Friday, July 1, 2011

Ang inyong reklamador!
REY MARFIL

Ni sa panaginip, ayokong isiping nagka-amnesia ang isang dating top official, aba’y binabatikos si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa mga krisis na nararanasan ng Pilipinas gayong nagsimula ang lahat ng problema sa panahong nagrereyna at nagsasabwatan ang mga alagaing kawatan.

Hindi lang walang basehan kundi napakalaking kasinungalingan ang tirada ni ex-official.

Mabuti na lang, hindi humaba ang ilong at pumantay sa kanyang sukat.

Take note: Si ex-official ang malaking rason ng sandamukal na hinagpis at paghihirap ng maraming mga Filipino nga­yon, as in tama si Technical Education and Skills Deve­lopment Authority (TESDA) Director General Joel Villanueva sa pagsasalarawan na “Nothing Left at Home” matapos ang siyam na taon.

Ang nakakalungkot, habang nagsisikap si PNoy na maibigay sa publiko ang kanilang pangangailangan, umek­sena si ex-official para maghasik ng intriga mula sa mga basurang kanyang ikinalat sa loob ng 9-taong pa­nunungkulan. Hindi ba’t iniwan ng nakaraang administrasyon ang masamang imahe, masamang gawi sa sistema at bangkaroteng pamahalaan?

Kung meron mang nakikitang kabagalan si ex-official, sampu ng mga inarkilang attack dogs, ito’y dahil sa pagi­ging abala ng administrasyong Aquino sa paglilinis ng mga kalat at dumi na kanilang iniwanan habang ginagawa ang tungkulin na paglingkuran ang publiko.

Lumabas ang mukha ng maruming pamumulitika ni ex-official lalo’t walang positibong sinabi sa magandang balitang hatid ng upgrading ng Fitch Ratings, Standard and Poor at Moody’s Investors Service sa credit rating ng bansa na nag-ugat sa magandang klima ng pamumuhunan at pagbaba rin ngayon ng unemployment rate -- ito ba’y nagawa o nangyari sa nagdaang 9-taon?

Nakakalungkot lamang na humirit si ex-official ng walang basehang batikos kay PNoy habang maraming Pi­lipino ang naaapektuhan ng matinding pagbaha, lalung-lalo na sa Mindanao, maging sariling lalawigan nito.

Kesa sayangin ni ex-official ang laway sa walang kapararakang salita, mas makakabuting maging handa sa pagharap sa mga kontrobersya na kanyang kinasasangkutan sa ngalan ng accountability.

Kung hindi takot sumagot, bakit isang linggong pinaghahandaan ang tanong sa press conference, kabalikataran kay PNoy na walang ina­atrasan, saan mang event maharang ng media.

***

Napag-uusapan ang mga reklamador, mismong si Maguindanao at Cotabato City Rep. Bai Sandra Sema ang nagsabing agarang tumugon si PNoy para tulungan ang binahang Cotabato City at Maguindanao, kabaliktaran sa gustong palabasin ng isang local official.

Nakakalungkot na merong local official, katulad ng isang mayor na pinulitika ang pagtulong ng pamahalaan sa panahong mayroong matinding panawagan sa pagkakaisa para saklolohan ang ating mga kababayan sa Mindanao.

Ika nga ni Mang Gusting, mas makakatulong si ma­yor kung titigilan ang pagngangakngak dahil nakakadagdag lamang sa baha ang kanyang laway lalo pa’t walang katotohanang hindi tumulong ang pamahalaan sa pagkakaloob ng ayuda sa Cotabato.

Kung tutuusin, hindi ba’t nakakahiya ang magreklamo na walang dinalang relief goods si PNoy kahit kitang-kita ang pamimigay ng tulong matapos personal nitong bisitahin ang lugar, maliban kung may diperensya sa mata si mayor?

Sa lugar pa lamang ng nagrereklamong alkalde, nagbigay kaagad ang DSWD ng P7,799,260 halaga ng relief goods sa apektadong mga residente kaya nakakapagtaka ang mga tirada ng opisyal.

Pinabuksan din ng Department of Education (DepEd) ang mga eskwelahan para lumuwag ang iba’t ibang evacua­tion centers habang ipinamahagi rin ang donasyong mga damit, mats at pagkain.

Sa mga wala naman sa evacua­tion centers, ipinamahagi ng Civil Society Organizations (CSOs) sa ilalim ng tanggapan ni Cotabato City Vice Mayor Muslimin Sema ang relief goods.

Iniulat din ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na nakapagbigay ang Department of Health (DOH) ng P70,000 halaga ng gamot.

Ibig sabihin, mala-Claro M. Recto sa linaw ang pagtugon ni PNoy sa tawag ng pangangailangan sa Mindanao.

Pagkakaisa at hindi ang pagiging bida sa sarili ang dapat na maghari sa panahon ng natural na mga kalamidad.

Mala­king kasalanan ang ginawa ni mayor sa kanyang constituents dahil sa kanyang pamumulitika.

Laging tandaan: “Bata niyo ako at Ako ang Spy niyo.” (mgakurimaw.blogspot.com).

Wednesday, June 29, 2011

Credit ratings
REY MARFIL

Dahil sa matalinong paggugol ng pondo ng administras­yong Aquino, muling gumanda ang “credit rating” ng Pilipinas -- ito’y nang itaas ng Moody’s Investors Service, mula BA3 naging BA2 table outlook, isang patunay kung gaano kaseryoso ang gobyerno para ibalik ang tiwala ng international community.

Ang pag-angat ng “credit ratings”, nangangahulugang magkakaroon ng mas malawak na oportunidad ang bansa na makapangutang at asahan ang mababang interes. Bagama’t masakit sa bulsa ang mangutang, ito’y isang paraan upang mapondohan ang mga programa ng pamahalaan at walang choice ang isang bansang mahirap, katulad ng Pilipinas kundi mangutang.

Mas nakakahiya kung walang nagtitiwala at nagpapautang. Ibig sabihin, may kakayahan ang Pilipinas, sa ilalim ng administrasyong Aquino na mangutang at marunong magba­yad kaya’t masasabing good news ang pag-angat sa cre­dit ra­tings ng bansa.

Nakikita ang positibong pagtugon ng economic agenda, repormang pinansiyal at liderato ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa pandaigdigang merkado at inaasahan na­ting magpapatuloy ito. Sa palengke lang, paano ka pauuta­ngin ng Bombay kung walang makitang pwesto, as in kakayahan ang batayan sa credit ratings.

***

Sa halip batikusin, bakit hindi bigyan ng pagkakataon at irespeto ang pagtalaga ni PNoy kay Executive Sec. Paquito ‘Jojo’ Ochoa bilang pinuno ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Sa tagal ng kanilang pinagsamahan, alam ni PNoy ang kakayahan ni Ochoa na epektibong gawin ang karagdagang tungkulin bilang chairman ng PAOCC sa kabila ng kanyang iba pang mga obligasyon.

Dahil sa malaking tiwala sa kanya ni Pangulong Aquino, kayang-kaya ni Ochoa na mahawakan ang PAOCC nang maayos habang nagsisilbi rin bilang exe­cutive secretary.

Napakasimple ng trabaho, aayusin lamang naman ang mga bagay-bagay sa isasagawang reorganisasyon kung saan tutulungan si Ochoa ng iba pang mga opisyal sa Office of the President (OP).

Kabilang sa mga miyembro ng PAOCC ang mga kalihim ng Departments of Interior and Local Government, Justice, National Defense at Foreign Affairs at mga pinuno ng National Security Council, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, National Intelligence Coordination Agency, National Bureau of Investigation at Philippine Center for Transnational Crime (PCTC).

***

Anyway maganda ang ginagawang regular na pagtiyak ng Malacañang sa kaligtasan ng publiko kung saan lumalabas na hilaw at hindi kumpirmado ang napabalitang intelligence reports kaugnay sa posibleng atakeng terorismo sa Manila.

Ipinapakita lamang ng intelligence report kaugnay sa pagbomba noong nakalipas na Hunyo 12 na isa lamang ito sa mga regular na walang basehang mga pagbabanta na natatanggap ng pamahalaan.

Matapos ang berepikasyon, lumabas na walang katotoha­nan ang intelligence reports na nagpadala ang isang mataas na Asian terror suspect at notoryus na Abu Sayyaf para bombahin ang Manila sa paggunita ng bansa sa ika-113th Independence Day noong nakalipas na Hunyo 12.

Ngunit sa dulo, higit na importante na hindi natutulog ang ating kinauukulan katulad ng ipinapakita ng administras­yong Aquino na nanatiling masigasig at aktibo sa pagpigil sa mga banta ng karahasan sa bansa.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy nyo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, June 27, 2011

‘Di makapaniwala!
REY MARFIL

Lahat ng kaparaanan ay ginagawa ng administrasyong Aquino para tulungan ang problemadong overseas Fi­lipino workers (OFWs).

Sa katunayan, responsible ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Fo­reign Affairs sa pagpapalaya kay Engr. Ramon de Castro, isang Pinoy engineer, na dinukot ng mga rebelde sa Yemen noong Abril 18.

Naharap sa iba’t ibang matitinding mga pagsubok ang pamahalaan para mapalaya si De Castro dahil sa kawalan na rin ng Philippine Embassy sa Yemen na binabayo ngayon ng krisis pulitikal kung saan 1,600 OFWs ang nandoon, as in matinding trabaho ang ginawa ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia para mapalaya si De Castro.

Tama si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino na kailangang lumikha ng maraming trabaho bilang pangmatagalang solusyon sa pakikipagsapalaran ng ating mga kababayan sa ibang bansa sa kabila ng kinakaharap na mga peligro.

***

Magandang mensahe ang pakikisalo ng hapunan ni PNoy sa ordinaryong mga tao sa paggunita ng ika-113 taong anibersaryo ng Philippine Independence Day. Nakakatuwang makita na naglaan ng oras ang pinakaabala at pinakamakapangyarihang tao sa bansa sa hanay ng 300 guro, nurse, estudyante at benepisyonaryo ng conditional cash transfer (CCT) na programa ng pamahalaan.

Sa kaalaman ng publiko, inikot ni PNoy ang bawat lamesa para makipagkamay at nagpakuha ng larawan bago pinagsaluhan ang pancit guisado, crab relyeno, kare-kare, manok, barbeque, sariwang lumpia, lechon at leche flan.

Kaya’t hindi maitago ni Ana Asma, 39-anyos na magulang at CCT beneficiary sa Baseco, Maynila ang ma­tinding kasiyahan matapos malasap ang pribilehiyong makasama sa isang hapunan ang Pangulo.

Maging si Donabelle Lucena, isang nurse sa ilalim ng RN Heals (Registered Nurses for Health Enhancement And Local Service) ng pamahalaan, hindi makapaniwala nang makita at makasama si PNoy sa isang hapunan, isang patunay kung paano pinahahalagahan at pinagsisilbihan ng Pangulo ang “Boss” nito.

***

Napag-uusapan ang pagkakaisa, makatwirang suportahan si PNoy sa kanyang deklarasyon na maging malaya ang bansa sa katiwalian, at kahirapan kung saan naghahari ang pagkakapantay-pantay, kalayaan at dignidad bilang bagong kabanata ng Pilipinas.

Hindi matatawaran ang sinseridad ni PNoy na tiyakin ang magandang kinabukasan ng sambayanang Filipino sa ilalim ng kanyang liderato na nagsusulong ng “transparency at accountability”.

Kaya’t mapalad ang mga Pi­lipino sa pagkakaroon ng Pangulo sa katauhan ni PNoy na todo kayod para labanan ang katiwalian, kahirapan at iba pang mga problema sa bansa na naging institusyon sa nagdaang panahon.

Mutain lang ang hindi makakita kung paano isinusulong ni PNoy ang mga reporma para matiyak na bababa ang serbisyo publiko, partikular sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Take note: Ilan lamang sa reporma ang suspensyon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections, pabahay sa Bulacan para sa mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Laging tandaan: “Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)



Friday, June 24, 2011

Bawas-tambay!
REY MARFIL

Muling ipinakita ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang magandang pagkilala sa hindi matatawarang kontribusyon ng mga marino sa bansa nang ideklarang “special day” ang June 25 ng bawat taon, isang pagpupugay sa mga marino o seafarers.

Katulad ng anumang grupo ng overseas Filipino workers (OFWs), batid ni PNoy ang malaking naitutulong ng mga marino para isulong ang kaunlaran ng bansa. Inilabas ni PNoy ang Proclamation No. 183 na nagbibigay respesto, pagkilala at pasasalamat sa mga marino na tinaguriang “sailing ambassadors” dahil sa pagpapa­kita ng husay at galing ng mga Pilipino sa buong mundo.

Ang request ng PNoy sa lahat ng konektadong maritime agencies, kabilang ang government-owned and controlled corporations (GOCCs), maging pribadong indibidwal at organisasyon na lumahok sa matagumpay na pagdiriwang ng araw ng mga marino.

***

Hindi ba’t nakakatuwang marinig ang resulta ng 2011 Labor Force Survey ng National Statistics Office (NSO), malinaw ang ebidensiya -- bumaba ang antas ng kawalan ng trabaho sa bansa, as in nadagdagan ang trabaho.

Tanging mga “buraot” ang hindi matutuwa sa balitang nabawasan ang tambay sa kanto, aba’y mula 8.0%, naibaba sa 7.2% sa pagitan ng Abril 2010 hanggang Abril 2011, maliban kung sadyang puro inggit ang namumutawi sa puso at isipan ng mga kritiko ni PNoy, sampu ng mga nagkukunyaring henyo gayong pinabili lamang ng suka sa kanto?

Sa April 2011 Labor Force Survey, umangat ang employment rate, ito’y naging 92.8% mula sa 92% noong Abril 2010. Malinaw na ipinapakita nitong survey ang patuloy na pagsusumikap ng administrasyong Aquino na gawin ang pagtulong sa mga Pilipino, gaano man kali­mitado ang resources ng gobyerno dahil sa mga walang pakundangang pag-abuso ng pondo sa nagdaang panahon.

Ang pagbaba ng antas ng walang trabaho, ito’y epek­to ng pinagsamang pagsusumikap ng iba’t ibang sektor sa pamahalaan, pribadong grupo at publiko. Ibig sabihin, patuloy tayong tumulong sa pamahalaan sa pagbibigay ng positibong pananaw at pag-asa sa mga tao kung saan hindi tumitigil ang gobyerno sa paghimok sa mga mamumuhunan na maglagak ng kapital sa merkado.

Tayo’y positibong makakamtan ng administrasyong Aquino ang pinupuntiryang mas magandang Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng negosyo at iba pang magandang mga balita hindi lamang sa lumiliit na bilang ng walang trabaho kundi maging sa pinagagandang edukasyon at serbisyong kalusugan sa pamamagitan ng conditional cash transfer na mga programa.

***

Anyway, malaki ang tsansa ng Puerto Princesa Underground River (PPUR) na mapabilang sa New 7 Wonders of Natures kung magkakaisa ang 80 milyon Pilipinong cellular phone subscribers.

Kesa sayangin ang load sa panloloko, maaari pang makaboto sa www.new7wondersofnature o i-type ang PPUR15 sa cellular phone at ipadala sa 2861 hanggang Nobyembre 10, 2011.

Laging tandaan: “Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, June 22, 2011

Magandang balita para sa mga magsasaka ng tabako ang desisyon ng World Trade Organization (WTO) na pumabor sa Pilipinas kaugnay sa isinampa nitong “cigarette export case” laban sa Thailand -- ito’y pagkilos ng administrasyong Aquino para protektahan ang mga magsasakang Pinoy.

Magiging parehas ang bentahan sa merkado ng dala­wang bansa at makikinabang ang mga magsasaka ng tabako sa Pilipinas. Nag-ugat ang kaso sa alegasyon ng Pilipinas na merong ginagawang hindi parehas na transaksyon sa benta­han ng tabako na naging dahilan upang hilingin ng Pilipinas ang isang konsultasyon sa WTO laban sa Thailand.

Ang reklamo ng pamahalaang Pilipinas -- maraming umiiral na alituntunin sa Thailand ang nakakaapekto sa pagbebenta ng sigarilyo mula sa bansa, katulad ang ipinapataw na customs valuation, excise tax, health tax, TV tax, value added tax (VAT) regime, retail licensing requirements at import guarantees sa cigarette importers na lumalabag sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) 1994.

Ilan sa sinita ng Pilipinas ang dual license requirement sa Thailand na nag-oobliga sa tobacco at cigarette retailers na kumuha ng dalawang lisensya sa pagbebenta ng domestic at imported cigarettes na kontra rin sa GATT 1994.

Hindi lang ‘yan, kontra din sa GATT 1994 ang ad valorem excise tax, health tax at TV tax sa imported at domestic cigarettes ng Thailand. Dahil dito, inatasan ng WTO ang Thailand na baguhin ang mga patakaran na lihis at hindi akma sa GATT 1994.

***

Sakto ang kahilingan ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa sambayanang Filipino na tularan ang kabayanihan at kadakilaan ni Dr. Jose Rizal matapos ang kanyang talumpati sa nakalipas na paggunita ng ika-150 taong kapa­nganakan ng pambansang bayani noong Linggo.

Dapat samahan ng publiko si PNoy sa pagpapakita ng magandang halimbawa na ginawa noon ni Rizal sa kanyang panahon, as in piniling gawin ang tamang bagay.

Take note: Nagbigay-daan sa kalayaan ng Pilipinas ang mga sakripisyo ni Rizal na ating tinatamasa ngayon para ituwid ang mga kawalan ng hustisya sa halip na gamitin ang kanyang kayaman at edukasyon para magkamal ng maraming salapi at pakasalan ang babaing iniibig nito.

Ibig sabihin, marapat lamang suportahan ang panawagan ni PNoy para sa ikabubuti ng susunod na mga henerasyon lalo’t hindi malayo sa hinaharap ni Rizal ang mga suliranin ng bansa sa ngayon.

***

Anyway, dapat lamang maging positibo ang tugon ng alumni ng Ateneo Law School sa hamon ni PNoy na makiisa laban sa kultura ng “just-tiis”, sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang sinumpaang trabaho na kilalanin ang batas sa lahat ng pagkakataon.

Makatwirang isulong ang prinsipyo ng “abogado para sa iba” na sinimulan ni founder at dean emeritus Fr. Joaquin G. Bernas, S.J.

Wala tayo nakikitang magandang rason para hindi umayon, hindi lamang ang alumni ng Ateneo Law School kundi maging ang lahat ng mga abogado sa bansa sa pa­nawagan ng Pangulo na magsilbi sa ngalan ng hustisya, partikular sa pagkakaloob ng legal na ayuda sa mga mahihirap.

Hindi mahirap ang hinihingi ni PNoy lalo pa’t isinusulong ng kanyang administrasyon ang mga reporma na magkakaloob ng parehas na hustisya para sa mga Pilipino.

At dapat din papurihan rin si PNoy sa karagdagang pondo ng Department of Justice (DOJ) para sa suweldo ng mga kawani, alinsunod sa salary standardization law.

Bilang bahagi ng reporma, patuloy na binabantayan ni PNoy ang mga ilegal na aktibidades sa lahat ng sangay ng pamahalaan, partikular sa Bureau of Correction (BuCor) at Office of the Ombudsman.

Laging tandaan: “Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Buhayin si Rizal
REY MARFIL

Monday, June 20, 2011

No preview?
Rey Marfil

Whatever you make the noise of the critics, tens of groups not able to move on to the results of the 2010 national elections, not maitatangging beautiful focus of President Benigno "Aquino Aquino III plans to be" self-sufficient "the country, particularly so-called "renewable energy" that can heavily on ordinary people as cheap and not damaging the environment?

Last week, PHL formally launched the National Renewable Energy Program (NREP) aimed solusyunan mounting and inadequate electricity supply especially in remote areas in the country.Purpose of NREP to plan effectively finding and using renewable energy.

Expected to make a real program to advance the development of renewable energy grew offered the low cost of electricity - this is particularly long term solution so that you only importer of oil and fuel the Philippines - a reason why no control over the government to increase fuel.

Not only that, should cease to intrigue kuwestyonableng alleged support to the Philippines by the United States (U.S.) related to increasing tensions Spratly Group of Islands - it is also related to possible hidden oil in the disputed islands.Neither of the dream, I do not think using the issue to create chaos and push the vested interests of groups can benefit from it.

Important that we give more attention to the clarification of U.S. Ambassador to the United States Harry Thomas full support in the Philippines in its claim to the West Philippine Sea, as in more important now to show we are unanimous in promoting interest in islands by peaceful solution.

***

Speaking of government action, is not exemplary PHL request to allow live media coverage have on the trial of massacre?Take note: I enjoyed the open eyes and minds of the justices of the Supreme Court and granted the request of the majority.

Showing deep desire PHL immediate resolve the tragic massacre be brought to justice for the deceased and relatives of it.In support of Malacañang live media coverage, prominent PHL promotes transparency and adherence to the family of the victim having a hard time with their fares to get to trial only in Metro Manila.

An exemplary immediate command of SC Department of Interior and Local Government to investigate the killing of a Bicol-based anchorman - Ramon Olea.The SC's directive, apprehend and hold the perpetrators, regardless of position or status in its lifetime.

Malacañang seriously condemn the union for all types of threats, even freedom of expression, as in the Aquino administration is doing everything to immediately arrest the suspects and bring them to justice and end the culture of violence against mediamen.

Always remember : "Children do and I am Niyo Niyo Spy." (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, June 17, 2011

Walang FMD!
REY MARFIL

Malinaw ang pagtutol ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ III Aquino sa panukalang magbibigay-daan sa legalisasyon ng diborsyo kahit pa isinusulong ang Reproductive Health (RH) bill kaya’t walang dapat ipag-alburoto ang ilang sektor. Ka­tulad ng Punong Ehekutibo, naniniwala ang inyong lingkod na dapat magtulungan ang lahat para maisalba ang bawat pamilyang Pilipino.

Dapat pakinggan ang panawagan ni PNoy na ilaan ang oras sa diskusyon ng mga mahahalagang panukalang batas na naglalayong paunlarin ang ekonomiya ng bansa.

Tama ang Pangulo sa pagsasabing dapat atupagin ang mga bagay na makakalikha ng trabaho, pagsusulong ng mga reporma sa edukasyon, kalusugan at hudikatura sa halip na ubusin ang panahon sa pagdedebate sa legalisasyon ng diborsyo.

Ipinapakita ni PNoy kung gaano kahalaga na manatiling buo at isa ang bawat pamilya, lalung-lalo na para sa kaga­lingan at interes ng mga anak.

Bagama’t hindi sinusuportahan ang pagpasa ng diborsyo, nakikita naman ng Pangulo ang kahalagahan na mapag-usapan ito, alinsunod sa kanyang naging posisyon noong nakalipas na 2010 presidential elections.

***

Hindi ba’t kapuri-puri ang masigasig na pagsisikap ng administrasyong Aquino na maging libre ang Pilipinas sa delikadong Foot and Mouth Disease (FMD), maliban kung “kaning-baboy” ang tingin ng kritiko sa good news at walang ibang magaling kundi ang dating amo na eksperto sa “pagbahog” kapag merong nag-iingay na sektor?

Sa kaalaman ng publiko, binigyan ng World Organization for Animal Health o Office International des Epizooties (OIE) ang Pilipinas ng sertipikasyon bilang FMD-free zone. Ibig sabihin, ito’y karagdagang trabaho at pamumuhunan dahil inaasahang lalaki ang lokal at banyagang pangangaila­ngan sa produksyon ng mga karne mula sa Pilipinas.

Sa ilalim ng sertipikasyon ng OIE, pinapayagan ang Pilipinas na magdala ng mga produkto sa iba’t ibang bansa. Kahit mutain, makikitang malaki ang pakinabang ng mga Pilipino dito at dapat magsilbing inspirasyon para makilala ang Pi­lipinas sa buong mundo sa larangan ng importasyon ng karne.

***

Napag-uusapan ang suporta, responsibilidad ng bawat Pilipino na samahan si PNoy sa kanyang panawagang bumoto para mahirang ang Puerto Princesa Underground Ri­ver (PPUR) na isa sa finalists sa pandaigdigang pananaliksik ng “New 7 Wonders of Nature” kesa sayangin ang load sa “jejemon text” at panloloko ng kapwa.

Kapuri-puri ang panawagan ng PNoy para sa agresibong pagboto ng mga nasa lokal at pambansang pamahalaan, mga estudyante, overseas Filipino workers (OFWs), at iba pa, sa pamamagitan ng internet at short messaging system (SMS) o text.

Tama si PNoy sa pagsasabing malaki ang tsansa ng PPUR na mapabilang sa New 7 Wonders of Natures kung laging boboto ang lahat ng 80 milyong Filipino na mayroong cellular phone, nangangahulugang uunlad ang turismo sa bansa na inaasahang lilikha ng karagdagang trabaho para sa mga Pilipino.

Isang subterranean river ang Puerto Princesa Underground River na may habang 8.2 kilometro at umaagos sa ilalim ng nabuong stalactites at stalagmites formation. Tinalo ng Puerto

Princesa Underground River ang 440 iba pang mga kalahok sa buong mundo at kabilang sa 28 finalists para sa “New 7 Wonders of Nature Campaign”.

Sa mga hindi pa nakapag-text at sobra-sobra ang load, maaaring makaboto sa www.new7wondersofnature o i-type ang PPUR15 sa cellular phone at ipinadala sa 2861.

Take note: Hanggang Nobyembre 10, 2011 puwedeng bumoto at kinabukasan (Nobyembre 11) iaanunsyo ang mana­nalo.

La­ging tandaan: “Bata niyo ako at Ako ang Spy niyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)