapag nauwi sa 6-corner fight, may kabuuang 72-senatoriables at nakakata wang isiping 12-seats lamang ang paglalabanan kaya’t asa hang babaha ng luha sa 2010 dahil 60-senatoriables ang talunan at magrereklamong nadaya pagkatapos ng halalan.
***
Napag-uusapan ang presi dential derby, hindi lamang pa-guwapuhan ang laba nan sa 2010, pati pagandahan ng ‘First Lady’, aba’y merong Korina Sanchez si Boy Bawang at hindi rin magpa pahuli sina Dra. Loi Ejercito at Marikina Mayor Marides Fernando.
Ang pinakamagandang match-up sa lahat ng ‘commander-in chief’, walang iba kundi sina DND Sec. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr., at Chiz Escudero. Siguradong mapapalingon ang mga head of state kina Tarlac Congw. Nikki Prieto-Teodoro at Christine Flores-Escudero kapag isinama sa state visit. Iyong ibang presidentiables, ilista n’yo sa itikan, sabay namnam ng Chocolate! (mgakurimaw.blogspot.com)
4 comments:
comment,comment
kakaaliw naman pare ang pagkakakwento mo rito..hindi nakakapagod basahin ang pananalita mo na may malasang ritmo ang pagkakasunod sunod ng mga kataga mo...madaling intindihin di gaya ni Mar hirap akong sundan ang diwa ng kanyang mga panguri, pangabay at pandiwa :-) naliligaw ako makinig sa kanya kaya di ko siya pinagtatyagaang pakinggan.
sana nga si Loren, sumuko na sa ambisyon niya na siya ang pipiliin ng partido niya, ng di na siya ngumawa sa 2010, kami nga sumuko na para sa kanya eh..mag isa na lang siya hala siya..
pagandahan ng first lady. palo ako sa sinabi mo si Christine at Nikki maganda. Paangasan, wala laban si Christine, panalo si Nikki..kasi me arrive ang waswit ni Giboo, me hangin ika nga, yung pag nakinig ka sa pagsasalita niya wasak ang payong mo sa hangin niya...mas type ko FL si Tintin, tahimik sa pulitika pero pag nakausap mo naman me karisma like ng asawa niya..napanood ko concert niya galing magdala ng concert yang asawa ni Chiz...
60 senators magiiyakan after 2010? tama ka pa rin...bigyan natin sila kutsilyo ng mabawasan ang uulit na tatakbo sa 2016...salamat kaibigan
Buda
huarache shoes
adidas stan smith
supreme clothing
air jordan
moncler jackets
christian louboutin shoes
goyard handbags
golden goose
nike huarache
moncler
goyard online store
kd shoes
golden goose outlet
jordans shoes
fear of god
Jordan Travis Scott
bapesta shoes
yeezy boost 350
supreme clothing
golden goose
Post a Comment