Paghahanda! | |
Magandang balita ang pahayag ng European Union na nangunguna ang Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Aquino sa kanugnog na mga bansa sa Timog Silangang Asya sa usapin ng paghahanda at pagharap sa mga sakuna para makapagligtas ng mga buhay.
Nasaksihan ni Ambassador Guy Ledoux ng Delegation of the European Union ang progreso ng Pilipinas kaugnay sa mga progma na may kinalaman sa disaster risk reduction.
Sa katunayan, pinuri niya ang pagkakaisa ng mga lokal na pamahalaan, non-government organizations at mga komunidad para makapagsalba ng mga buhay at mabawasan ang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng mga sakuna.
Sa selebrasyon ng National Conference for Effective Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation Practices kung saan naging tagapagsalita si Ledoux, binigyang-diin nitong kahanga-hanga ang mga paghahanda ng bansa sa disaster risk reduction at climate change.
Sa pahayag ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction, pinakamatinding naaapektuhan ng mga sakuna ang kontinente ng Asya at matatagpuan din sa Asya ang siyam sa 10 nangungunang mga bansa sa mundo na mayroong pinakamalaking bilang ng mga nasasawi dahil sa mga sakuna.
Dinaluhan ang komperensiya ng mahigit sa 100 disaster risk reduction practitioners mula sa tinatawag na high-risk communities sa Regions II, V, XII, CAR at Caraga na kasama sa programa ng EU sa disaster preparedness program.
***
Napag-usapan ang good news, ginagawa ng administrasyong Aquino ang lahat ng makakaya nito upang mapabuti ang ekonomiya ng bansa at makabangon sa kahirapan ang Pilipinas na minsang tinawag na "sick man of Asia".
Ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Cuisia Jr., matagumpay na iprinisinta ni Finance Secretary Cesar Purisima sa isang komperensiya sa Estados Unidos ang positibong macroeconomic developments ng bansa na resulta ng matuwid na daan at matinong pamamahala ng administrasyong Aquino. Mabuting nakamtan ito ng administrasyon na nag-iiwan ng magandang kinabuksan para sa ekonomiya ng Pilipinas.
Pinakamainam pang nangyari rito ang pagsang-ayon ng mga opisyal ng US, kinatawan ng mga grupong nagsasagawa ng pananaliksik, executives ng malalaking mga negosyo, mga kasapi ng media at academe, mga Filipino at Amerikano sa pahayag ni Purisima na umaahon ang Pilipinas.
Ipinagmalaki ni Purisima sa komperensiyang pinamunuan ng Center for Strategic and International Studies at US-Philippines Society at the Capitol Hilton na lalong bumango si Pangulong Noynoy 'PNoy' Aquino para itaguyod ang mga reporma at pagbabago matapos makakuha ng mataas na approval at trust ratings na 78%.
Pinalakas naman kasi ng administrasyong Aquino ang kampanya nito sa matalinong paggugol ng pampublikong pondo, pagmintina ng malakas na macro-economic, tumataas na klima ng pamumuhunan dahil sa malaking tiwala ng mga negosyante sa pamahalaan at pagbawas sa gastusin upang magtayo ng negosyo para tanghalin ang Pilipinas bilang susunod na "tiger economy" ng Asya sa susunod na mga taon at ika-16 na pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo sa pagpasok ng 2050.
Kitang-kita naman ang pag-ahon ng bansa base sa malaking positibong pagbabago sa kalagayan ng Pilipinas sa larangan ng pamamahala at kakayahang sumulong base sa nakuhang ranking sa World Economic Forum at credit rating agencies.
Ipinakita lamang dito ni PNoy na susi sa pagsulong ng magandang ekonomiya ang malinis na pamamahala. Dapat patuloy nating suportahan ang matuwid na daan ng administrasyong Aquino na umaani ngayon ng tagumpay at benepisyo para sa mga Pilipino.
Laging tandaan: "Bata mo ko at Ako ang Spy n'yo". (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment