Kung bakit malaking katarantaduhan ang presidential survey-ito’y malinaw sa dalawang resulta ng Social Weather Station (SWS), may petsang June 19 hanggang June 22. Sa survey na kinomisyon ni XP Manny Villar (21%), siyempre No. 1 ang mister ni C-V, as in Cynthia Villar habang No. 2 si Erap (19%). Ang nakakatawa, naglabas ang SWS ng isa pang presidential survey sa kaparehong petsa at na nguna si Erap (21%) habang statistically tied o tabla sa 2nd place sina Chiz Escudero (18%) at Villar (19%).
Ang tanong ng mga kurimaw: Sino ang kinuhang respondents ni Mahar Ma ngahas, maliban kung tumi tingala lamang sa kalangitan at naghihintay ng pe rang babagsak kaya’t nakabuo ng konklusyong si Villar ang No.1?
Malinaw ang motibo sa presidential survey - ito’y ginagamit ng ilang presidentiable para i-kondisyon ang isipan ng publiko at walang ibang nakikinabang kundi may kakakayahang magba yad ng milyones sa rider question. Ang katotohanan, hindi survey ang nag luluklok sa isang pangulo kundi actual votes, huwag lang makabili ng computer hacker ang isa sa mga presidentiable lalo pa’t pera-pera ang diskarte nito.
Balikan ang kasaysayan, umubra ba ang pera ni Mon ching Mitra (1992), Danding Cojuangco (1992), at Joe De Venecia (1998), maliban kay Mrs. Arroyo dahil nasa poder noong 2004 at hindi puwedeng tanggihan ng mga he neral ang tawag sa telepono, maging ang pag-‘Hello’ kay Garcillano.
***
Sadyang walang kupas ang kamandag ng ali pores ni Mrs. Arroyo, sa katauhan ni Mr. Secretary, pinaka-latest ang pagka kabingwit sa isang maganda at artista hing kontratista. Pagkatapos maka-relasyon ang isang lady official na nagtulak sa nausyaming Charter Change (ChaCha), isang printing exe cutive ang ‘bagong laruan’ ni Lolo Popsie - ito ang kanyang ‘apple of the eye’ at malaking rason kung bakit ganadong magtrabaho at maagang pumapasok sa ‘exe cutive office’ si Mr. Secre tary.
Kaya’t hindi ipinagtataka ng mga kurimaw sa presidential garden kung nagpapa-bata ang gabinete, patunay ang pagpa-tattoo ng kilay upang hindi magmukhang nalipasan ng panahon, aba’y nakadale ng 30 years old!
Ang nakakasuka, labag sa aral ng simbahan ang gina gawa ng alipores ni Mrs. Arroyo dahil parehong ‘may sabit’. Kundi nagkakamali ang Spy, meron asawa at dalawang anak ang artistahing printing executive na kinakolokohan ni Lolo Popsie. At ang pinakama laking kalokohan, lahat ng kontrata sa loob ng ahensyang kontrolado ng gabinete, ito’y napasakamay ng artistahing printing executive kahit bagito sa negosyo.
Mantakin n’yo, kakapiranggot ang kapital ng bebot, as in P60 libo lamang kahit P50 milyon ang security bond, ito’y nakakakuha ng multi-milyong proyekto sa gobyerno. Ganyan ka-mahal ni Lolo Popsie ang ‘bagong Nene’!
Hindi lang iyan, halos apo ni Lolo Popsie ang artis tahing printing executive at kapag ikinumpara ang kanilang edad, halos triple sa edad ng gabinete kaya’t bad trip ang mga anak ng opis yal dahil nagmumurang kamyas ang kanilang Daddy. Take note: Minsan nang nahuli ng kanyang ‘comman der-in-chief’ si Lolo Popsie sa mismong bahay ng da ting karelasyong lady official at kasama pang sumugod ang babaing anak.
Hindi lang iyan, nahuli din ni Lolo Popsie ang dating karelasyong lady offi cial na kinalantari ng isang ex-General kaya’t binantaang haharangin ang appointment hangga’t powerful sa Malacañang ito. Kung sino si Lolo Popsie, ito’y ipagtanong kay Malacañang Press Corps (MPC) President Paolo Romero. Anyway, mahusay ‘magpa-ligaya’ ang artistahing prin ting executive!(mgakurimaw.blogspot.com)
2 comments:
hula... at comment
balenciaga
jimmy choo
off white clothing
adidas nmd r1
nike foamposite
balenciaga sneakers
off white jordan 1
kyrie 6
air max 270
adidas tubular
Post a Comment