‘Wag matakot! | |
Rey Marfil
Matuwid at malinis na pamamahala ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang nasa likod ng pagtiyak nitong hindi maaapektuhan ng darating na kampanya at halalan ang serbisyo ng gobyerno na nananatiling pangunahing prayoridad ng kanyang liderato.
Hindi naman ito nakakapagtaka kay Pangulong Aquino na patuloy ang pagsusumikap na maitaas ang kalagayan ng publiko, may halalan man o wala. Kabilang sa mga pangunahing nakamit ng administrasyong Aquino ang panunumbalik ng tiwala ng publiko sa gobyerno at maging ang kumpiyansa ng mga negosyante na maglagak ng kapital. Inaasahan din nating makakatulong ang paggugol ng salapi ng publiko sa darating na Kapaskuhan at halalan para malampasan ang target na paglago ng ekonomiya ng bansa. Mula Enero hanggang Hunyo ng taon, lumago ang ekonomiya ng bansa ng 6.1% dahil sa mataas na tamang paggugol ng pamahalaan at maayos na takbo ng pamumuhunan ng sektor ng negosyo at serbisyo. *** Napag-usapan ang matinong pamamahala, tama ang paniniyak ni Justice Sec. Leila de Lima na protektado at hindi gigipitin ang mga karapatan ng publiko sa ilalim ng Konstitusyon sa ipinapatupad na Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act. Ibig sabihin, walang dapat ikatakot sa pamamahala ni PNoy lalo pa’t kabaliktaran sa nakaraang administrasyon. Siguradong gagamitin ng Department of Justice (DOJ) sa tama ang anumang kapangyarihan at awtoridad na ipinagkakatiwala ng umiiral na mga batas na umaayon sa pamantayan ng karapatang-pantao. Dapat matuto ang publiko sa pamosong pahayag ni “Uncle Ben” na “with great power comes great responsibility” sa kuwento ng Spiderman sa pagharap sa probisyon ng libelo ng Cybercrime law. Si Uncle Ben ang Benjamin ‘Ben’ Parker sa mga kuwento ng Spiderman na tiyuhin at humaliling ama ni Peter Parker, ang alter ego o gumanap sa papel ni Spiderman. Dapat tingnan ang probisyon sa libelo kontra sa ordinaryong usapan sa Facebook at Twitter sa ilalim ng batas na pagpapakita lamang ng responsibilidad ng bawat isa sa kanilang pagpapahayag at hindi paninikil sa karapatan ng publiko na gumamit ng social media. Hindi ko nakikitang mali ang pagkakasama ng probisyon sa libelo sa batas dahil lahat naman tayo ay responsable at may pananagutan laban sa anumang pahayag, lalung-lalo na kung mapanira ito sa mga tao. Kung anuman ang mensaheng ating ilalagay sa Facebook at Twitter, sinisiguro nating hindi ito makakasira sa reputasyon ng sinuman, lalung-lalo na kung wala naman tayong ebidensiya. Kapuri-puri rin naman ang panukala ng administrasyong Aquino na magkaroon ng dayalogo ang lahat ng sektor na apektado ng batas kasama ang DOJ para maresolba ang ilang mga agam-agam sa proseso ng pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Cybercrime. Ipinasa ng Kongreso ang Cybercrime Prevention Act upang sugpuin ang mga kawalanghiyaan at kalaswaan sa Internet kung saan ipinasok ang probisyon sa libelo laban sa mga mapanirang posting sa Facebook at Twitter na bahagi ng responsibilidad ng bawat Filipino. Dapat magsama-sama ang lahat para labanan ang tinatawag na online vandalism at bullying dahil ito ang mapanira sa maraming mga tao. Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”.
(mgakurimaw.blogspot.com)
|
Friday, October 12, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment