Magandang epekto ito sa maigting na kampanya ng pamahalaan para isulong ang turismo sa bansa. Nakuha ng bansa ang “Destination of the Year” award sa ika-25th Annual TTG Travel Awards kung saan nakilala ang Pilipinas bilang nangungunang destinasyon sa Asya-Pasipiko base sa isinagawang seremonya sa Bangkok, Thailand. Nasa kategorya ng Outstanding Achievement Awards ang Destination of the Year award na nakuha ng Pilipinas. Ilan pa sa mga kategorya ang Travel Personality of the Year, Best Travel Entrepreneur, Best Marketing and Relationship Effort at Best Trade Supporter. Ang TTG Travel Awards ay isa sa prestihiyosong parangal sa industriya ng paglalakbay sa rehiyon na inorganisa ng TTG Asia Media’s Travel Trade Publishing group. *** Maliban sa turismo, pinakamalaking pagbabago ang usaping pang-imprastraktura. Hindi mabilang ang mga proyektong inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) board. Ang babanggitin natin ay ilan lamang sa napakaraming nagawa ng kasalukuyang administrasyon. Ilan sa naunang inaprubahan ang Road Improvement and Institutional Development (RIID) Project sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Nakapaloob dito ang upgrading ng 339 kilometrong kalsada mula sa 10 national roads sa mga lalawigan ng Benguet, La Union, Leyte, Iloilo, Negros Oriental, Agusan del Norte, Bukidnon at Cotabato. At ongoing ang restructuring ng National Roads Improvement and Management Program Phase 2 na pinopondohan ng World Bank (WB) at binigyan ng basbas ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang implementasyon ng P2.6 bilyong Agno River Irrigation System Extension Project sa ilalim ng National Irrigation Administration. Maging ang second phase ng Balog-Balog Multipurpose Project sa ilalim ng Office of the Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization (OPAFSAM) at NIA, ito’y binigyan ng basbas ng Pangulo. Napakalaking tulong ang Balog-Balog project dahil may kakayahan itong mag-imbak ng 420 milyong cubic meters na tubig, magkakaroon ng kanal para sa irigasyon at ibang mga istruktura. Maliban sa LRT-2 West Extension Project sa ilalim ng Department of Transportation, sinimulan na rin ang second phase ng Bureau of Fire Protection Capability Building Program sa ilalim naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) na may kinalaman sa pagbili ng fire trucks na ipapamahagi sa buong bansa. Ipatutupad na rin ng Pangulo ang Local Government Units Investment Program Supplement III na susuporta sa lokal na mga kalsada at tulay; sanitasyon; drainage at flood control; water supply; public market; bus terminal; rehabilitasyon, modernisasyon, at konstruksyon ng pampublikong mga pasilidad; hospitals; schools; telecommunications; information technology; ports; konstruksyon at pagtatatag ng power generation projects; environment at tourism-related projects; at heavy equipment. Kaya’t isang malaking katanungan ni Mang Gusting kung bakit hindi nagawa sa 9-taon gayong naipatupad ni PNoy sa maikling panahon? Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey) http://www.abante-tonite.com/issue/july2015/edit_spy.htm |
Monday, July 20, 2015
Nagawa sa maikling panahon! REY MARFIL
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment