Sana! | |
Nakakalungkot ang nangyaring karahasan sa Lahad Datu sa Sabah na maaari sanang maiwasan kung nakinig lamang si Sultan Jamalul Kiram III sa apela ng administrasyong Aquino na iurong ang kanyang puwersa roon.
'Ika nga ni Mang Kanor: hindi maaaring masisi si Pangulong Noynoy "PNoy" Aquino sa insidente dahil ilang beses itong humingi ng pang-unawa sa grupo ni Kiram na hanapan ng mapayapang solusyon ang problema.
Tama ang Pangulo na mayroong mga paraan para mapayapang maresolba ang krisis at mabigyan ng atensyon ang paghahabol ni Kiram sa lupaing binabawi nito sa Sabah na pag-aari ng kanyang mga ninuno.
Nakakapanghinayang ang buhay na nalagas, matapos magdesisyon ang mga awtoridad sa Malaysia na tapusin ang problema ito'y nagsimula lamang sa pag-uudyok ng ilang indibidwal para itulak ang pansariling interes at kapakanan.
Hindi sana nangyari ang lahat kung pumayag ang grupo ni Kiram sa kahilingan ng Pangulo na bumalik na ang kanyang mga tropa sa Pilipinas para masimulan ang mapayapang dayalogo sa paghahabol ng usapin.
Simula sa umpisa, hangad ni Pangulong Aquino na matapos ang problema nang hindi magreresulta sa karahasan maging kalmado sana ang lahat at hanapin ang ligtas na pamamaraan upang makumbinse ang dalawang magkabilang panig na humarap sa mapayapang pag-uusap.
Tama rin ang administrasyong Aquino na hindi pa huli ang lahat para maayos ang gusot na pinalala ng naganap na karahasan. Sa ngayon, walang ibang option kundi sumuko at bumalik ng Pilipinas ang natitirang tropa ni Kiram lalo pa't hindi paaawat ang Malaysia.
***
Tama si Senador Panfilo "Ping" Lacson sa pagsasabing maganda ang diskarte ni PNoy sa paghawak sa krisis na nagaganap sa Sabah sa kabila ng karahasang nangyayari roon.
Kumikilos ang Pangulo base sa intelligence reports at intelligence assessments na ibinibigay ng intelligence community. Ibig sabihin, mayroong mga impormasyong hindi alam ng publiko o mga bagay na naging basehan ng kaukulang pahayag at aksyon ni Pangulong Aquino sa isyu.
Kailangan ding bumalanse ang Pangulo upang pangalagaan ang pambansang interes, kabilang dito ang usapang-pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at kalagayan ng overseas Filipino workers.
Huwag nating alisin ang posibilidad na mayroong mga grupong nagmamanipula ng isyu para pigilan ang usapang pangkapayapaan sa MILF.
Isipin na lamang ninyo, mayroong mga personalidad na nakitang dumalaw sa bahay ni Sultan Kiram. Hindi mo maiiwasang mag-isip dahil sa kanilang presensya.
Ano ang ginagawa ng ilang personalidad sa bahay ng mga Kiram gayong hindi naman Muslim? At meron ding personalidad ang pumapapel at gustong makabalik sa poder gayong malinaw ang mga ebidensyang pinagkakitaan lamang sa mahabang panahon ang peace talks.
Sa ngayon, dapat tayong kumilos para matapos na ang krisis sa Sabah at mapigilan pa ang karagdagang pagkalagas ng buhay, sa pamamagitan ng pakikipag-dayalogo at hindi sa pagpapakita ng tapang kung wala rin namang pinaghahawakang katibayan na lehitimong pagmamay-ari ang Sabah.
Tanging sa panahon lamang ng pagiging mahinahon, kalmado at pagkakaroon ng magandang-loob dapat pag-usapan ang matagal nang paghahabol ng bansa at pamilya Kiram sa Sabah.
Laging tandaan: "Bata mo ko at Ako ang Spy n'yo." (mgakurimaw.blogspot.com)
3 comments:
Our updates Recent articles:
balenciaga shoes
balenciaga sneakers
golden goose sneakers
kevin durant shoes
adidas stan smith women
yeezy boost
hogan outlet online
nike basketball shoes
jordan shoes
nike kyrie 5
use this link have a peek at this site visit their website see this here This Site read the article
Post a Comment