May hangganan! | |
Tamang magkaroon ng katapusan ang mga alegasyon ng dayaan noong 2004 at 2007 elections upang hindi na maulit ang ganitong kahindik-hindik at karima-rimarim na mga pangyayari, maliban kung takot ang oposisyon na “mabocobo”, sampu ng mga kasapakat sa switching kaya’t kinokontra ito? Ika nga ng mga kurimaw, kung may simula, dapat may ending!
Walang basehan ang pahayag ng mga “ex-palakpak boys” na panlilito ang pakay ng pagkabuhay sa isyu matapos maglabasan ang mga taong sinasabing merong nalalaman sa umano’y dayaan.
Sa paglabas ng mga taong ito, umaasa ang publiko na magkakaroon ng masusing imbestigasyon at maisulong ang mga kaso laban sa mga responsable ng dayaan.
Anyway, isang magandang hakbang ang pagkakahirang kay ex-Supreme Court (SC) Justice Conchita Carpio-Morales bilang Ombudsman upang maibalik ang integridad ngayong nagsimulang “kumanta” ang ilang kinasangkapan sa dayaan noong 2004 national elections.
Umaasa ang publiko na maipapatupad ni Morales ang kailangang reporma sa anti-graft body matapos masira sa nagdaang administrasyon.
Tama ang desisyon ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino na maging kapareha ng kanyang kampanya laban sa katiwalian si Morales. Take note: Hindi tayo dapat magpalito sa black propaganda na tanging si Mrs. Arroyo lamang at dating mga opisyal nito ang target ng pagkakatalaga kay Morales.
Malinaw naman na inilagay si Carpio-Morales sa pinakamataas na posisyon sa Office of the Ombudsman dahil kaya nitong maghasik ng sindak sa mga lumalabag sa batas at makakuha ng respeto at suporta sa mga tao sa loob ng anti-graft body.
***
Tumpak ang obserbasyon ni Miguel Varela -- kilalang lider-negosyante at corporate lawyer practitioner na tatabo nang husto ang administrasyong Aquino sa usapin ng ekonomiya dahil sa inilatag na mga reporma at pagkakabalik ng tiwala ng publiko sa pamahalaan.
Walang progreso na mangyayari kung hindi nagtitiwala ang mga tao sa mga lider at mapalad tayong naibalik ni PNoy ang nawalang integridad ng gobyerno.
Dahil sa matinding political will at paulit-ulit na maigting na panawagan ni PNoy sa matinong pamumuno, handang-handa na ang mga ahensiya ng pamahalaan na sumulong.
Walang duda, inaasahan ang pagpasok ng mga negosyante sa bansa para mamuhunan bilang resulta ng kanilang mataas na pagtitiwala sa maayos na pamamalakad ng administrasyong Aquino at inaasahan ng publiko na magsusulong ang Kongreso ng mga mahahalagang panukalang batas na magpapabilis sa progreso ng bansa.
Naging presidente at chairman si Varela ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o pinakamalaking organisasyon ng mga negosyante sa bansa at naglingkod ding presidente ng Employers Confederation of the Philippines o pinakamalaking asosasyon ng employers sa Pilipinas.
Hindi lang ‘yan, kapuri-puri ang posisyon ni PNoy kontra sa pagpasa ng Kongreso ng bagong batas sa pagbubuwis dahil siguradong mahihirapan dito ang ordinaryong mga tao.
Para magkaroon ng pondo, nanawagan ang MalacaƱang sa mga tao na suportahan ang pinaigting na kampanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagbabayad ng tamang buwis para makalikom ng salapi na magagamit sa iba’t ibang mga proyekto na pakikinabangan ng mga Pilipino.
Tama ang apela ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. sa mga propesyunal na magdeklara ng kanilang tamang kita. Dahil sa tiwala ng publiko sa pamahalaan, naniniwala akong tatalima ang publiko sa naging panawagan.
Sa datos ng BIR, merong 1.7 milyong self-employed at professional taxpayers na kinabibilangan ng mga abogado, doktor at mga negosyante at iba pa na nakapagbayad ng 9.8 bilyon noong 2010.
Ipinapakita ng datos na nagbayad ang bawat isa sa mga ito ng average na P5,783 bilang kanilang income taxes at kung mapapatunayan, lumalabas na kumikita lamang sila ng buwanang P8,500.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy nyo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment