Suwerte ang dumidiskarte!
REY MARFIL
Matapos na
magkumahog noong nakaraang Sabado sa pag-iisip at paghahanda ng mga diskarte
para sa tinatawag nilang “my one and only”, ibang preparasyon naman ang
ginagawa ngayon ng mga Pinoy lalung-lalo na ang mga naniniwala sa suwerteng
dulot ng Chinese New Year.
Kung hindi
ako nagkakamali, sa dinami-dami ng mga bansang nanatili dito sa Pilipinas at
nagpakalat ng kanilang mga impluwensya sa mga ninuno ni Juan dela Cruz, parang
ang mga Intsik ang pinakamaraming naitatak sa isipan ng ating mga kababayan.
Ayon na rin
sa Chinese Zodiac, ang 2015 ay Year of the Green Wooden Goat (kambing) kung
saan ito ay nag-umpisa ng Huwebes, Pebrero 19 at magtatapos naman sa Pebrero 7
ng papasok na taong 2016.
Masusuwerteng
kulay, base na rin sa mga Chinese horoscope experts ang brown, pula at purple
habang 2 at 7 naman ang mga numero at ang mga bulaklak ay carnation at
primrose.
Lahat daw ng
suwerteng dala ng mga bagay na ito ay pasok sa mga taong ipinanganak sa mga
taong 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, at maging sa kasalukuyang
taon at sa 2027.
Kaya nga ba
siguradong kumahog na naman ang mga namamanata sa Chinese New Year sa
paghagilap ng mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kulay, numero at maging sa
mga birth year na nababanggit dito.
Ang tanong, paano
naman kaya ang kapalaran ng mga taong hindi sa mga taong nabanggit ipinanganak,
hindi ba sila susuwertehin ngayong taon o kagaya din lamang sila ng mga naitala
na mapapalad sa Year of the Green Wooden Goat?
***
Walang
eksaktong katugunan sa mga ganitong pangungusap pero kapag ang isang tao ay
laging positibo ang pananaw at hindi napapagod na maghangad na umayos ang buhay
sa matuwid na paraan, tama lamang sigurong sabihin na masuwerte pa rin sila
ngayong taon at sa mga darating pa kahit na wala sa talaan ng mga mapapalad ang
taon ng kanilang kapanganakan.
Nakakalungkot
nga lamang isipin na sa huling tala ng mga walang hanapbuhay sa bansa,
malaki-laking porsiyento ng mga nasurbey ang umamin na ang dahilan ng kanilang
pagiging istambay ay ang pag-alsa balutan sa mga kumpanya o ahensyang
pinapasukan.
Sa mga
pagkakataong ito ay masasabing kahit na malinaw na nabanggit sa mga masusuwerte
ang taon ng kapanganakan ng isang tao sa Year of the Green Wooden Goat,
nakakalungkot tanggapin ang katotohanan na iba ang kanyang sitwasyon.
Pakakatandaan
na sa trabaho, minsan ay malas, minsan ay papuri at bonus naman ang inaabot at
hindi siguro ganap na batayan ang taon ng kapanganakan ng isang tao, dahil ang
higit na importante, dapat na marunong ka na lumagay sa tamang lugar.
Laging
tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/feb2015/edit_spy.htm#.VOc-GC6Fk7k
No comments:
Post a Comment