Friday, February 28, 2014

Pinapalakas!

  
                                                                       Pinapalakas!  
                                                                        Rey Marfil


Siguradong mapapalakas ng pagbisita sa bansa ni United States (US) President Barack Obama ang panlabas na seguridad ng Pilipinas sa gitna ng agresibong pagpostura ng China sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Darating sa Pilipinas si Obama sa katapusan ng Abril alinsunod sa imbitasyon ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino.

Nabatid sa Department of Foreign Affairs (DFA) na makikipagkita si Pangulong Obama kay Pangulong Aquino upang talakayin ang mga paraan para lalong mapala­kas ang alyansa ng Pilipinas at US, kabilang ang pagpapalawak ng seguridad, negosyo, at samahan ng mga tao.

Inaasahang magbibigay ng panibagong lakas at sigla sa relasyon ng dalawang bansa ang pagbisita ni Pangulong Obama na nagsimula sa malalim na kasaysayan ng kultura.

***

Patuloy na tutulungan ng administrasyong Aquino ang survivors ni super typhoon Yolanda tungo sa daan ng pagbangon na nananatiling isa pa ring malayong paglalakbay sa ngayon.

Magandang balita ito sa lahat ng survivors na nararamdaman pa rin ang tindi ng mga epekto ng delubyong nanalasa.

Kitang-kita na talagang hindi nangunguyakoy ang pamahalaan sa pagkakaloob ng ayuda at tulong sa mga napinsala at bukas sa mga suhestiyon kung papaano lalong mapapabuti ang pagtulong sa mga tao.

Desidido ang pamahalaan na isulong ang malawakang rehabilitasyon ng 171 munisipalidad at lungsod na naapektuhan ng kalamidad.

Mahalaga rin para sa mga Filipino na isapraktika at pagningasin pa ang espiritu ng 1986 EDSA People Power revolt na ginunita ang ika-28 anibersaryo sa noong Pebrero 25 sa pamamagitan ng sama-samang pagdamay at pagtulong sa mga nangangailangan.

Lubha naman talagang napakalaki ng pinsala at labis na kailangan ng pamahalaan ang lahat ng makukuha nitong mga tulong mula sa mga tao at donors sa internasyunal na komunidad.

Uunahin na ni Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery (PARR) Sec. Panfilo M. Lacson ang rehabilitasyon ng local government units (LGUs) na nakagawa na ng kanilang post-disaster needs assessment analysis at rehabilitation plan.

Nakikipagtulungan na si Lacson, dating senador, sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of the Interior and Local Government (DILG), at National Housing Authority (NHA) sa paghahanda ng relokasyon at konstruksiyon ng permanenteng mga pabahay at pasilidad ng LGUs.

Patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilya na nakatira sa pansamantalang pabahay.

Nakabantay din ang mga doktor at paramedics ng Department of Health (DOH) laban sa posibleng pagkalat ng mga sakit.

Ipinagkakaloob naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang cash-for-work at temporary employment na oportunidad sa mga tao habang paglinang sa kasanayan ng mga manggagawa ang itinuturo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Laging nandito ang administrasyong Aquino par­a magsilbi at tulungan ang mga nabiktima ng delubyo upang makabalik sila sa normal na pamumuhay.

Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: