Lalo pang sumigla! | |
REY MARFIL
Magandang balita na naman ang posibilidad na maaaring mabura sa kasulukuyang henerasyon ang kahirapan kung maipagpapatuloy ang paglago ng ekonomiya na itinataguyod ng malinis na pamamahala ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino.
Sinabi mismo ni World Bank (WB) lead economist Rogier van den Brink na umaarangkada ang ekonomiya ng bansa kahit maging lima, anim at pitong porsiyento ang paglago sa gross domestic product (GDP) ng bansa. Ipinagmalaki ni Van den Brink na nangunguna sa mundo ang Pilipinas sa larangan ng pagsulong ng ekonomiya kung saan naitala lamang ng kanyang bansang Holland sa limang porsiyento ang pag-angat ng ekonomiya nito. Inamin ng opisyal na nahirapan silang makita bago sumapit ang 2013 kung papaano mababawasan ang kahirapan ng bansa sa pamamagitan ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. Ngunit sapul nang sumapit ang 2013, sinabi nitong mayroong matitibay at maaasahang mga datos katulad ng surveys na nagpapakita na talagang nababawasan ang kahirapan dahil sa pagsulong ng ekonomiya. Nabatid na bumaba ang underemployment at kahirapan at lumalaki ang kita ng mga mahihirap ng 20 porsiyento o 30 porsiyento na mas mabilis kumpara sa ibang mga bansa. Kung magpapatuloy ang lima hanggang anim na porsiyentong paglago ng ekonomiya, nanindigan ang opisyal na mabubura ang kahirapan sa kasalukuyang henerasyon. Posibleng-posible ang ganitong pagtataya ng opisyal lalo’t kitang-kita sa matuwid na daan ni Pangulong Aquino ang kahalagahan na mapagsilbihan ang publiko at sugpuin ang katiwalian. *** Isa pang nakakatuwang balita ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Abril 2015 kaugnay sa malaking ibinaba ng unemployment at underemployment rates sa bansa dahil sa malinis na pamamahala ni PNoy. Base sa ulat, bumaba sa 6.4 porsiyento nitong Abril 2015 ang unemployment rate mula sa pitong porsiyento kumpara sa parehong buwan ng 2014. Sa underemployment rate naman, bumaba ito sa 17.8 porsiyento mula sa 18.2 porsiyento sa katulad ring mga panahon. Sa nasabing datos, nabawasan ng 243,000 Filipinos ang walang trabaho habang natapyasan ng 44,000 ang mga taong ikinukonsidera ang kanilang mga sarili bilang underemployed. Nakakalat sa 13 mula sa kabuuang 17 rehiyon ang mga manggagawang nakinabang sa masiglang ekonomiya ng bansa kaya naman nagkaroon sila ng mas mabuting oportunidad sa hanapbuhay.
Nakatulong nang husto ang aktibong mga sektor ng serbisyo at industriya sa kabuhayan ng mga Filipino.
Nakatulong ang pagbuti ng lagay ng hanapbuhay sa bansa dahil sa matuwid na pamamahala ni Pangulong Aquino. Hindi talaga tinatantanan ng Punong Ehekutibo ang paghahabol sa tiwaling mga opisyal na nagsamantala sa kaban ng bansa. Nandiyan rin ang patuloy na mga repormang ginagawa ng Pangulo upang lalong mapagsilbihan ang publiko, lalung-lalo na ang mahihirap na mga sektor.
Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/june1915/edit_spy.htm#.VYS2u_lViko
|
Friday, June 19, 2015
Lalo pang sumigla!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment