Monday, February 15, 2016

Walang duda! REY MARFIL



Walang duda!
REY MARFIL

Hindi naman nakakapagtaka ang bumuting estado ng Pilipinas sa 2016 Economic Freedom Index dahil sa matuwid at malinis na pamamahala ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino.
Mula sa ika-76th na posisyon, nasa ika-70th na puwesto na ang Pilipinas dahil sa maayos na gobyerno na nagresulta sa magandang ekonomiya.
Nakuha kasi ng bansa ang 63.1 ng posibleng 100 puntos na mas mataas kumpara sa dating 62.2 puntos sa pinakahuling index. 
Ito na ang pinakamataas na puntos na nakuha ng Pilipinas sapul nang magsimula ang Economic Freedom Index noong 1995. Ika nga ni Gus Abelgus, “hindi nagsisinungaling ang ebidensiya” at walang dudang iginiya ni PNoy ang mga Pilipino sa tamang direkskyon.
Sa loob ng halos anim na taong panunungkulan ni PNoy bumuti na ang posisyon ng bansa sa index dahil na rin sa pagsugpo sa katiwalian kung saan nakapagtala ng anim na puntos na pagtaas sapul noong 2012.
Sa pinakahuling survey, kinilala ang Pilipinas na ika-14 sa hanay ng 42 mga bansa na malaya ang ekonomiya sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Bunsod ito ng maayos na pamamahala ni PNoy ng pampublikong pinansiyal na nagresulta sa progreso, kabaliktaran sa nagdaang siyam (9) taong namuno sa palasyo na pinalitan nito.
Kinilala rin ng index ang matatag na pag-angat ng ekonomiya ng bansa sa nakalipas na limang taon at unti-unting modernisasyon ng pinansiyal na sektor.
Nakita rin ng index ang pagkabawas ng problema sa red tape kung saan bumuti nang husto ang proseso sa pagkuha ng mga lisensiya.
Muling pinatunayan ni PNoy na magbubunga ng magandang ekonomiya ang malinis na pamamahala.
Positibo ang naging tugon ng merkado sa mga repormang inilatag ni PNoy kaya naman patuloy ang pagsulong ng bansa.
***
Inaasahan na natin na talagang maraming Pilipino ang mayroong positibong pananaw sa kalidad ng buhay at ekonomiya ng bansa dahil sa malinis na pamamahala ni PNoy.
Base ito sa Fourth Quarter 2015 Survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan nagkaroon ng positive ratings ang mga Pilipino sa tinatawag na personal optimism.
Naitala nito ang record high na personal optimism kung saan 45 porsiyentong adults ang nagsabing bubuti ang kalidad ng kanilang buhay habang limang porsiyento naman ang nagsabi ng kabaligtaran.
Mataas ito kumpara sa 38 porsiyentong optimism na naitala noong nakalipas na Setyembre at pinakamataas ang nasabing datos sa nakalipas na 28 taon.
Ganito rin naman ang magandang resulta sa optimism sa lagay ng ekonomiya kung saan naging 39 porsiyento mula sa dating 30 porsiyento ang nagsabing iigi ang kabuhayan sa bansa.
Bumababa naman sa walong porsiyento mula sa dating 12 porsiyento ang nagsabing hindi iigi ang lagay ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ikinokonsidera ang nasabing mga datos na pinakamagandang mga estadistika sa nakalipas na limang taon.
Sa nasabing survey, 31 porsiyento rin ang nagsabing bumuti ang lagay ng kanilang personal na kalidad ng buhay sa nakalipas na 12 months na mas mataas kumpara 29 porsiyento noong nakaraan.
Hindi naman talaga nakakapagtaka na maging positibo ang pananaw ng mga Pilipino sa lagay ng kanilang buhay at ekonomiya ng bansa dahil nagbubunga na ng positibo ang mga repormang ginagawa ni Pangulong Aquino sa ilalim ng kanyang daang matuwid.
Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”
(Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/feb1516/edit_spy.htm#.VsHEhfkrLIU

No comments: