May pagkalinga! | |
Mahal ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang masa, lalung-lalo na ang sektor ng Persons with Disabilities (PWDs) nang isama sa inilunsad na bagong PhilHealth’s benefit package ang pagkakaloob ng prosthetic legs at iba pang serbisyong pangkalusugan sa mga indibidwal na nawalan ng mga hita.
Makatwirang papurihan si PNoy matapos pangunahan ang paglulunsad ng bagong programa ng pamahalaan na isinagawa sa Heroes Hall sa Malacañang Palace kamakailan.
Kapuri-puri ang programang ito ng Pangulo na isasakatuparan sa pamamagitan ng bagong lungsad na Z-MORPH (Z Benefits Rate for Mobility, Orthosis, Rehabilitation, Prosthesis Help) benefit package.
Layunin nitong magkaloob ng ayuda sa PWDs katulad ng prosthetic legs at iba pang serbisyo sa mga hindi makalakad dahil sa kawalan ng biyas o naputulan ng hita.
Sa ilalim ng Z-MORPH benefit package, nakapaloob dito ang inisyal na benepisyo na external lower limb prosthesis sa halagang P15,000 bawat limb o P30,000 sa dalawa.
Inilunsad ng PhilHealth ang makasaysayang Z Benefits Packages noong Hunyo 21, 2012 para pagkalooban ng ayuda ang mga kasaping mayroong sakit na prostate cancer, acute lymphocytic leukemia, breast cancer, kidney transplant, coronary artery bypass, total correction of Tetralogy of Fallot at pagsasara ng ventricular septal defect.
Nakakabilib din ang paglipat ng PhilHealth mula sa tradisyunal na Fee-for-Service (FFS) tungong case-based payment system para sa lahat ng tinatawag na compensable medical at surgical cases.
Sa ilalim ng case-based payment system na tinatanggap sa buong mundo, babayaran na ang halaga ng gagawing procedures bago pa man din ito isagawa.
Ibig sabihin, malalaman na kaagad ng miyembro ang halaga ng magiging obligasyon at hindi maaaring magdagdag ang ospital.
***
Hindi lang ‘yan, sa tulong na rin ng malinis na pamamahala ni PNoy, nakakabilib ang pagkakasama ng Pilipinas sa 10 nangungunang “most improved economies” sa usapin ng mga regulasyon sa negosyo sa nakalipas na taon base sa pinakabagong edisyon ng World Bank’s Doing Business Survey.
Ayon sa World Bank Group’s “Doing Business” report na inilabas kamakailan, napabuti ng Pilipinas ang estado nito ng 30 puwesto matapos ang serye ng mga repormang ipinatupad ng administrasyong Aquino.
Base sa survey na “Doing Business 2014: Understanding Regulations for Small and Medium-Size Enterprises”, sinabi ng World Bank (WB) na kasama ang Pilipinas sa mga bansa na nagpatupad ng tatlong reporma sa larangan ng negosyo.
Nagawa kasi ng pamahalaan na mapadali ang pagkakaroon ng negosyo sa Pilipinas kung saan hindi na nahihirapan ang mga negosyante na kumuha ng construction permits, pangungutang at pagbabayad ng buwis.
Sa pinakabagong ulat, nasa ika-108th na ranggo na ang Pilipinas sa hanay ng 189 na mga bansa, mas mataas ng 30 posisyon kumpara sa 138th spot noong nakalipas na taon.
Pinakamalaking positibong pagbabago ito sa estado ng Pilipinas sa larangan ng negosyo base sa 12-taong kasaysayan ng survey.
Ikaanim naman ang Pilipinas sa ASEAN, mas mataas sa Indonesia na nasa ika-120th spot.
Kabilang sa ibang bansa na nasa top 10 ng most improved economies ang Ukraine, Rwanda, Russia, Kosovo, Djibouti, Ivory Coast, Burundi, Macedonia at Guatemala.
Kinilala ng WB ang paglulunsad ng bansa sa tinatawag na fully operational online filing at pagbabayad ng buwis. Pinuri rin ng WB ang “simplified” occupancy clearances kaya naging madali ang pagkuha ng construction permit.
Nangunguna pa rin ang Singapore bilang most business-friendly economy sa buong mundo na sinundan ng Hong Kong, New Zealand, United States at Denmark.
Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment