Sa kabila ng
kontrobersya!
Sa mga
nakakaiyak na balita tungkol sa mga kontrobersya ng pork barrel fund at ni
Janet Lim-Napoles, may magandang balita tungkol sa ekonomiya ng bansa pero baka
hindi mabigyan ng sapat na pansin dahil hindi kaintri-intriga.
Hindi
pang-telenobela ang good news na hatid sa bagong marka na nakuha ng Pilipinas
sa World Economic Forum’s (WEF) Global Competitiveness Report. Pero dapat itong
ikatuwa ng mga Pinoy dahil magpapakita ito na tuloy ang trabaho ng gobyernong
Aquino sa kabila ng mga intriga sa isyu ng pork barrel fund ng mga mambabatas.
Ang
magandang balitang hatid ng WEF, ang pagtaas ng “competitive standing” ng
Pilipinas sa 59th spot ngayong 2013, na mas mataas sa 65th spot natin noong
2012.
Hindi biro
ang pagtaas ng ating marka dahil nasa 148 bansa ang mino-monitor sa WEF report
na ginagawa taun-taon. Dito ay sinusukat ang kakayanan ng isang bansa na
makipagsabayan sa larangan ng pagnenegosyo at pag-angat ng kabuhayan ng
kanilang mamamayan.
May mga
“indicator” na ginagamit ang WEF para makita kung umaangat o bumababa sa
kanilang monitoring system ang bansa. Kabilang sa mga indicator na ito ay ang
domestic market size index, affordability ng financial services, madaling
pagkuha ng loans, regulation ng securities exchanges, pati na rin ang financing
sa pamamagitan ng local equity market.
Bukod sa
magandang competitive ranking ng bansa, isa pang magandang balita ang economic
growth ngayong ikalawang bahagi ng taon matapos makapagtala ng mataas na 7.5%
growth rate.
Hindi ito
nalalayo sa 7.6% na naitala ngayong unang bahagi ng 2013, kaya naman inaasahan
na makakamit natin ang mas mataas na paglago ng ekonomiya sa pagtatapos ng taon
na 6 hanggang 7 porsiyento.
***
Napag-uusapan
ang growth rate, napantayan din ng Pilipinas ang China ngayong second quarter,
na itinutu¬ring pinakamabilis na mga bansang kasapi ng Association of Southeast
Asian Nation. Naungusan natin ang Indonesia (5.8%), Vietnam (5%), Malaysia
(4.3%), Singapore (3.8%) at Thailand (2.8%).
Magandang
malaman ang ganitong mga balita dahil pagpapakita ito na hindi nalilihis ang
atensyon ng pamahalaang Aquino sa pagpapalago ng ekonomiya ito’y kahit pa abala
rin ang gobyerno sa pagsasaayos sa kung papaano gagamitin ang pondo ng bansa sa
2014 at ang masamang epekto sa agrikultura, at imprastraktura ng mga nagdaang
kalamidad.
Isipin na
lang natin ang pinsala ng nagdaang dalawang bagyo na sumira at lumunod ng mga
taniman at palayan, nagpabagsak ng mga tulay at sumira ng mga kalsada.
Hindi ba
sayang ang bilyun-bilyon na gagastusin muli ng gobyerno para ipaayos ang
nasirang mga imprastraktura na pondo na sana’y magagamit sa iba pang proyekto o
programa?
Hindi ba’t
sayang din ang mga nasirang palay o mais o saging na malapit nang anihin ng
ating mga kababayan na dahil sa kalamidad ay kakailanganin muli nilang umutang
ng puhunan at bumangon muli sa dagok sa buhay na kanilang naranasan?
Pero dahil
sa magandang takbo ng ekonomiya at katatagan ng pamahalaang Aquino sa tamang
paggamit ng pondo ng bayan, may magagamit ang gobyerno upang isaayos kaagad ang
mga nasirang imprastraktura, at mabigyan ng ayuda ang mga nasalanta upang
matulungan sila sa pagbangon sa kanilang kinalalagyan.
Umasa tayo
na pagkatapos ng mga kontrobersya, intriga at kalamidad, kapag nahawi na ang
ulap ika nga, lalabas din ang nakangiting sikat ng araw.
Laging
tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment