Friday, March 20, 2015

Tuloy ang programa







                                                                Tuloy ang programa  
                                                                   REY MARFIL



Makatwirang batiin at pasalamatan ang administrasyong Aquino sa desisyong itaas ang pondo para sa conditional cash transfer (CCT) program ngayong taon na nagkakahalaga P64.7 bilyon.

Habang abalang-abala ang pamahalaan sa pag­likha ng karagdagang trabaho, magpapatuloy ang programa na isa sa pangunahing epektibong hakbang upang matulungan ang mga nangangailangan.

Kailangang suportahan natin ang pinalawak na CCT program lalo’t marami nang mga Pilipino ang direktang nakinabang dito para makabili ng pagkain, gamot at makapagtapos ng pag-aaral ang mga bata.

Pinalawak ang CCT program para makinabang ang 4,309,769 na mahihirap na pamilya sa buong bansa.

Dahil sa pinalaking sakop ng programa, tu­tulungan na ring makatapos ng pag-aaral maging ang nasa high school dahil mas malaki ang tsansang makakuha sila ng trabaho.

Bukod dito, matutulungan na rin ng CCT program ang walang mga tirahan at maging mga katutubo sa pamamagitan ng household-based survey.

Sa 2015, inaasahan ng administrasyong Aquino na bubuti ang kalagayan sa buhay ng 50 porsiyento o 2 milyong pamilya sa tulong ng programang CCT at karagdagang 300,000 pamilya naman ang makakapasok sa tinatawag na “self-sufficiency”.

***

Panibagong testamento na naman ng matuwid na daang kampanya ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang parangal na nakuha ng bansa dahil sa isinusulong na Grassroots Participatory Budgeting (GPB) program.

Nanalo ang GBP ng ikatlong puwesto sa 2014 Open Government Awards na iprinisinta sa Open Government Partnership (OGP) high-level event sa New York.

Isang alternatibong paraan ng pagbabadyet ang GPB program kung saan pinapayagan ang mga komunidad at lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga proyektong popondohan na pakikinabangan ng kanilang komunidad at popondohan ng pamahalaan.

Ibig sabihin, binibigyan ng pamahalaan ang mga tao ng kapangyarihan na tumukoy ng mga programa at malalim na makilahok sa proseso ng badyet.

Malinaw na promosyon ito ng transparency sa paggugol ng salapi ng taumbayan.

Tinanggap ni Social Welfare Sec. Dinky Soliman ang parangal kung saan napunta ang dalawang pa­ngunahing parangal sa Denmark at Montenegro, a­yon sa pagkakasunud-sunod.

Noong 2013, nanalo ang Citizen Participatory Audit -- isang joint Commission on Audit-civil society project na sumaliksik sa performance ng pamahalaan -- ng Bright Spots Award sa OGP Summit sa London.

Isang samahan ang OGP na kinabibilangan ng 64 na pamahalaan at internasyunal at nasyunal na civil society organizations kasama ang layunin na palalimin ang kanilang koneksyon.

Obligasyon ng bawat bansang kasapi na maging transparent at accountable ang kinauukulang mga pamahalaan.
Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)
http://www.abante-tonite.com/issue/mar2015/edit_spy.htm#.VQtEeI5c5dk

1 comment:

cheap king size comforter sets said...

Isang alternatibong paraan ng pagbabadyet ang GPB program kung saan pinapayagan ang mga komunidad at lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga proyektong popondohan na pakikinabangan ng kanilang komunidad at popondohan ng pamahalaan.
summer blankets queen size
summer throws for sofas