Tinutulungan! | |
REY MARFIL |
Hindi ba’t kapuri-puri ang kautusan ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino kina Labor Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz at DOLE-National Capital Region Regional Director Alex Avila kaugnay sa pagkakaloob ng DOLE regional office ng livelihood grants sa 113 na manggagawa at mga naulila ng mga nabiktima ng sunog na tumupok sa Kentex Manufacturing Corporation sa Valenzuela City.
Malaki ang magagawa ng tulong pangkabuhayan katulad ng jigs at tools para makabawi ang mga nakaligtas at naulila ng malagim na trahedya.
Siyempre hindi tatantanan ni Sec. Baldoz alinsunod sa direktiba ni PNoy na masigurong mababayaran ng Kentex ang mga obligasyon nito sa kinauukulan ng mga manggagawa at kanilang pamilya.
Batid ng Pangulo ang kahalagahan na maalalayan ang mga biktima upang muling maibalik ang kanilang normal na buhay lalung-lalo na sa usaping pinansyal.
Personal na pinamunuan ni Avila ang mga opisyal ng DOLE-NCR na kinabilangan ni DOLE CAMANAVA Field Office Director Andrea Cabansag at kanyang staff ang pagkakaloob ng livelihood grants sa Barangay Hall ng Bgy. Ugong, Valenzuela City.
Nagkakahalaga ang tulong pangkabuhayan ng P10,000 na magagamit para sa iba’t ibang home-based livelihoods katulad ng rice trading; karinderya; frozen food trading; patis at dishwashing making; sari-sari store; dress making; buy and sell; burger stand; street food vending; at welding.
Sa kabuuang 113 na nakinabang sa tulong, 35 dito ang dependents ng mga namatay sa sunog. Ang maganda pa dito, inihayag ni Avila ang ikalawang batch ng livelihood beneficiaries na ipagkakaloob para sa mga biktima ng sunog sa Kentex base sa kautusan ni PNoy.
Kasama rin sa tulong ni PNoy ang patuloy na paggabay ng DOLE sa implementasyon ng mga programang pangkabuhayan upang masigurong maaalalayan ang mga benepisyunaryo.
***
Bilib tayo dito kina PNoy at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Joel Villanueva dahil ginagawa ang lahat masiguro lamang na makakapag-aral ang kapos-palad nating mga kabataan.
Kung nabigo man ang ilang kabataan na makapasok ngayong semestre, mayroon na silang pagkakataon na makabalik sa mga eskwelahan at makapili ng technical course na kanilang nais.
Sa kautusan ni PNoy, mabilis na umaksyon si Villanueva upang maging katuwang ng TESDA ang 14 na technical vocational institutions at magkaroon ng kabuuang 5,532 scholarship slots para sa mahihirap ngunit mahuhusay at nagsusumikap na mga kabataan na nais makatapos ng tech-voc na edukasyon.
Pinili ang mga benepisyunaryo mula sa districts 1 at 4 ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.
Nitong nakalipas na Hulyo 16, 2015, isinagawa ang seremonya ng pagkakaloob ng scholarship na dinaluhan ng mga eskwelahan na inorganisa ng Bulacan Association of Technical Schools (BATS) at local government unit (LGU).
Nasa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) ng TESDA ang scholarship na layuning matuto at malinang ang kasanayan ng mga kabataan upang makapasok sila sa trabahong mayroong mataas na pangangailangan at magkaroon rin ng sariling negosyo.
Hindi naman nakakapagtakang tumaas ang kalidad ng edukasyon sa TESDA dahil talagang magaling itong si Villanueva na isa sa pinagkakatiwalaang opisyal ni PNoy.
Batid ng Pangulo at Villanueva na malaki ang iaasenso sa buhay ng mga kabataan sa tulong ng vocational courses. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”
(Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/july2715/edit_spy.htm#.VbeDJ_lViko
No comments:
Post a Comment