Karapatan ng mga bata! | |
Hindi ba’t kapuri-puri ang paglalabas ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ng Executive Order No. 53 na naglalayong palakasin ang inisyatiba ng pamahalaan na protektahan ang mga bata laban sa paglabag sa kanilang karapatan at iba pang pang-aabuso?
Sa pamamagitan ng EO 53, siguradong mapapatibay ang kampanya ng gobyerno na protektahan ang kalagayan ng mga bata at mapabuti ang pagkakaloob ng legal na tulong sa mga biktima.
Inamyendahan ang Executive Order (EO) No. 275 na inilabas noong 1995 na lumikha sa Committee for the Special Protection of Children (CSPC), malinaw ang malaking pagpapahalaga ni PNoy sa implementasyon ng batas na susi para protektahan ang mga bata.
Sa ilalim ng bagong EO, inorganisa ni PNoy ang CSPC, isang inter-agency body na nagpapatupad ng Republic Act (RA) No. 7610 o Anti-Child Abuse Act at iba pang polisiya ng pamahalaan para kilalanin ang karapatan at kagalingan ng mga bata. Inatasan din ang CSPC na tulungan ang mga batang kabilang sa indigenous people, Muslim, at iba pang naiipit sa armadong labanan.
Nais lamang ni PNoy na bantayang mabuti ng CSPC ang imbestigasyon at prosekusyon ng mga kaso na kinabibilangan ng Anti-Child Abuse Act at iba pang child-related criminal laws -- ito’y magandang balita lalo pa’t tinitiyak ng Punong Ehekutibo ang direktiba para sa legal na proteksiyon ng mga bata na siyang biktima ng pang-aabusong pisikal, sekswal, trafficking, prostitusyon, child labor, kapabayaan at exploitation.
***
Napag-usapan ang pag-aruga ng gobyerno, maganda ang ipinapakitang pagtugon ni PNoy sa kampanya laban sa dengue sa pamamagitan ng panawagan nito sa local government units (LGUs) na tulungang ikalat ang “dengue traps”, kalakip ang hangaring mapababa ang bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa.
Isang positibong balita sa interes ng publiko ang walang humpay na pagpapaalala sa LGUs at komunidad na kumuha ng dengue traps o Mosquito Ovicidal/Larvicidal trap o OL Trap sa Department of Science and Technology (DOST). Hindi ba’t nakakabilib ang nadiskubreng napakamurang dengue trap ng DOST?
Nakaraang Pebrero 19, sinimulan ng DOST at Department of Health (DOH) ang pamimigay sa buong bansa ng OL Trap sa Balyuan Convention Center sa Tacloban City para mapababa ang bilang ng mga tinamaan ng dengue sa bansa. Layunin ng OL Trap na mapababa ang bilang ng “dengue-carrying female Aedes aegypti” na lamok sa pamamagitan ng paghalina sa mga ito na magpunta sa kit at mapuksa ang kanilang mga itlog.
Kaya’t tama ang Malacañang sa pagsasabing malaki ang papel ng LGUs sa pagpapakalat ng bagong teknolohiya kontra lamok na namemerwisyo ngayon nang husto.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment