Hindi ba’t kapuri-puri ang muling pagtiyak ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa malaking suporta ng pamahalaan para sa mga kasapi ng kapulisan at militar upang tugunan ang kanilang pangangailangan sa modernong kagamitan at mga baril para lalo nilang magampanan ang kanilang trabaho?
Tama ang pahayag ni PNoy na maglaan ng puhunan sa pagkakaloob sa ating awtoridad ng kanilang pangangailangan mula sa barkong pandigma hanggang helicopters at modernong mga armas -- ito’y isang malaking “good news”, hindi lamang sa liderato ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) bagkus sa sambayanan.
Bilang patunay sa malaking suporta ni PNoy sa AFP ang Hamilton Class Cutter mula Estados Unidos. Sa pagdating ng bagong barko, siguradong bubuti ang kakayahan ng bansa para bantayan ang ating teritoryo sa katubigan.
Magkakaroon din ng “capability upgrades at modernization” ng kagamitan ang PNP at AFP katulad ng pagdating ng bagong choppers, patrol craft, at mga armas na bahagi rin ng pagkilala ng Pangulo sa malaking nagagawa ng mga pulis at sundalo sa pagtiyak ng kapayapaan.
Ibig sabihin, walang saysay ang mga teyoryang pinag-aaralan sa mga eskuwelahan kung mananatiling salat sa bagong kagamitan ang mga pulis at sundalo. Hindi naman pwedeng payabangan na lamang ng kuwento kapag nagkasalubong sa daan ng mga taong-gobyerno ang masasamang elemento.
***
Napag-usapan ang good news, gagamitin ng pamahalaan ang “bio-engineering solution” upang labanan ang pagbaha at paguho ng lupa -- ito’y gawa sa balat ng niyog. Sa simpleng explanation, binubuhay ang natural na fiber na napipiga sa balat ng niyog na tinatawag na “coir” para mabawasan ang pagbaha at pagguho ng lupa sa daanan ng mga tubig sa Metro Manila.
Sa ilalim ng programa ng Department of Public Works and Highways (DPWH), gagamitin ang bio-engineering solution para makapiga ng “coconut coir fiber” para sa rehabilitasyon ng mga nagbabarang mga estero sa Metro Manila sa halip na gumamit ng konkretong istruktura sa creeks at iba pang daluyan ng tubig.
Mismong si DPWH Secretary Rogelio Singson ang nagpapatunay na maganda ang epekto ng coconut sa paglinya ng creekside dahil may kakayahan itong humigop ng tubig para makatulong kontra sa pagbaha. Kung “walang himala” ang sigaw ni Nora Aunor, merong hiwagang bumabalot sa bawat hibla at balat ng niyog.
Sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at civic organizations, nangunguna ang DPWH South Manila District Engineering Office sa rehabilitasyon ng Estero de Paco gamit ang coconut laban sa pagguho ng lupa, slope protection/stabilization, embankment at shore protection.
Bahagi ang Estero de Paco Rehabilitation Project na bumabaybay mula Pedro Gil patungong Pasig River ng kampanya ng pamahalaan laban sa pagbaha. Take note: makakalikha ng panibagong oportunidad at kita sa hanay ng mga magniniyog ang bagong tuklas ng gobyerno dahil hindi masasayang ang balat ng niyog.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment