Si Miriam ang nagsabi niyan! | |
REY MARFIL Suportado ng mga kongresistang Muslim ang posisyon ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino na ipagpatuloy ang peace talks sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), kalakip ang “all-out justice campaign” sa halip na all-out war ang ipatupad laban sa masasamang elementong namumugad sa kabundukan ng Zamboanga Sibugay at Al-Barka, Basilan. Sa pangunguna ni Basilan Rep. Jim Hataman at Confederation of Provincial Governors, City Mayors and Municipal Mayors League Presidents of Mindanao (CONFED MINDANAO) na pinamumunuan ni Davao del Norte Gov. Rodolfo del Rosario, umayon sa ideneklarang “all-out justice” ni PNoy ang grupo sa halip na pumasok sa isang magastos at mapinsalang digmaan. Pansinin: tanging taga-Luzon at residenteng hindi nakakaranas ng giyera at kaguluhan ang “mainit” sa all-out war! Hindi lang tama bagkus matalino at makatwirang posisyon ang naging tugon ni PNoy sa serye ng mga atake laban sa masasamang elemento o ilang pasaway na kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang panawagan para sa hustisya ang nararapat na gawin bilang pagkilala sa karangalan ng mga nasawing sundalo na matapang na idenepensa ang bansa kapalit ng kanilang buhay. ‘Pag babaliktarin ang anggulo, malinaw ang mensahe ni PNoy na habulin, parusahan at papanagutin ang mga nasa likod ng pag-atake at ipagkaloob sa mga biktima ang hustisya. Bagama’t ayaw aminin ng mga kritiko, ilalagay ng “all-out war” sa alanganin ang usapang pangkapayapaan at hindi rin mareresolba ang ugat ng ilang dekadang rebelyon ng mga Moro at inaasahang lalaki ang pinsala sa buhay at ari-arian ng lahat ng grupong masasangkot sa digmaan. Hindi ba’t libu-libong pamilya ang napilitang lumikas nang abandonahin ang kanilang mga tahanan para magtago sa ligtas na lugar nang ilunsad ng isang dating administrasyon ang all-out war policy? Maaaring nagresulta ang all-out war policy laban sa rebeldeng mga Moro sa pagkakabawi ng iba’t ibang mga kampo, ngunit wala naman itong naitulong para maresolba ang ugat ng kanilang pakikibaka. Ibig sabihin, hindi lunas sa insureksiyon ang digmaan. Sa halip, pinalalakas nito ang kanilang armadong pakikipaglaban. Bukod dito, malaki ang magiging pinsala ng digmaan sa buhay at kapaligiran kung saan inaasahang libu-libo na naman ang refugees at grabeng mapipinsala ang kagubatan dahil sa bakbakan. Ang kailangan natin ngayo’y pamahalaang magsusulong ng hustisya para sa mga nabiktima ng karahasan, hindi para magpasulsol sa init ng ulo ng iilan. Kahit itanong n’yo pa kina birthday boy Vic Somintac (dzEC) at Willard “Mr. Ambassador” Cheng (ABS-CBN)! *** Napag-usapan ang matibay na posisyon ni PNoy, mismong si Senadora Miriam Defensor-Santiago, tinaguriang “Kampeon ng Konstitusyon” -- ito’y hanga sa paninindigan ng Pangulo at hindi kailanma’y pinagdudahan ang kagalingan sa pagdi-desisyon, katulad sa usapin ng Charter Change (ChaCha). Sa programang Krusada ni Henry Omaga-Diaz sa ABS-CBN, pagkatapos ng Bandila noong nakaraang Oktubre 21, malinaw ang mga binitawang salita ni Santiago kung anong klaseng lider si PNoy. Narito ang kumpletong transcript sa naging panayam. Issue: Charter Change Henry O. Diaz: Hindi naman naniniwala si Sen. Santiago na may agenda si PNoy pagdating sa ating Saligang Batas. Sen. Miriam Santiago: 1987 pa lang ‘yung Konstitusyon na ‘yun at gusto na nating palitan. We haven’t even fully implemented some of its provisions. At sa tingin ko, ‘di ‘yan papalitan ni Presidente Noynoy dahil sa pagmamahal sa ina niya. Eh identified ‘yan sa isip niya kay Mommy niya. Pinaghirapan ‘yan ng nanay niya eh. Ngayon papalitan ‘yan ng maski kanino at hindi naman maliwanag ang rason. Henry O. Diaz: Kung meron mang pinagdududahan ang senadora, ‘yun ang mga nakapaligid sa Pangulo. Sen. Miriam Santiago: ‘Yun ang problema ng mga galamay ng maski sinong Presidente. Kasi akala nila Presidente rin sila. Isa lang ang nahalal, ang daming nangangarap kung anong gagawin nila, sa buong bansa pa? Hindi sila nakontento sa na-assign sa kanilang jurisdiction. Akala nila mga “junior presidents” na rin sila. Maaari nga ganu’n ang isipan ng ibang kasamahan. Pero si Presidente Aquino, sa pagkaalam ko sa kanya nu’ng magkasama pa kami sa Senado, ay hindi mo siguro basta-basta mabulungan ‘yan. Ayaw niya ng bulong brigade eh. May sarili siya, he has a mind of his own. Take note: si Senator Miriam ang nagsabi niyan, hindi ang sinumang malapit kay PNoy, siguro naman walang kritiko at grupong hindi makapag-move on sa resulta ng 2010 national election ang mag-aalburoto sa blog at Facebook! Laging tandaan: “Bata n’yo ‘ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com) |
Wednesday, November 2, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment