Monday, August 31, 2009

august 31 2009 abante tonite

Senador, nang-agaw ng presscon
(Rey Marfil)

Mistulang asong nang-agaw ng buto ang isang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos makipag-unahan sa pagpapatawag ng press conference at media interview.


Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano umastang-asong nanggigil sa buto ang isang mestisu hing senador nang mang-agaw ng eksena at unahan sa press conference ang kalabang senador.

Bago ‘nakipagbalya han’ sa press conference ang mestisuhing senador, umaga pa lamang ay ipina-iskedyul na ng media relation officer (MRO) ng daldalerong senador ang pagsalang sa media interview, partikular sa Public Relation and Information Bureau (PRIB).

Dahil kilalang ‘the late senator’ ang daldalerong senador, inasahang aabutin ng siyam-siyam ang pagpapatawag nito ng press conference kung saan numero unong agenda ang isang mahalagang isyung dinesis yunan ng Ombudsman.

Pasado ala-una ng hapon, hindi pa rin dumarating ang daldalerong senador at atrasado sa ipinangakong oras ng kanyang MRO kaya’t nakarating sa kaalaman ng mestisuhing senador, sa pamamagitan ng hindi kagandang MRO nito.

Sa pagkakataong ito, nakaisip ng diskarte ang hindi kagandahang MRO ng mestisuhing senador upang makapagpapogi sa kanyang amo, lalo pa’t mortal enemy ang naka-iskedyul magpatawag ng press conference sa PIMRO.

Kaagad tinimbrehan ng hindi kagandahang MRO ang amo at nakiusap sa mga reporter na kung puwedeng isalang sa presscon ang senador habang hinihintay ang daldalerong senador.

Wala namang choice ang mga reporter kundi pagbigyan ang ‘special request’ na isalang sa press conference ang mestusihung senador, lalo pa’t nag-imbitang mag-night out kinagabihan ito.


Makaraan ang humigit-kumulang 30-minutong press conference, dumating ang daldalerong senador at muntik pang nagpang-abot kundi natimbrehan ng mga staff nito.

Clue: Parehong bumubula ang bibig ng dalawang senador at pareho ring mahilig magsalita sa mikropono, tanging pagkakaiba, binansagang Mulaway ang daldalerong senador habang napagkamalang bida sa pelikulang Halimaw sa Banga, as in tinanguriang “Matet” ang mestisuhing senador. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, August 28, 2009

aug 28 2009 abante

Misis ng presidentiable, napagkamalang tsimay

Kahit pagsuutin ng ginto at diamante sa katawan, hindi pa rin magmumukhang mamahalin ang misis ng isang ambisyosong presidentiable matapos mapagkamalang katulong ng mga bisita ng kanyang mister.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban nang madis kubreng napagkamalang katulong o tsimay ang misis ng presidentiable, dahil sa hindi kagandahang kasoutan nito.


Ang masakit, naganap ang lahat sa mismong bahay ng presidentiable kung saan nagawang utusang kumuha ng tubig ng mga bisita sa pag-aakalang katulong.


Bago na pag ka malang domes tic hel per o t simay, ipinatawag ng kan yang mis ter ang mga suppor ters sa kanilang bahay upang pag-usapan ang pulitika.


Dahil isa sa tinaguriang ‘the late politician’ at meron pang ibang ka-meeting ang ambisyosong presidentiable, ito’y na-late ng ilang minuto kaya misis nito ang nag-estima sa mga bisita.


Sa pag-aakalang katulong, inutusan ng isa sa mga bisita ang misis ng presidentiable na ikuha ng tubig sa refrigerator at mabilis nang umalis.


Pinagpawisan naman ang mga bisita nang dumating ang presidentiable at umupo sa kanilang lamesa sabay pakilala sa napagkamalang katulong bilang misis nito.


Pintahan n’yo na: Pera-pera ang formula ng presidentiable habang kasing-tunog ng eskandalong kinasasangkutan ng kanyang mister ang initial ni esmi.

Thursday, August 27, 2009

aug 27 2009 abante tonite

May ‘bagong nene’ si Secretary!
Rey Marfil


Kung bakit malaking katarantaduhan ang presidential survey-ito’y malinaw sa dalawang resulta ng Social Weather Station (SWS), may petsang June 19 hanggang June 22. Sa survey na kinomisyon ni XP Manny Villar (21%), siyempre No. 1 ang mister ni C-V, as in Cynthia Villar habang No. 2 si Erap (19%). Ang nakakatawa, naglabas ang SWS ng isa pang presidential survey sa kaparehong petsa at na nguna si Erap (21%) habang statistically tied o tabla sa 2nd place sina Chiz Escudero (18%) at Villar (19%).

Ang tanong ng mga kurimaw: Sino ang kinuhang respondents ni Mahar Ma ngahas, maliban kung tumi tingala lamang sa kalangitan at naghihintay ng pe rang babagsak kaya’t nakabuo ng konklusyong si Villar ang No.1?

Malinaw ang motibo sa presidential survey - ito’y ginagamit ng ilang presidentiable para i-kondisyon ang isipan ng publiko at walang ibang nakikinabang kundi may kakakayahang magba yad ng milyones sa rider question. Ang katotohanan, hindi survey ang nag luluklok sa isang pangulo kundi actual votes, huwag lang makabili ng computer hacker ang isa sa mga presidentiable lalo pa’t pera-pera ang diskarte nito.

Balikan ang kasaysayan, umubra ba ang pera ni Mon ching Mitra (1992), Danding Cojuangco (1992), at Joe De Venecia (1998), maliban kay Mrs. Arroyo dahil nasa poder noong 2004 at hindi puwedeng tanggihan ng mga he neral ang tawag sa telepono, maging ang pag-‘Hello’ kay Garcillano.
***
Sadyang walang kupas ang kamandag ng ali pores ni Mrs. Arroyo, sa katauhan ni Mr. Secretary, pinaka-latest ang pagka kabingwit sa isang maganda at artista hing kontratista. Pagkatapos maka-relasyon ang isang lady official na nagtulak sa nausyaming Charter Change (ChaCha), isang printing exe cutive ang ‘bagong laruan’ ni Lolo Popsie - ito ang kanyang ‘apple of the eye’ at malaking rason kung bakit ganadong magtrabaho at maagang pumapasok sa ‘exe cutive office’ si Mr. Secre tary.

Kaya’t hindi ipinagtataka ng mga kurimaw sa presidential garden kung nagpapa-bata ang gabinete, patunay ang pagpa-tattoo ng kilay upang hindi magmukhang nalipasan ng panahon, aba’y nakadale ng 30 years old!

Ang nakakasuka, labag sa aral ng simbahan ang gina gawa ng alipores ni Mrs. A­rroyo dahil parehong ‘may sabit’. Kundi nagkakamali ang Spy, meron asawa at dalawang anak ang artistahing printing executive na kinakolokohan ni Lolo Popsie. At ang pinakama laking kalokohan, lahat ng kontrata sa loob ng ahensyang kontrolado ng gabinete, ito’y napasakamay ng artistahing printing executive kahit bagito sa negosyo.

Mantakin n’yo, kakapiranggot ang kapital ng bebot, as in P60 libo lamang kahit P50 milyon ang security bond, ito’y nakakakuha ng multi-milyong proyekto sa gobyerno. Ganyan ka-mahal ni Lolo Popsie ang ‘bagong Nene’!


Hindi lang iyan, halos apo ni Lolo Popsie ang artis tahing printing executive at kapag ikinumpara ang kanilang edad, halos triple sa edad ng gabinete kaya’t bad trip ang mga anak ng opis yal dahil nagmumurang kamyas ang kanilang Daddy. Take note: Minsan nang nahuli ng kanyang ‘comman der-in-chief’ si Lolo Popsie sa mismong bahay ng da ting karelasyong lady official at kasama pang sumugod ang babaing anak.

Hindi lang iyan, nahuli din ni Lolo Popsie ang dating karelasyong lady offi cial na kinalantari ng isang ex-General kaya’t binantaang haharangin ang appointment hangga’t powerful sa Malacañang ito. Kung sino si Lolo Popsie, ito’y ipagtanong kay Malacañang Press Corps (MPC) President Paolo Romero. Anyway, mahusay ‘magpa-ligaya’ ang artistahing prin ting executive!(mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, August 26, 2009

aug 26 2009 abante tonite

Senador, ‘tinutulugan’ sa presscon
(Rey Marfil)

Taliwas sa kasabihang ‘pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy’, iba ang nangyari sa mahabang press confe rence ng isang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos makatulog ang mga reporters na nagko-cover dito.


Hindi maiwasang matawa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos makatulog sa press conference ng nakakalbong senador ang mga reporters sa Upper House dahil sobrang haba at paulit-ulit ang kuwento ng solon.

Kapag nagretiro sa pulitika, hindi mawawalan ng trabaho ang nakakalbong senador dahil napaka-‘gifted child’, as in puwedeng arkilahin ng mga tinaguriang working mothers bilang ‘tagapag-hele’ para makatulog ng maaga ang kanilang anak, patunay ang kahusayan ng mambabatas na magpahilik ng Senate media.

Sa mahabang panahon, nakaugalian ng nakakalbong senador ang mag-imbita ng Senate media sa kanyang opisina sa 5th floor, kalakip ang hangaring makisakay sa isyu, tuwing makakakita ng malalaking balita.

Sa halip bumaba ng 2nd floor ang nakakalbong senador, partikular sa Media Center, ‘pa-importante effect’ ang mambabatas at nire-request ng kanyang media relation officer (MRO) na paakyatin ang mga mediamen.

Ang nakakatawa lamang, sobrang haba magpatawag ng press conference ang nakakalbong senador, animo’y sirang plaka, hindi single kundi long playing ang mga kuwento ng kumag kaya’t nagsasayang lamang ng video tape ang Senate media.

Pasok sa Guinness Book of Records ang nakakalbong senador pagdating sa pahabaan ng presscon dahil walang kapa guran sa pagpa-flashback sa mga nakaraan.

Maging taga-print at broadcast media, nauubusan ng tape sa kanilang recorder kapag nagpapatawag ng press conference ang nakakalbong senador, as in halos baliktaran ang 90-minute tape kung pahabaan sa kuwento ang pag-uusapan.

Maging TV cameramen, napapagalitan na ng kanilang reporter dahil nakakatulog sa kinauupuan at hindi magawang i-cut o putulin ang mga walang kuwentang pinagsasabi ng nakakalbong senador, lalo pa’t nakasanayang naka-focus sa mukha ng mambabatas ang mga lente.

Clue: Hindi matatawaran ang tapang ng nakakalbong senador subalit numero uno ding matatakutin sa kanyang ‘commander-in-chief’. Ito’y mas kilalang ‘Boy Flashback’ ng Philippine Senate dahil paboritong litanya ang katagang ‘If you might remember’. (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, August 25, 2009

aug 25 2009 abante tonite

Justify Full
Out of service!
Rey Marfil

(mgakurimaw.blogspot.com)

Katulad sa P1.7 mil yong hapunan sa Wa shington at New York, ilang almusal sana ang naisalba ni Dodong, as in Press Sec. Cerge Remonde kung ipinakain sa 3 mil yong batang sumasala sa pagkain ang P5.5 milyong phone bill? At ngayo’y nagbabadyang mabangkarote ang gobyerno dahil sa paglobo ng budget de ficit -- ito’y nagmula mismo sa bibig ni ex-Senator Ralph Recto.

Nasaan ang malasakit ng Arroyo fa mily, sampu ng ka-tropa ni Dodong kung kapakanan at interes ng publiko ang laman ng press conference sa Kalayaan Hall? Aba’y mahiya naman kayo, ma­liban kung manhid at tumigas ang balat ng mga taga-Palasyo sa dami ng eskandalo, katulad ng mga ‘cro codile’ sa Kongreso?

Sa kabilang banda, hindi kailangan maging ‘mathematician’ upang maintindihan kung bakit milyones ang phone bill ng OPS, hindi ba’t na-wiretap ang amo ni Dodong noong 2004 dahil napakahilig tumawag sa phone? Ika nga sa TV ads ng Nestle Phi lippines, ‘kung ano ang ginagawa ng matanda, ito’y nagiging tama sa mata ng bata’.

Kung mahilig mag-Hello Garci si Mrs. Arroyo habang nagbibila ngan sa Kongreso, ala ngang magpahuli si Dodong, nga yon pang pa-exit ang amo? Take note: Original copy at hindi pirated mula Greenhills ang boses ni ex-Co melec Commissio ner Virgilio Garcillano Jr., sa controversial tape, sampu ng Garci generals nakapuwesto sa cabinet?

Anyway, huwag ikagulat kung isang araw maglabas ng infomercial si Remonde, katulad ng mga gabineteng nag-aambis yong makatabi ng upuan sina Mulaway, Boy Kor nik at Matet ng Philippine Senate, malay niyo, nagpaparamdam lamang si Remonde sa telecommunication companies para ga wing model?

Kahit sinong mag-Tagalog o disc jockey (DJ) sa karera han ng kabayo sa Carmona Cavite ang tatanungin, napakahirap isipin kung paano umabot ng milyones ang telephone bill ng OPS, ma liban kung nakikipag- ‘tele-babad’ ang mga staff kahit hindi lunch break pati na rin si Remonde?

***

Napag-uusapan ang telephone bill, aba’y ‘out of service’ ang pag-atake ng mga kalabang presidentiable ni Senador Chiz Escudero. Mantakin niyo, hindi pa nagdedeklarang tatatakbo sa 2010 si Escudero, lalo pa’t Oktubre 10 isi-celebrate ang 40th birthday, ito’y inumpisahang gibain at wasakin ng itinayong ‘demolition job department’, pinakahuli ang alegasyong walang ginawang project sa Sorsogon at makalipas ang isang araw, merong pa nibagong black propaganda, gamit ang senaryong nakinabang sa pork barrel kahit nasa kampo ng oposisyon.

Ang tanong ng mga kurimaw: Kung walang ginagawa si Chiz, bakit nagkaroon ng project at pork barrel? Talagang ‘two things’ lang iyan, ‘di ba XP Manny Villar, puwedeng paninira at inggit? Kaya’t abangan ang presidential survey ng Pulse Asia, malalaman niyo ang kasagutan kung bakit pinag-iinitan si Chiz!

Ipagpalagay nating tumanggap ng pork barrel si Chiz kahit nasa oposisyon, hindi ba’t dapat pang matuwa ang mga taga-Sorsogon, aba’y ma galing ang kanilang kinatawan sa Congress dahil nakapag-deliver? At kung walang ginagawa sa kanyang distrito, bakit nanalo ng 3-terms si Chiz? ‘Di hamak namang gugustuhin ng mga taga-Sorsogon ang magkaroon ng proyekto kesa sariling lupain ng senador ang makinabang sa pork barrel.

Monday, August 24, 2009

aug 24 2009 abante tonite

Project ng senador puro karatula
(Rey Marfil)

Kapag nagkataon, mababansagang ‘Boy Karatula’ ang isang senador, kasunod ang pagkakadiskubreng mas naunang nagpauso ng billboard sa kanyang distrito bago pa man na-appoint ang bayaning isinusuka ng mga vendor sa Metro Manila Development Authority (MMDA) office.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, kung saan nagmana at kung sino ang pinagmanahan, posibleng mas nauna ang mestisuhing senador kumpara kay MMDA chairman Bayani Fernando na inirereklamo ng mga motorista dahil sa dami ng tarpaulin sa kahabaan ng EDSA.

Hindi maiwasang masuka ng mga kurimaw matapos madiskubreng puro karatula lamang ang ipinagmamalaking proyekto ng mestitushing senador, patunay ang mga naiwang bakas sa kanyang distrito kung saan pagmumukha ng mambabatas ang nakahambang sa kanto.

Kapag inikot ang buong lugar, partikular ang ipinagmamalaking distrito ng mestisuhing senador, wala ni isang proyektong natapos ang mokong bagkus, tig-kakalahati ang ipinagawang kalsada, maging gusaling ipinangako sa mga constituent nito.

Ang masakit lamang, napaka-ingay ng mestisuhing senador para ipangalandakan ang kalinisan ng kanyang kalooban, maging ang pagpapa kilalang maka-Diyos ga­yong numero unong ‘komis yuner’ sa multi-milyong pork barrel subalit walang nakumpletong proyekto, maliban sa naglalakihang karatula at tarpaulin.

Hindi lang iyan, mas mahaba pa ang hallway ng bahay o pag-aaring mansyon ng mestisuhing senador kesa naipagawang kalsada sa kanyang distrito kung kaya’t bad-trip ang mga nasasakupan nito.

Clue: Napakahusay ‘kumahol’ ng mestisuhing senador, depende sa presyo ng butong ipinapakain ng kanyang amo. Ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Asal-doggie. (mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, August 22, 2009

aug 22 2009 abante tonite




Senador, naihi sa haba ng talumpati
(Rey Marfil)

Sa sobrang daldal ng isang senador, mapadebate o kuwentuhan sa mga media forum, maging sa public hearing, kamuntikang maihi sa pantalon ang isang kasamahan nito sa Upper House dahil ayaw magpaawat sa pagbubuhat ng bangko at pag-astang ‘Boy Bida’ ito.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nagpi­gil sa pag-ihi ang bigotilyong senador nang ma-convert sa privilege speech ang interpellation na hiningi ng daldalerong senador tungkol sa isang mahalagang isyung panlipunan ngayon, partikular ang paghahanap ng bagong lider na magtitimon sa tamang daan.

Sa unang sultada ng debate, wala sa eksena ang daldalerong senador subalit nang mapansing nakapako ang tingin ng mga mediamen, as in nakatutok ang mga camera sa dalawang kasamahang senador na nagpapali­tan ng pananaw at kuro-kuro, kaagad sumawsaw ito.

Taliwas sa inaasahan, hindi nag-interpellate o nakihimay sa isyu ang daldalerong senador bagkus, nagsagawa ng sariling talumpati at nakakatawang isiping mas mahaba pa ang kanyang privilege speech kumpara sa original sponsor ng pinagtatalunang topic.
Kung sampung minuto lamang ang itinagal sa privi­lege speech ng kasamahang senador na pinagmulan ng to­pic, halos talumpung minutong nagbuhat ng bangko at nagbida ang daldalerong senador sa session hall.
Sa haba ng ta­la­kayan sa floor dahil kung anu-anong kuwentong binalikan ng daldalerong senador, simula pagkabata hanggang maupo sa Senado, hindi maka-jingle ang bigotil­yong senador na nakapuwesto sa rostrum bilang presiding officer o nagsisilbing taga-hatol at pansamantalang pumalit sa Se­nate President.
Para makababa sa rostrum at maka-ihi, kailangang mag-time out ang bigotilyong senador upang mapalitan bilang presiding officer subalit walang puwedeng mag-substitute dahil karamihan sa mga kasamahang mam­babatas, ito’y nagmi-merienda sa VIP Lounge kung saan nasa likurang bahagi ng session hall.

Dahil walang makuhang kapalit, nagpigil sa pag-ihi ang bigotilyong senador at hinintay matapos ang mala-privilege speech na interpellation ng daldalerong senador bago nagtungo ng comfort room (CR).

Sa sobrang haba magsalita ng daldalerong senador, lalo pa’t paulit-ulit lamang ang kanyang mga kuwento, natatakot ngayon ang mga kasamahang mambabatas na umaktong presiding officer at makipagdebate sa floor dahil namimiligrong madale ng sakit sa bato at maputukan ng pantog.

Clue: Parehong re-elekyunista ang dalawang senador at parehong nag-aambisyon sa mas mataas na posis­yon. Nagpa-macho ang bigotilyong senador at meron letrang “J”, as in jackpot sa surname habang bastos ang palayaw ng daldalerong senador at binansagang ‘Mulaway’ ng Philippine Senate. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, August 21, 2009

august 21 2009 abante

Senador ‘nag-aaparisyon’ lang sa sesyon!

Mistulang nilukuban ng espiritu ni Judiel na kababayan ni Atty. Jo­bal Balmores ang isang senador matapos ‘mag-aparisyon’ sa session hall taliwas sa nakaugaliang mangampanya ng maaga sa iba’t ibang probinsiya at magwaldas ng pera sa pagbabayad ng infomercial.


Hindi maiwasang masuka ni Mang Teban matapos makitang sumilip lamang sa session hall ang ambisyosong senador gayong napaka-init na isyu ang tinata­lakay sa floor, partikular ang madugong sinapit ng mga sundalo sa kamay ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).


Ang masakit sa lahat, hindi malaman kung nagpa-check lamang ng attendance ang ambisyosong senador, dahil sumi­lip lamang sa pintuan ng session hall, as in walang inatupag kundi mangampanya at idaan sa commercial ang pagkukunyaring maka-mahirap o napaka-busy sa trabaho, bilang preparasyon sa 2010 national election.


Naispatan kamakailan ng ambisyosong senador ang isa sa ‘political kingpin’ na nagla-lobby sa cityhood ng isang bayan sa kanilang lalawigan kaya napilitang ‘mag-aparis­yon’ ang mambabatas, as in isang malaking himala ang pagtapak sa blue carpet ng session hall.


Ang rason, nakita ito ng ambiyosong senador na naka-upo sa VIP gallery kaya napilitang pumasok ng session hall para kamayan at batiin dahil kailangan nito ang suporta sa 2010.


Pintahan n’yo na: Desperadong makara­ting sa Malacañang ang ambisyosong senador at idol si Mrs. Arroyo, patunay ang sangkaterbang spokesman.

Thursday, August 20, 2009

august 20 2009 abante tonite

Common sense o common candidate?
Rey Marfil


Sa dami ng presidentiables, nagkakaubusan ng senatoriables at pinakamasuwerte ang dalawang military officers na naki-martsa kay Sen. Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV patu ngong Peninsula Hotel -- sina Gen. Danilo Lim at Col. Ariel Querubin, ito’y pinag-aagawan ng tatlong partido, makabuo lamang ng senatorial slate sa 2010.

Kahit saang partido, mapa-opposition presidentiables o nagkukunyaring anti-Gloria forces, pasok ang pangalan nina Lim at Querubin sa senatorial tic ket. Kabaliktaran noong 2004 mid-term election, aba’y ini-etsapuwera sa Genuine Opposition (GO) si Trillanes at nag-iisa lang yata ang inyong lingkod sa hanay ng mediamen na nagko-cover sa GO ticket ang naniniwalang mananalo ito. Kahit itanong n’yo pa kay Mira Ng-Gadil nagsilbing handler ni Sonny!

Kundi nagkakamali ang Spy, nasa listahan ng Nacionalist Peoples Coalition (NPC), Liberal Party (LP), Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) at Nacionalista Party (NP) ang kanilang ‘surname’. Kaya’t mag-ingat ang dala wang mili tary officers sa pagpili ng sasamahang Presidente, ito’y posibleng matulad kina Tessie Aquino-Oreta, Tito Sotto at Ralph Recto noong 2007 lalo pa’t hindi nakukuha sa ‘pera at makinarya’ ang mga botante.

Kung hindi pa nga nakapag-suot ng bagong tsaleko si Manny Villar, posibleng napa-aga ang pagkalubog sa itikan at naisama bilang ‘ex-men’ sa Senate pero ngayo’y umaastang anti-Gloria gayong ‘opposition vest’ lamang ang nabili. At may pinagmahan si Cong. Bongbong Marcos, biglang natauhan sa mga kabulastugan ni GMA at ‘nagtutunog-tunagang oposisyon’ dahil isa sa senatorial bet ng Nacionalista Party gayong ilang taong tikom ang bibig sa Congress!

Ang tanong lamang ng mga kurimaw: Magkaroon kaya ng domino effect at mai-transfer ni Trillanes ang su werte kina Lim at Querubin lalo pa’t ‘naka-dalawa’ nang silya sa Upper House ang ‘rebel soldiers’, ‘di ba Kuya Greg, as in Gringo Honasan?

Sa nagdaaang People Power revolution, napako sa EDSA Dos at hindi umubra ang EDSA Tres, hindi kaya iwa nan ng mga kerubin sina Danny at Arnel sa 2010? Ika nga ng mga matatanda, puwede sa una at ikalawa pero kapag ‘natatluhan’, ito’y katanga hang matatawag, maliban kung puro ‘trapo’ ang magsisi-balikan sa Upper House, posible ngang maiba ang maisulat sa kasaysayan!

***

Napag-usapan ang suwerte, puwedeng mauuwi sa ‘common candidate’ ang mga hihirit ng re-election bid -- sina Manong Johnny Enrile at Jinggoy Estrada dahil siguradong pasok sa tic ket ni Chiz Escudero kahit pa tumakbo si Erapsky. Ewan lang si Miriam Santiago kung tatanggapin ng Liberal Party (LP) bilang guest candidate lalo pa’t naka bantay ang kanyang ex-classmate sa UP -- si Frank Drilon, maliban kung walang common sense ang tropa ni Mr. Palengke?

Take note: Ipinagmamalaki ni Aling Miriam ang ‘campaign donation’ ng mister ni ‘C-V’, as in Cynthia Villar nang tumakbong Presidente at kahit hindi magkakilala ang dalawa, aba’y nagpaluwal si Manny, as in Money. Saang kalsada ka nga naman maka kita ng taong ganito ka-galante, eh sa panahong iyon wala pang C-5 road project?

Maging si Bong Revilla, posibleng guest candidate, alinman kina Chiz Escudero (NPC), Mar Roxas (LP) at Manny Villar (NP) kapag ‘kina mote’ ang itinayong standard bearer ng BAKLA party, as in Bagong Kampi at Lakas-CMD. Kung hindi matutuloy si Jamby Madrigal sa presidential bid, siguradong nasa tiket ni Mr.Palengke. I

ka nga, iba ang may pinagsamahan sa Erap cabinet o kaya’y sumama sa grupo ni Senator Ping kapag tumabong Vice President. Never mind si Lito Lapid, ito’y nagiging ‘pagurin sa biyahe’ at sementado ang buong perimeter o parking space kaya’t wala ng matalian ng kabayo sa Senate building. ‘Di hamak mas bagay kay Leon Guerrero ang bumalik sa Pampanga Capitol keysa magpaka-basa sa mga saliva ni Mulaway at makisiksik sa upuan ni Boy Kornik, di ba “Senator Alex Marcelino”?

Wednesday, August 19, 2009

august 19 2009 abante tonite

Senador namakyaw sa lamay at burol
(Rey Marfil)

Kung gaano kaabala sa mga ribbon cutting kesa magpatawag ng public hearing, ganito rin ka-busy dumalaw sa mga namatayan o lamay ang isang miyembro ng Upper House, kalakip ang hangaring makopo ng kanilang pamilya ang elected position sa pamahalaan.

Bagama’t trabaho ng isang local official ang dumalaw at makipag-lamay, walang inatupag ang isang re-elekyunis tang senador kundi mag-ikot sa mga namatayan o burol bilang suporta sa dala wang kapamilyang tatakbo sa local level ngayong 2010 election.

Sa report nakalap ng TONITE Spy, mas marami pang oras sa pag-iikot sa mga namatayan at pagdalaw sa mga burol ang re-elekyunistang senador keysa magpatawag ng public hearing o kaya’y itulak ang advocacy na ipinanga­ngalandakan.

Ang rason, desperado ang pamilya ng re-eleksyunistang senador na makopo ang lahat ng posisyon sa pamahalaan, simula pagka-alkalde, pagka-Congressman hanggang membership sa Upper House.

Sa nagdaang panahon, walang inatupag ang re-elekyunistang senador kundi magpa-cute sa media, patunay ang walang katapusang ribbon cutting at pagtayong guest speaker sa mga sports event ang nakalistang daily schedule ng kanyang sekretarya.

Dahil nalalapit ang 2010 national election at kailangang magpabango ng pangalan, naging busy ngayon ang re-eleksyunis tang senador sa pag-iikot at unang pinuntirya ang sariling bayan, katulad ang pagiging visible sa lahat ng mga burol at lamay.

Hindi kuwestiyon ang popularidad ng re-eleksyunistang senador at nakakasiguro ng panalo ngayong 2010 election, maliban sa dalawang kapamilyang naghahangad ng posisyon sa bayang inaangkin ng mga ito.

Kahit katulong lamang ang nakatira sa kanilang satellite office sa inaangking bayan nito, halos gabi-gabi nag-iikot sa mga lamay o burol ang re-eleksyunistang senador bilang suporta sa dalawang kapamilyang tatakbong alkalde at Congressman.

Sa bawat araw, walang ginawa ang isa sa tauhan ng re-elekyunistang senador na nakapuwesto sa kanilang satellite office kundi maglista ng mga pamilyang namatayan at kaagad ipinagbibi gay-alam sa mambabatas upang mapasyalan kinagabihan ito.

Clue: Wala pang napapatunayan ang re-elekyunistang senador at idinaan sa ‘papikit-pikit ng mata’ ang mga sagot sa interbyu. Ito’y merong letrang “A” sa apelyido, as in Ang hilig magpa-cute. Kung bebot o kelot, ipagtanong kay Matet ng Senado. (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, August 18, 2009

august 18 2009 abante tonite

Iisa ang formula?
Rey Marfil

(mgakurimaw.blogspot.com)

Kahit ipatawag pang lahat ni Miriam Santiago ang mga lehitimong mo delo, sampu ng government officials na naglabas ng infomercial sa telebis yon, hindi maalis ang katotohanang si DILG Sec. Ronaldo Puno ang puntirya sa TV ads probe. Kundi nagkakamali ang Spy, halos isang taong nakatengga ang TV ads probe -- ito’y sa panahong wala pang infomercial si Puno subalit natuloy noong nakaraang Agosto 14 dahil nakahanap ng butas ang misis ni Presidential Advi ser Jun Santiago, maliban kung iniinda pa rin ni Aling Miriam ang chronic fatigue syndrome (CFS) kaya’t natagalan bago naka-recover at napagtanto lamang mula sa US trip ni Mrs. Gloria Arroyo ang naka binbing resolusyon?

Hindi kailangang ma ging UP graduate para maintindihan kung gaano kalalim ang nilikhang sugat ni Puno sa presidential ambition ni Aling Mi riam -- ito’y konektado sa pagka talo noong 1992 presi dential election laban kay Tabako, as in Fidel Ramos. Kalokohan kung walang motibo si Aling Miriam sa pagpapatawag ng TV ads probe at hindi man lamang sumagi sa isipan ang makaresbak kay Puno.

Ang tanong ng mga kurimaw: Kung hindi naglabas ng infomercial si Puno, natuloy kaya ang TV ads probe, lalo pa’t numero unong ‘highes t spender’ at promotor ng premature campaign si XP Manny Villar Jr., -- ang presidentiable na nais samahan ni Aling Mi riam sa 2010 election? Isa pang ipinagtataka ng mga kurimaw, bakit ‘nag-ingay’ si Aling Miriam sa magarbong hapunan ni Gloria sa Amerika gayung karay-karay siya sa lahat ng foreign trips, ma ging sa Washington at New York, maliban kung meron ibang misyon?

Ang nakakatawa pa, inu tusan ni Aling Miriam ang lahat ng cabinet officials na baklasin ang mukha sa infomercial gayong tatlo (3) lamang sa labing-dalawan g (12) opisyal ang humarap. Kung sariling TV ads probe iniisnab, sino si Aling Mi riam para sundin lalo pa’t napaka-spoiled brat ng mga cabinet officials kay Mrs.Arroyo?

Hindi lang iyan, mismong kasamahan sa Upper House, animo’y nagboykot sa TV ads probe. Mabuti na lang, meron pa ring kirot sa puso ni Loren Sinta ang pagkatalo kay Vice President Noli De Castro noong 2004 kung hindi, walang quorum at nauwi sa consultation ang imbestigasyon.

***

Napag-uusapan ang infomercial, hindi maintindihan ng mga kurimaw kung nang-iinis o iniinsulto ni Villar ang katalinuhan ng publiko, aba’y napaka agang inilalako ang sarili bilang Pa ngulo subalit hindi magawang harapin ang ethics probe ng Committee of the Whole, maliban kung aral kay Mrs. Arroyo, gamit ang EO 464?

Mantakin n’yo, hindi pa man nakakapag-file ng certificate of candidacy, kinopya ni Villar ang ‘diskarte’ ni Mrs. Arroyo -- ito’y merong tatlong (3) spokesman para sagutin ang C-5 road scandal -- sina Atty. Adel Tamano, at ex-Cong. Gilbert Remulla, plus isang lady lawyer.

Mabuti na lang, tumi gil sa ‘pagkahol’ ang katukayo ni Joselito -- si Alan Peter Cayetano at medyo tinamaan ng konting delicadeza si Senador Joker Arroyo kung hindi, naging lima (5) ang ka-double ni Villar sa C-5 road.

Ni sa panaginip, ayokong isiping ‘Gloria in the making’ si Villar kapag naupo sa Malacañang. Ikumpara ang Gloria road project sa San Rafael Bulacan na ibinunyag ng Philippine Center for Investigative Journa lism (PCIJ) at C-5 road extension na iniimbestigahan ng Upper House, hindi ba’t iisa ang mukha, aba’y ipinagawa ang kalasada, gamit ang pondo ng gobyerno at ibi nenta ang kanilang lupa sa mataas na halaga.

Ang sabi nga ni Chiz Escudero, ‘hindi isyu kung sino ang nagmana at kanino nagmana -- ito’y parehong mali’. Ang nakakatawa, hindi masagot ni ex-Cong. Gilbert Remulla sa press confe rence kung bakit tahimik ang kampo ni Villar sa ‘Gloria road project’ sa Bulacan, maliban kung takot bumalik sa kanilang mukha ang kasagutan dahil iisa ang formula?

Monday, August 17, 2009

august 17 2009 abante tonite

‘Anak-anakan’ ini-exploit
ng solon sa pulitika
(Rey Marfil)

Bagama’t napipikon kapag nauungkat ang panggagamit sa isang kapamilya para masungkit ang inaambisyong posisyon sa pamahalan, hindi pa rin nagbabago ng diskarte ang kunyong mambabatas, patunay ang pag-exploit sa kanyang ‘anak-anakan’ sa pulitika.

Muling nasaksihan ng TONITE Spy kung paano kinakasangkapan ng kunyong solon ang kanyang ‘anak-anakan’ para maiangat ang imahe sa pulitika at makakuha ng magandang suporta sa mga kabataan ngayong 2010 national election.

Dahil ‘role model’ ang projection ng ‘anak-anakan’ sa mga kabataan, sinasamantala ngayon ng kunyong solon ang lahat ng pagkakataon upang maidikit ang kanyang pangalan sa malinis na imahe ng bata.

Bilang patunay, isinasama ng kunyong solon sa kanyang mga gimik sa pulitika ang ‘anak-anakan’, as in harap-harapang ginagamit ng kumag ang bata at nakakalungkot isiping walang magawa ang ina nito, animo’y nagbubulag-bulagan sa panggagamit ng kanyang mister.

Nag-aambisyon ng mas mataas na posisyon ang kunyong solon ngayong 2010 national election at kailangan ang serbisyo ng ‘anak-anakan’ upang makuha ang suporta ng mga kabataan.

Katulad ng diskarte sa nagdaang eleksyon, pinaiikot ng kunyong solon ang ‘anak-anakan’ sa mga probinsiya para mairehistro ang kanyang pangalan sa mga botante bilang preparasyon sa pagtakbo nga yong 2010 national election.

Ang bagong ‘formula’ ng kunyong solon, ito’y nag-isponsor ng mga ‘gimik’ sa kabataan, kasama ang kanyang ‘anak-anakan’ para makuha ang suporta ng mga young voters.

Hindi naman ipinagtataka ng mga kurimaw kung bakit nagmamaang-maangan ang ina ng bata sa bagong gimik ng kunyong solon dahil nangangarap din ng kapangyarihan at popularidad sa pulitika ang kanilang angkan.

Sa nagdaang dalawang eleksyon, kinasangkapan ng kunyong solon ang kasikatan ng isang kapamilya para manalo subalit napipikon kapag nauurirat ang ‘panggagamit’ nito.

Bago nasungkit ng kunyong solon ang kasaluku yang posisyon sa gobyerno, ito’y talunan at kumain ng alikabok sa isang mahinang labang sinalihan su balit nagbago ang lahat matapos maging ‘kapamilya’ ang isang sikat na personalidad.

Clue: Makailang-beses napabalitang nakipaghiwalay sa kunyong solon si misis subalit tinitiis ang hirap ng kalooban lalo pa’t dalawang beses nang nadadapa ito.

Kung senador o kongresista ang kunyong solon, ito’y meron letrang “K” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Boy Kornik. (mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, August 15, 2009

august 15 2009 abante tonite

Presidentiable, ‘nag-chess’ sa presscon
(Rey Marfil)

(mgakurimaw.blogspot.com)

Bagama’t hindi kamag-anak nina Wilhelm Steinitz, Garry Kasparov at Viswanathan Anand, umastang ‘world chess champion’ ang isang ambisyosong presidentiable, animo’y bihasa sa board game para protektahan ang kanyang sarili sa kinasasangkutang eskandalo.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano mag-feeling ‘world chess champion’ ang ambisyosong presidentiable matapos isubo ang dalawang knights upang bakbakan ang mga kalaban sa pulitika at isalang sa giyera kahit wala namang kinalaman sa eskandalo ang mga tauhan.

Katulad ng larong chess, ginawang panangga ng ambisyosong presidentiable sa isang press conference ang dalawang inarkilang ‘tagapag-sinungaling’, animo’y nahawa sa diskarte ng Malacañang na nagkalat ang mga umaastang ‘pawns at ‘knights’.

Matinding paglulubid ng buhangin ang ginawa ng dalawang knights ng ambisyosong presidentiable sa press conference para protektahan at ipagtanggol ang kanilang amo, kabilang ang pagwasak sa kredibilidad ng kalaban nito.

Taliwas sa inaasahan ng ambisyosong presidentialbe, sukol pa rin ang dalawang knights na ipinampronta sa giyera, dahilan upang magpares ponde sa isa pang kasamahan o inarkilang ‘taga pag-sinungaling’ nito.

Kaagad namang ru mes ponde ang isa pang ‘taga pag-sinungaling’ ng ambisyosong presiden tiable, animo’y isa sa da la wang ‘bishop’ na ipi nanangga sa kanilang ‘king’ matapos masukol ang dalawang knights nito.

Dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensiya, katulad ng paboritng linya ni Gus Abelgas, sukol pa rin ang ipinada lang ‘bisho p’ kaya’t wa lang choice ang ambisyosong presidentiable kundi harapin ang press conference, kabuntot ang sangkater bang ‘pawns’ gayong wa long piyesa lamang ang pinapayagan sa laro.

Kahit anong ‘move’ ang gawin ng ambisyosong presidentiable para idepensa ang kanyang kaharian at wasakin ang kabilang kampo, sabit pa rin ang bawat galaw at salitang lumalabas sa bibig nito, as in na-checkmate ng kalabang ‘queen’ lalo pa’t malalakas ang pinakakawalang bala laban dito.

Clue: Pera-pera ang formula ng ambisyosong presidentiable sa lahat ng bagay, patunay ang ‘pamamakyaw’ ng senatoriable para makumpleto ang kanyang line-up. Kung senador o gabinete, ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in akala mo lang mananalo!

Thursday, August 13, 2009

august 13 2009 abante tonite

Cayetano dynasty?
Rey Marfil

(mgakurimaw.blogspot.com)

Kung next month ang eleksyon, ‘nagpagod’ lang ang boypren ni Korina Sanchez sa kapapa-padyak ng pedicab, siguradong kakain ng alikabok kay Noynoy Aquino, hindi lamang sa makukuhang boto kundi sa party nomination bilang standard bearer ng Liberal. Su werte pa rin si Bunsong Mar, aba’y meron pang tatlong buwan bago ang November 30 deadline ng Comelec at sampung buwan pa bago ang “Big Day” sa 2010. Kahit Senate reporters, walang interes mag-interbyu kay Mr. Palengke na nagmamay-ari ng Farmers Market dahil puro ‘Kuya Noy’ ang follow-up story.

Ang tanong lamang ng mga kurimaw: Masusustena ba ng kampo ni Kuya Noy ang media mileage para manatiling mabango at nakadikit ang ‘Cory’s magic’ sa kanyang damit? Pakatandaan ni Pareng Zaldy Dela Yola, lahat ng bagay meron expiration at tumatagal lamang ng tatlo hanggang isang buwan ang car air freshener!

In fairness kay Kuya Noy, ito’y hindi ambisyoso at hindi rin kasing-desperado kumpara sa ilang presidentiables na gagawin lahat ng pakulo at magwawaldas ng pera sa TV ads para takpan ang mga eskandalo at bumango ang imahe sa publiko.

Pero subukan n’yong patakbuhin laban kay Bunsong Mar, hindi magkukulay bughaw at dilaw ang damit ng boypren ni Ate Koring sa finish line kundi ‘ma ngungutim’ sa kapupunas ng luha dahil siguradong ‘mil ya-milya’ ang agwat ni Kuya Noy sa karera. Hindi pa nagpapa-padyak at umiiyak iyan. Anyway, hindi mahihirapan ang Liberal sa campaign slogan, puwedeng ‘Ngayon, Bukas at Magpakailanman: Mag-Kuya!

***

Kung meron dapat iboykot ngayong 2010 election, hindi lamang ‘political butterfly’ kundi promotor ng ‘political dynasty’ sa Upper House, aba’y silipin ang komposisyon ng mga nagpapakilalang ‘Honorable’ sa Kongreso, iisa ang apelyido kapag ikinumpara sa Senado, maging nagbubukas ng City Hall at munisipyo.

Hindi kailangang tumingin sa ibang bakuran upang mabigyang kasagutan ang ‘mala-Ming dynasty’ sa Upper House, hindi ba’t record breaker ang Cayetano siblings sa GSIS Compound - sina Alan Peter at Juliana Pilar, katulad din ng Arroyo clan sa Batasan - sina Mikey, Dato, Uncle Iggy at Auntie Marissa plus Uncle Joker sa Upper House?

Magkapatid pa lang ang usapan sa Roxas Boulevard, meron pang misis ang katukayo ni Joselito sa Lowe r House-si Lani Caye tano at gusto pang maging mayor a ng Global City laban sa ‘commander-in-chief’ ni Ma yor Freddie Tinga. At kundi nagkakamali ang Spy, isa pang Cayetano ang tatakbong councilor o vice mayor sa Muntinlupa.

Ni sa panaginip, ayokong isi ping walang ibang mahanap na trabaho ang mga Cayetano, aba’y nakahiligan ng mga ka-family ang pagtakbo tuwing eleksyon. Sabagay, hindi lang literal na pagtakbo ang ‘habit’ ni Ate Pia, ito’y napaka-busy sa pagbi-bisekleta. Kaya’t mag-Alerta si Ate Korina baka maki-sabay si Mar Roxa s sa pag-padyak.

Take note: Usad-pagong ang pedicab ni Bunsong Mar at halos ‘kandakuba’ sa pag-pidal kaya’t mada ling maabutan. Kung nagawang lagpa san ni Erap na tumatakbo lang at mero n pang arthritis sa paa, si Ate Pia pa kaya napakahusay mag-bike at Iron man ang trademark?

Ang masakit lang, nakalimutan ng publiko ang BW resources scandal kinasangkutan ng namayapang si Sen. Renato “Compañero’ Cayetano kaya’t panalangin ng mga kurimaw, sana mali ang kasa bihang ‘hindi mamumunga ng santol ang mangga’.

Mantakin n’yo, laway lang puhunan ng ama nina Pia at Pidro, aba’y kumita ng P80 milyon - ito’y naimbestigan ng ethics committee noong 13th Congress at magaling lang ‘magkula’ si Mr. Noted, as in Francis Pangilinan kaya’t na-absuwelto. Kahit itanong n’yo kay Cong. Boying Remulla nag-file ng ethics complaint pero ngayo’y ka-tropa sa Nacionalista Party (NP) ng mga Cayetano.

Ang tanong ng mga kurimaw: Bakit si Erap, narendahan ang pagtakbong senador ni JV Ejercito noong 2007 at tuluyang pinagpahinga si Dra. Loi para isang Estrada lamang ang naka-upo sa session hall kahit puwede pang mag-reelection, maliban kung walang delicadeza ang pamilya Cayetano? Talagang onli in da Pilipins, kanto ng Taguig at Ro xas Boulevard!

Wednesday, August 12, 2009

august 12 2009 abante tonite

Presidentiable kinuryente ng media handler
(Rey Marfil)

Sa kagustuhang magpa-pogi sa media, bolta-boltaheng ‘kuryente’ ang natikman ng isang kunyong presidentiable matapos masubuan ng maling impormasyon ng kanyang media handler.


Dahil amoy-eleksyon, nauuso ngayon ang ‘pagsakay’ sa isyu ng mga pulitikong tatakbo sa 2010 presidential derby, katu lad sa mga headlines o banner story sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento at reaksyon upang mailagay ang kanilang pangalan sa peryodiko.

Bagama’t ordinar yong tanawin ang pagsakay ng mga pulitiko sa mga isyu, nasaksihan ng TONITE Spy ang pinakamalaking kabalbalang ginawa ng kunyong presidentiable matapos maglabas ng press statement at pakialaman ang isang ‘historical events’.

Ang masakit sa panig ng pamilyang sinagasaan ng kunyong presidentiable, napakaraming pabor na hiningi ang kumag sa kanyang opisina para paba nguhin ang kanyang imahe sa publiko subalit nagawa pang saktan ang kanilang damdamin at pahirapan ang kalooban ng mga ito.

Nauna rito, nagkumahog maglabas ng press statement ang kunyong presi­dentiable at pi nanghimasukan ang isang ‘historical events’ kung saan agad ipinamudmod sa mga reporter.

Taliwas sa inaasahan ng kunyong presidentiable, may isang pamilyang nasagasaan sa press statement na inilabas nito, malinaw ang katangahan o pagiging ‘bopols’ ng media handler na ‘nag-ponente’ sa kalatas ng mokong, as in hindi man lamang pinag-aralan at sinilip ang family background ng bawat isa.

Dahil sa ginawang kabalbalan ng media handler ng presidentiable, lumabas ang pagiging ingrato at kawalan ng utang na loob sa pamilyang nasagsaan sa press statement na inilabas nito.

Makalipas ang ilang minuto, nahimasmasan ang kunyong presidentiable at kaagad pinabawi ang press statement inilabas at kasing-bilis din ng kidlat, nagsa-Pontio Pilato matapos ituro ang kanyang media handler bilang mastermind.

Clue: Dating kampon ni Mrs. Arroyo ang media handler ng ambisyosong presidentiable at makailang-beses nakuryente sa panahong nagmamayagpag sa Palasyo. Ito’y meron letrang “C” as in Corrupt kaya’t natsugi habang meron letrang “A” ang kunyong presidentiable.

Tuesday, August 11, 2009

august 11 2009 abante tonite

Babaha ng luha sa 2010!
Rey Marfil


Habang nalalapit ang 40th birthday ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero III ngayong Oktubre 10, lumalabo rin ang tsansa ni Sinta, as in Senadora Loren Legarda na maging standard bearer ng Nationa list Peoples Coalition (NPC). Ayokong isipin na itinakda ng tadhana ang pagtakbong Presi dente ni Chiz sa 2010, aba’y nasusulat sa number 10 ang Oktubre at 40 days din bago sumapit ang deadline ng Comelec, simula sa Oktubre 10 hanggang November 30.

Take note: Room 2010 din ang inukupahang headquarters ni Chiz sa President Tower sa Timog, Quezon City. Sabagay, merong Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) na ‘maaakyatan’ si Sinta, anumang oras kapag naputol ang sanga. Siguradong ‘to the rescue’ ang boss ni Atty. Demaree Raval lalo pa’t ‘matalik na magkaibi gan’, as in handang ipaubaya ni Kuya Edong Angara ang kanyang balikat para gawing iyakan ni Sinta?

Kaya’t hindi nakakapagtakang nagsasagawa ng ‘hakot-brigade’ ang kampo ni Sinta sa NPC, aba’y kung sinu-sino ang ipinapasok sa partido, kalakip ang hanga­ring madagdagan ang kanyang delegasyon kapag nagkaroon ng party convention. Ang problema ni Sinta, ito’y ‘saling-pusa’ sa NPC at ka sing-labo sa sabaw ng pusit kung pipiliing standard bearer ni Boss Danding Cojuangco, lalo pa’t 90% ng party members ang solid kay Chiz.

Habang maaga, mas maka kabuting tanggapin ni Sinta ang tawaging ‘running mate’ o bise ni Chiz kesa magkaroon ng ‘take two’ sa pagiging ‘Crying Lady’, katulad ng nangyari sa Erap impeachment, maliban kung ‘mag-ober da bakod’ sa PMP dahil posible nga namang ipalit ni Erap kapag ipina-diskuwalipika ito ng Comelec? Kundi nagkakamali ang Spy, naunang tumalon sa kampo ni Erap ang media handler ni Sinta si Mr. W, maliban kung preparasyon ito sa paglipat ng kanyang Mam?
***
Kung anong sikip ng pre sidential derby, walang sisikip pa sa lahat na nag-aambisyong tumakbong senador ngayong 2010. Take note: 12-seats lamang ang paglalabanan at 7-senador ang reelectionist -- sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Pia Cayetano, Miriam Santiago, Lito Lapid, Jamby Madrigal at Senate President Johnny Enrile.

Ibig sabihin: Nagkalat ang karatulang ‘no vacancy’ dahil 5-seats lamang ang bakante, ma liban kung tumuloy si Donya Consuelo sa pagka-Presidente at mag-Governor ng Pampanga si Leon Guerrero. Hi git sa lahat, napaka-busy ni Aling Miriam sa foreign trip ni Mrs. Arroyo kaya’t napa kalabong tuparin ang pangakong magpapahinga sa pulitika dahil hanggang ngayon hindi magawang tumalon sa eroplano at barilin ang sarili, katulad ng kanyang sumpa.

Sa ngayon, kasado ang Nacionalista Party (NP) ni Manny Villar, Liberal Party (LP) ni Mar Roxas, Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni Erap, at NPC ni Escudero plus BAKLA, as in Bagong Kampi at Lakas. Alangan tumakbong mag-isa at hindi man lamang maglalagay ng se natorial line-up sina MMDA chairman Bayani Fernando, Eddie Gil, Elly Pamatong at Madrigal?

Sa ka tegorya ng ‘ba yaning isinusuka ng mga sidewalk vendor’, ito’y hindi papayag mabura ang ‘MMDA Party’ sa pre sidential derby lalo pa’t pa ngunguna sa sa riling presidential survey ang nakatatak sa isipan. Kapag nauwi sa 6-corner fight, may kabuuang 72-senatoriables at nakakata wang isiping 12-seats lamang ang paglalabanan kaya’t asa hang babaha ng luha sa 2010 dahil 60-senatoriables ang talunan at magrereklamong nadaya pagkatapos ng halalan.
***
Napag-uusapan ang presi dential derby, hindi lamang pa-guwapuhan ang laba nan sa 2010, pati pagandahan ng ‘First Lady’, aba’y merong Korina Sanchez si Boy Ba­wang at hindi rin magpa pahuli sina Dra. Loi Ejercito at Marikina Mayor Marides Fernando.

Ang pinakamagandang match-up sa lahat ng ‘commander-in chief’, walang iba kundi sina DND Sec. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr., at Chiz Escudero. Sigu­radong mapapalingon ang mga head of state kina Tarlac Congw. Nikki Prieto-Teodoro at Christine Flores-Escudero kapag isinama sa state visit. Iyong ibang presidentiables, ilista n’yo sa itikan, sabay namnam ng Chocolate! (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, August 10, 2009

august 10 2009 abante tonite

2 solon ang nag-date kahit engaged ang isa
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘naglalaro ang mga daga habang wala ang pusa’, nagsa-daga ang isang kunyong miyembro ng Kongreso matapos makipag-date sa kasamahang lady solon habang busy ang girlfriend ng kelot sa trabaho.


Hindi maisawang kaawaan ng mga kurimaw, sa pangu nguna ng TONITE Spy ang mahaderang personalidad na karelasyon ng kunyong solon, kasunod ang pagkakadiskubreng ginagawang ‘tapayan’ lamang ang kanilang pag-iibigan o relasyon in aid for 2010 national elections, as in kinakasangkapan at isinangkalan sa pulitika ang pag-iibigan ng mga ito.


Sa kabilang banda, meron ding nagtatanggol sa kunyong solon, katulad ang alegasyong parehong naggagamitan ang magkarelasyon, lalo pa’t kapwa nag-aambisyon ng kapangya rihan sa gobyerno, as in parehong makikinabang kapag natupad ang kanilang misyon.


Tanging ikinalulungkot ng mga kurimaw, subsob sa trabaho ang mahaderang personalidad nang maganap ang paglalaro ng kanyang boypren.

Ang masakit sa lahat, lantaran pang inamin ng kunyong solon sa lady solon ang katotohanang hindi mahal ang karelasyon kaya’t malaking sampal sa mahaderang personalidad ang tinuran ng mokong, kabilang ang pag-aming mas kinikilig kapag kasamahan sa trabaho ang ka-date nito.

Isa pang malungkot na katotohanan sa relasyon ng kunyong solon at mahaderang personalidad, malapit nang lumagay sa tahimik ang dalawa suba lit meron pa ring pag-aalinlangan ang mambabatas.

Unang niyayang mag-date ng kunyong solon ang kasamahang lady solon at naganap ang isang ‘group date’, kasama ang mga kaibigan ng bebot hanggang nauwi sa ‘solo flight’ ang kanilang paglabas.

Mismong naglipanang kurimaw sa hallway ang nagsabing ‘nagkatikiman’ ang dalawa, lalo pa’t sobrang sweet ng kunyong solon sa kasamahang lady solon at madalas pang sinasadya ng bebot na idikit ang kanyang dibdib sa katawan ng kelot kapag nagkikita sa session hall.

Maliban dito, kilalang liberated ang kasamahang lady solon at paulit-ulit nagpapari­nig na napaka-importante sa kanyang buhay ang magka-boypren, as in priority ang magkaroon ng lalaking kayakap sa gabi kesa pag-usapan ang reelection bid sa 2010 election.

Clue: Nanalo ang lady solon dahil nagpaawa effect at ngayo’y gusto pang humirit ng isang termino gayong wala naman ginagawa kundi mag-ribbon cutting habang ang kunyong solon ay kinakatakutan sa kanyang propesyon ang mahaderang bebot. Kapwa meron letrang ‘A’ sa kabuuang ng apelyido ang dalawang solon. (mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, August 6, 2009

august 6 2009 abante tonite

Isipin si Tita Cory!
Rey Marfil


Ngayong nailibing si dating Pangulong Corazon Aquino, balik sa dating gawi ang mga kaporal ni Mrs. Arroyo, maging kapwa taga-oposisyon. Ang malungkot, hindi puwedeng iburol hanggang May 2010 ang mga labi ni Mrs. Aquino para walang away sa gobyerno.

Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, pagkakaisa ang iniwang legacy o pamana ni Mrs. Aquino, malinaw ang unti-unting paghilom sa mga nilikhang sugat ng Martial Law, patunay ang pagtanggap sa dalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang burol - sina Imee at Bongbong, maliban kung in aid for senatorial bid ang motibo ng isa sa mga anak ni Macoy?


Sa isang probinsiyanong hindi naramdaman ang hagupit ng Martial Law, katulad ng Spy, madaling magpatawad subalit paano ang mga taong pinahirapan, pinagmalupitan at inabuso ni Marcos simula 1972 hanggang magka-EDSA 1, katulad ng Aquino family at iba pang biktima ng human rights violation o summary execution, hindi uubra ang paboritong ‘sorry’ ni Mrs. A­rroyo kapag nasasabit sa eskandalo.

Anuman ang motibo ng pamilya Marcos, ito’y magandang senyales sa isang reconciliation. Na­ging sibil ang kapaligiran, walang bastusan sa kabila ng katotohanang ipinapatay ni Macoy si Ninoy Aquino - marahil huling misyon ni Tita Cory sa lupa ang paghilumin ang mga sugat at pawiin ang galit sa dibdib ng bawat isa.
***
Katulad din sa misyon ni Francis Magalona sa awiting ‘Mga Kababa­yan’, kung hindi pa namayapa si Tita Cory, walang balak ang mga alipores ni Mrs. Arroyo na itigil ang pagtutulak sa Charter Change (ChaCha) at pagkatapos ng libing, asahang magsu­sulputan ang kaliskis at rabies ng mga ‘buwaya at tuta’ sa Congress, mali­ban kung kinilabutan si Spea­ker Nograles, sampu ng occupant sa presidential residence lalo pa’t nagkulay dilaw ang Manila Cathedral at Greenhills.

Ang tanong ng mga kurimaw: Sumagi kaya sa isipan ni Mrs. Arroyo ang senar­yong ma-convert sa malaking rally ang mil­yun-milyong nagbigay-pugay sa kadakilaan ni Tita Cory? Ika nga ni Sen. Ping Lacson sa kanyang tri­bute kay Tita Cory- ito lamang ang ‘First and Last Woman President’. Sabagay, pang-Guinness Book of Record ang boto ni Garci dahil ‘isang milyon’ ang bilang ng tropa ni ex-Comelec chairman Ben Abalos kaya’t nanalo si GMA!


Ang nakakatawa lamang, kapag anti-Gloria rally sa Makati, bagsak sa Arithmetic ang mga tauhan ni NCRPO chief Boyzie Rosales na ka-mistah ni Mrs. Arroyo sa Class 78, aba’y limitado sa kanilang darili ang mga sumasali, as in naka-pako sa 5-libo ang crowd estimate, ito’y napakalayo sa 120 libong kalkulasyon ng PNP nang ilipat ang mga labi ni Tita Cory mula Greenhills.

Anyway, kung me­ron dapat katakutan si Mrs. Arroyo, kahit magkaiba ng sitwasyon nina Ninoy at Tita Cory kundi ang kinikimkim na galit ng publiko lalo pa’t walang katapusan ang katiwalian at eskandalo sa gobyerno- ito’y maa­ring sumambulat, anumang oras kapag pinalawig ang kanyang termino.


Nawa’y magsilbing leksyon kay Mrs. Arroyo ang bilang ng mga sumi­lip sa burol at naghatid kay Tita Cory sa Manila Memorial Park, sa pamamagitan ng pagsa-puso sa ‘simpleng babae’ ng dating lider. At kapag napag-iisa sa kanyang opisina, bakit hindi mag-ala Boy Abunda, humarap sa salamin at kausapin ang sarili kung anong legacy ang iiwa­nan sa mga kabataan.

Higit sa lahat isiping may hangganan ang lahat at isipin si Tita Cory habang me­ron pang pag-asang maituwid ang kamalian sa pamamalakad! (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, August 5, 2009

august 5 2009 abante tonite

2 senatoriables nangampanya sa burol ni Cory (Part 1)
(Rey Marfil)

Dahil nalalapit ang 2010 national elections, sadyang walang patawad ang dalawang senato riables matapos samantalahin ang pagpanaw ni dating Pangulong Corazon Aquino, patunay ang ginawang pangangampanya sa burol.


Sa nagdaang tatlong araw, nasaksihan ng TONITE Spy kung paano gawing ‘tapayan’ ng dalawang senatoriables na tinaguriang ‘tropang mangga’ as in manggagamit ang burol ni Mrs. Aquino sa La Salle-Greenhills at sa Manila Cathedral.


Ilang oras makaraang mailagak ang mga labi ni Mrs. Aquino sa La Salle-Greenhills, kaagad umek sena ang isang naka ka lbong senatoriable, ani mo’y super-close at lehitimong kapamilya ng dating lider, patunay ang kaliwa’t-kanang interbyu sa mga radyo at telebisyon.


Ang malupit sa lahat, tumambay sa entrance gate o labas ng La Salle-Greenhills ang ‘tropang mangga’, sa pangunguna ng nakakalbong senatoriable, hindi para salubungin at alalayan ang mga naulila ni Mrs. Aquino kundi magpa-interbyu sa mga reporter na naka-standby dito.


Maging sa paglilipat ng mga labi ni Mrs. Aquino mula La Salle-Greenhills patungong Manila Cathedral Church, muling gumawa ng eksena ang ‘tropang mangga’ matapos samantalahin ng nakakalbong senatoriable ang funeral convoy, sakay ng isang public utility vehicle (PUV).


Bagama’t nagbubuhay-hari at ordinaryong routine ang mag-golf, gamit ang resources ng isang ahensiyang nagbibigay proteksyon, sumakay ng PUJ (jeep) ang nakakalbong senatoriable para magmukhang makamahirap at kinamayan ang mga nakakasalubong.


Ang malupit sa lahat, hindi sumabay sa convoy ng mga sasakyan na naghatid sa mga labi ni Mrs. Aquino ang PUJ na ginamit ng nakakalbong senatoriable, bagkus ku malas sa pila at halos tumabi sa bangketa para makamayan ang mga taong nag-aabang sa kalsada.


Clue: Nagtatago sa dalawang mukha ang nakakalbong senatoriable, patunay ang pagkukunyaring malinis gayong nabubuhay sa imoralidad at nagbubuhay-hari. Ito’y meron letrang ‘D’ sa kabuuan ng apelyido at pangalan, as in Dugong Tsekwa. Abangan sa Sabado ang karugtong. (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, August 4, 2009

august 4 2009 abante tonite


‘Secret caucus’ ng NBI official
Rey Marfil


Kesa puro reklamo, bakit hindi gayahin ng ilang nagpapakilalang administration presidentiables ang pagpapakatotoo ni DILG Sec. Ronnie Puno -- ito’y nagdeklarang vice presidentiable at isinu mite ang sarili sa partido. Ibig sabihin, hindi lang sarili ang gustong iangat pagdating ng eleksyon kundi matiyak ang kredibilidad ng proseso sa pagpili ng standard bearer.

Ang tanong ng mga kurimaw: Kaya bang i-submit ni MMDA chairman Bayani Fernando ang sarili, mali­ban kung takot ‘mabambo’ ng mga sariling ka-tropa sa Bagong Kampi at Lakas, as in BAKLA, katu lad ng mga natikman ng mga sidewalk vendor sa Baclaran?

Napag-uusapan si Puno, napakalaki ang utang na loob ni ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada sa gabinete, hindi lamang sa pagkapanalo noong 1998 kundi ng makalabas ng bilangguan. Hindi ba’t noong 2001, marami ang kabado sa pag-aalburuto ng mga followers ni Erap, patunay ang pagsugod sa Malacañang?

Kung walang Puno na nakatayo sa tabi ng mi sis ni Jose Pidal nang ibaba ang life imprisonment sa plunder case, sa malamang nagkaroon ng pani bagong kaguluhan at hindi nabigyan ng full pardon ang tatay ni Senate pro-tempore Jinggoy Estrada.

Maraming nagulat dahil napakahirap paniwalaang ipa-pardon ng ina ni ‘Lion King’ ang mortal enemy sa pulitika. At hanggang ngayon, nananatili ng close ang pamilya Puno at Estrada kaya’t huwag ikagulat kung palihim na tulu ngan ni Erap!

***
Bistado ang “secret meeting” na ipinatawag ng isang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa hanay ng mga nagsisilbing ‘collector’ sa illegal gambling, as in sumambulat sa intelligence community ang ginawang ‘secret caucus’ noong nakaraang linggo sa Manila Pavillion.

Take note: Isang NBI official na binansagang ‘Boy Kirat’ ang nakipag-meeting sa kanyang mga ‘collector’ -- sina alyas Edwin, Noel at Ogie. At isang nagngangalang Atay ang nagpakilalang ‘sugo’ ng Malacañang ang present sa ‘closed-door-meeting’.

Kundi nagkakamali ang Spy, layunin ng ‘secret caucus’ ang pagpapalakas sa ‘payola collection’ ng NBI sa illegal gambling sa Metro Manila hanggang Luzon area. Ni sa panaginip, ayokong isi ping merong bendisyon ni NBI director Nestor Mantaring ang illegal activities ni Boy Kirat, lalo pa’t wala sa mukha ng opi syal ang gumawa ng ganitong kabu lastugan, mali ban kung ‘nagsa-langgam’ kaya’t nag-iipon bilang preparasyon sa pagkawala ni Mrs. Arroyo sa Malacañang?

Ang masakit lamang, mali ban sa illegal gambling, pati lehitimong small town lottery (STL), ito’y ‘tinarahan’ ng grupo ni Boy Kirat para magbigay ng buwanang payola sa NBI.

Sa report, isang Atty. Santos ang nakipag-usap sa mga gambling lords at ginagawang ‘receptionist’, as in front bilang ‘collector’ sina Edwin, Noel at Ogie sa monthly payo la, malinaw ang paghahanda ng Malacañang sa 2010 elections dahil ipinagmamalaki ni Atay ang mahalagang papel na ipinagkaloob ng Palasyo para mangalap ng pondo.

Mantakin n’yo, high profile case lamang ang hinahawakan ng NBI, subalit pinapatulan ang mga pasugalan. At kahit ilan pang Gus Abelgas ang magsabing ‘hindi nagsisinungaling ang ebidensiya’, hindi pa rin mareresolba ang mga kasong nakatengga kung totoong payola ang inuuna ng isang NBI official! (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, August 3, 2009

august 3 2009 abante tonite

Anak ng cabinet official, agaw-eksena sa Malacañang
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘hindi maaa ring mamunga ng santol ang mangga’, may pinagmanahan sa pag-uugali ng primadonang ina ang anak ng isang ambisyosong cabinet official matapos mang-agaw ng eksena sa Palasyo ng Malacañang.


Sa report na nakalap ng TONITE Spy, lumabas na nakataas ang kilay ng mga bisita at miron sa presidential resi dence makaraang gumawa ng eksena ang lalaking anak ng ambisyosong cabinet official.

Ang rason, nagtatakbo sa loob ng Malacañang ang lala king anak ng ambisyosong cabinet official kaya’t ikinagulat ng mga bisita, sampu ng mga inimbitahan ni Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagtitipon.

Hindi naman ikinagulat ng mga kurimaw sa presidential residence ang pang-aagaw eksena ng anak ng ambisyosong cabinet official dahil mahilig magpa-center of attraction ang ina, as in may pinagmanahan ang bata sa magulang.

Nang minsang magpunta sa Malacañang ang pamilya ng ambisyosong cabinet official, hindi pa man nakakapasok, kaagad nagsisigaw ang lalaking anak, sabay takbo papasok ng presidential residence.

Sa reception line pa lamang ni Mrs. Arroyo, nagsisigaw ang anak ng ambisyosong cabinet official ng katagang ‘Where’s my Uncle, Where’s My Uncle’ kung saan inakala ng mga taga-Protocol, sampu ng mga miron sa loob ng presidential residence, na hinahanap ng bata ang nawawalang tiyuhin.

Ang matinding revelation sa lahat, hindi lehitimong tiyuhin ang hinahanap ng anak ng ambisyosong cabinet official, si First Gentleman Mike Arroyo dahil pinaniwala ang bata ng mga magulang na kamag-anak ang mister ng Pangulo.

Dahil sa inuugali ng bata, hindi maiwasang isisi sa ina o asawa ng ambisyosong cabinet official ang pang-aagaw eksena ng anak sa reception line habang nakatayo si Mrs. Arroyo, partikular ang kawalan ng GMRC, as in good manners and right conduct at etiquette.

Sa kabila ng ginawang pagsisigaw ng anak ng ambis yosong cabinet official, dinedma lamang ng mga taga-Procotol ang bata, maging ni Mrs. Arroyo, subalit pagkatapos ng event, nakatatak sa isipan ng mga bisita kung bakit ‘Uncle’ ang tawag kay Atty. Mike gayong hindi magkamag-anak ang mga ito.

Clue: Nang-agaw eksena din sa Independence Day ang ina ng bata, patunay ang pa-center of attraction sa kasuotan habang baterya ang commercial ng ambisyosong cabinet official. Kung tatakbong Presidente o senador, itanong kay Atty. Nelson Victorino. (mgakurimaw.blogspot.com)