Positibo! | |
REY MARFIL
Kabilang sa mga mapagpalang resulta sa biyahe ni Pangulong Noynoy 'PNoy' Aquino sa Brunei ang nakuhang paniniyak ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah at iba pang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations na igagalang ang mahigpit na implementasyon ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Si Sultan Bolkiah ng Brunei ang chairman ng 22nd ASEAN Summit ngayong taon. Nangungunang usapin ng mga lider sa ASEAN ang kahalagahan na mapalakas ang kooperasyon sa hanay ng mga bansang kasapi na mapayapang maresolba ang agawan sa teritoryo sa rehiyon.
Bukod sa inaning magandang bagay sa DOC, isinulong rin ng Pangulo ang agarang pagbuo ng Code of Conduct of Parties na mayroong interes sa West Philippine Sea.
Sa isinagawang bilateral meeting kay Vietnamese Prime Minister Nguyen Tan Dung, nabatid sa Pangulo ang pagpapasalamat nito sa kanya dahil sa mga ginagawang hakbang upang palakasin ang relasyon ng Pilipinas at Vietnam.
Nagkasundo ang dalawang bansa na magpakita ng mataas na kooperasyon sa mga lugar na mapagyayaman ang yamang-dagat at mapalawak ang negosyo dahil masisiguro dito ang progreso.
Nakinabang ng husto ang ekonomiya ng bansa at sektor ng tursimo sa positibong pakikipag-usap ng Pangulo sa mga lider na kasapi ng 22nd ASEAN Summit.
Iginiit rin ng mga lider ang kanilang maigting na paninindigan na maging libre ang rehiyon sa mapamuksang armas nukleyar at iba pang sandatang makakasira sa sangkatauhan.
Nawa'y malagdaan sa lalong madaling panahon ang kanilang inaasam na protocol sa Treaty on Southeast Asia Nuclear Weapon-Free Zone (SEANWFZ) at katulad na mga dokumento ng walang anumang alinlangan at kondisyon.
Inaasam rin ng mga lider sa ASEAN ang ganap at epektibong kooperasyon ng ASEAN Institute for Peace and Reconciliation (AIPR) sa Jakarta, Indonesia sa lalong madaling panahon para lalong maisulong ang promosyon ng mga pananaliksik at aktibidad para sa kapayapaan, paghawak at paghahanap ng solusyon sa mga kaguluhan sa rehiyon.
***
Napag-uusapan ang good news, inaasahan natin sa ilalim ng matuwid na daang kampanya tungo sa malinis na pamamahala ni PNoy ang ulat ng Moody's Analytics na nagsasabing "Asia's rising star" ang Pilipinas matapos masustina ang malakas na ekonomiya sa kabila ng nagaganap na pandaigdigang krisis sa pananalapi.
Binigyang-diin ng Moody's Analytics, research unit ng Moody's Investors Service, ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa at malakas na macroeconomic fundamentals kaya naman nananatiling matatag ito.
Isa na namang pagkilala ng internasyunal na lupon ang positibong pahayag na nag-ugat sa matagumpay at makatotohanang reporma na dahilan upang lalong tumaas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan na maglagak ng kapital sa bansa at maibalik ang tiwala ng publiko.
Inaasahang patuloy na aanihin ng bansa ang benepisyo ng naipatupad na positibong mga reporma kung saan pinatutunayan na susi ang malinis na pamamahala sa pagkakaroon ng magandang ekonomiya.
Sa ulat ni Moody's Analytics senior economist Glenn Levine na may titulong "Philippines Outlook: Asia's Rising Star", sinabi nitong mayroong potensyal ang Pilipinas na maging isa sa mga ekonomiya sa buong mundo na magkakaroon ng mabilis na pag-asenso na maaaring lumaki ng 8% sa 2016.
Naniniwala si Levine na mamimintina ng bansa ang malakas nitong ekonomiya na maaaring makapagtala ng gross domestic product (GDP) growth sa pagitan ng 6.5% hanggang 7% ngayong taon at sa 2014.
Kinilala nito ng husto ang malinis na pamamahala ng administrasyong Aquino, paglaki sa halaga ng pamumuhunan ng pribadong sektor at mataas na halaga ng salaping ginugugol ng pamahalaan sa mga proyekto para magtuluy-tuloy ang positibong direksyon ng ekonomiya ng Pilipinas.
Laging tandaan: "Bata mo ko at Ako ang Spy n'yo." (mgakurimaw.blogspot.com)
|
Wednesday, May 1, 2013
Positibo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment