-Template!
REY MARFIL/Spy
on the Job
Feb. 9, 2015
Sa huling
survey ng Social Weather Stations (SWS), nakakuha ng pangkalahatang +34
porsiyentong satisfaction rating ang administrasyong Aquino.
Ibig
sabihin, kitang-kita ng publiko ang kabutihan at pagsusumikap na ginagawa ng
administrasyong Aquino para lalong maisulong ang transparency at malinis na
pamamahala.
Isinagawa
ang pananaliksik mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1, 2014, sa pamamagitan
ng face-to-face interviews ng 1,800-katao sa buong bansa kung saan tinanong
sila kaugnay sa performance ng pamahalaan.
Base pa sa
mga resulta ng survey, 58 porsiyento ang nasisiyahan sa pamahalaan habang 24
porsiyento naman ang hindi para sa +34 porsiyentong ratings habang 17
porsiyento ang hindi makapagdesisyon.
Kabilang rin
sa mga isyu na nakakuha ng magandang “good ratings” ang mga sumusunod:
Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad (+42); pagdepensa sa teritoryo ng bansa
(+40); pagkakaloob ng sapat na suplay ng kuryente (+38); promosyon ng
kagalingan ng overseas Filipino workers (OFWs) (+38); relasyon sa mga banyaga
(+33); pagtulong sa mga mahihirap (+33); at paghahanda sa nagbabagong klima
(+31).
Makakasiguro
tayo na lalong magpapatuloy ang pamahalaan sa pagpursige ng maayos na serbisyo
sa publiko sa pamamagitan ng tuwid na daan.
Sa
nalalabing mga buwan ng pamahalaan, asahan na natin na ipatutupad ni PNoy ang
mahahalagang mga programa sa lalong ikaka-unlad ng ekonomiya ng bansa,
lalung-lalo na sa larangan ng kapayapaan at kaayusan, seguridad sa trabaho at
kabuhayan, pagpapalakas ng purchasing power ng mga konsiyumer at pagkakaloob ng
hustisya sa mga biktima ng krimen, kabilang na ang Maguindanao massacre.
***
Aasahan na
natin ang Philippine National Police (PNP) na gagawing “template” o modelo ang
matagumpay na pagkakaloob ng seguridad sa nakalipas na pagbisita ng Santo Papa
sa bansa kamakailan para sa nalalapit na Asia Pacific Economic Cooperation
(APEC) Summit.
Walang duda
na lubhang napakatagumpay ng pagkakaloob ng administrasyong Aquino ng seguridad
kay Pope Francis sa kanyang limang araw na pastoral visit mula Enero 15
hanggang 19.
Dahil dito,
mas maganda at mabuti pang seguridad ang mailalatag ng administrasyong Aquino
sa pamamagitan ng Philippine National Police(PNP) para sa nalalapit na APEC
meetings sa bansa.
Mapapabuti
pa ang seguridad sa APEC dahil tiyak na gagamitin ng kinauukulan ang tinatawag
na “findings” mula sa isinagawang “post-analysis” sa sistema ng seguridad para
kay Pope Francis.
Isang
standard operating procedure (SOP) ang post-analysis para malaman ang ilang
pagkukulang at mapabuti ito sa hinaharap.
Laging
tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
No comments:
Post a Comment