Makakatugon! | |
REY MARFIL |
Hindi ba’t magandang balita ang pagkakakuha ng Philippine National Police (PNP) sa mahigit sa 200 bagong troop carriers na nagkakahalaga ng P1.8 milyon bawat isa na gagamitin ng espesyal na yunit para mapalakas ang kampanya laban sa krimen.
Ipinagkaloob na sa PNP ang tinatawag na medium patrol jeeps na gawa ng Kia at pinangunahan nina Interior Sec. Mar Roxas at PNP officer in charge Deputy Director General Leonardo Espina ang blessing ng mga sasakyan sa Camp Crame.
Magagamit ang mga sasakyang nagkakahalaga ng kabuuang P397 milyon para sa mabilis na pagtugon ng puwersa ng pambansang pulisya sa iba’t ibang sitwasyon.
Magiging epektibo ang mga malalakas na sasakyan na mayroong kakayahang magpunta sa kabundukan, kabukiran at iba pang malalayong mga lugar sa bansa na sadyang mahirap puntahan.
May kakayahan rin ang isang sasakyan na magsakay ng 10 hanggang 12 katao.
Dahil sa pagtalima ng mga opisyal sa matalinong paggugol ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino, nakatipid ang pamahalaan ng mahigit sa P70 milyon.
Mula kasi sa orihinal na P476 milyong pondo sa Department of Budget and Management (DBM), naging P397 milyon na lamang ang proyekto matapos ang mabusising proseso para matiyak na hindi mauuwi sa katiwalian ang pampublikong pondo.
Ibabalik naman ang sumobrang pondo sa DBM o gagamitin sa pagbili ng iba pang mga pangangailangan ng PNP sa hinaharap.
***
Puring-puri ang mga miyembro ng Filipino community sa Canada sa epektibong liderato ni PNoy gamit ang transparent at mabuting pamamahala.
Matapos makipagkita ang Pangulo sa ating mga kababayan sa kanyang pagbisita doon, ipinagmalaki ni Philippine Consul General Neil Frank Ferrer ang malaking paghanga ng Filipino community dahil sa nakamit na tagumpay sa ekonomiya at kampanya laban sa katiwalian.
Kinikilala rin ng Pangulo sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Filipino community ang malaking kontribusyon ng overseas Filipino workers (OFWs).
Bilib sila dahil walang inatupag ang Pangulo kundi ang pagpapabuti sa kalagayan at interes ng maraming mga Pilipino.
Hiling ng ating mga kababayan na maipagpatuloy pa sana ang magandang takbo ng ekonomiya sa bansa kahit matapos na ang termino ng ating Pangulo.
Asahan nating lalong bubuti ang lagay ng bansa sa nalalabing panahon ng panunungkulan ng Punong Ehekutibo at umaasa tayong maipagpapatuloy ng papalit sa kanya sa kapangyarihan matapos ang Hunyo 2016 ang magagandang bunga ng malinis na pamamahala.
Sa linis ng pamumuno ni Pangulong Aquino, siguradong susuportahan ng publiko ang sinumang mga kandidatong mapipisil nitong papalit sa matataas na posisyon sa bansa.
Nakabalik na sa bansa si Pangulong Aquino at mga kasapi ng kanyang delegasyon noong nakalipas na Linggo matapos ang matagumpay na tatlong araw na state visit sa Canada mula Mayo 7 hanggang 9 at isang araw na working visit sa Chicago, USA noong nakaraang Mayo 6. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/may2515/edit_spy.htm#.VWJN8k9Viko
No comments:
Post a Comment