Natuon sa mahihirap
REY MARFIL/Spy on the Job
Feb. 2, 2015
Bagama’t isa sa pangunahing programa ng pamahalaan ang
conditional cash transfer (CCT) para sa mga mahihirap, tinututukan rin ni
Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino ang iba pang mga programa para sa kaginhawaan ng
publiko at malampasan ang kahirapan.
Hindi naman nakakapagtaka na lumaki ang pondo ng CCT program
dahil dumami ang bilang ng mga mahihirap na pamilya na nakikinabang ngayon
dito.
Mula sa mahigit 100,000 benepisyunaryo, umabot na ngayon sa
ilang milyon ang nakikinabang sa CCT program. Isa ito sa landmark o flagship
program ng pamahalaan.
Sa kabila ng pagiging popular ng CCT, hindi nangangahulugang
pinababayaan ng pamahalaan ang pagtutok sa implementasyon ng iba pang
mahahalagang mga proyekto na makakatulong sa mga tao.
Kabilang dito ang programa ng Technical Education Skills
Development Authority (TESDA) sa paglinang ng kakayahan sa trabaho at
ekstensiyon ng programang pang-kabuhayan sa pamamagitan ng Department of Labor
and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mayroon ring mga pasilidad para matulungan sa kabuhayan ang
mga nagbabalik na overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng Overseas
Workers Welfare Administration (OWWA) at DOLE.
Itinaas rin ng administrasyon ang taunang badyet sa
edukasyon para maihanda ang kabataan sa pagpasok sa hanapbuhay.
Sa ilalim ng 2015 General Appropriations Act, napunta ang
malaking halaga sa larangan ng pagkakaloob ng serbisyo sa DSWD, Department of
Health (DOH), at Department of Education (DepEd).
Kitang-kita naman na maingat na inilalaan ng pamahalaan ang
pampublikong salapi sa magaganda at mahahalagang mga programa na makakatulong
sa mga mahihirap.
***
Hindi ba’t kapuri-puri rin ang pamamahagi sa 20 magsasaka
kamakailan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng 49 ektaryang lupang
agrikultural sa Amlan, Negros Oriental alinsunod sa kautusan ni PNoy?
Siguradong bubuti ang kabuhayan ng 20 mga benepisyunaryo na
mangangalaga at magpapayaman sa pagbubungkal ng lupa na dating pag-aari ng
pamilya-Fleischer.
Nabatid kay Provincial Agrarian Reform Program Officer
(PARPO) Louie Naranjo na nakuha ang lupa na matatagpuan sa Barangay Bio-os kay
Antonette Fleischer sa pamamagitan ng voluntary offer to sell (VOS) sa ilalim
ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Obligasyon naman ng mga magsasaka na bayaran ang taunang
amortisasyon ng lupa at real estate tax.
Mahalagang alagaan ng mga magsasaka ang lupa para sa
kanilang kabuhayan at kaunlaran ng lugar.
Ipagkakaloob naman ng pamahalaan ang kailangang suporta at
serbisyo para malinang ang lupa.
Agaran ring binigyan ng kinauukulan ng kaalaman ang mga
magsasaka matapos ang distribusyon ng titulo sa lupa kaugnay sa Bana Grass
Production Technology.
Kung hindi dahil sa makatotohanang programang agraryo ni
PNoy, hindi magkakaroon ng katuparan ang pamamahagi ng lupain.
Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo”. (Twitter:
follow@dspyrey)
No comments:
Post a Comment