Binago ni Jun! | |
Tama ang MalacaƱang na laging ipaalala na kailangan ng suporta ng bawat pamilya, komunidad at mga ahensya ng pamahalaan ang paghahanda ng buong bansa lalo na ang Metro Manila sa mga lindol matapos yanigin ang karagatan ng Samar ng malakas na 7.6 magnitude na lindol, halos dalawang linggo na ang nakakaraan.
Dapat naman nating seryosohin ang mga paalala ng pamahalaang Aquino kaugnay sa kahalagahan ng kooperasyon ng bawat pamilya sa paghahanda sa mga sakuna. At mahalagang tumulong din ang publiko sa pagsusuri ng kanilang mga bahay at tanggapan kaugnay sa katatagan ng kanilang mga istruktura.
Sa katunayan, iniutos ng pamahalaang Aquino sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtaya sa katatagan ng istruktura at gusali ng pamahalaan matapos ang naganap na malakas na lindol sa Japan.
Agaran ding tumugon ang mga lokal na pamahalaan sa pagsuri ng kanilang
kinauukulang mga gusali para matiyak na nakahanda ang mga ito sa malalakas na lindol na posibleng maganap.
kinauukulang mga gusali para matiyak na nakahanda ang mga ito sa malalakas na lindol na posibleng maganap.
Dapat tayong magpasalamat sa mabilis na pagtugon ng kinauukulang mga tanggapan ng pamahalaan sa nakalipas na pagyanig kung saan agaran silang nakakuha ng mga impormasyon sa tinamaang mga lugar upang agarang makapagbigay ng tulong.
Mabilis ding kumilos ang mga tanggapan sa rehiyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para matiyak ang agarang pagresponde ng mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na nangangailangan ng tulong.
Nagtungo pa nga si newly-appointed Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, maging sina Social Welfare Secretary Dinky Soliman, Defense Secretary Voltaire Gazmin, at Presidential spokesman Edwin Lacierda sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para lamang tiyakin na agarang matutulungan ang mga lalawigang naapektuhan ng pagyanig.
***
Napag-usapan ang askyon, malaking pagkilala ang dapat nating ibigay sa liderato ni Philippine National Railways (PNR) General Manager Jun Ragragio dahil sa mga repormang inilatag nito sa ahensya, partikular ang pagbubukas ng Bicol line na nagkaloob ng buhay sa dating isinarang ruta sapul noong 2006.
Nangangahulugang nagsisilbi na naman ngayon sa milyun-milyong katao ang hindi napapakinabangang linya ng riles. Alinsunod sa matuwid na daan na kampanya ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino, naitaas ng kanyang liderato ang kapasidad ng South Manila commuter line matapos umabot sa 15.3 milyon noong 2001 ang sumakay na mga pasahero mula sa siyam na milyon noong 2010.
Sa pagsunod sa kautusan ni PNoy na magsilbi sa mga tao, naitaas pa ni Ragrario ang kita nito mula P102 milyon noong 2010 tungong P186 milyon nitong 2011 at napalago rin ang kita sa mga renta mula P138 milyon noong 2010 tungong P163 milyon noong nakalipas na taon.
Mula sa tinatawag na emergency, negotiated o direct contracting procurement system noon, ipinapatupad na ng PNR sa ilalim ng pamumuno ni Ragrario ang pagsunod sa tamang subasta alinsunod sa itinatakda ng batas.
Nabayaran din ni Ragrario ang pagkakautang ng PNR sa Government Service Insurance System (GSIS), PhilHealth, Pag-IBIG at Bureau of Internal Revenue (BIR) na namana nito nang pumasok sa ahensya, ewan lang kung alam ni ex-PNR chief Mike “Tol” Defensor ang problemang ito?
Nakipagtulungan din si Ragrario sa Department of Science and Technology (DOST) para magkaroon ng memorandum of agreement (MOA) kaugnay sa pagkakaloob ng teknikal na pagsasanay sa PNR upang simulan ang produksyon ng lokal na bahagi ng mga tren.
Nagkaroon din ang PNR ng mga MOA sa mga lokal na pamahalaan na dinadaanan ng riles ng tren para matiyak ang kaligtasan ng mga sumasakay at tumatawid.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment